Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 48

Chapter 48: Tubig laban sa Apoy



Nanghihina ang katawan ni Inwin na ikabahala kung hindi di niya magawan ng paraan pigilan umagos ang dugo baka ito pa ang dahilan na pag hina niya.

Naglaho ang knight ng lion law nang binawi ang kadena ni Henry. Alam ni Henry nagpapanggap lang siya na walang malay, maingat na itinaas ang kadena saka tumalon sa direksyon ni Inwin sabay binato ang hawak na kadena. Muntik na tumama sa likod niya kundi siya gumulong ng limang ulit.

Hindi siya pinayagan ni Henry na makabangon na sunod-sunod na kadena ng kumawala mula sa kaniyang palad na mabilis patungo sa direksyon ni Inwin.

Hindi niya maiwasan ang lahat ng kadena sa sobrang bilis nito. Linabas niya ang kaniyang sandata upang gamitin pang putol sa mga ito. Ginamit niya ang bagong taktika sa espada gamit ang tubig.

Hinampas niya ang dalawang kamay sa lupa upang umangat sa eri saka binato ang hawak na espada sa eri kasabay ng nilabasan ang tubig sa katawan na komonekta sa espada.

Kahit tumama sa kaniya ang mga kadena ngunit tumagos ang lahat ng iyong na walang kahirap hirap na ikina bigla ni Henry.

"Hindi mo ako matatalo isa ako maharlika!"

Naglaho ang mga kadena pagkatapos sambitin ni Henry ang katagang iyong. Dahan-dahan umiikot ang katawan ni Inwin sa eri hanggan sa tuluyan na ito makatayo sa tamang kinalalagyan.

"Ipapakita ko sa iyo ang kalahati ng tunay kong kapangyarihan!"

Nag aapoy ang mga mata sa galit na sabihin ni Henry. Lumalabas na rin ang tunay nito na lakas at awra na pinakawalan sa paligid na sanhi ng matinding pag ihip ng hangin at pag ka lusaw ng mga yelo malapit sa kaniyang kinatatayuan.

"Gawin mo ang gusto mong gawin nang malaman natin kung hanggang saan yan ka hambogan mo!" pinalibutan si Inwin ng anyong tali na tubig na mula sa espada niya na nagsilbing panangga sa biglang pag atake muli ni Henry.

Nag madali uminum siya ng tableta para manumbalik ang kaniyang lakas, sa pagkakataon ito, naglaho si Henry at lumitaw sa harapan niya kasabay nagpakawala ng sunod sunod na atake na sanhi ng pagsabog ngunit hindi nasira ang kaniyang panangga sa pangkaraniwang atake.

"Water Prison ginamit mo sa iyong sarili, Kahanga hangang na madali mo na kontrol iyan ngunit hindi magtatagal ay mababasag ko rin yan sa bandang huli. Sa pamamagitan nito...!"

Hindi inaasahan ng mga manonood na ginamit ng maharlika ang tunay nila na kakayahan lalo na ang Hari. Noong nakaraang taon walang kahirap hirap na pinaglaruan ng mga maharlika ang mga pangkaraniwang mamamayan. Tandang tanda ng mga Captain ang detalye sa araw na iyong kung hindi na pigilan baka maraming pinsala ang nagawa sa bawat kalahok.

Talagang maraming mahuhusay sa larangan na pili ng bawat kalahok ngunit habang tumatagal ang paligsahan ay malinaw na sa kanila kung sino ang higit na telentando sa karamihan.

Isang pag sabog ang nag pa tahimik sa mga manonood sa kinaroroonan ng tore ng silver bill. Natatakpan ng usok ang tore, hindi nila alam ng mga manonood ang nangyayari sa loob maliban sa mga Captain at maharlika na may mataas na stage.

Nakatayo ang lahat ng marinig ang kakaibang ingay na ngayon lang nila narinig sa buong buhay maliban sa Hari. Hinahanap nila ang pinagmulan nito kung sino ang gumamit ng techniques na iyong.

Pag hupa ng usok sa tore ng Silver Bill ay bumungad sa kanila sa ibaba ng Tore ng Kasalukuyang mabilis ang palitan ng atake ni Inwin at Henry. Namangha ang lahat ng ipinamalas na bilis ng dalawa ngunit mas mabilis si Inwin ng kaunti.

Tumilapon ang dalawa ng makisali ang pwersa na mula sa loob ng harang ng tore. Napantingin sila saglit kung sino ang umatake sa kanila bago mag pa tuloy. Ngunit hindi binigyan pansin ang ginawa ng Prinsesa kahit muli siya nag pakawala ng atake pero balewala lang ito sa dalawa.

Bumalik ang Prinsesa sa pag kontrol sa harang at na pag pasyahan manonood na lamang habang naghahanda ng patibong.

Muli nakagawa ang dalawa ng pag sabog na mag ka dikit ang bawat sandatang hawak nila. Sa sobrang bilis ng kilos nila halos hindi na sila makita ng mga manonood at walang may balak sa kanila ang sumuko na lang na hindi ibinigay ang lahat.

Napaatras si Inwin ng hinampas ang malaking kadena na tumama sa kaniyang espada. Palipat lipat siya tumalon upang maiwasan ang kadena na walang tigil ka kasunod sa kaniya hangga't hindi siya natatamaan nito.

Hindi nag tagal ay huminto si Inwin nang bigla siyang sumuka ng dugo nang tumama sa kaniyang dibdib ang kadena ngunit kahit anong pag pupumilit ni Henry na butasin ang dibdib ni Inwin, ngunit sa bandang huli hindi siya nag tagumpay kaya mabilis bumalik sa kamay ni Henry ang kadena. Dahan-dahan naglaho ang water prison na kaniyang ginawa dahil hindi na ito kayang suportahan ng kaniyang enerhiya.

Maliit ang kaniyang mga mata na mapansin ang paglakas ng apoy ni Henry kahit nanghihina na ito. Pamilyar sa kaniya ang techniques na ginamit ni Henry ngunit hindi niya matandaan.

"Mukhang nagulat yata kita. Ang techniques na ginamit ko ang Chain Followers!"

Nanlaki ang mga mata na marinig niya ito. Ang chain Follower na Techniques ay pagmamay-ari ng sinaunang Angkan ng mga tagapangalaga ng kalikasan. Minsan na ito na i kwento ng kaniyang Lolo tungkol dito.

"Paano ka natuto niyan?"

"Hindi na mahalaga kung paano. Ngayon nakita mo na ang kaya kong gawin dapat kang matakot. Hindi kita mahabol sa bilis ngunit kanyang kaya nito sundan ng mga kadena mo," pa tawang sambit nito.

Napakagat sa ibaba ng labi si Inwin kabasay ang pag dugo nito ng kaunti. "Hindi magtatagal ang pag gamit ko ng Water Element, baka umabot sa punto na gagamitin ko ang tunay kong elemento pero... Hindi maaari baka makita ito ng Hari," bulong niya sa hangin.

Napahawak sa ulo siya upang pilitin mag isip ng ibang paraan para tumagal sa laban kahit mataas ang kaniyang ranggo kaysa kalaban, hindi na maaaring gamitin baka malaman ang kaniyang lihim.

Napangiti siya saglit na maalaala ang techniques na ginamit niya kung paano na balewala ang atake ni Henry kanina. 'Dahil sa hangin mas lalong lumakas ang apoy niya, hindi matatalo ang tubig sa apoy kahit kailan, tama. ʼ napahinto siya sa pag iisip na marinig ang misteryosong boses sa kaniyang isipan.

'Gamitin mo ang Ghost Watah Techniques, na gamit mo na ito kanina ngunit biglaan. ʼ hindi na niya muli na marinig ang boses ng kung sino nilalang na matapos sabihin sa kaniya ang impormasyon.

Tumagilid siya upang maiwasan ang kadena sabay hampas nito na pinag iba ng direksyon ng kadena. Habang iniiwasan niya ang sunod sunod na atake ay biglang pumasok sa kaniyang isipan ang ilang imahe na nagpapakita kung paano gamitin ang Ghost Watah Techniques.

Nanlaki ang mga mata niya na tumagos sa kaniyang katawan ang apat na kadena na sunod sunod na pag suka ng dugo na sanhi na walang siya ng malay.

Labis na tuwa ang nadarama ni Henry na siya hindi gumalaw ngunit ang pinag tatakutin ni Henry kung bakit hindi pa ito naglaho sa labas. Hinagis ni Henry ang panibagong kadena na paulit-ulit hanggang sa mapuno ang katawan ni Inwin na ikinabigla ng lahat.

Napatayo ang Captain ng One Eye na wala sa oras. Hindi makapaniwala sa kanyang nasaksihan, nag alala siya kung bakit hindi nag laho ang katawan ng binata palabas upang hindi ito makatanggap ng sobrang paghihirap. Hindi niya maintindihan kung bakit, lalo na si Lazz ang may kontrol sa Class Battle ay hindi rin alam.

Iniwan si Inwin ni Henry na hindi binawi ang mga kadena na nag pakulo sa dugo ng kakampi ng binata. Napantingin si Henry sa direksyon ng Prinsesa saka ngumisi.

Bumaba sa eri si Henry saka tumama sa lupa na hindi nag dalawang isip. Ang hindi niya alam nasa harapan niya ang patibong.

Kumaway ito bago mag salita. "Mahal na Prinsesa Ito ang pagkakataon na naghihintay ako para masubukan ka" Sa pag tapak niya sa patibong ay hindi inaasahang sumabog sa pamamagitan ng pagbabawas ng bato sa parehong oras. Huli na upang maiwasan ang sabog.

" Hindi ko inaasahan na magkaroon ng bitag na inihanda sa maikling panahon."

"Huwag mo ako maliitin Henry porker hindi ka nasaktan sa bitag na ginawa ko, hindi ibig sabihin nun hanggan jan lang ang kaya kong gawin," mahinang tugon nito.

"Hanggan jan ka lang!" sigaw ng Prinsesa.

"Walking Tricks Techniques!"

Sunod sunod nag silitawan sa paligid ni Henry ang mga magic circle na kulay puti. Sinusubukan ni Henry lumipad sa pamamagitan ng paggamit Livia Techniques. Ngunit hindi nila maintindihan sobrang bigat ng katawan niya na parang bang hinihila siya ng malakas enerhiya.

"Anong klaseng Techniques ito? Walang hiya ka..."

"Hindi mo ako matatalo Henry ng basta basta lang."

Sa bawat kilos niya ay sobrang bigat, pakiramdam niya may dinadala siya na mabigat na bagay. Kahit anong iwas niya sa mga trap ngunit may hindi siya napansin na sanhi na sunod sunod na pag sabog ang sanhi ng pagkakaroon ng ilang sugat niya sa katawan.

"Kaya pa ba?"

"Hindi nababagay sayo mahal na prinsesa ang makipag laban sa pagkat kulang ka sa iyong kaalaman pagdating sa iyong kakayahan."

Bumagsak ang mga kabilang tuhod ni Henry sa lupa habang habol hininga. Kapansin pansin ang usok sa palibot na hindi agad nawala, nag bigay ideya kay Henry na higupin ang usok para makita ang ibang Trap ngunit nag ka mali siya.

Hindi niya inaasahan ang paglitaw ng isang beast na may pangit na wangis na mula sa kung saan. Hindi pumayag si Henry na mapalagay sa panganib ang kaniyang buhay. Muli niyang ginamit ang sinaunang taktika na limitado lamang siya sa pag gamit nito.

"Huling beses ko na to magagamit."

Pinag dikit ang magkabilang palad habang dahan-dahan na buo sa magkabilang palad ang kadena. Napaatras ng bahagya ang babae na makita ang sinaunang taktika.

"Hindi ako maaaring magka mali, yan ang Chain Followers Techniques. Ngunit hindi ako papayag na tapusin mo yan!"

Nag simula gumalaw ang mga magic circle na parang may sariling isip at kahit anong iwas ni Henry ay siya sinunod ng mga ito.

"Huli ka!" sabay sabog ng mga to.

Napahiyaw sa sakit si Henry ngunit tiniis niya ang sakit, nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagbuo ng techniques. Kahit nag ka punitive punit ang damit ay tuloy pa rin hanggang sa... hinagis ni Henry ang mga kadena sa direksyon ni Prinsesa.

Bago pa man ito tumagos sa harang ay nakagawa na siya ng paraan. "Trap Unheal Techniques!" tumama sa iba't ibang parte ng katawan ang mga kadena na balot ng apoy. Pinipigilan ng babae mapa suka ngunit umaagos sa gilid ng kaniyang labi ang dugo.

"May gana ka pang tumawa Princess Vegga sa kalagayan mo? Matatalo na kita sa wakas."

Naglaho ang mga kadena kasabay sa pag liwanag sa harapan ng Prinsesa ang magic circle. "Paalam!" mabilis lumabas ang mga kadena sa magic circle

"Hindi to pwede!"

Ngunit huli na ang lahat na tumama sa kaniyang ang sariling kadena na pinabagsak nito sa lupa habang patuloy na tumama sa kaniya ang maraming kadena.

Ngunit bago pa man maglaho ang dalawa ay napantingin sila sa kinaroroonan ni Inwin na Kasalukuyang dahan-dahan na balot ng tubig ang kadena bumaon sa katawan ni Inwin.

Samantala manumbalik sa kaisipan ang Mage ng Silver Bill na si Prince Keleven habang tulala nakatingin sa dahan-dahan pag ka sira ng harang.

Gagawa sana siya ng panibagong harang gamit kaniyang apoy ngunit napaatras siya ng biglaan tumama ang kadena na balot ng tubig sa harang na sanhi na tuluyan nasira ito.

Sinundan niya ng tingin ang pinagmulan ng kadena. Hindi niya maiwasan nanginginig na makita kung sino ito.

Nakalutang ang binata habang inangking ang kadena at ginawang harang sa palibot niya. Nag seryoso nakatingin si Prince Keleven ngunit nakahinto siya na mapansin na wala ang trial card sa lalagyan nito.

Hinanap ng mga mata niya ito, napahinto siya na makita na sa kamay na ito ni Aurora na Kasalukuyang pinag-aralan paano gamitin.

Nag simula na naman siya makaramdam ng galit. Umapoy bigla ang kaniyang mga mata kasabay mabilis tumaas ang awra na inilabas ng katawan.

Sa isang iglap nasira ang tore na hindi niya malaman dahilan. Sinusubukan niya pigilan ang pag guho nito ngunit mas lalo na sinira na sanhi ng pagka lusaw nito.

"Hindi ito maari... Mapapahiya ko si Ama."

Binuka ang bibig ng prinsipe kasabay may na buo sa bibig nito na bilang apoy habang tumatagal ay lumubo ang tiyan nito.

"Dragon Raw!" 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro