Chapter Two
This chapter is dedicated to one of my favorite readers @alegnagger
Promise God, magpapakabait na ako. Bigyan niyo lang po ako ng love life. Binabawi ko na yung sinabi ko noon na gusto ko ng mala-Brad Pitt, mayaman, matipuno, mabait at maalagang boyfriend. Kahit average looking na lang, kahit hindi mayaman basta kaya akong buhayin, basta matinong lalaki pwede na. Sige na naman, Lord. Napapaglipasan na ako ng panahon. Ako na lang ang walang pamilya sa amin magkakaibigan. Baka mag-menopause na ako hindi pa rin ako nagkakaron ng boyfriend.
Naalantana ang pagdadasal ko ng may umupong magnobyo sa harap ko. Umakbay ang lalaki sa girlfriend niya at nag-usap pa ang dalaw. Kayo na, kayo na ang may love life. I rolled my eyes. Ginawa pang Luneta itong simbahan. Nag-sign of the cross na ako at tumayo mula sa pagkakaluhod.
Kalalabas ko lang ng simbahan ng biglang tumunog ang phone ko. I rummaged through my bag for my phone. Nang makuha ko iyon ay tinignan ko ang screen, isang hindi pamilyar na number. Naisip ko na siguro nagpalit na naman ng number ang isa kina Rose kaya sinagot koi yon.
"Miss Perez." I heard a voice of a man at the end of the line. Aba, ang bilis naman sagutin ni Lord ang dasal ko.
"Sino 'to?" Tanong ko.
"I'm Seth. Ang may ari ng kotseng binangga mo a few days ago, remember?" He asked. Napasimangot ako. Yung impaktong hambog na iyon! Akala mo kung sino, porque maganda ang kotse niya at gwapo siya at mabangon siya feeling niya pwede niya na akong maliitin. "I'm outside your house."
Kumunot ang noo ko. Nasa labas siya ng bahay ko? "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Stalker ka, 'no?"
Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya. "Dream on, miss Perez. Nasa akin ang driver's license mo kaya alam ko kung saan ka nakatira."
Kaya pala hindi ko makita ang license ko dahil nasa impaktong iyon pala. Naalala kong kinuha pala niya sa akin iyon para tignan pero hindi niya na binalik. Hindi ko na binigyan pansin ang pagkawala ng license ko dahil wala na rin naman akong kotse. Binenta ko na ang kotseng iyon at syempre dahil may sira na lalo pang bumaba ang value. Matagal ko na gustong ibenta ang kotse ko dahil nag-iipon ako ng pera para sa pagpapatayo ng boutique. Pero dahil sa aksidenteng nangyari lalo mukhang malabo pang manyari iyon.
"Ano bang ginagawa mo d'yan?" Tanong ko.
"Kailangan natin pag-usapan ang mga babayaran mo sa pagpaparepair ng kotse ko." Sabi niya. "Where the hell are you?"
I let out an annoyed huff. Gastos na naman! "Hinatayin mo ko. Pauwi na ako."
Ibinaba ko ang phone at tumawag ng taxi. Malapit lang ang bahay ko sa simbahan kaya wala pang sampung minuto ay nakauwi na ako. Nakita kong nakaparada ang isang blue na convertible car sa harap ng bahay ko at nakababa ang hood nito. Prenteng nakaupo ang lalaki sa loob ng kotse. Huminto ang taxi sa harap at napalingon siya sa gawi ko. Nagtama ang mga mata naming at nakasimangot na tinignan niya ako. Binayaran ko ang driver at bumaba ng taxi.
"Kanina pa ako naghihintay dito." He said, getting out of his car. Sa tono ng pananalita niya parang kasalananan ko pa.
"Malay ko bang pupunta ka. Sana man lang, di ba, nagsabi ka?" Inirapan ko siya. "Paano pala kung galling pa ako sa malayo."
"Yeah, nice to see you too, Miss Perez." He said, sarcastically.
Tumaas ang kilay ko. "So, mag-usap na tayo."
"Hindi mo ba ako aayain sa loob ng bahay mo, aalukin ng maiinom?" He said.
"Fine." Umikot na na naman ang mga mata ko. Naglakad ako papunta sa pinto at nakasunod siya sa akin. Nilabas ko ang susi ko at binuksan ang pinto ng bahay. He went inside my house like it was his own and immediately sat on the sofa. Ang antipatiko, mukha ngang mayaman wala naman manners. Tinaas pa ang paa niya sa coffee table ko.
"Pakibaba po ng paa mo d'yan dahil hindi naman yan foot rest." Umikot na naman ang mga mata ko. Mabilis naman niyang ibinaba ang mga paa niya at kumuha ako ng basahan para punasan ang table.
"OC." Mahinang sabi niya.
"Huh?" Napahinto ako sa pagpupunas at nag-angat ng tingin.
"Sabi ko ang obsessive compulsive mo." He rolled his eyes.
"Hindi ako OC" I finger quoted the word 'OC'. "Ang dumi-dumi ng sapatos mo tapos ipapatong mo sa coffee table ko."
"Huhulaan ko, wala kang boyfriend, ano?" He smirked and stood up. Huminto siya sa picture table sa gilid at hinawakan at tinignan ang isa sa mga picture frame doon.
Naningkit ang mga mata ko at sinundan siya. "Keep your hands off my things!" Sabi ko at binawi sa kanya ang picture frame. Inilapag ko iyon sa eksakto niyang pwesto bago kinuha ng lalaking ito.
"That's what's wrong with you. You're too uptight kaya siguro wala kang boyfriend." He said.
Pumamewang ako. "Hoy! Sino ka para pakialaman ang love life ko at sino naman ang nagsabi sayong wala akong boyfriend?!"
"Kung may boyfriend ka bakit wala kang picture niya? Nasaan siya ngayon?" He smiled an annoying smile.
Hindi ako nakasagot dahil wala naman talaga akong boyfriend. I did my best not to pout. Meron bang nakasulat sa noo ko na 'No boyfriend Since Birth' o 'Wala akong boyfriend' na hindi ko na kikita?!
Lalong lumaki ang ngiti ng loko. "How old are you? Twenty-eight, twenty-nine? Sa ugali mong yan, hindi tatanda kang dalaga. Nobody wants an OC nagger for a girlfriend. You're going to be one of those crazy cat ladies stroking their pussies and wishing someone was stroking theirs!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng lalaking ito! Mahabaging Diyos! It sounded so obscene. "Bastos! Wala kang modo! Dapat sa'yo pinagmumumog ng holy water!"
Tumawa ang lalaki. "Chill, I was just kidding."
"Chill? Chill mo mukha mo! Upo, umupo ka dun!" Inis na sabi ko sabay turo sa couch. Natatawang naglakad ang hudas pabalik sa couch at naupo. "Pag-usapan na natin ang dapat pag-usapan para makaalis ka na dito."
"Hindi mo muna ba ako aalukin ng coffee." Tanong niya.
"Wala akong coffee. Hindi ako mahilig magkape."
"Who doesn't have coffee in their house?" Tinignan niya ako na parang hindi siya naniniwala.
"Ako. I'm a tea person. Ayoko ng kape. Mahilig ako sa mga tea-tea." Taas ang kilay na sagot ko.
He grinned as he nodded his head. "I see. Yan naman talaga ang gusto ng mga babae... Masarap naman ba ang mga natitikman mo?"
Why was this idiot grinning? May nasabi ba ako? Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang huling sinabi ko. Well, that came out wrong... "Ang dumi ng isip mo!" I got a throw pillow at hinagis ko iyon sa kanya. Mabilis niyang nasalo iyon bago pa tumama sa kanya. "Bastos ka! Lumayas ka dito!"
Lalong lumakas ang tawa niya. "Hindi mo ako pwedeng palayasin dahil kailangan pa natin pag-usapan ang mga kailangan mong bayaran sa akin. Why don't we just go to a coffee shop and talk it over some coffee? You can have your tea-tea there."
Namula ang mukha ko. This mouth of mine! "Fine..." I said. Mas magandang sa coffee shop na nga lang naming pag-usapan ito dahil baka hindi ako makapagpigil at kumuha ako ng kutsilyo sa kusina at isaksak iyon sa lalaking ito.
"Ano?! Four hundred thousand pesos?" Halos mabuga ko ang tea na iniinom ko ng marinig ko ang halaga ng kailangan kong bayaran sa sira ng kotse niya. Pwede na akong makabili ng bagong kotse sa halagang iyon. "Tell me your kidding. Halos nadaplisan nga lang ang kotse mo."
"Do you have any idea how much my Lamborghini costs? And it's limited edition." Sabi niya. "Kung hindi mo kayang bayaran iyon then I suggest you hire a lawyer. Ipadadala ko sa'yo ang bill ng lahat ng ipinagawa ko sa kotse bilang katibayan."
"Sandali, baka pwede naman natin pag-usapan yan. Meron naman akong naitagong konting halaga sa bangko. Ibabayad ko sa'yo iyon lahat."
"How much do you have?" His brow arched.
"One hundred thousand pesos pero huhulughulugan ko naman yung kulang. Bigyan mo ko ng mga five years." Sabi ko.
"You're really going to need a lawyer." He nodded his head.
"Seth!" Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Please, Seth... pag-usapan natin ito. Pwede akong magtrabaho sa'yo habang hinuhulugan ko yung utang ko sa'yo."
"Hmm..." He looked at me, scanning me from head to toe. His eyes paused on my chest and I felt the urge to cover my slightly exposed cleavage. Ngunit bago ko pa nagawa iyon ay ibinalik niya ang tingin sa mukha ko. "Handa ka ba tumanggap ng kahit anong trabaho?"
Napalunok ako. "A-ano bang trabaho ang iniisip mo?"
Baka naman pimp pa ito ng mga high class na bayarang babae.
"You'll be working for me." Tumaas ang isang sulok ng labi niya.
"Ano ngang trabaho?" Pilit na tanong ko.
"Malalaman mo kapag sumama ka sa akin." He said in a low voice. "Sa katunayan niyan, may trabaho na nga akong ipagagawa ngayon sa'yo. Gusto mo bang sumama sa akin?"
I hadn't realized I was already nodding my head. Hindi ko alam kung dahil iyon sa nakakaakit na boses niya o ano. It was so hypnotizing, so alluring. Nang mapapayag niya ako ay mabilis kaming umalis sa coffee shop papunta sa kotse niya. Nakaupo na kami sa kotse niya and he was about to start the car ng hawakan ko ang braso niya.
"Sandali, sa- sa'yo lang ako magtatrabaho, di ba?" Paninigurado ko.
"Sa akin lang. Tayo lang dalawa." He smiled. Dahan-dahan kong binitiwan ang braso niya at napabuntong-hininga.
He started the car. I chewed on my lower lip as I gazed at him, his eyes fixed on the road. Kung ang iniisip ko nga ang gusto niyang mangyari, hindi na masama. He was a drop-dead handsome man, maganda ang katawan... Pasimpleng humugot ako ng hininga para maamoy siya, yummy... Sino ba naman ako para tumanggi? Baka ito na lang ang chance ko para ma-experience ito. Baka nga tumanda na akong dalaga pero at least nakatikim naman ako ng 'luto ng Diyos' na sinasabi nila. At sa gwapong lalaki pa.
Lord, patawarin niyo po ako sa gagawin ko.Babae lang ako, marupok. Mahinang dasal ko. Biglang tumingin sa akin si Seth.
"Ready ka na ba?" Tanong niya at hinawakan ang isang kamay ko. Alam kong naramdaman niya ang panlalamig nito dahil sa nerbyos.
Tango kanga ng naisagot ko.
Ipinasok niya sa parking lot ng condo ang kotse niya. It was a high-end condo, halatang puro mayayaman ang mga nakatira. Sumunod ako sa kanya papasok ng building at sumakay kami sa elevator. Inakbayan niya ako at bumaba ang mga labi sa tainga niya.
"Ihanda mo ang sarili mo. Papagurin kita." He whispered to my ear.
"Seth..." I sighed.Oo, ninenerbyos ako pero mas excited ako. Huminto ang elevator sa floor na pinindot niya at lumakas ang kabog ng puso ko, halos marinig ko na nga ito. We stopped at that one and only door on that floor. He got out his key and pushed the door lever down and the door opened. Nauna siyang pumasok at parang napako ang mga paa ko sa labas ng pinto niya. Lumingon siya sa akin ng mapansin sigurong hindi ako sumusunod sa kanya.
"Halika na." He said and took my hand. He shoved me inside his unit and in front of him. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at binulungan, "Gusto mo bang matikman ang tea ko?"
"Seth..." That was all I could say.
"Gusto mo ba, Marian?"
"Oo..." Mahinang sagot ko.
"Kumuha ka sa cupboard. Pagkatapos nun, linisin mo na ang buong bahay." Sabi niya at binitawan ako. He opened the lights at nakita ko ang kalat sa buong unit niya. He walked past me laughing like a maniac. Napaawang ang mga bibig ko sa gulat at namula ang mga pisngi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro