Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 51

Kabanata 51: Ang kapangyarihan ng Espiritu ng kalikasan


Kusang lumapit sa kaniya ang bola ng enerhiya na kaniyang pinag taka. Napasigaw siya sa sakit na mabilis pumasok sa kaniyang katawan ito na hindi namalayan, kahit anong gawin para mailabas ang madilim na enerhiya subalit hindi siya nag tagumpay na tuluyan na ito nakapasok sa kaniyang Inner core na labis siyang nanginginig na unti unting dumilim ang paningin. Halos hindi siya makapaniwala ng sumanib sa kaniyang katawan ang dalawang kaluluwa na pag may ari ni Damon. 

Lumitaw sa mukha ni Inwin ang kulay itim na likido habang palipat lipat sa iba't ibang parte ng katawan niya. Napagtanto ni Inwin na pinasa ni Damon ang natitirang kapangyarihan sa kaniya maging ang dalawang kaluluwa na gamit sa huling taktikang ginamit ni Damon. Dahil dito umangat ang kaniyang antas ng dalawang beses kasabay naglaho ang mga enerhiya nakapalibot sa harang ngunit na bigla ang lahat na makita nag-iisa na lang si Inwin habang nakaluhod. 

Pinawalang bisa ang harang ng apat na Captain upang alamin kung nasaan ang kalaban at kung anong kalagayan ni Lazz at ni Inwin. Bago pa man makalapit ang Captain ng One Eye kay Inwin ngunit bumagsak siya na una ang pang upo na biglang pumasok sa kaniyang isipan ang mga impormasyon na tungkol sa huling taktikang ginamit ni Damon. Hindi niya maintindihan kung paano nangyari na ipasa sa kaniya ang itim na kapangyarihan. 

“Ayos ka lang? Pasensya ka na hindi ka namin na tulungan, paparating na ang tutulong sa iyo,” nag aalala sambit ng Captain ng One Eye. 

Hindi makasagot si Inwin dahil umiikot ang kaniyang paningin. Mabuti na lamang dumating ang mga healer upang gamutin ang kaniyang natamong sugat.  Nagmamadali dinala  ang binata patungo sa silid pagamutan dahil hindi pangkaraniwang ang naka sugat sa kaniyang balat. Kundi isang uri ng lason na may kinalaman sa usok na gamit ng kalaban. 

Hindi magawang gamutin ng mga Healer ang binata subalit nag ka isa ang lahat ng Healer na pag isahin ang enerhiya nila para maghilom ang sugat ng bitana. Nanlaki ang mga mata ng lahat na walang nangyari kahit binuhos na nila ang lahat ng enerhiyang natira upang gamitin ang mga taktika sa pag gamot subalit hindi tumalab. 

Nakatitig ang lahat sa binata habang walang magawa upang tulungan bawasan ang sakit na dinanas. Biglang napasigaw ang binata sa sobrang namilipit sa sakit, hindi maintindihan ng lahat  kung bakit nangyari ito, sa unang pagkakataon wala silang na i tulong kahit maliit na bagay. 

“Nakakapagtaka ang kalagayan ng binata mula sa One Eye. Mukhang nakalimutan niyo na walang kakayahan mag pa galing ang isang Healer sa kapwa Healer, sa pagkat kusang pinipigilan ang enerhiya papasok sa katawan ng binata dahil hindi tatanggapin lalo na kung mas mababa ang ranggo sinusubukan pagalingin siya.” 

Napalingon ang lahat ng Healer sa bagong dating. Hindi nila akalain nakikialam ang Headmaster sa kanilang gawain ngunit hindi nila ito masisi lalo na wala silang magagawa para iligtas ang binata sa kapahamakan. Nakayuko ang lahat na muli nag salita ang Headmaster, nahihiya sila sa nangyari. 

Lumapit ang Headmaster sa binata upang subukan pagalingin. Hindi siya pwede maaaring magka mali na isang Healer ang binata ngunit nagtatalo sa kanyang isipan kung alin taktikang maari niya gamitin.

Samantala sa labas abala ang lahat maging Hari ay hindi mapalagay sa kaganapan. Nagmamadali ito umalis upang gumawa ng bagong kautusan at napagtanto niya ang pagkamli nagawa niya sa may elemento ng lupa. 

Ngayon binalikan niya ang lahat ng aalala upang alalahanin ang mga kaganapan hindi niya akalain na magagawa niya ito sa mamayang. Isang pagkakamali na pwede pa niyang itama  ngunit hindi alam kung saan mag simula, alam niya takot na takot ang buong nasasakupan niya na may taglay na elemento ng lupa. 

Nag ka mali siya na hindi namalayan umabot sa punto na naging makasarili siya, nakalimutan protektahan ang kaniyang nasasakupan laban sa karatig kaharian. 

Samantalang sa loob ng pagamutan ay kasalukuyang lumutang ang katawan ng binata, hindi makayanan ang sakit nararamdaman niya sa inner core  kaya bigla humina ang pag tibok ng puso na sanhi na walang ng malay. 

Nakatitig ang Headmaster sa dahan-dahan dumaloy na itim na ugat sa buong katawan. Huminto sa pag iisip na pumasok ang Captain ng One Eye upang kumustahin sana ngunit hindi na tuloy ang sasabihin nito na makita ang kalagayan ng binata. 

Biglang nagbago ang ekspresyon na makita ang Headmaster. Sa tuwing nakikita niya ang Headmaster sa loob ng pagamutan may mahirap na lunasan ang mga healer. Napalunok ng tatlong beses, hindi niya sinubukan mag salita baka ma abala niya ang Headmaster. 

“Mabuti nandito ka, Captain An Claus. Nabalitaan ko mas humusay ka pananaliksik sa mga lason nitong nakaraan araw. Ano sa tingin mo ang lason kumalat sa buong katawan ng binatang ito?” 

Hindi sumagot si An Claus sa halip lumapit siya sa binata, nakakunot noo, maigi sinuri ang katawan ni Inwin. “Sa tingin ko hindi pangkaraniwang ang lason kumalat sa buong katawan ni Inwin. Hindi ako pwede mag ka mali walang lunas ang naitala sa  kasaysayan ng atin kaharian ang ganyang klaseng ng lason,” nalulungkot ko na paliwanag nito. 

"Ang ibig mong sabihin wala tayong magagawa. Ngunit kailangan ko subukan kahit mababa ang porsyento magtatagumpay ako.” 

Nais man tumulong ni An Claus subalit wala siyang magagawa maliban sa manalangin. Lumabas ang lahat ng Healer maging si An Claus, ayaw niya masaksihan kung anong kinahinatnan sa pag gamot ng Headmaster. 

Walang ekspresyon nakatingin ang Headmaster sa binata habang maigi pinag isipan. Ilang minuto ang lumipas ngunit nanatiling sa sitwasyon. Nagsimula kumilos siya na marinig ang ingay na mula sa itim na ugat. Kahit nagtataka ay pinagtuunan ng pansin  ilabas sa magkabilang palad ang anyong tubig na lubid. 

Mabilis ang kilos niya kahit kinakabahan ngunit hindi mawala sa kaniyang isipan ang pag alala sa binata. Sa pag bitaw niya sa lubid kasabay naman ito mabilis ang paikot ikot sa katawan ng binata. 

“Sana maligtas ko siya gamit ang Healing Techniques ko.” 

Ilang oras na lumipas pero walang nangyari pag babago, ayaw tumigil ng Headmaster hangga't hindi niya maabot ang hangganan ng kaniyang kakayahan sa pag gamut. Dahan-dahan nanlalaki ang mga mata na kusang pumasok ang kaniyang lubid sa katawan ng binata, gusto niya pigilan ngunit huli na ang lahat. 

“Anong nangyayari? Hindi ko maunawaan naging baliktad ang gusto ko mangyari. Ano ang ibig sabihin nito?” 

Biglang namutla si Inwin. Tumigil na siya sa kaniyang ginawa dahil wala ng pag-asa maligtas ang binata. Bumukas ang pinto, Kitang-kita ng bagong dati ang unti unting nag liwanag ang katawan ng binata. 

Ramdam ng lahat na tumigil sa pagtibok ang puso ng binata. Nakaupo ang Headmaster sa sahig habang nakatitig sa walang buhay na katawan ni Inwin. 

Sa unang pagkakataon nabigo siya iligtas ang buhay ng isang nilalang, hindi niya matanggap ang nangyari. Kahit ang makapangyarihan tiknik niya hindi umepekto. 

Tumayo ang Headmaster upang ibigay ang gantimpala sa Class Battle. Ipinatong niya sa dibdib ng binata ang isang maliit na kahoy. 

“Hindi ako nag ka mali sa sinabi ko kanina. Nakakalungkot man isipin ngunit mas mabuti mag paalam na tayo sa kaniya, hindi magtatagal ay maglalaho ang katawan niya kasama ang munting gantimpala ng Headmaster,” malungkot na sambit ni An Claus. 

Tinapunan ng blankong tingin ng Headmaster si An Claus bago ito lumabas ng silid. Hindi na lumapit ang Pinuno ng One Eye sa halip tinitigan niya ang walang buhay na katawan ng binata. Isa-isa lumapit ang mga kasama ni Inwin sa Class Battle upang mag paalam hanggang si Aurora ang huling nag paalam. 

Sa maikling panahon nakasama nila ang binata ay nakilala nila ito na may pangarap sa buhay na gusto maging malakas at handang matuto sa lahat ng pagsasanay na pinagawa ng mga master na hindi nag reklamo. 

Sa isang iglap naglaho ang katawan ni Inwin kasama ang munting kahon. Natulala ang lahat at sa huling sandali na silayan ang mukha nito. Si Aurora ang sobrang naapektuhan sa pagkawala ni Inwin sa pagkat malaking utang na loob niya dito. Dahil sa binata muli siya nagkaroon ng pag asa na mabuhay at kundi dahil sa kaniya baka patay na siya. 

Samantala sa isang malawak na kapatagan may isang malaking sinaunang mesa ang kasalukuyang gumalaw. Parang may sariling buhay ngunit nang lumitaw ang liwanag sa mga guhit at simbolo ay naka likha ng munting liwanag hanggang sa lumaki ito. Sa pag hupa ng liwanag lumitaw ang anyong tubig na katawan. 

Napasigaw ang munting nilalang na bantay ng sinaunang mesa. Takang taka nakatingin sa anyong tubig na katawan. Maigi sinuri subalit mabilis nag tago na dahan-dahan napalitan ng katawan ng binata. 

Sa unang pagkakataon gumana ang sinaunang mesa na akala ng munting nilalang ay wala itong silbi maliban sa kaniyang gawin tahanan, ngunit mali siya. 

Nag mulat ng mga mata ang binata kasabay kumalat ang enerhiya mula sa kaniya sa buong kapatagan. Ang binatang ito ay walang iba kundi si Ziwin na bumalik sa kaniyang orihinal na wangis. 

“Kahanga-hanga taglay niya ang lakas ng Espiritu ng kalikasan.”

Nagmamadali lumapit ang munting nilalang upang tulungan ang binata na maka alis sa mesa sa pamamagitan ng gabay ng Espiritu ng kalikasan nagawa niya alisin ang binata na hindi nasasaktan. 

Maingat nilapag ng munting nilalang ang binata sa pamamagitan sa pag kontrol sa hangin. Lumipas ang isang oras subalit hindi gumalaw ang binata na pinag taka ng munting nilalang. 

“Ginamit niya pala ang sinaunang taktika kaya pala na punta siya sa mahiwagang mesa na pag may ari ng dating Adventure na mula sa ibang mundo. Kung hindi ako nag ka mali, ang Watah Ghost Techniques.” 

Napansin ng munting nilalang ang mga itim na ugat na unti unting naglaho. Sa unang tingin pa lang niya. Natukoy niya kung anong sanhi nito. 

“Ghostah Guardia Techniques nakasisiguro ako ipinasa ng kalaban ang taktikang ito at kasama ang munting itim na enerhiya upang ganap na ma ipasa ang taktikang ito. Kahanga hanga tinanggap ng kaniyang katawan ang magkasalungat ng enerhiya sa Inner Core.” 

“Gusto ko siya maging Master kahit ang katulad ko na spirit ay may pangarap na makahanap ng kontrata sa pipiliin kong paglingkuran. Umaasa ako maging kaibigan ko siya at hindi kasangkapan ang tingin niya sa akin.” 

__

Samantala sa loob ng Class Academy opisyal na ginanap ang kasayahan para sa kampeon. Walang iba kundi ang One Eye. 

Ngayong taon ang One Eye nakakuha ng maraming puntos sa misyon at binigyan parangal ng hari sina Aurora, Almar at Allak sa pag angat ng kanilang posisyon sa paging adventure sa kaharian. 

Pangalawang beses na ito nagawa ng hari na bigyan ng Black Badge ang mga Adventure sa Class Academy. At gantimpala para kay Inwin na ilagay na ito sa munting kahon ng Headmaster kasama ang Black Badge. 

Malungkot na ngumiti saglit ang Headmaster na alaala niya si Inwin, kung hindi ito na sawi baka ito pa ang kauna unahang mangyari sa kasaysayan ng kaharian na bigyan ng titolo The Legend Warrior dahil sa sinaunang taktika halos ang gamit ng binata. Nanghihinayang siya na hindi niya nalaman ang kaunting detalye tungkol dito. 

Makikita sa iba't ibang parte ng Class Academy ang nagdiwang mula sa iba't ibang pangkat. Kita sa kanilang mga mata ang kasayahan kahit may nangyari hindi maganda kahapon. 

Huminto ang lahat na opisyal na anunsyo ni Lazz ang pasya ng mga nanalo. Ayon kay Lazz may hindi tuloy sa pag aaral  at samantalang ang natira ay manatili sa Class Academy hangga't hindi nakatapos. 

Walang nakakaalam kung sino ang aalis ngunit malalaman nila bukas kung sino ang tinutukoy ni Lazz. Kahit ganun pa man tuloy ang kasayahan. 

-

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro