Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 49


Kabanata 49: Ang mga sinumpang taktika







"Dragon Raw!"

Nabuo ang imahe ng isang dragon sa harapan ni Prince Keleven at mabilis patungo sa direksyon ni Inwin. Sa pag alulong ng imahe ng dragon ka agad na patakip ng tenga ang lahat kahit may harang ay tumagos pa rin ang ingay nito.

Kinakabahan ang lahat sa puwede mangyari lalo na ang Hari. Masama makatingin sa kaniyang anak at tumingin saglit kay Inwin habang nakangisi.

Gustong tulungan si Inwin ng kasama ngunit abala ito sa paki pag laban sa iba. Ang hindi alam ng lahat ay naka handa si Inwin ngunit ng tumama sa kaniyang kadena ang alulong ng dragon. Isang malakas na pag sabog ang naglikha sa kalangitan at mabuti na lamang ay may matibay na harang ang ginawa ni Lazz.

Ang iba nag agawan ng potion pag dating sa gitna upang manumbalik ang kanilang lakas. Ngunit na tumba silang lahat na naabutan ng pwersa ng pagsabog sa ibaba.

Napahinto saglit ang lahat ng kalahok sa gulat ngunit nag pa tuloy rin na maalaala na kailangan nila manalo. Nawalan ng malay si Prince Keleven bago pa man ito bumagsak ay naglaho ito palabas.

Samantala sinimulan ni Aurora gamitin ang trial card laban sa falling star habang abala ito kinalaban ng lion law. Samantala sa ibaba ay na basag ang harang, di kinaya ni Allak suportahan ang harang sa lakas ng atake ni Reyland na tuluyan na basag nito.

Napaluhod si Allak sa sobrang panghihina, hindi na kaya mag palabas ng mahika kahit kaunti dahil na ubos ang kaniyang enerhiya. Naglaho na lang bigla si Allak bago pa man mag pakawala ng atake si Reyland.

Sumabog ang Tore sa atake ni Reyland na ikinabahala ni Aurora. Sa pamamagitan ng isa pang Trial Card na pigilan niya suportahan ang pag ka sira nito ng tuluyan.

Ang kanang kamay ni Aurora ay nakatutok sa Falling Star samantala ang kanyang kamay ay naka suporta sa Tore. Dahan-dahan nag laho si Aurora nang maabot niya ang hangganan ngunit bago pa man ito naglaho nakagawa pa ito ng malaking harang sa trial card nila.

"Mahinang babae walang kwenta. Ang mananaig sa paligsahan ito ang malalakas," mahinang sambit nito bago bitawan ang huling atake sa tore.

Nang tumama ang bolang apoy sa tore ay ka agad ito sumabog kasabay ang pag bagsak niya sa lupa na habol hininga. Dahan-dahan naglaho na hindi niya ma igalaw ang buong katawan nito.

Samantala sa Tore ng Lion Law ay pinipigilan ni Dilim ang pagpasok ng kapangyarihan ng kalaban sa loob ng harang ngunit hindi siya nag tagumpay na bigla naglaho ang healer na kakampi niya.

Sa pagka basag ng harang ay nahihirapan siya huminga sa hindi malamang dahilan ngunit napansin niya ang patuloy na pag atake ni Damon na mula sa tutok ng tore ng Falling Star.

Bago pa man ma ubusan siya ng enerhiya at nilaan niya ang huling Techniques sa tore na kung sakali ma sira ito ay makakagawa ito ng malakas na alon ng hangin.

Akmang tatakpak sa loob ng tore si Nakaza ngunit na pigilan siya ni Almar sa pamamagitan sa pag hagis ng sandata na madali na iwasan ni Nakaza. Ngunit ang sandata ni Almar ay tumama sa tore pero walang nangyari.

Sumulpot ang knight ng falling star sa likod ni Allmar sabay saksak sa kaniya ngunit huli na ang lahat para maiwasan. Tinamaan siya sa tiyan pero mahigpit niya hinawakan ang espada bumaon sa kaniyang tiyan ng kalaban.

Natatawa ang lalaki ngunit nang makita nag simula nag liwanag ang tore ay napalitan ito ng gulat. Kahit si nakaza ay nag madali tumakas ngunit na abutan pa rin ito ng alon ng hangin na naging dahilan na pag laho nito.

Ang lalaki ay hindi matanggap ang pag ka talo habang si Almar ay natutuwa na makita ang reaksyon ng kalaban.

Samantala sa falling star ay sumabog ang tore ngunit nakaligtas si Damon. Nakakapagtaka ang kaniyang lakas na taglay, sa dinami ginamit na Techniques ay hindi ng hina bagkus lumakas pa ito.

"Nasira ang lahat ng tore ngunit hinihintay natin ang dalawang ka lahok na maglalaban. Falling Star laban sa One Eye. "

Nag ipon ng munting enerhiya si Lazz saka hinagis sa direksyon ni Inwin. Umiikot sa palibot ang munting enerhiya ni Lazz nagpawalang bisa sa lahat ng bagay at panahon sa loob at saka Bumalik sa normal ang lahat. Dumilim ang palibot hanggang sa naglaho ang usok sa kinaroroonan ni Inwin.

Sa kumpas ng kamay ni Lazz naglaho ang dalawa at lumitaw na magkaharap.

"Natalo na ang lahat ngunit hindi ko inaasahan matitira ang tulad mo."

Naiinis ang lalaki na walang siyang natanggap na sagot mula kay Inwin. Kasalukuyang pa rin ito naka pikit ang mga mata at nasa ulunan nito ang kadena ng pagmamay-ari ni Henry na balot ng tubig.

"Paano ka nakaligtas sa Dragon Raw ng mahal na prinsipe? Sumagot ka!"

" Bakit kailangan mo pa itanong ang bagay na iyong? Natatakot ka bang matalo kita?"

Dahan-dahan nag mulat ng mga mata si Inwin na ikinabigla ng lahat na masilayan ang mga mata na may magic circle ng water magic.

Nakabawi rin ang kalaban mula sa pag ka bigla. "Nahihibang na yata ka. Ang Ghost Watah Techniques na sobrang mapanganib. Hindi mo yata alam kung anong kapalit ang ginagawa mo," patawang sambit nito.

"Pero hindi bale... alam kong mahina ka lang."

Naglaho ang pigura nito sa sobrang bilis ng kilos nito na halos hindi masundan ng mga manonood. Ngunit walang kahirap hirap na sinalag ni Inwin ang kamao ng kalaban mula sa likod niya, gamit ang kadena.

Nag laho muli ang pigura ng kalaban at sumulpot sa gilid sabay suntok na hindi na iwasan ni Inwin. Ngunit nanlaki ang mga mata nito na tumagos lamang ang kamao nito.

Sa takot ng kalaban ay nag madali binawi ang kamao ngunit nahihirapan kaya napilitan ito gumamit ng malakas na taktika.

Dahan-dahan naging usok ang katawan ng kalaban na labis nag pa ka bigla ng lahat lalo na ang Hari. Ang taktika matagal na nila nasilayan sa panahon pa ng digmaan, na kung minsan naging dahilan na maraming nasawi na buhay.

Ang sinumpang taktika ay hindi nila lubos maisip na masaksihan nila ito, isa lamang itong alamat ng kanilang mga ninuno sa nakaraan digmaan. Ngunit ngayon naniniwala na sila hindi lamang isa itong alamat. Ang ikinabahala ng lahat ay iba pang isinumpang taktika ay maaaring totoo ang na banggit sa alamat ng unang digmaan sa kaharian.

Gusto ko man pigilan ni Lazz ang mga pangyayari ngunit bigla siya nawalan ng kontrol. Parang may mabigat na grabidad ang humila pa ibaba na naging dahilan ng pagbagsak ng magkabilang tuhod nito.

Naging alerto ang lahat ng captain maging ang Hari. Inutusan ng hari ang lahat ng miyembro ng apat na pangkat a protektahan ang mga manonood.

Lumapit ang apat na Captain upang ma itanong tungkol sa taktika. Ngunit hindi pa man sila tuluyan maka lapit.

Bumalik sa normal ang katawan ni Damon. Binuka ang bibig ni Damon at dahan-dahan lumabas ang mga usok na anyong tao hanggang sa ma ubos ang lahat ng nasa loob ng katawan niya.

Naging alisto ang lahat sa paggawa ng sariling panangga. Nagsimula kumilos ang mga taong usok pagsulong sa isang direksyon habang ang mga maliit ay nagsimula sirain ang panangga sa loob ng arena upang makalabas.

"Anong klase ng taktika ang iyong ginagamit? Ramdam ko may halong kasamaan ang taktikang iyang. Hindi ako sigurado ngunit ang tanging hinala ay marami akong mapapahamak ngayon kung hindi ako nakapagpigil sa iyo."

Sa mga bisig ng kamay ni Inwin ay mabilis na kumilos ang kadena ng tubig, upang gawin ang kalasag sa pamamagitan ng mabilis na pag-ikot nito, para sa walang makalapit na taong usok.

"Gaya ng Ghost Watah Techniques mo. Ang taktikang ito ay sinaunang taktika ng angkang ng taga-pangalaga ng kalikasan. Ghosting Collector Techniques mukha marami akong makukuha ngayon na kaluluwa kung hindi mo ako matatalo."

Napagtanto ni Inwin ang mga taong usok ay mga biktima ng kalaban sa nakaraan laban. Ngayon ang pagkakataon upang ipakita ng kalaban ang kaniyang koleksyon ng mga kaluluwa na handang sundin ang kaniyang nais.

Sumabog ang mga kadenang tubig ng umiikot sa mga mata ni Inwin ang magic circle. Sa muling pag sabog tinamaan ang mga kaluluwa ng usok.

"Hindi ako makakapayag na mag tagumpay ka!"

Linabas muli ni Inwin ang kaniyang espada. Nag pukos siya na kopyahin ito ng anyong tubig upang maparami.

Nag palipat lipat ng pwesto ang dalawa habang nag palitan ng atake sa iba't ibang paraan.

Namula sa galit ang Hari, gusto man niya basagin ang harang ngunit nag alala siya na baka masaktan si Lazz ngunit sinusubukan niya pa rin, pero hindi nag tagumpay sa kaniyang balak, na bumalik ang kaniyang hinagis na atake ng muntik na siya matamaan nito kung hindi naka iwas.

"Mahal na Hari mabuti na lamang wala na iyong anak sa loob kung hindi malaking problema ito mahal na Hari, anong balak mong gawin ngayon? Nasa panganib ang ating buhay sa mga oras na ito kung sakali matalo ang binata mula sa One Eye."

"Huwag ka mag-alala hindi ako makakapayag na makatakas ang isang espiya. Mababa ang antas ng isang yan ngunit malakas ang kaniyang kapangyarihan."

Mag simula tumakbo ang mga ibang manonood sa takot na baka ma biktima ng kaluluwang ligaw. Nahinto sa pag salita ang Haring Ng makita unting until tumagos ang mga ligaw na kaluluwa sa harang na hindi man lang nasira ang harang.

Nakarating ang apat na Kapitan sa harap ng Hari saka nag bigay galang.

"Inutusan ko kayo na bantayan ang harang at wakasan ang agad ang mga kaluluwang ligaw.

Tumakbo ang apat na Captain sa mag ka ibang direksyon patungo sa harang. Sunod sunod nag pakawala ng atake na makita nila marami ng nakalabas na mga kaluluwang ligaw.

" Sinong pangahas ang kumakalaban sa Class Academy, sa oras na malalaman ko ito hindi ako mag dalawang isip na wakasan siya."

_

Pareho tumilapon ang dalawa na mag tama ang kamao nila sa isaʼt isa. Habang tumatagal ay lumabas ang tunay na kulay ni Damon kahit ang itim na kapangyarihan ay hindi na mapipigilan gamitin kay Inwin.

"Kahanga-hanga ka bata. Hindi ko akalain makakatagpu ako ng tulad mo, matagal na rin hindi ako nakaramdam ng kasayahan at pananabik sa laban. Ngayon hindi na ako mag pipigil!"

Napantingin saglit si Inwin sa palibot halos hindi niya kinaya makita may mga kaluluwang ligaw ang nag pumilit na higupin ang kaluluwa sa katawan lupa ng nilalang ngunit mabuti na lang nariyan ang mga member ng apat pagkat.

"Ghostah Guardia Techniques!"

Napasigaw sa sakit ang kalaban ng lumitaw ang tatlong lagusan. Lumabas ang tatlong kaluluwa sa bawat lagusan na may suot na puting tela.

Itinutok ni Inwin ang daliri niya sa direksyon ng kalaban. Sunod sunod tinira ang kalaban ng Water Bang ngunit walang epekto sa tatlong kaluluwa.

"Ano ito? Unti-unti naging kalangsay ang katawan niya."

Pumasok sa loob ng katawan ng kalaban ang isang kaluluwa na halos mamilipit ito sa sakit. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari ngunit mapagtanto niya huli na ang lahat para pigilan ito sa pag sanib.

Nakataas ang magkabilang kilay nang makita ang manipis na lubid na likha sa enerhiyang itim. Hawak ng kalaban ang dalawang lubid na mabilis kumunekta sa dalawang kaluluwa.

"Handa ka na bang mamamatay? Pwes huwag ka mag alala mabilis lang to."

Sa bawat kumpas ng kamay ng kalaban ay kasabay kumilos ang dalawang kaluluwa patungo sa kinaroroonan ni Inwin.

Wala siyang magawa sa mga ito kundi iwasan at salaging ang bawat atake. Mabuti na lamang hindi pa naglaho ang kedana nakapalibot sa kaniya, kaya hindi madali nakalapit sa kaniya ang kalaban.

"Hehe... Gulat ka noh?" sabay panlalaki ng mga mata niya habang nakatingin sa kaniya.

"Isa rin Sinumpang taktika gaya ng una na gamit ko. Sa pagkakataon ito, hindi ako pwede mag ka mali sa hula ko na mapapatay kita ngayon gamit ang Ghostah Guardia Techniques!"

Umiiwas si Inwin sabay dukot sa kaniyang bulsa ng potion. Binasag niya ka agad sa kamay at mabilis naman ito hinigop ng core niya.

"Binigla mo naman ako. Isa ka rin pala Healer na walang alam paano gamitin ang Kakayahan iyang at umaasa sa mga potion at tableta na gawa mo. Pero ito na ang huling gamit mo yan!"

Mabilis ang kumpas ng kamay nito at ganun din ang mga kaluluwa kontrol. Nahihirapan siya ilagan ang mga ito halos hindi niya magawa naisalag.

Maraming sugat ang kaniyang na tamod mula sa mga kaluluwa kahit gusto man niya gamitin muli ang Ghost Watah Techniques, ngunit hindi maaari dahil malaking konsumo ito ng enerhiya.

Habang umatake ang mga kaluluwa ay panay ng tawa ang binata at lalong walang tigil sa pag buka ng bibig nito na lalong nag pa sabog ng galit ng Kalaban.

Binuhos lahat ng enerhiya ng kalaban na muli ito mag palabas sa kaniyang bibig ng mga ligaw na kaluluwa. Hindi nahihirapan ang binata na tapatan ito sa pamamagitan sa pag pa rami muli ng espada na anyong tubig. Bago pa man makagawa ng atake ang mga ligaw na kaluluwa ay nag madali hinagis ng binata ang mga espada sa kalangitan saka umiikot ito pa ibaba at mabilis na bumulugsok. Na mag banggaan ang mag kasalungat na atake nakagawa naman ito ng malaking pag sabog na ikinatilapon ng lahat ng ligaw na kaluluwa, maliban sa dalawang kaluluwa na Kasalukuyang naging marahas ang bawat atake nito. 





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro