Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9


Ziwin Point Of View

Isang araw na ang lumipas nalagpasan ko ang pag subok ni Emo. Narito ako ngayon sa damuhan nag iisa habang kumain ng prutas. Kinulit ko kanina si Emo tungkol kung sino ang sunod na magsasanay sa aking ngunit bigo ako malaman.' Ang sarap ng prutas na ito, gusto ko pa kumain.' Tumayo mula sa pagkaupo habang palinga-linga sa paligid pero bigo akong makita ng bunga sa kahit anong uri ng punong prutas naririto sa palibot ko.

'Hindi bale  maghahanap na nga lang ako ng panibagong tambayan. Kainis na ubos ng masungit ng Crown Monkey kanina lahat ng prutas.'

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin ko mahanap na prutas halos mga punong kahoy lamang ang naririto. Napahinto ako nang naramdaman ko ang malakas na enerhiya mula sa akin ulunan, napa tingala ako sumalubong sa'kin ang dalawa Rock Blade mabilis ako umikot pakaliwa at bumagsak sa'kin harapan ang dalawang rock blade na tumama malapit sa paanan ko.

Tumalon ako pabaliktan nang naramdaman ko sa lupa may paparating hindi nga ako nag kamali doon tumama ang dalawang rock blade kasabay lumapag ako sa lupa. Palinga-linga ako sa paligid nag baka sakali nasa paligid lamang ay may gagawan nito. Pinulot ko ang apat na rock blade ngunit napansin ko sa dulo tila may isang maliit na bilog bato kasing laki lamang ng perlas, mabilis ko hinagis ito sa puno kasabay sumabog ngunit hindi lamang basta-basta sumabog tulad ng apoy kung hindi rumami ang rock blade. Halos lahat ng ito ay nakalutang sa eri ngunit nag si bagsakan ito.

Ang akala ko ay tapos na ngunit nag kakamali na naman ako. Mabilis lumutang ito eri , sa isang iglap ay sabay bulusok patungo sa'kin. Pinadyak ko ng mahina ang lupa ng apat na beses sabay na umangat ang lupa na pumalibot sa'kin at doon lamang tumama ang rock Blade. Sunod-sunod na pag sabog hanggan sa hindi ko nakayanan panatilihin matibay ang earth wall.

Nanlaki ang mga mata nag unti-unting na bitak ang earth wall ko hanggan sa tuluyan na ito na wasak. Maalikabok ang paligid na sanhi na pag ubo ko,  iwinasiwas ko ang kamay sa eri na pag kawala ng alikabok.

"Sino ang nandyan sa likod ng puno? " wala akong natanggap na sagot sa halip may tumulak sa'kin na muntik na ako nadapa mabuti na lamang ay na itukod ko ang dalawang kamay at tuhod. Pag lingon ko wala naman. Tumayo ako habang palinga-linga sa palibot, may na pansin ako mabilis na tumakbo sa harapan ko ngunit hindi ko maaninag.

Umikot ako pakanang saka talon sabay hagis ng earth ball. Sa hindi malamang dahilan na durog ang earth ball ko nang dumaan ang pigura. Bago pa man ako makatapak sa lupa may bumulugsok na puyal na likha sa purong bato, huli na para iwasan ito. Napakagat ako sa ibaba ng labi ng tumama sa'kin ang puyal sa kaliwang binti ko. Pagkatapak ko sa lupa na pa upo sa subrang sakit ng sugat ko. Akmang hihilahin ko ang puyal nakasaksak sa'kin binti may panibago na naman puyal na bumugsusok patungo sa kanang binti ko. Agad ako nag pag pagulong-gulong pakanan. Huminto ako nang masiguro ko na walang aatake ay dahan-dahan ako bumangon. Naliligo na ako sa pawis ko.

Napasigaw ako ng may tumama sa mag kabilang kamay ko na puyal na likha sa bato. Umagos ang dugo ko kasabay ang paka parasalido ko.

Lumitaw sa'kin harapan ang nakatalikod na lalaki, mabalahibo ang katawan tulad ng monkey, may hawak na espada na likha sa bato, may suot na kurona, at higit sa lahat ang malakas na enerhiya na bumalot sa buong niyang katawan.

Sa pag harap nito sa'kin nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala ang nasa harapan ko ngayon ay kasama ni Emo, kung ganon siya ang sunod na magsasanay sa'kin. Akmang ibubuka ko ang bibig nang huminto ito.

"Magaling ang ginawa mo Ziwin ngunit kulang ka sa bilis, itinuro sa'yo ni Emo ang pag kontrol sa elemento. Ako nga pala si Aram ang magtuturo sa'yo sa pag  likha ng sandata at pakig paglaban na gamit ang kahit anong uri ng sandata na likha mismo ng elemento mo."

"ka-"

"Tawagin mo na lang ako Aram.  Napansin ko sa iyo Ziwin subrang bagal mo kumilos kahit sa pag likha ng taktika at hindi ka nag iisip sa bawat atake mo na gagawin laban sa kaaway."

Sa kumpas ng kaniyang kamay ay nakahinga ako ng maluwag nang maka kilos ako.

"Hindi ako mabagal Aram sadyang mabilis ka lang kumilos halos hindi ko na masundan ang bawat kilos mo kahit sa pag hagis mo sa'kin ng rock blade hindi ko masabayan."

Dahan-dahan hinawakan ni Aram ang punyal sa mag kabilang kamay ko saka biglaan hinila na labis ko napasigaw sa subrang sakit. Nag laho sa kaniyang kamay ang rock blade. Hinila niya ang punyal sa binti ko napa sigaw naman ako ulit.

"Masakit ba? Hindi lang yan ang sasapitin mo sa'kin. O nga pala ngayon mag simula ang pag insayo mo."

Napasimangot ako dahil hindi man lang ito naawa. Dahan-dahan ko ipanatong ang dalawang palad ko sa kaliwang binti. Nag pukos ko na padaluyin ang enerhiya na mula sa water gem nasa loob ng katawan ko. Nag liwanag ang kamay ko kasabay ang unti-unting pag hilom ng sugat ko.

"Unang pag insayo pag likha ng sandata na likha ng elemento mo. Ikalawang pag insayo ang bilis sa pag likha at pag kilos, at pang huli ay labanan ako gamit ang sandata lamang. Hanggan sa muli."

Nag laho ito hindi man lang hinintay na mag salita ako, kainis. Tatlong minuto na lumipas na mag simula ako mag sanay na lumikha ng earth knife ngunit bigo ako dahil malambot ang lupa na likha ko. Ilang beses na sinubukan ko lumikha sa kasamaan palad ay bigo ako.

Sa subrang inis ko, hindi ko namalayan lumikha ako ng earth  swords. Napatalon ako sa gulat sa subrang saya sinubukan ko ito gamitin pag putol sa punong kahoy ngunit na bali lamang ito.

Hindi matibay ang na likha ko, na perpekto ko nga ang earth sword pero hindi sadya. Hay naku nagugutom na ako.

Emo Point of View

Muntik na mamamatay ang binata kung hindi na gamot ni Aram sa pamamagitan ng kaniyang luha. Napalingon ako sa malaking bato na kung saan naka upo ang temple monkey. Kainis bakit kaya siya narito?

Balak ko pa naman sana lapitan siya ngunit na nag salita ito kaya na napahinto ako.

"Sabihin mo sa'kin Emo. Ang taong iyong ang papasahan niyo ng kapangyarihan bago lumisan?"

Hindi na ako sumagot sa halip yumuko habang inaalaala ang tungkol sa patakaran sa tulad namin.

"Hindi ka makasagot dahil tama ako. Kung ganong sa kaniya ko din ipapasa ang kapangyarihan ko. Hindi na ako makapag hintay na lumisan sa mundong ito Emo."

May mga patakaran na kailangan sundin namin kahit labag man sa kalooban ay hindi ito pwede talikuran na lamang. Siguro sapat na ang amin ginawa para gampanan ang isang tungkulin at ngayon ang huli.

"Hindi ko na kailangan sanayin ang taong iyon, tinuruan na siya ni Aram sa sandata. O nga pala sabihin mo ako kung kailan niyo ipasa sa kaniya."

Sa pag ihip ng hangin ay kasabay nag laho ang temple monkey.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro