Kabanta 23
Abala si Aurora sa paghahalo ng mga sangkap. Maingat na binitawan ang mga dahon. Pinipigilan niya ma iyak dahil pag nagkataon na tumulo ang luha sa hinalo niya na gayuma ay mag iba ang epekto.
Samantala pinag masdam lamang siya ng binata. Pinag aralan ang bawat kilos nito. Maraming siya natutunan na ngayon lamang niya nalaman.
Balak ng binata mag insayo ngunit mas pinili niya na panoodin na lamang
Napansin ng binata na hindi pang karaniwang ang gagawin ni Aurora na gamot dahil nag simula na ito gamitin ang elemento.
'Ano klaseng Potion yan? Bakit kulay pula?' Lamang ng isip ng binata.
Parang sumayaw si Aurora sa kaniyang bawat kilos. Ang huling sangkap na ihalo ang tipak na yelo. Sa pag lapat nito sa hinalo ay umitim ang tipak na yelo bago pa man ito na tunaw.
Umusok ng kulay itim, mabango ang amoy ngunit nakaka antok kung pag tuonan ng pansin ang amoy.
May binanggit na hindi maunawaan na wika na ngayon lamang narinig ni Ziwin. Nanliit ang tingin ng nilagay na ito ni Aurora sa sisidlan.
"Susubukan ko kung anong epekto nito," kinakabahan saad habang titig na titig si Aurora sa hawak niya na sisidlan.
Ininom niya ng dahan-dahan upang malasap ang lasa. Napa pikit na lamang si Aurora na malasahan ang subrang pait na ma anghang. Namula ang mukha sa subrang pag init ng dila.
Napatalon talon sa subrang init nadarama ang puso na parang sinunog na para walang bukas.
"Tubig!"
Nag madali tumakbo si Ziwin pa lapit sa Kawayan na baso. Palihim niya ginamit ang elemento ng tubig. Binigay niya kay Aurora habang pigil na tumawa.
"Ang init hindi ko kaya." Sabay tinanggap ang kawayan baso.
Agad nilunok ang malamig na tubig. Nang dumaloy ito sa kaniyang ugat padaan sa puso biglaan na lamang siya nag yelo.
"Aurora ayos ka lang? Mukhang hindi ka nag tagumpay sa pag gawa ng sariling mong gamot sa halip napa hamak ka pa."
Natunaw ang yelo bumalot kay Aurora. Habol hininga habang tinakpan ang bibig. Umikot ng dalawang beses upang pataasin ang temperatura ng lamig sa loob ng katawan.
"Aurora?"
Umayos muna ito ng tayo saka inilahad ang dalawang palad. Unting unti nabuo ng niyebe sa palad saka nilagay niya ito sa buhok upang mabawasan ang pag sakit ng ulo.
"Nag ta-ta," hindi makapag salita ng maayos dahil sa hindi maunawaan na labis na pag ka sabik.
"Aurora ayos ka lang? Huwag kang malungkot. Subukan mo na lang ulit sa sunod na araw."
Nagsisigawan si Aurora na parang baliw. Binatukan siya ni Ziwin na ikinatigil ito.
"Pasensya ka na Ziwin nakalimutan kita. Sa subrang saya ko hindi mapigilan nagulat. Nag tagumpay ako!"
"Ano? Paano?" Takang sagot.
Huminga ng malalim. Lumakad pa lapit sa bintana saka tumango tango habang nakatingin sa madilim na kalangitan.
"Ang gamot na gawa ko ay isang uri ng A Class. Tatawagin ko ito na Pain Reliever. Ang Pain Reliever ay isang hindi pang karaniwang potion. May kakayahan ito hindi naramdaman ng isang nilalang ang sakit ng kaniyang sugat."
Nanlaki ang mga mata ni Ziwin sa pag ka bigla. Hindi niya lubos ma isip na magagawa ito ni Aurora. Ang akala lamang niya ay pang karaniwang lamang sa pag gamot.
"O ito sa'yo." Sabay hagis kay Ziwin ang maliit na bote na kulay pula.
Nasalo na man niya ito. Gusto niy subukan ito. Nag madali tumakbo palabas ng bahay.
"Mag insayo na ako!"
Huminto siya sa harap ng puno. Lumikha siya ng rock knife saka dahan-dahan hiniwa ang pulso.
"Aray ko!"
Subrang hapdi, napakagat ng ibaba ng labi si Ziwin. Ininom niya ang Potion. Makalipas ang ilang segundo hindi na niya naramdaman ang sakit.
"Magaling! Sa tulong nito pwede na ako mag insayo kahit nagkaroon pa ako ng sugat maaari kong ipag patuloy ang pagsasanay."
Lumikha siya ng clone upang ito ang patamaan ng mga likha niya sa elemento ng tubig na atake. Mas pinalakas niya ang binuhos na enerhiya sa taong bato.
Pinag masdam ng mabuti ang bawat kilos ng taong bato. Wala itong sariling isip. Kung sakali aatake si Ziwin. Ang tangi lamang nitong magagawa ang saluhin ang atake pinakawalan ng binata.
"Water Ball!"
Pinakawalan ni Ziwin ang munting bolang tubig. Nang tumama ito sa taong bato. Hindi man lang ito na apektuhan.
Muli naman siya lumikha ngunit pareho lamang ang resulta na kaniyang atake. Hindi tumigil si Ziwin na paulit-ulit lumikha ng Water Ball kahit namula ang palad. Nag simula na ito mag kadugay sugat dahil sa pag pumilit at hindi kontrol ang nilabas na enerhiya na uwi s pag bagsak niya sa malamig na niyebe.
Nag laho ang taong bato nang pumikit si Ziwin. Napangiti ng mapait. Ngiti ng isang kabiguan. Kahit ganon pa man naniwala siya na balang araw makokontrol niya ang elemento ng tubig.
Hindi madali sa tulad niya na sanay sa elemento ng lupa. Ang tubig kailangan niya pag tuonan upang maka likha ng malakas na enerhiya nakapaloob a water ball.
"May bukas pa. Bukas ko ulit susubukan."
Sa pag mulat ng mga mata bumangad sa kaniya ang buwan. Muli na naman siya pumikit dahil sa kakaibang liwanag ng buwan na masakit sa kaniyang mga mata.
'Ziwin huwag ka tumingin sa buwan mawawalan ka sa kontrol. Pag nagkataon baka masira mo ang mga pananim ko.' Rinig niya sa isipan ang boses ng Golden Ey.
'Hindi ko man alam kung bakit nangyari sa'kin. Maraming salamat sa babala mo.' Lamang ng isip ni Ziwin.
Bumangon si Ziwin saka yumuko. Marami katanungan sa kaniya sarili ngunit hindi niya alam ang sagot.
Napasigaw siya nang biglaan kumirot ang kanang ng saglit. Dahan-dahan nilapit ang palad sa kanang mata. Nang dumanpi sa mata ang palad.
Dahil sa Potion na ininom hindi naramdaman ni Ziwin ang matinding sakit sa kata ngunit patuloy pa rin sa pag agos nito.
"Ang init?" Sabay tiningnan niya ang palad nito.
"Dugo?"
'Ziwin huwag abusihin ang iyong sarili. Sa tuwing dudugo ang iyong kanang mata. Lumagpas ka sa iyong limitasyon sa pag gamit mo.' Rinig niya muli sa isipang ang tinig ng Golden Ey.
"Maraming salamat," bulong niya sa hangin.
Nasa harapan na si Ziwin ng pinto. Bumukas ang pinto at bumangad si Aurora na subrang nag alala nang makita ang dugo sa mata.
"Ziwin? Angyari sa'yo? Pasok gagamutin kita."
Pumasok si Ziwin saka umupo. Sinara ni Aurora ang pinto. Hinugot nito ang libro sa kaniyang mahigang bag.
Palipat lipat ng pahina hanggan sa huminto ito. Kinuha naman niya ang hugis bituin na bote na kulay berde.
Nag madali lumapit kay Ziwin. Binuksan ang bote saka binuhos sa ulo ni Ziwin.
Nag hilom ang mga sugat at pag tigil sa pag dugo. Isa na naman A class Potion ni Aurora.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro