Kabanata 46
Kabanata 46: Ang Itim na kapangyarihan
Nag patuloy ang kanilang pagsasanay ng ilang sandali upang sanayin gawin perpekto ang taktika na kanilang nais. Naisipan nila mag sanib ng atake kung malaking tansya ang epekto nito. Hindi nga sila nabigo ng sinubukan ni Aurora At Almar. Samantala si Inwin at Allak ay kasalukuyan pinag laho ang likha na enerhiya sa kanilang palad.
"Nakahanda na tayo. " Paikot-ikot ang hangin sa katawan ni Almar na tila na parang lubid ang anyo nito.
"Kailangan ko parin sanayin ang bagong taktika upang masanay ang aking katawan, " nahihiyang wika ni Allak.
"Mauna na ako sa inyo. Parang hindi ko na kaya... " Nag lakad palabas si Aurora na parang walang buhay kung kumilos.
"Ako dito muna... Mag pahinga hindi ko na kaya lumakad. " Bumagsak na una ang pang upo sa damuhan si Inwin.
"Allak sabay na tayo umuwi. Ipagpatuloy mo na lang ang pagsasanay sa silid mo para hindi ka mabilis mapagod."
Umalis ang tatlo na hindi lumingon kay Inwin. Napatingala sa kalangitan nang napansin ang lumulutang na itim na munting ulap na parang hindi likas ng kalikasan. Sa sinag ng buwan ay napag tanto niya isa ito likha ng nilalang.
Nanliit ang tingin niya na mag laho ang munting ulap. Dahil sa nangyari iyong ay naramdaman niya ang may kagagawan nito. Hindi siya nag pa hlata na alam na niya ang may pakanan ay malapit sa kaniyang kinaroroonan.
Biglang nag laho ang misteryosong aura na naramdaman ng pandama niya. Umalis siya sa kaniyang kinalagyan. Maigi pinag masdam ang paligid. Hindi nga siya nag ka mali na makita ang munting bakas sa ilalim ng matandang puno ng Sakura. Ka-agad naman siya lumapit sa ilalim ng puno. Hinawakan ang puno sabay pikit ng mga mata, nararamdaman niya ang mala-kuryete na enerhiya at malinaw niyang nakikita ang bakas nito.
Napagtanto niya nitong nakaraan araw may nag subaybay sa kanilang pagsasanay. Hindi man niya alam ang nais ng kung sino man ngunit iisa lang ang posibleng mangyari kundi may nanganganib. Umuwi siya na puno ng katanungan na mas lalong nag pa lito sa kaniyang kaisipan . Hindi na niya nagawa pang batihin ang ibang membro ng One Eye dahil ang kaniyang paningin ay parang umalon na katulad ng alon ng hangin. Hindi niya mawari kung ano ang naging dahilan nito. Kung bakit nararanasan niya ang mala impyerno na temperatura ng init sa kaloob-looban ng katawan niya.
Hindi pa siya nakaabot sa ikalawang palapag na biglang nag dilim ang kaniyang paningin ka sabay nawalang siyang ng kakayahan makarinig. Ang tangi nararamdaman niya ang subrang pag init ng puso at utak niya. "Ahhh Tu-! " nawala na lamang ang kaniyang boses sa isang iglap.
Nanginginig ang mag kabilang tuhod na para bang pinasok siya sa malamig na panahon. Hindi nag tagal, hindi nakayanan ng katawan ni Inwin na suportahan ang mag kabilang paa na tumayo. Huminto ang kaniyang tibok ng puso ng limang segundo kasunod ang pagkawala ng lakas niya, na sanhi na pag bagsak niya sa hagdanan at nag pagulong-gulong na hindi naigalaw ang buong katawan.
Nagmadali tumakbo ang Captain patungo sa hagdanan. Kitang-kita niya ang katawan ni Inwin na kasalukuyan nag pagulong-gulong, nanliit ang kaniyang mga mata na mapansin ang maraming galos at paso. Gumawa siya ng paraan upang hindi bumagsak si Inwin sa sahig sa pamamagitan sa pag likha ng harang.
"Nakalanghap siya ng itim na kapangyarihan. Hindi ako puwede magkamali ang mga sintomas nakikita ko. "
Dumating sa likuran ang ilang membro na nagtataka nakatingin kay Inwin at Captain. Maraming man sila gusto itanong sa Captain subalit pinili nila ang manahimik.
Nag sinungaling ang Captain sa kaniyang natuklasan upang hindi mapahamak ang ilang membro na hindi sapat protektahan ang sarili laban sa gumamit ng itim na kapangyarihan.
Dinala ng Captain si Inwin sa kaniyang silid. Maingat na binaba sa higanteng bulaklak ng Sun Flower. Agad niyang sinimulan ang dapat gawin. Sa pamamagitan ng ilang nilikha niya na halaman upang sipsipin sa katawan ni Inwin ang itim na kapangyarihan. Ilang oras ang lumipas na matapos niya gawin.
Nakatitig siya sa mukha ni Inwin na puno ng katanungan na naglalaro sa kaniyang isipan. "Pakiwari ko may nakapasok sa Class Academy na espiya na sumubaybay nang palihim sa lahat ng estudyante." nagtatalo ang kaniyang puso at isipan sa pag litaw ng itim na kapangyarihan sa Class Academy. “Ang Hari kaya ang nag-utos o ang mga Assassin? ” hindi man siya sigurado sa kaniyang na isip na pwede gumawa nito.
Pinag tapat niya ang mag kabilang kamao niya. Sa isang iglap nabuo ang kwintas ng usok na hindi makikita ng pangkaraniwang mata maliban kung talentado ang isang adventure.
Sa pag hiwalay ng mag kabilang kamo, tuluyan nabuo ito. Ang kwintas na may palawit na buto na kulay berde. Napagpasyahan niya isuot ito sa leeg ng binata upang kung sakali mangyari ulit ay hindi masyadong ma apektuhan.
Kinabukasan kompleto silang apat nakarating sa arena. Sila ang pangunahin lalahok sa ranking bago ang ibang membro.
Nasa gintong upuan ang mga Master ng iba’t ibang Class samantala sa pilak na upuan ang mga Captain. Hindi inaasahan ng lahat ang pag dating ng Hari kasama ang anak at asawa nito upang masaksihan ang labanan ng mga mahuhusay na estudyante sa Class Academy. Pinaupo ang pamilya ng hari sa magagarang upuan.
“Magandang umaga sa inyong lahat. Nais ko lang sabihin bago tayo mag simula sa ranking. May barrier ang arena para sa kaligtasan ng mga manonood. Kung ano man ang malaking delubyo sa loob ng arena ay hindi makakalabas. Ang unang susubok sa Rocker ng ranking ay mula sa One Eye. Sina Aurora, Allak, Almar at Inwin! ”
Nag simula ang sigawan at palakpakan ng mga manonood maliban sa mga Master, Captain at Royal Family na seryusong nakatingin sa kanilang apat.
“Ako na mauna, ” nagagalak na sambit ni Almar.
Nag tungo siya sa gitna ng arena. Huminto siya bilog na bato na kaharap niya. Sa pag taas ng kanang kamay lumitaw ang isang daan espada. Umatras ng bahagya si Almar na lumabas sa Rocker ang taong bato.
Sumunod ang galaw ng espada ayon sa kaniyang kamay. Nang ituro niya ang taong bato mabilis sunod-sunod tumama ang mga espada taong bato. Sa pag palakpak ni Almar kasabay nabuo sa mag kabilang gilid ng taong bato ang anyong kamay ng hangin kasabay humapas ito. Sunod-sunod na pag sabog ang maririnig sa loob ng gitna ng arena. Sa pag hupa ng usok bumungad sa kanilang resulta, “” laking tuwa ang nadarama ni Almar malapit na siya sa ikalimang ranggo. Isang hakbang na lang para ma abot ang Mastery Knight. Tinawag siya ni Allak upang matauhan sa sandali pag ka bigla sa resulta.
Umalis si Almar at pumunta si Allak sa pwesto na dati kinatayuan ni Almar. Mabilis lumabas ang taong bato sabay atake sa kaniya na muntik na siya tamaan ngunit ginamit niya ang Red Leaf Reflection na sanhi na pag tilapon papasok ng taong bato pabalik sa Rocker.
Nakahinga ng maluwag siya nang masigurado na hindi na lumabas ang taong bato. Napatitig nang lumabas sa ibabaw ng Rocker ang resulta.
“Mastery Healer? ” hindi makapaniwalang sambit ni Allak. “Sa wakas natupad na rin ang pangarap namin mag kapatid. Na isa sa’min may tatapak sa Mastery Healer. ” dahan-dahan nag lakad pabalik sa grupo at sinalubong naman siya ni Aurora na kasalukuyan kinakabahan.
“Kaya mo yan! ” pag papalakas loob ni Allak kay Aurora.
Hindi sumagot si Aurora sa halip ngumiti lang ito. Nang makarating sa gitna ay lumabas sa Rocker ang taong bato na may matutulis na kamay.
Mabilis tumakbo ang taong bato saka nag pakawala ng matutulis na bato. Hindi naman umilag si Aurora sa halip hinarang niya ito gamit ang kanang palad. Kaunti na lamang ay tamaan na siya nito ngunit lumabas sa kaniyang palad ang Snowflake na kulay berde na naging sanhi na pag ka basag ng mga bato at nalaglag sa sahig.
Umikot si Aurora habang ang dalawang kamay ay nakababa at isang paa ang nakatapak sa bilog na bato. Pinaulan siya ng matutulis na bato ng taong bato habang nag palipat lipat ng pwesto.
Nag liwanag sa paanan ni Aurora ang magic circle na kakalitaw lamang. “Fan Snowflake! ” lumabas sa magic circle ang mga snowflake na kasalukuyan umiikot. Medyo may kalakihan ang mga ito na sapat na para saktan ang sino man.
Sa pag hinto ni Aurora ay kasabay tumama ang mga snowflake sa iba’t ibang direksyon hanggan sa naubos niya ang matulis na bato. Hindi inaasahan ni Aurora na mag tungo ang Snowflake sa taong bato. Sunod-sunod na hiwa sa iba't ibang katawan ito. Sa pag laho ng Snowflake ay nag madali tumakbo ang taong bato pabalik sa Rocker.
Lumabas ang resulta na halos hindi siya makapaniwala na abot niya ang ika-limang ranggo. Ang susunod na ranggo ang pinapangarap niya ngayon ang Master Mage. Hindi man ganon dati na madali niya na abot ang ranggo ng Master Mage. Ngunit ngayon lubos niya pinag tuonan ng pansin ang kaniyang kakulangan sa kasalukuyan sitwasyon.
Nilibot ang tingin ni Aurora sa lahat ngunit halos hindi siya makagalaw ng makita ang dating kasamahan niya sa Assassin. Ngumiti lamang ito sa kaniya habang nakatingin.
Kaagad naman na pansin ni Inwin ang nanlalaki na mga mata ni Aurora na kaagad siya nagmadali mag tungo sa gitna. Nang makaabot sa loob ng bilog na bato. Mahina kinalabit ni Inwin upang matauhan si Aurora.
“Diyos ko,” kinakabahan sambit.
“Aurora umalis kana habang hindi ka pa nahalata na kung sino man yan nakita mo. ”
Tumabi si Aurora saka nag lakad. Pakiramdam niya tuloy hindi sapat ang kaniyang ranggo laban sa dating kasamahan kung sakali malaman nila buhay pa siya.
Nag iinit ang buong kamao ni Aurora parang gusto niya mag wala ngunit pinipinigilan niya. Nang marating ang pwesto nila ay huminga siya ng malalim bago umupo.
Samantala nakatingin ang lahat sa binata naghihintay kung anong gagawin. Ngunit ilang minuto ang lumipas ay hindi kumilos si Inwin maging ang taong bato ay hindi lumabas sa Rocker.
Nag simula mag bulungan ang mga manonood sa kanilang pagtataka. Hindi maiwasan ng ilang na sumigaw at nilait ang binata.
Natahimik ang lahat ng dahan-dahan may lumabas na kamay sa Rocker. Napatitig ang apat na Captain at Master na labis nag pa tibok ng puso. Hindi mapigilan ng hari na tumayo mula sa pagka-upo nang masilayan ang nilalang na lumabas sa Rocker.
“Ang Dark Golem, ” sambit ng hari.
Kitang kita nila ang nakapalibot na itim na kapangyarihan sa Dark Golem. Ang Dark Golem na may kadena sa mag kabilang kamay.
Napatingala si Inwin. ‘Ang Mataas na rank sa Rocker? ' laman ng isip nito.
Ibinato ang hawak na kadena ng Dark Golem sa kaniya ngunit nagawa niya pigilan sa pamamangitan na pag likha ng Water Wall. Ibinato ang isang kadena sa eri na agad naman sumabog ang dulo at lumabas ang maliliit na kadena patungo sa ulo ni Inwin.
Hindi niya inalis ang konsentrasyon sa Water Wall. Hindi niya pa nagawa subukan ang taktikang ito. Lamabas mula sa kaniyang likod ang maraming anyong tubig na kamay. Pinag susuntok ang mga kadena na sanhi na pag sabog nito at bumalik sa pinag mulan. Napaatras ng dalawang hakbang ang Dark Golem sa matinding pwersa na mula sa pag sabog.
Pagkakataon niya gamitim habang abala pa ito sa pag pakawala muli ng kadena. Binaba niya ang kaniyang kamay kasabay nag laho ang Water Wall at mabilis tumama sa kaniya ang kadena. Ngunit bago pa man tuluyan tumama ay nagawa na niya makalipat sa ibang pwesto at naging dahilan na tumama ang kadena sa bilog na bato na bumaon. Pilit man bawiin ng Dark Golem ang kadena ngunit hindi siya nag tagumpay.
“Water Bang! ”
Sunod-sunod nag pakawala sa daliri si Inwin ng mga munting bolang tubig ngunit nang makalapit ito sa Dark Golem biglang lumaki ito kasabay tumama. Sunod-sunod napaatras ang Dark Golem patungo sa Rocker. Maririnig sa buong arena ang pag sabog ng mga Water Bang hanggan sa tuluyan na bumigay ang katawan ng Dark Golem at bumagsak sa Rocker papasok.
“Inwin Steal ang ika-apat na membro na sasali sa Class Battle. Kitang kita natin kung paano niya tinalo ang Dark Golem na may itim na kapangyarihan. Maligayan bati ikaw ay...! ” nanabik na sambit ng taga-anonsyo.
Lumitaw sa ibabaw ng Rocker ang kulay ginto na liwanag. “Maligayan bati ikaw ay isang ganap na Master Warrior! ” napangiti si Inwin sa resulta. Inaasahan niya ang mangyari na ito ang kalabasan. Hindi maiwasan ng ibang Team na sasali sa Class Battle ang mabahala. Ang team na mula sa One Eye ay talentado lalo na, ang may pangalan Inwin Steal.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro