kabanata 47
Kabanata 47: Class Battle
Nag pakitang gilas ang mga kasali sa Class battle mula sa Falling Star, Lion Law at Silver Bill. Hindi nagtagal natapos ang ranking na may kagalakan nadama. Hindi magtatagal ay magsimula ang Class Battle.
Nakaupo silang apat sa kanilang pwesto. Nanatiling nagmasid sa paligid kung anong susunod na mangyari. Nag tawanan ang apat na mula sa Silver habang nakatingin sa kanila.
"Bakit ganyan sila makatingin sa'tin?" Takang sambit ni Aurora.
Napabuntong hininga si Allak. "Alam mo kasi pinag-uusapan na naman ng Silver Bill ang pag ka talo palagi ng One Eye at kung hindi matalo na sa pangalawa o pangatlo pwesto." Hindi tumingin sagot ni Allak.
"Kaya pala sila ganoon sa'tin. Hayaan mo sila. Ngayon tayo ang napili sisiguraduhin natin na manalo tayo. Alaalahanin niyo ang pabuya at kahilingan kung manalo tayo," mahinang saad ni Inwin.
Sumang ayon ang tatlo sa sinabi ni Inwin. May isang oras pa ang natitira bago mag simula ang Class Battle. Nakuha ang lahat ng atensyon sa pag pasok ni Lazz ang matandang lalaki nag bigay ng pag subok sa mga balak na mag-aral sa Class Academy.
Sa bawat hakbang ay dahan-dahan gumalaw ang sahig na tinapakan ng apat na grupo sa mag kaibang direksyon. Nagulat sila ng lumitaw ang tower sa gitna ng bawat grupo. Sa dulo ng tower may dalawang trial card .
"Limampunng minuto bago mag simula ang Class Battle. Ako ngayon taga-anosyo at taga-masid sa paligsahan ito. Ako si Lazz sa hindi pa nakakilala. Ang Class Battle ngayon ay may binago ayon sa akin kaalaman at kagustuhan na disenyo. Kung napapansin niyo ang tower at sa tuktok nito ang dalawang trial card. Unang patakaran bawal ang pumatay. Pangalawa bawal ang gamitin ang sariling trial card at pang huli kung natalo niyo ang lahat ng membro ng isa grupo ngunit hindi mapabilang sa inyo ang puntos kung hindi masira ang tower at manakaw ang trial card."
"Paalaa ko lang pag na alis sa loob ng Arena ang isang membro ay talo at kung sino man ang dahilan na pag ka alis nito sa kaniya mapupunta ang puntos. "
Nag simula mag sigawan ang lahat ng manonood at kaniya kaniya sigawan na pangalan ng grupo ngunit halos naririnig nila sa One Eye...
"Hindi mananalo ang One Eye!"
"Silang apat baka hindi makaabot ng ilang araw baka talo na."
"Sana mananalo ang Silver Bill!"
Nag katinginan silang apat na may blankong tingin. Walang may gusto mag salita. Nag-iisip ang bawat isa sa kanilang gagawin.
Bumaba sa upuan ang lahat ng Captain at pinuntahan ang pangkat upang palakasin ang loob.
"Alam ko mananalo kayo. Nagtitiwala ako sa inyong kakayahan at sana ipakita niyo ang kakaibang taktika na gagawin ang lahat para manalo."
Hindi makasagot sila, seryuso nakatitig sa Captain. Pilit ngumiti kahit hindi masaya. Nanabik ang Captain sa magaganap na labanan at dito niya malalaman kung hanggan saan ang kanyang gawin ng baguhan. Kumaway muna ito bumalik sa upuan.
Samantala sa Silver Bill mahinahon lamang ang bawat isa. Si Nakaza lamang ang pang karaniwang. Kasama niya ang may dugong bughaw na si Reyland Virtuso, Princess Vegga at kasama nila ang anak ng hari na si Prince Keleven.
Si Princess Vegga ay kasalukuyan nag sasalita tungkol sa plano nila kung paano talunin ang lahat ng grupo.
Samantha sa Falling Star ay tahimik lang lalo na ang lalaking may hood na may hawak na sandata na wand.
Sa kabilang banda ay kaniya kaniya gawa ang Lion Law. Abala ang lahat sa pag sasanay mag palabas ng mahika.
Lumipas ang ilang minuto ay nag salita muli si Lazz.
"Tapos na ang isang oras. Ngayon opisyal na mag simula ang Class Battle!"
Naging alerto ang lahat at kaniya kaniya porma. Maraming mga puno ang lumitaw, bato at wild beast. Umulan ng niyebe sa Falling Star, umulan sa One Eye, ma araw naman sa Lion Law at sa Silver Bill ay mahangin.
"Trial Card Battle. Mag pasya kung sino ang sa itaas na mag protekta at sa ibaba naman ang Shield Battle at sa gitna ng lahat ang mga Potion na maaari nakatulong sa inyo. Isa, Dalawa, Tatlo...!" Nag laho si Lazz.
"Ako na bahala sa itaas kaya ko protektahan ang trial card," sambit ni Aurora. Hindi tumugon ang tatlo ngunit hindi pinansin ni Aurora. Lumutang lumutang lamang ito patungo s tuktok.
"Ako na bahala sa Shield kaya ko ito protektahan at patibayin pa." Nanabik na saad ni Allak.
Umalis si Allak at nag tungo sa harap upang simulan bantayan ang harang.
Hindi nag-usap si Inwin at Almar na lumabas sa tower. Nag hiwalay sila sa mag ka ibang direksyon.
Samantala sa itaas ay kasalukuyan nakatayo si Aurora malapit sa Trial Card.
Nag hada siya ng matanaw sa malayo na umalis ang Mage ng Lion Law. Lumingon siya sa kabila na nag simula mag ipon ng atake ang mage ng Falling Star. Samantala ang mage ng Silver Bill ay naglalaro lamang ito ng apoy sa kamay.
Nanliit ang tingin ni Aurora nang mapansin ang itim na usok mula sa hindi kalayuan. Malakas ang buhos ng ulan kaya malabo. At hindi siya sigurado kung kanino grupo ito nag mula.
Mabilis na tumama sa kaniyang direksyon ang mga patalim na likha sa hangin. Ka-agad naman niya ito na iwasan sa pamamagitan sa pag palipat lipat ng pwesto. Hindi niya hinayaan na may tatama sa harang ng Trial Card.
Hinanap niya ang pinag mulan ng atake. Napatingin siya sa iba. Natanaw niya ang babae Warrior na mula sa Lion Law na kasalukuyan nagtatago habang patuloy binabato siya nito ng patalim.
Itinaas niya ang kanang kamay saka itinutok sa kalangitan. "Ice magic: Falling Giga Flake." Lumitaw sa kalangitan ang magic circle. Sunod-sunod na hulog ang mga Ice Flake sa direksyon ng babae. Nataranta ito mag hanap na pwede pag taguan ngunit hindi nag tagal ay hinarap ito.
"Wind Magic: Kanata Trio."
Sa bawat kilos ng babae ay may na iwan ito na bakas. At bakas na iyong ay kaniya sumira ng Ice Flake.
Muntik na ito matumba kung hindi sinangga ng Mage na kasama nito na kasalukuyan nasa tuktok ng tower ng Lion law.
Napatigil sa pag atake si Aurora ng may biglang umatake sa kaniya na muntik na siya masaksak king hindi siya tumagilid ngunit nasugatan siya pa rin ng kaunti. Ka-agad naman niya ito tiningnan kung kanino nag mula.
"Aurora?" Natatawang sambit ng lalaki naka hood.
"Ang mage ng Falling Star? " nalilitong sambit ni Aurora.
Bago pa man ito nakagawa ng atake nang naunahan ito ng Mage ng Lion law. Ngunit hindi tumalab ng atake ng Mage ng Lion law.
Pinag tulungan ni Aurora at Dilim ang mage ng Falling Star sa kadahilan pareho sila nito inatake. Hindi nag tagal ay inatake ang mage ng Silver Bill na labis na bigla.
"Sinong pangahas ka para kalabanin ako!" na iinis na saad ng lalaki.
"Sino ka ba?" Natatawang sambit nito na mas lalong nag pa init ng ulo nito.
"Ako lang naman si Prince Keleven ang anak ng hari!" galit na sagot ng lalaki.
Nag laho ang lalaki na parang usok. Hindi mapigilan ni Prince Keleven ang galit na unti-unting na buo sa kaniyang isipan at puso. Biglang hindi makontrol ni Prince Keleven ang apoy na sanhi na tumama sa ibaba at itaas.
Nahihirapan si Aurora na salagin ang apoy. Hindi sila kapantay ng antas ng prince kaya malaking tansya na matatalo siya nito kung mag tagal.
Napatingin siya sa tower ng Lion Law na kasalukuyan nag palitan ng atake si Dilim at Damon sa isa't isa.
Ginamit niya ang ulan. Pinag yelo niya ang mga ito ngunit agad ka-agad naman ito natunaw. Hindi nag pa talo si Aurora umatake na rin siya kasabay lumikha sa mag kabilang palad ng Giga Snowflake saka hinagis ng buong pwersa sa direksyon ng Prince. Walang kahirap-hirap na tinunaw ng binata ngunit bumuhos sa kaniyang katawan ang malamig na tubig na sanhi na biglang panginig ng buong katawan. At dahan-dahan nanigas ang buong katawan.
Kahit anong pilit subukin na mag palabas ng apoy ay hindi magawa ng binata.
Napangiti si Aurora bago pa sila maunawaan. Sumulat si Aurora sa Munting Snow Flake saka hinagis sa kinaroroonan ni Inwin. Ka-agad naman ito nasalo ng binata. At binasa.
Nag madali lumikha ng lubid na tubig. Pinaikot ikot sa eri bago bitawan. Hindi nag tagumpay si Inwin sa kaniyang balak nang humarang ang lalaking knight. Mabilis sumulong ito sa kaniya.
Nagawa niya iwasan at sanggain ang mga sunod-sunod na atake nito. "Aldous? Dito pa tayo muli nagkita at kaaway ulit.”
Tumalon siya paatras sa eri na mag pakawala ng enehirya si Aldous. Hindi nag dalawang isip si Inwin na gamitin ang water Hand at Water Bang. Lumitaw sa likuran ni Inwin ang mga anyong kamay ng tubig habang nakatapat kay Aldous.
Hindi inaasahan ni Aldous ang sunod-sunod nag pakawala ang Water Hand ng Water bang na naging dahilan na kaniyang pag ka tilapon at tumama sa bato. Hindi nag dalawang isip si Inwin na tumadyak sa lupa kasabay lumitaw sa paanan niya ang tubig hanggan sa naging malaking alon.
Hinugot nita mula sa kung saan ang kaniyang espada. Nag madaling tumakbo pasugod kay Aldous nong nasa harapan na siya saka tumalon sabay tutok sa mukha ni Aldous.
"Water Prison!"
Pag lapat ng balat sa mukha ng espada ni Inwin ay ka-agad naman nabalutan mg tubig si Aldous kahit anong gawin nito hindi makawala.
Habang nasa loob si Aldous ay dumaloy sa espada ni Inwin ang Water Bang upang makapasok sa loob. At sunod-sunod na pag sabog ang naganap sa loob.
"Tama na hindi ko na kaya!"
Lumikha si Aldous ng mga dahon na kayang sumipsip ng tubig na sanhi na pag ka basag ng Water Prison.
Ka-agad naman umatras si Inwin.
Dahan-dahan nag dikit ang mga dahon hanggan sa naging ayon espada ito. Nag laho ang pigura ni Aldous, lumitaw sa likuran ni Inwin ngunit ka-agad naman niya na iwasan.
Nag simula na mag palitan sila ng atake. Halos pantay ang kanilang bilis ngunit sa lakas ay talo si Aldous.
"Sword Bang!"
Sa bawat tama ng espada ni Inwin sa espada ni Aldous nag karoon ng munting pag sabog kaya muntik na ito mabitawan.
"Leaf Blade!"
Sa bawat wasiwas ng espada ni Aldous may lumalabas na mga dahon ngunit walang itong epekto kay Inwin dahil sa tuwing didikit ito sa kaniyang espada ay sasabog lamang.
Umatras patalon si Inwin ng apat na beses. Pinaikot niya sa palad ang espada saka hinagis sa kinaroroonan ni Aldous.
Sa bilis na pangyayari hindi naka iwas si Aldous na naging dahilan na pag bagsak nito sa lupa nang tumama sa kaniya ang espada.
Sunod-sunod na pag sabog sa kinaroroonan ni Aldous at nadamay pa ang bagong dating na tumilapon papalayo.
Balot ng usok ang palibot. Tinawag ni Inwin ang espada na sanhi na pag lakas ng hangin sa palibot. Nang humupa ang usok ay sakto naman nasa kamay na niya ang espada.
Kitang-kita niya ang walang malay na si Aldous habang nakataas ang kanang kamay na senyales na hindi niya tanggap ang pag katalo.
Automatic nag laho sa loob si Aldous at na punta sa labas.
Hindi alam ni Inwin ang bagong dating na tumilapon ay kasalukuyan nagtatago sa mga yelong tubig.
Napahiyaw sa sakit si Inwin sa sakit, "Ahh!" Napakagat sa ibaba ng labi siya.
Hinugot niya ang nakabaon sa tagiliran niya. "Tipak ng yelo?" hinanap niya ang nag may-ari nito ngunit hindi niya makita.
"Hindi pa ako nakapasok ng tuluyan sa Silver Bill ay may natalo na ako. Kailangan ko maging alisto lalo na mayron silang Mage."
Napahinto siya sa pag lakad nang naramdaman ang mga aura ng kalaban. Napangiti siya at nag kunwari nahimatay.
Pinakiramdaman niya ang paligid. Hindi ka nga siya nag ka mali.
"Isang atake ko lang, wala na agad. Akala ko pa naman mahirap na kalaban ang isang 'to pero nag ka ma—"
Hindi natuloy ang sabihin nito nang marinig ko ang ingay ng kadena. Dinilat ko kunti ang mata ko upang makita kung anong nangyayari.
Ang knight ng Lion Law ay kasalukuyan nakadikit sa yelo. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang paghihirap na bumaon sa boung katawan ang kadena na may maliliit na matulis.
"Henry?" mahinang sabi ni Inwin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro