Kabanata 8
Nahihirapan ang binata sa kaniyang kalagayan na kasalukuyan nasa loob ng ilusyon. Nakatayo sa gitna ng kadiliman habang palinga-linga sa paligid ngunit walang siyang makita kung hindi puro dilim. Makalipas ang ilang minuto ay dahan-dahan nag liwanag ang paligid sa hindi malaman kadahilanan ay kusang pumikit ang kaniyang mga mata na tila na may kontrol. Biglaan nanginig ang buong katawan ng binata nang narinig ang iba't ibang ingay sa paligid na sanhi na pag sakit ng ulo.
Sa pag dilat ay bumangad ang watak-watak na kalupaan na parang dinaanan ng bagyo. Halos nanlaki ang kaniyang mga mata na makita sa hindi kalayuan nakipag laban ang kaniyang lolo sa isang lalaki na balot ang katawan ng pilak na baluti. Nanliit ang kaniyang tingin ng napansin niya sa likuran ng matanda ay may batang karga sa likuran na tinalian ito ng itim na tela at balot ng puting tela ang boung katawan ng bata. 'Ang batang iyong ay nasa isang taon gulang pa lamang. Parang kamukha ko siya... hindi kaya ako iyong?' lamang ng isip ng binata.
“Bravo nasaan ang anak ng Head Family?”
Hindi makasagot ang matanda sa halip nag laho ito kasabay ang dahan-dahan pag bago ng paligid, bumalik muli sa kadiliman. Sa pag lingon mg binata mula sa kaniyang likuran ay kasabay nag bago ang paligid. Bumangad sa kaniya ang nanghihina na Crown Monkey, hindi nag dalawang isip ang binata lumapit dito. Bago pa man siya makalapit sa babaeng Crown Monkey ay napalingon siya sa kaliwa. Napaatras ng bahagya na makita ang nakatali na matanda sa putol na puno na kasalukuyan nasusunog.
Lumitaw sa harapan ng binata ang hindi kilalang lalaki na may hawak na espada na Uncommon. Masama nakatitig sa kaniya ang lalaki saka ngumiti na parang bang nasasayahan na makita na apektuhan ang binata sa nangyari. Hindi mapigilan ng binata na tumulo ang luha, subrang na apektuhan siya sa sitwasyon ito.
“Apo tulungan mo ako, pakawalan mo ko dito,” naiiyak na wika nito.
Napalingon siya dito, gusto niya tumakbo upang yakapin ang kaniyang lolo ngunit hindi niya nagawa dahil hindi niya ma igalaw ang katawan. Tumingin muli siya sa lalaki. Itinaas nito ang espada na hawak nito na handa na siya patayin ngunit huminto nang nakita ang natatakot na binata. Humalakhak ito na parang bang kaaya-aya as kaniyang paningin ang ganitong eksena.
“Ziwin tulungan mo ako, ayaw ko pa mamamatay.”
Hindi pinansin ng binata ang sinabi nito sa halip ngumiti saka dahan-dahan humakbang pa lapit sa lalaki kahit hindi niya kaya igalaw ang buong katawan ay pilit niyang sinubukan kahit malabo ngunit sa kabutihan palad ay nag tagumpay.
“Ayan ang gusto ko. Magalit ka pa! Pumili kana sino ang ililigtas mo sa kanila Ziwin?”
“Tumahimik ka!” galit na galit ang binata wala na ito sa katinuan. Nakalimutan nito na isa lamang ilusyon ang kinakaharap niya na problema.
“O ano Ziwin? Mag pasya kana habang nasasayahan pa ako panoodin ka na umiyak,” patawang wika nito.
“Tulungan mo ako apo!”
“Ziwin ako ang tulungan mo. Huwag iyong lolo na matagal ng patay.”
Hindi makapag pasya ang binata sa subrang kalituhan napa sa bunot na lamang ito sa sariling buhok.
“Kung ayaw mong mamili.” Sa isang segundo nag laho ang lalaki sa harapan ng binata at lumitaw ito sa harap ng crown Monkey walang alinlangan na sinaksak sa ulo na sanhi na pag ka patay ng Crown monkey.
“Emo patawad!”
“Iiyak ka na lang ba Ziwin? Kahit kailan ang hina mo, dahil sa iyo maraming namatay. O ano lalaban ka?”
Mabilis na hinagis ng lalaki ang hawak nito na espada kaunti na lamang ay tatama na ito sa kaniyang leeg mabuti na lamang ay tumagilid sabay atras ng dalawang beses. Nag laho ang lalaki, sumulpot sa likuran ng binata sabay suntok sa likod nito ngunit bago pa man tumama sa kaniya ang nag aapoy na kamao ay mabilis na umangat ang tinapakan nito na lupa.
Pinagsusuntok ng lalaki ang lupa na ikinawasak nito, napangisi nang nakita na wala sa sarili ang binata.
“Emo patawad kong hindi kita na iligtas.” Bago pa man ito maka hakbang pa lapit sa matanda ay nagawa siyang pigilan ng lalaki sa pamamagitan ng fire wall.
Ikinumpas ng binata ang dalawang kamay upang makalikha ng earth wall ngunit nasusunog lamang ito ng fire wall ng kalaban.
Muli ikinumpas ng binata sabay talon sa eri pag basag sa lupa ay agad niya hinampas ang kaniyang kamay sa lupa. Isang malakas na hangin ang kaniyang nagawa na dahilan na pag ka sira ng fire wall.
Itinutok ng kalaban ang dalawang palad sa binata kasabay nag pakawala ng apoy dahil sa gulat at tumalon ang binata pabaliktad, lumapag sa lupa saka lumikha ng fire wall sa harapan ngunit sumabog kaya hindi nag dalawang isip na mag pakawala ng earth energy upang labanan ang apoy nito, ikinumpas nito ang kaliwang kamay kasabay na buo ang earth wall ngunit agad naman ito pinatamaan mg fire ball.
Nawala sa pukos ang binata dahil sa nangyari na kaniyang ikinabasag sa lupa na habol hininga habang nahihirapan huminga. Napangisi ang lalaki habang hindi nag dalawang isip na mag pakawala ng malaking apoy na tumama sa kaawa-awang binata. Nagsisigaw ang binata habang dahan-dahan naging abo ang ibang parte ng katawan.
“Ang bilis naman na talo. Ngayon isusunod ko na ang matanda.”
Bago pa man makagawa ng plano ang kalaban ay hindi niya namalayan may dalawang kamay sa kaniyang paanan na mula sa ilalim ng lupa. Isang iglap ay mahigpit na hinawakan saka buong pwersa na hinila pababa kasabay ang pag lambot ng lupa, nang hanggan tuod na ito sa ilalim ng lupa ang nalibing ay mabilis binitawan ng binata saka umalon ang lupa sa mag kabilang direksyon ngunit isa lamang ang papatunguhan nito walang iba kung hindi sa kalaban.
Kahit anong gawin ng kalaban ay hindi nakawala hanggan sa tumama sa kaniya ang mga alon. Sunod-sunod na pag sabog ang naganap na sanhi na umasok ang paligid.
Sa kumpas ng binata ay humupa ang usok, nakaluhod si Ziwin habang tinalian ang kaliwang mata dahil sa pananakit, sa pagkakataon ito ay hindi na niya magamit ang kaniyang elemento.
“Mabuti nadurog ang walang hiya!”
Napalingon ito sa direksyon ng kaniyang lolo na kasalukuyan nakatali parin. Nag madaling lumapit ang binata at agad naman niya pinakawalan. Akmang yayakapin siya nito ay biglaan sinuntok sa dibdib na kaniyang ikinatilapon at tumama sa malapad na bato, sumuka mg dugo ang binata nang naramdaman sumakit ang kaniyang likuran na tinamaan ng matulis na bato. Hindi pa naka bawi ang binata sa gulat at tumakbo ang matanda nang malapit na ito sa puwesto ng binata ay agad ito tumalon sabay suntok mabuti na lamang ay yumuko siya at doon lamang tumama sa bato ang kamao na nag kabitak-bitak.
'Hindi si lolo ang haharap ko, nakalimutan ko isa lamang itong pag subok sa akin ni Emo.ʼ lamang ng isip nito.
Buong pwersa hinampas ang kamay ng matanda saka sinipa ang mag kabilang tuhod na ikina upo nito. Hindi na kuntento ang binata ay sunod-sunod na pinag susuntok ang matanda na hindi na kaniyang lumaban hanggan sa napahinto siya.
“Ang bigat ng pakiramdam ko, parang gusto ko tuloy matulog," bago pa man mawalang ng malay ang binata ay nakalabas na ito sa ilusyon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro