Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Chapter 1

"Autumn, hop in. Sabay ka na sa akin." Maglalakad na sana ako palabas ng subdivison nang tigilan ako ng sasakyan ni Belo.

He's a good guy.

"Sure," mabilis akong umikot at sumakay sa shotgun seat.

"How's your apple stall? Ang balita ko nanggulo na naman si Arellano sa palengke."

Arellano, our province's pain in the ass.

"We're good, the apples were safe. But I think he's hunting me right now."

Ang balita ko, mahalaga ang dapat pupuntahan ni Wayto nang araw na 'yon. But his plans got ruined when yeah, he bit the poisonous apple. Sino ba ang may sabi sa kanya na kagatin niya ang mansanas? Gago siya masyado.

"Sino? Si Arellano? Hey, don't meddle with his business. Hindi ko rin gustong magka-trouble sa kanya. He's a hell of a crazy asshole."

"Yeah, my brother and I hate him so much."

"Of course, he's your enemy." Pansin ko na may pulang rosas sa kotse ni Belo. Lagi ko itong napapansin sa tuwing sumasakay ako sa sasakyan niya.

"For someone?"

"For Lorzano,"

"Oh, si Aurelia? Masarap ang halo-halo niya. Mabait rin siya, siya pala ang lagi mong dinadalhan ng bulaklak? I've been trying myself to ask that." Tipid akong natawa.

"You're not jealous?" I rolled my eyes.

"You're handsome Belo, but you're not my type. I preferred mestizos and innocent looking." Hindi naman kasi kaputian itong si Belo, tama lang.

"You mean you like those two? Si Ahmed at Triton? Mapuputi sila." Gwapo rin naman sila, but there is someone better than those two. Well, para sa akin lang naman.

"Kilala mo ba si Aldus Ferell sa Gyro Nella? He's my long time crush. Mga ganon ang tipo ko, maputi. Mukha rin siyang mabait, parang kalalabas lang niya sa kumbento. He's the loyal type, I guess." He laughed.

"I heard a lot of things about Ferells in Gyro Nella and you're not gonna like it Autumn. Ang layo sa sinasabi mo." Nagkibit-balikat lamang ako.

Ilang minuto rin kaming nag-usap nitong si Belo hanggang sa makarating na kami sa university.

"Thanks Belo,"

"No problem, give me a kiss." Itinuro niya ang kanyang pisngi sa akin.

"Sampal?"

"Kidding," kumindat siya sa akin bago niya marahang inamoy ang rosas na hawak niya.

"Goodluck,"

"Thanks,"

Nagsimula na akong maglakad papalayo sa parking lot, pero pansin ko na may parang nakasunod sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko, alam kong hindi palalampasin ni Arellano ang nangyari sa kanya.

And up until now, I still haven't made up any plan about my brother's agenda. Hindi ganito ang gusto kong mangyari sa una naming pagkakakilala ni Wayto.

Huminga ako nang malalim habang pilit kong pinakakalma ang sarili ko sa yabag na nakasunod sa akin.

I tried to calm myself but the footsteps went faster. Gosh! Balita ko ay wala pa naman respeto sa babae ang Wayto na ito!

"Shit," bulong ko.

"What now? Alam kong alam mong nakasunod ako Olbes. Stop walking, you're not my type." I froze in an instant.

Hinintay ko siyang maglakad papalapit sa akin habang sa tuluyan siyang lumapas at harapin ako.

"Why did you poison me?" suminghap ako sa sinabi niya.

"I didn't poison you, ikaw ang kusang kumagat sa mansanas. I didn't force you."

"You planned it, alam mong dadaan ako sa palengke. You planned everything, balita ko ay tatakbo na naman sa susunod na eleksyon ang lolo mo? Making your move eh?" Nanlamig ako sa sinabi niya.

It was not my move yet, pero alam na niyang may posible akong binabalak sa kanya. He's really the famous wicked White Arellano, na hindi basta-basta mapapaikot sa kamay.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Arellano. I have class." Matalim siyang tumitig sa akin at sinagot ko rin ito.

I composed myself and walked confidently, buong akala ko ay palalampasin niya ako pero naramdaman kong hinablot niya ang braso ko at iniharap niya akong muli sa kanya.

"We're not yet done, Olbes."

"Bitawan mo ako, Arellano. Let's not make a scene here, pinagtitinginan na tayo ng mga estudyante." Tumaas ang kilay nito.

"Why taking everything so long? I am the Arellanos weakness and you're the ace of Olbes, I am open for your monkey business." Suminghap ako sa sinabi ni Wayto.

This damn Arellano, ngayon ko masasabing nananalaytay talaga sa kanyang dugo ang politika.

"Bitawan mo ako, let's have a proper talk after class."

"Deal," he let go of my hand.

Agad itong namulsa at ngumisi sa akin.

"Sumakay ka sa akin pagkatapos ng klase mo."

"W-What? You asshole!"

"I mean sumakay ka sa kotse ko mamayang hapon, we need a proper deal." Kumindat siya sa akin na nakapagpaikot ng aking mga mata.

Sinadya niya ang kanyang mga sinabi. The nerve! Manyakis na gago.

Hindi ka gwapo, Wayto!

Mainit ang ulo ko nang makarating ako sa classroom. Nag-aalangan ako kung sasabihin ko na ba kay kuya na kumikilos na ako, hindi ko akalain na magiging ganito kabilis.

Posible kaya na alam na ng mga Arellano na gagamitin ako ng aming pamilya?

Buong maghapon akong nag-iisip ng dapat kong sasabihin kay Wayto hanggang sumapit na nga ang uwian.

Bumusina ang kanyang magandang kotse sa akin, audi r8. His exaggerated "white luxury car" sikat na sikat ang kanyang sasakyan sa buong university, hindi lang dahil pinaninindigan niya ang salitang white, kundi balita rin na smuggle ito, tsismis na ikinakalat ng may mga may galit sa kanya.

Isa na ako rito. Napakayabang niya sa lahat ng pinaka-kilalang binata sa bayang ito. Triton and Ahmed were already satisfied with their bikes, Belo with his simple car but hell, Wayto and his white luxury smuggled car.

Mabilis akong sumakay habang malakas ang tambol ng puso ko. Seriously, sa kabila ng inis ko hindi ko maiwasang hindi kabahan.

"So where are we going?"

"Somewhere,"

"Don't do something stupid Arellano, hindi mo gugustuhin na magpatayan ang mga pamilya natin hindi pa nagsisimula ang campaign period."

"Yeah, I don't like bloods. It's gross."

Dinala niya ako sa isang simpleng restaurant, hindi na ako nagsalita at hinayaan ko siyang pumili ng para sa akin.

"Let's make this quick, Arellano."

"Just eat first, Olbes."

Fine. Dahil nagugutom ako, kumain muna ako pero alerto ako sa tuwing sumusulyap sa akin si Arellano.

Papaano niya ako nakilala? Maybe he did some background check?

"So may I know your plan?" he asked.

"Why would I tell my plan to an enemy? Guess." Sagot ko.

"You'll make me your toy, you'll infiltrate our family without any effort because of me. That's it, ilalabas ng pamilya niyo ang baho ng mga Arellano hanggang sa manalo kayo sa eleksyon." Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor.

How did this fuck find out? Hindi pa nga ako kumikilos. Nang mapansin niyang nanahimik ako agad lumabas ang ngisi niya sa akin.

His famous chinito eyes and his single dimple made my heart arched for a moment. Hindi ko na nagugustuhan ang paraan ng pagtitig ng kanyang mga mata.

I sarcastically clapped my hand, looking amazed at him.

"Wow, I didn't know that you have this kind of political thinking."

"No, it's a dirty thinking." Kibit balikat na sagot niya.

He leaned against his chair and sipped a small amount of wine.

"Well, did I hit home?" he asked.

"Maybe? What about you? Hindi ako maniniwala na ang mga Arellano ay wala rin plano."

"Well everyone has their own game babe, but it happens that we are both part of it and we're just a piece from a chess match."

"Yeah and I won't make our team lose."

"Not even me," sagot ni Arellano. "Do you want to know our plan?"

"Maybe you got the same? Made me fall in love with you? Get inside my family affairs and yeah, have the information. Every family has a skeleton in their closet Arellano and I am not claiming that my family as clean." Ngumuso siya sa sinabi ko.

"Well, we're actually here to dig each others dark secret." Tumango ako sa kanya.

Kinakabahan na ako sa usapan namin ni Arellano, our own family is involved with this. Hindi pwedeng basta na lamang ako magbagsak ng salita sa kanya.

I tried to play this cool, tulad niya ay uminom rin ako ng wine.

"So let's get this straight Olbes, we proceed to our original plan. Be my girlfriend."

"Sure," inilahad ko ang kamay ko sa kanyang walang kurap.

Pansin ko ang bahagya niyang pagkabigla pero agad rin siyang nakabawi at inabot ang aking kamay.

Natapos kami ng pagkain at hindi na kami nag-usap. He's silently driving.

"Ihatid mo ako sa bahay, sa mismong tapat ng gate namin."

"Sure,"

Kinakabahan ako, this is quite fast. Hindi ko dapat pagkatiwalaan si Wayto.

But I can't run now.

Dumating na kami sa harap ng bahay, pansin ko na halos matulala ang katulong namin na nagtatapon ng basura sa labas nang makilala kung sino ang may-ari ng kotse.

"I'll go now,"

Bubuksan ko na sana ang sasakyan, but he didn't allow me. He grabbed my arms and within a second I felt his lips taking over mine.

Maybe he was expecting that I'll fight back and complain, but I didn't I kissed back eagerly.

Siya ang kumawala nang maramdaman niyang halos idikit ko na ang aking buong katawan sa kanya.

"Woah, I didn't know that you're actually into me." Tinaas ko ang aking kilay at hantaran kong pinahid ang labi ko sa kanyang harapan.

"Don't get fooled Arellano, baka malason ka." Biglang naging seryoso ang mukha niya. His jaw clenched.

"Bye,"

Buong akala ko ay makakawala na ako sa sasakyan niya, but he made a second forceful kiss. It was intense something like giving a punishment. Suminghap ako nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko.

He tightly held my face, kapwa namin habol ang aming paghinga.

"Huwag kang magpupunas ng labi sa harapan ko, Olbes. And yeah, pinaaalala kong hindi lang ikaw ang may lason."

By that he released me in his arms, nagmamadali akong lumabas ng kanyang kotse. Hindi na ito nagtagal at pinaharurot niya na ito.

And yeah, in this game. Talo ang unang malalason.

--

VentreCanard

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro