Chapter 10
Chapter 10
Chinito
"Ikaw stress pa?" Wayto asked me with his chinito eyes and dimple.
Mas lalo yata akong na-stress sa kanya. This is so frustrating, I shouldn't have felt this way. Hindi dapat bumibilis nang ganito ang tibok ng puso ko. This is not good, Olbes.
"Hey, Olbes. Ikaw stress pa?" he repeated the question with an innocent look.
How can he easily switch himself from gago into a prince?
Mas lalo ko ngayong napagmasdan si Wayto, his nose, his well-shaped lips, his defined jaws, his eyes and even his new hair cut! The fuckboy hair cut!
Oh gosh, this is terrible.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, marahas kong itinulak si Wayto para lamang lumayo ito sa akin.
"Kinikilig na ako Wayto! Kinikilig na ako sa gago moves mo!" Oh shit!
Kusa nang napataas ang mga kamay ko sa aking labi at nanlalaki ang mga mata kong nakatitig kay Wayto.
He damn heard it. He heard it!
But to my surprise, hindi pagyayabang ang isinalubong nito sa akin kundi isang ngisi lamang.
"I know and I am enjoying it. Late na naman tayo, ikaw wag na arte."
"I was just kidding, duh? Bakit naman ako kikiligin?" hinawi ko ang buhok ko.
"Uhuh? Ang gandang babae mo talaga Olbes,"
"Of course,"
"Lalo na kung nagsisinungaling,"
"I am not lying!"
"Alright, alright. Hindi na ako makikipagtalo sa'yo. I'm in good mood now." Natatawang sabi nito.
"I told you, I was just kidding. Hindi ako kinikilig sa'yo no!"
"Alright," tipid na sagot niya.
"You like my haircut, right babe?" saglit nag-init ang pisngi ko nang muli kong pagmasdan ang gupit niya.
I thought I'll hate the fuckboy haircut forever, but Wayto gives its justice. May pinagbabagayan talaga.
"No," I lied.
"Really?"
"Pang-fuckboy," I lied again.
"Really? You wished for my hairstylist a healthy life."
"Actually, I'm a good Samaritan Wayto."
"Really?" nang-aasar na tanong nito.
"You're too lucky, you got the most handsome boyfriend in town." Umawang ang bibig ko sa sinabi ni Wayto.
Nagkaroon lang siya fuckboy-hair cut 'yong yabang niya mas naging mahal kaysa sa smuggled niyang kotse.
"Lucky? Excuse me Wayto? Mas maraming mas gwapo sa'yo sa Enamel. Like duh? Mas gwapo si Triton." Lagi na lang si Triton ang unang pumapasok sa isip ko dahil maputi ito.
Lilingon na sana ako para tingnan ang asar na mukha ni Wayto nang agad nitong kinabig ang sasakyan.
"Wayto! Oh my gosh, kung hindi ako naka-seat belt--" agad nitong ibinagsak ang pinto ng smuggled niyang kotse.
Lumabas ito at mabilis na umikot sa aking pintuan. He immediately opened the door.
"Out,"
"Anong out? Wala pa tayo sa school."
"I said out!" napapikit ako sa sigaw ito.
"Wayto you're being rude na na--"
"Olbes, out. Hihilahin kita kung hindi ka pa lumabas sa kotse ko." Padabog akong lumabas.
"Nakalabas na! Nakalabas na!"
"Magbiyahe ka mag-isa, tawagan mo ang Triton mo. Triton, Triton, Triton, Triton, Triton, Triton, Triton, Triton, Triton, Triton. Bahala ka sa buhay mo. We're done. I'm breaking up with you! Maarteng babae." Galit na sabi nito at mabilis akong tinalikuran.
"W-What?! Wayto wait!" akma ko na sanang hahawakan ang kotse niya pero pinatakbo na niya ito.
"Wayto!" iritadong sigaw ko sa kanya.
"Wayto! Tang-ina mo! Gago ka talaga!" halos mahalit ang lalamunan ko sa kakasigaw sa kanya.
"Fuck! How I hate Arellanos! Gago! Mas gwapo naman talaga si Triton sa'yo!" sigaw ko kahit alam kong malayo na siya.
Nagmamadali akong nagbukas ng payong at ilang beses akong napamura dahil hindi agad ito magbukas.
"Oh my gosh, my skin." Naiiyak na ako habang pilit kong binubuksan ang payong ko.
"Bakit ba kasi ang pikon niya? Ang pikon pikon niya! Break agad? Break? Gano'n lang? Hampasin ko kaya siya sa ulo?! Gago." Nag-eemote ako nang marinig ko ang pamilyar na sasakyan.
His smuggled car is coming back.
Taas noo akong lumingon sa kanyang puting kotse habang pabalik sa akin. Ilang minuto lang ay bumaba itong muli habang may dinudukot sa kanyang bulsa.
"Babe, alam kong babalikan mo ako." Hindi ito sumagot.
Sa halip ay diretso ang lakad nito at humarap sa akin. Nailabas na nito ang kanyang panyo at ilang beses niyang pinunasan ang noo kong may pawis.
I grinned.
"Break pa rin tayo, babe?" malambing na tanong ko sa kanya.
"Yes," bumaba ang panyo niya sa ilong ko at paulit-ulit niyang pinunasan. Hanggang sa labi ko.
Tinabig ko na ang kamay niya.
"Binubura ko lang ang halik ko, you're not pretty. Maarte."
By that, he returned inside his car and left me abducted.
***
Pawisan ako nang makarating ako sa school. Akala niya susuyuin ko siyang gago siya? No way.
Break? Sure!
Hindi kami nagpansinan ni Wayto sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing makakasalubong ko siya sa loob ng campus, halos makailang beses umikot ang mga mata ko para mairapan siya.
Alam ko sa sarili kong siya ang unang lalapit sa akin. He needs me, may kailangan siya sa akin, hindi siya makakatiis.
Pero mag-iisang buwan na hindi pa rin ako pinapansin ng gagong si Wayto. Yes, hindi siya lumalapit sa akin pero ilang beses ko siyang nahuhuling sumusulyap sa akin.
Ang arte niya, hindi na lang lumapit. I'll forgive him naman, basta sabihin niya lang na maganda ako. Sasagutin ko na ulit siya.
"Autumn, bakit hindi ko na yata kayo napapansin ni White na magkasama? Break na kayo?" lumapit sa akin ang mga kaklase kong lalaki.
Bukod kay Antonia at August, bihira na lamang ang mga kaibigan kong babae. Lalo na sa school na ito.
They were threatened to be my friend, kasi iniisip nila na baka agawan ko sila ng mga boyfriend. I am the typical, mang-aagaw image, the malandi girl, the famous na anak ng politiko, the bitchy cheerleader queen and whatever bad image they called me.
Maybe I got an attitude and slightly maarte, pero alam ko kung paano ilugar ang ugali ko.
I never bothered cleaning my image, kasi sa totoo lang wala rin naman akong balak tumakbo sa politika sa hinaharap.
Karamihan sa mga nakakausap ko ay puro mga lalaki. Pero hindi rin sila mga tumatagal dahil wala pang isang linggo ay nagiging iwas na sila sa akin.
I don't care at all.
Si Wayto lang ang opisyal kong nilandi, kaso hindi rin kami nagtagal dahil gago siya.
"No way, relationship experiment lang. Huwag kayong mga chismoso, we're happy with each other."
Nasa second floor ang classroom ko ngayon na tanaw ang school canteen, lumabas dito si Wayto. Sa third floor ang punta nito, bihira lamang itong gumamit ng elevator kaya mabilis na akong kumuha ng mga libro.
"I'll borrow your books boys. Ibabalik ko later."
I'm tired of waiting. Gagawa na ako ng paraan para pansinin niya.
Huminga ako nang malalim at tiningnan ko ang relo ko, I waited for a good timing before I started stepping down the stairs with pile of books in my arms.
Nang marinig ko ang pagtawa ni Wayto kasama ang ilang boys, pinagpatuloy ko ang paghakbang.
"Oh gosh, it's so heavy talaga."
"Hi Autumn," sunod-sunod akong binata ng mga kasabay niya na mukhang nagtataka na dahil hindi ako pinapansin ni Wayto.
"Hi," I intentionally dropped the books. "Oh shit," tipid lang sumulyap ang gagong si Wayto at nagtuloy ito sa pag-akyat sa hagdan habang halos mag-unahan ang mga kasama niya para tulungan ako.
Fuck. Failed.
Muntik ko nang ibato lahat kay Wayto ang lahat ng librong dala ko.
***
"This is so frustrating, jowable naman ako."
"Linggo-linggo na lang 'yan ang naririnig ko sa'yo Autumn. Ano na naman ang arte nyo ni Arellano?"
"Hindi ako pinapansin, pero sulyap siya nang sulyap sa akin!"
"Baka assuming ka lang?" tanong ni August.
"Hindi, alam kong nagtitiis na lang siyang huwag akong lapitan. Pabebe siya Antonia, nagpagupit lang siya ng pang-fuck boy lalo na siyang naging pabebe."
"Hinaharas mo naman yata kasi girl, ang mga pabebeng katulad ni Wayto dapat nilalambing, ano na naman ba ang ginawa mo at nagalit sa'yo?"
"Sinabi ko lang naman na mas gwapo si Triton sa kanya."
"You said that?" sabay na tanong nila sa akin.
"Yes."
My two friends burst into laughter.
"This is so frustrating talaga, I want Wayto back. Miss ko na ang smuggled niyang kotse, miss ko na ang singkit niyang mata and I damn miss his chinese baby talks."
"In love?" ngising tanong ni Tanya.
"No way, I miss him because I need him. Duh?"
"Whatever!" sabay na sagot nilang dalawa sa akin.
"Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin na kailangan mo kaming dalawa? We plan something again? Malapit na ang house party ni August, we'll invite Arellano."
"Paano kung hindi sumama?"
"We invite the Ferells, sasama si White kapag kasama si Nero. He'll definitely drag him." Umawang ang bibig ni Antonia.
"Bakit pababalikin mo na naman sa Enamel ang mga 'yon?!"
"We need them, look at Autumn. So looked terrible na, mag-iisang buwan na siyang walang halik sa intsik." I rolled my eyes.
"Alright, alright."
Matapos ng usapan namin ng mga kaibigan ko, mabilis kumalat na may pa-house party si August. Kahit hindi sila dito pumapasok, malaki ang koneksyon ng dalawa kong kaibigan.
Dumating na ang house party, ang daming dumating at halos hindi na kami magkarinigan sa lakas ng ingay ng mga tao at music.
"Na practice mo?"
"Yes," dalawang baso ng alak ang mabilis kong ininom para palakasin ang loob ko.
"Nandyan na ba sila?" tanong ko.
"I saw the Ferells, and you know I forgot to send them invitations. They invited themselves. Kasama na nila si White and other pabebe boys. Triton, Ahmed and Belo. The hotties in town are all present and of course with special participation of unpabebe boys, Ferells."
"Wow," nasabi na lang namin ni Antonia.
"Nasaan sila? Why can't see any from them?"
"Kalat na sila,"
Umakyat na sa parang stage si August. She just announced another performance.
"Let's welcome Autumn Stassi Olbes!" nagsigawan silang lahat nang banggitin ng kaibigan ko ang pangalan ko.
Agad hinanap ng mga mata ko si Wayto. Gulat siya nang makita akong may hawak na mic. Nabitin sa ere ang boteng hawak niya.
Nang nagsimula na ang music, sinimulan kong igalaw nang mabagal ang katawan ko.
Simula nang makilala ko si Wayto at sa tuwing naririnig ko ang kantang ito, siya lang ang naiisip ko kahit gaano siya kagago.
Umawang ang bibig niya nang kumindat ako sa kanya at sinimulan kong kumanta.
Napapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa'yo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Balang araw ay, malalaman mo rin
Muli akong kumindat sa kanya hanggang sa ituro ko ito sa kanya. Lalong nagsigawan ang mga tao at pinagtutulakan siya sa akin.
At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako'y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito...
I slowly swayed my body while making a cute face in front of him. I pouted, I twinkled my eyes, I cutely bit my lower lip without taking my eyes off him.
He looked uneasy yet he's forcing himself not to grin and smile.
"Tang ina mo Arellano! Tampo pa kay Olbes!" One of the boys shouted.
"Na-chinito ka tuloy!"
"Uwi na daw Autumn, bati na daw kayo ni chinito!"
"Hindi na makahinga si Arellano!"
Kung hindi inaantok
Kung hindi nasisilaw
Pwede bang malaman ko
May pag-asa pa kayang matanaw
Bakit ba ang pungay ng bintana ng iyong mundo
Isang ngiti mo lang sakin
Ay baon ko hanggang sa pag-uwi
Oh chinito
Balang araw ay malalaman mo rin
Nagpatuloy ako sa pagkanta habang walang tigil sa pang-aasar ang mga tao sa amin. Palapit na nang palapit sa akin si Wayto dahil itinutulak na ito sa harapan ng stage.
Ngumingisi na siya habang naiiling sa akin.
At kung ikaw ay nakatawa
Ako pa ba ay nakikita
Nalilimutan ko ang itsura ko
Kapag kausap na ikaw
Sana naman ako'y pakinggan
At nang ikaw ay malinawan
Dahil nabihag mo ang aking paningin at damdamin
Oh! Chinito... Chinito...
After my last lyrics, someone pushed me from behind. Buong akala ko ay tuluyan na akong mahuhulog.
But for the second time around, he caught me in his arms. Fuck the cheesy scene, fuck the loud noise, fuck the people and fuck the other reasons.
Sabay naming pinasingkit ang aming mga mata dahilan kung bakit kapwa kami napangisi sa isa't-isa.
"Chinito, ako pansin mo na. Bati na tayo." I pouted again.
"Ang arte mo," kusang bumaba ang mukha niya sa akin at muli naming pinaglaro ang mga ilong.
I smiled.
"I missed you, maarteng Olbes."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro