Kabanata 6
Galit na galit ang Land Monkey nakatingin sa binata. Mabilis na tumakbo ito habang lumikha ng mga bolang matitigas na lupa.
Tumakbo din ang binata habang sumasayaw na mas lalong ikinainis ng Land Monkey.
Sa pag ka lapit ng dalawa ay sunod-sunod nag pakawala ang Land Monkey. Sinalubong ng binata gamit ang mga kamao binalot ng putik.
Mag ka sunod-sunod na pag sabog ang naganap kasabay nag siliparan ang mga alikabok sa paligid ng ikinapikit ng mga mahihina.
Kasalukuyan pinaulanan ng suntok ang binata ng Land Monkey ngunit kahit isang beses ay hindi siya natamaan.
“Ako naman!” Lumutang ang binata kasabay nag silitawan ang mga taong putik hanggan sa naging ka mukha nito.
Mabilis na pinalibutan ang Land Monkey sumabay na din ang binata nang ikinalito nito.
Nag lakad ang Land Monkey habang umikot ng dahan-dahan. Hindi inalis ang atensyon sa paligid.
Sabay-sabay na sumugod ang lahat. Binilisan ng kalaban pag sangga sa mag ka sunod na atake.
Hindi niya namalayan nasa likuran niya ang tunay na Ziwin ngunit kahit ganon ay hindi inatake ng binata sa halip pinag aralan nito ang bawat kilos ng kalaban.
Abala ang kalaban sa pakipag laban sa mga taong putik. Naramdaman niya ang aura ng binata sa likura. Biglaan siya tumalikod sabay suntok ngunit naiwasan lamang ng binata.
Akmang matamaan ang kalaban sa binti ay nag silitawan ang mga maliit na buhawi ang humarang sa atake.
Tumalon ang kalaban ng patalikod kasabay pinalibutan siya ng mga maliit na buhawi nang ikinaatras ng binata.
Tumakbo ang lahat sabay-sabay nag bago anyo ng kanilang kamay patungo sa patalim.
Kinontrol ng land monkey ang mga buhawi patungo sa mga kamukha ng binata.
Habang abala ang kalaban lumitaw na naman ulit ang binata sa likuran. “Earth Waves!” Sa subrang lakas na suntok ng binata sa lupa ay umangat ito na paalon nang ikinatilapon ng kalaban.
Tinaas ng binata ang dalawang kamay sabay ikot nito na mas lalong bumilis ang mga alon na patungo sa kalaban.
Pareho nag laho ang buhawi na ginawa ng kalaban at ang taong putik na nilikha ng binata.
Galit na galit bumangon ang kalaban habang sinuntok ang dibdib nito. Mabilis na tumakbo ang kalaban patungo sa binata.
Pag ka lapit ay agad pinag suntok ang binata na tumama ang apat na kamao na mag kasunod-sunod. Napangiti ang kalaban ngunit binawi ang ngiti nito. Isa lamang iyong taong putik na ka mukha ng binata.
"Lumingon ka!” Sa pag lingon ng kalaban sumalubong sa kaniya ang malakas na sipa. Na bumalik sa harap ang tingin nito. Sinuntok ng binata ang leeg ng kalaban. Bumagsak ang tuhod sabay yuko ng kalaban. Dahan-dahan natumba ito na walang tunog ang marinig.
Lumutang ang katawan ng Land Monkey patungo sa kauri nito. Ang matandang Land Monkey ay ngumiti lamang nakatingin sa binata.
Nagulat ang Crown Monkey hindi inaasahan ang pinakitang galing ng binata. "Sa maikling panahon madaling natutunan niya ang itinuro ko kahit hindi perkpekto," bulong na saad nito.
“Magaling ang iyong estudyante kahit nasa mababa pa ang antas nito,kaya niyang tapatat ang kalaban na angat ng dalawa o tatlo sa kanyang antas. Napasin ko lang ang ginamit niyang taktika na sumayaw ay parang pamilyar sa'kin,parang kakayahan mo ka galang-galang na Crown Monkey. Tama ba ako?”
Bago sumagot ang Crown Monkey ay tumingin muna siya sa binata. “Tama ka ang iyong sinabi Silver Gill. Hindi pa yan ang kabuong lakas ng binata at galing nakita mo ngayon,” mapaglaking saad nito.
“Kaya mo pala siya tinuruan dahil espesyal o kakaiba sa mga tao.”
...
Sa lupain ng Membre ay kasalukuyan inayos ang bawat tahanan nasira at pananim.
Hindi maiwasan ng ibang nasasakupan ng Miller na maawa sa sinapit ng Membre. Dahil minsan lumapit din ang mga 'to sa Membre na humingi ng tulong at agad naman pinag bigyan.
Sa hardin kung saan naganap ang pag atake ay malungkot na umupo sa damuhan ang matandang babae. May hawak ito na itim na bato na anyong bituin. "Sayang hindi ko na mahanap ang anak mo kaibigan,pasensya kana hindi ko na tupad ang hiling mo. Sana sa takdang panahon ay makita ko siya at ipag bigay alam ang iyong habilin," malungkot ang matanda nakatingin sa kalangitan.
“Tandang auwolla.” Napalingon ang matanda sa likuran. "Anong sadya mo?" seryosong saad nito. Ang kaninang mukha na malungkot ay napalitan ng seryoso.
“Pinatawag ka ni Pinuno Eyalo,subrang importante ang iyong pag-usapan. Nag hintay siya sa taniman.” Tumango ang matanda kasabay lumakad ang lalaki pa alis.
Dahan-dahan tumayo ang matanda. “Hay nako tungkol na naman ito sa lupain ito ,” malungkot na saad nito.
Sa pag hakbang nito ay kasabay nag laho ang matanda.
...
Umupo ang binata sa gitna nag hintay sa susunod na may hahamon sa kaniya.
Ilang Segundo ang lumipas na may bumaba sa kaniyang kina-upuan. Isang spedron dog nasa antas ng 9st wood rank. Ang kulay ng balihibo nito ay itim na may halong pula. Kapansin-pansin ang buntot nag aapoy.
Tumayo ang binata na may kunti takot sa kalaban. “Mukhang mahihirapan ako na talunin siya. Sa kanyang aura pinakawalan tiyak na mag dulot sa pag bagal na kilos ko,” mahinang saad nito.
Nag katitigan ang dalawang ng apat na segundo. Mabilis na inikot ang bontot ng kalaban na siyang dahilan na subrang pag apoy nito.
Napa atras ng kaunti ang binata. Hinanda ang kanyang sarili sa kahit anong atake ng kalaban.
Nag simula tumakbo ang kalaban sa subrang bilis nito ay pa lipat-lipat ng pwesto. Lumikha ang binata ng tungkod na putik. Unang beses pa niya lamang sinubukan lumikha ng tungkod.
Naramdaman niya ang aura sa likuran mabilis niyang inampas ang tungkod ngunit agad nag laho.
Tinaas ng binata ang tungkod sabay pa ikot sa palad nito. Alisto ang kanyang tingin sa paligid.
Lumitaw sa harapan ng binata ang kalaban kasabay palapit sa kaniya ang buntot nito ngunit agad niyang sinalubong atake nang sanhi ng pag sabog. Napaatras ang dalawa dahil sa pag sabog naganap ay tinulak sila ng mag kabilang enerhiya.
Habol hininga ang binata dahil sa matinding enerhiya na pinigilan niya. “Nagsisimula pa lang ang laban nahirapan na ako,tiyak na kung magtagal ang ganitong sitwasyon wala na akong pag-asa na manalo. Kailangan ko maka isip ng paraan hindi ko siya matatalo sa skill,” mahinang saad nito.
Sa kinaroonan ng dalawang na kanina pa nag usap. “Paano yan kagalang-galang na Crown Monkey?” Hindi sumagot ang Crown Monkey. Sandali na ala-ala niya na hindi pang karaniwan ang binata na pangiti na lamang siya.
“Malabo manalo ang aking estudyante na mas angat ang kalaban ng tatlo o apat na antas pero mananalo ang isang nilalang kahit nasa mababa kung magaling siyang gumamit at matalino sa pakipag laban.” ng Crown Monkey.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro