Kabanata 52
Kabanata 52: Natupad ang kaniyang nais
Nagising ang binata na habol hininga habang palinga linga sa palibot subalit wala siya makita maliban sa mga matayog na puno sa palibot. Umupo siya sa damuhan at inaalaala ang mga pangyayari bago siya mawalan ng malay. Tumingala sa kalangitan para pagmasdan ang ganda ng mga bituin.
“Kung hindi ako nawalan ng malay siguro nakuha ko ang loob ng Headmaster. May pagkakataon na sana ako ma itanong ang tungkol sa mga Assassin subalit na sayang ang lahat ng iyong dahil sa aking kahinaan.”
“Hindi sapat ang maging magaling kailangan ko maging malakas sa lalong madaling panahon. Hindi magtatagal mahahanap ko rin ang mga Assassin.”
Biglaan lumitaw sa kaniyang harapan ang munting kahon na binigay ng Headmaster. Ka agad niya nakilala dahil sa simbolo nakatatak na mula sa Class Academy.
Hindi siya Interesado malaman ngunit kusang bumukas ang kahon. Bumungad sa kaniya ang Black Badge, Artificial Shield at Locator.
Tinago na lamang niya ito kahit gusto niya malaman ang kakayahan ng Locator. Pakiramdam tuloy niya matagal siya nakatulog kahit isang linggo man lang ang lumipas.
Tumayo siya ng tuwid habang sinusubukan ilabas ang elemento ng lupa sa magkabilang palad subalit hindi siya nag tagumpay sa hindi niya malaman dahilan. Sinubukan niya mag palabas ng elemento ng tubig sa kanang palad ngunit sa kasamaan palad ganun din ang nangyari.
“Anong nangyayari? Epekto ba ito ng labis ko sa paggamit ng kapangyarihan na umabot sa punto na ubos ko lahat ang enerhiya meron ako.”
Hindi lubos maunawaan ang pangyayari, hindi naman ginamit niya ang elemento ng lupa subalit pati rin ito ay na ubos.
Sinundan niya buksan ang Dimension Art ngunit kahit katiting na tasya na senyales ay wala. Napasigaw sa inis na mapagtanto wala siyang magagawa sa ngayon kundi ang umupo habang binalikan ang magandang alaala nangyari sa buhay niya na kasama ang Angkan na ku kaniyang Lolo.
“Pangako Lolo dadating ang araw na makapaghiganti ako sa kanila. Na ipasa na sa akin ang kapangyarihan ng apat na beast subalit nanatili mahina ang katawan ko. Hindi ko lubos maisip na mangyari ito.”
Gusto niya gumawa ng paraan para bumalik ang kaniyang lakas at enerhiya ngunit sa kaniyang kalagayan ay malabo. Nanghihina ang katawan at sumakit ang kaniyang Inner Core sa hindi malamang dahilan.
Ang hindi niya alam kanina pa nakatingin sa kaniya ang munting nilalang na kasalukuyang nakaupo sa tuktok ng puno. Nakangiti ang munting nilalang tila may na isip na hindi kaaya aya base sa ekspresyon ng mukha nito.
“Kung puro isip ka lang dyan wala kang magagawa. Nakalimutan mo yata ang mga kayamanan pag may-ari mo. kahit isang tableta at potion hindi mo maalaala. Sabagay puno ka ng kalungkutan.”
Natigilan ang binata sa pag iyak na marinig ang malalim ng boses. Ka-agad siya tumayo upang hanapin ang pinagmulan ng boses subalit hindi niya matukoy kung saan ito.
“Sa nakikita ko, kulang ka pa ng kaalaman sa elemento taglay mo. Hindi ako maaaring magka mali, ang kaya mo kontrolin ang pangunahing elemento ng lupa ay lupa.”
Mahinahon si Ziwin na nilabas ang ilang potion na sunod sunod niya ininum. Mabilis bumalik ang kaniyang lakas ngunit mabagal ang enerhiya sumuporta sa Inner Core niya.
“Hanapin mo ako kung talagang sanay ka na gamitin ang kapangyarihan mo.”
Mabilis tinapat ang kanang palad ng binata sa kalangitan kasabay lumabas sa kaniyang palad ang harang na likha sa elemento ng lupa. Hindi ito ang Earth Wall kundi bago ito sa kaniyang paningin.
“Ito na siguro ang tinutukoy nila. Hindi ko kailangan mag alala kung nawalan ako ng kakayahang gawin ang taktikang pinag aralan ko.”
Bumagsak sa kaniyang harapan ang malaking bato na hugis tao. Sa unang pagkakataon nakita ang kakaibang nilalang na ito. Kahit na bigla man siya, maigi pinagtuunan ng pansin ang pag pa lakas ng harang. Subalit sa isang suntok ng nilalang na basag ang harang niya kasabay ang pag tilapon niya.
“Ang nilalang sa iyong harapan ay kilala sa tawag na Rookie. Hindi sapat ang lakas mo para talunin ang Rookie.”
Dahan-dahan lumabas ang nilalang sa pinagtaguan na ikinabigla ni Ziwin. Isang Espiritu, hindi niya inaasahan ang sumubok sa kaniya ay isang Spirit.
“Totoo ba ito nakita ko?” gulat na saad.
“Rookie ikaw ay maglaho ngayon din.”
Sa utos ng munting nilalang ay naglaho ang Rookie. Lumingon ang munting nilalang sa binata, Kitang-kita ng dalawang mata ang pag ka gulat nito.
“Inaasahan ko ang iyong reaksyon. Ako ay isang Espiritu ng lupa na sumasalamin sa kalikasan ng kapangyarihan.”
Hindi magawang makapag salita ng binata. Muli na naman siya nakatagpo ng malakas na nilalang subalit hindi niya tiyak kung anong pakay nito.
“Anong nilalang ka?” lumabas sa bibig na salita ng binata.
Ang Fairy ay karaniwang maliliit na mahiwagang nilalang na higit sa lahat ay mukhang tao. Gayunpaman, may ilang mga pagbubukod sa kanilang hitsura tulad ng mga pakpak, mga kamay at paa na may saput, berde o asul na balat, matulis na tainga, at walang ilong. Nakasuot ng manipis na tela na likha sa dahon.
“Isa akong Fairy.”
Nakakunot noo ang binata sa sinabi nito. “Anong kailangan mo sa akin?” mahinang sambit. Tinitigan niya mabuti ang katawan ng fairy at napansin niya may hugis dahon sa noo nito na kumikinang.
“Kailangan ko ang tulad mo. Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa. Gusto ko makipag kontrata sa iyo dahil nakikita ko sa iyo ang hinahanap ko.”
Nag dalawang isip ang binata. “Ngunit isang gold 6th star pa lang ako. Wala bang mangyari sa akin kung papayag ako?” Kinakabahan sagot nito.
Tumawa ang munting nilalang sa sinagot ng binata. “Nagkakamali ka, hindi ka na ka na isang Gold Star kundi nasa Platinum 6th Star ka na bata. Tamang tama ang antas para mag sanib tayo para mas madali ang pag konekta ko sa iyo sa pamamagitan ng kontrata,” nasasabik na sambit nito.
Mas lalong Nanlaki ang mga mata ni Ziwin. Hindi niya akalain ganun kadali ang pag antas ng antas niya.
“Pero paano?”
“Ginamit mo ang sinaunang techniques at pinasa sa iyo ang munting kapangyarihan ng iyong na kalaban. Hula ko na sa iyo ang bagay na iyong.”
Na alaala niya bigla binigay sa kaniya ni Damon ang dalawang kaluluwa at kasama ang kaalaman sa taktika. Ngayon lubos niya maintindihan ang mabilis ang pag angat ng antas niya.
“Ipaubaya sa akin ang iyong spiritual na kalooban upang hindi ka mahirapan. Handa ka na ba?”
Nagsimula mabilis lumipad ang fairy saka paikot ikot sa ulo ni Ziwin. “Oo kanina pa.” mas binilisan ang ikot ng fairy hanggan sa naging liwanag ito at nag laho.
Nagtataka siya subalit nagsimula lumutang siya. Huminto sa eri habang kusang kumilos ang kaniyang mga kamay. Lumitaw sa kaniyang harapan ang magic circle na hindi pamilyar ngunit may nag litaw na mga letra mula sa magic circle at sunod sunod nag sanib ang mga letra hanggan sa makagawa ng nakakasilaw na liwanag. Sa pag hupa ng liwanag bumungad sa kaniya ang ka libro na likha sa dahon. Palipat lipat ng pahina hanggan sa huminto sa huling pahina.
'Sugatan ang iyong palad saka ipatak ang dugo sa huling pahina subalit mag ingat sa kinikilos at huwag gumamit ng enerhiya upang maiwasan ang sakit ng kontrata. Pagkatapos mo, sambitin ang aking pangalan. Ferrior,ʼ rinig niya sa isipan ang tinig ng fairy.
Sinunod niya ang sinabi sinabi ng Fairy at sinigaw ang pangalan “Ferrior” hindi inaasahan ang sunod na nangyari kahit ang fairy ay na bigla.
Nag liwanag ang boung katawan ng binata maging ang mga mata nito. Mabilis pumasok sa kaniyang katawan ang magic circle kasama ang libro na dahon.
Sa pag hupa ng liwanag kasabay lumabas sa katawan ng binata ang fairy na may ngiti sa labi ngunit nagtatakang nakatingin.
“Maligayan batik, Ziwin. Isa ka ng ganap na Master 6th Star at malapit mo na maabot ang Old Legend Star.”
“Maraming salamat kundi dahil sa iyo hindi ko na abot ang antas na ito subalit gusto ko lang sabih-”
Hindi na tuloy ang sabihin. “Nakakamangha nagkaroon ka ng mga pakpak. Hindi lang bastang pakpak iyan kung hindi ang mataas na uri ng mga pakpak. Ang Silver Wing!” nanabik na sambit ng fairy.
Ang silver Wing ang pinaka mataas na uri sa mga pakpak ng Adventure at lalabas lang ang pakpak ng isang adventure kung maabot ang antas ng old legend star.
“Anong ito nasa kamay ko?”
Palipad lipad sa eri si Ziwin habang sinabayan ng kaniyang spirit. Nag liwanag ang dalawang kamay nito na senyales na buksan ang ibang kakayahan ng elemento ng lupa.
“Alamin mo!”
Iwinagayway ang dalawang kamay at lumabas ang Diamond na enerhiya na kumalat sa buong kalangitan.
“Humanda kayo sa akin mga Monar nalalapit na ang paghihinganti ko!”
Kumawala sa kaniyang katawan ang purong Diamond na hugis palaso. Natupad ang kaniyang nais na maging malakas sa tulong ng kaniyang spirit. Na buksan ang kaniyang kaisipan sa mundo ng mga Adventure. Walang magagawa ang mahina ay mananatili nasa ibaba samantala ang malalakas ay luluhuran ng mga mahihinang nilalang.
Hindi man niya nakuha ang titolo The Legend Warrior ngunit natupad niya ang kaniyang nais at na tagpuan ang hinahanap niya nararapat na spirit.
A/N:Ang kwentong ito ay tungkol kung paano maging malakas siya. Abangan sa book 2 ang kaniyang paghihiganti laban sa mga Monar.
Nagpapasalamat ako natapos niyo basahin ito. Alam kong hindi ako magaling na manunulat gaya ng iba ngunit ginagawa ko ang aking makakaya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro