kabanata 45
▬▬ι═══════ﺤ
Kabanata 45: Ang Bagong Taktika
Buong mag damag nag pakasaya ang Grupo ng One Eye. Nakilala ni Inwin ang lahat mula sa unang team at hanggan huli. Kinabukasan ay walang pasok kung hindi puro pagsasanay ang ginawa ng lahat. Sa ikalawanag araw ay nag hiwalay ang apat na grupo sa iba't ibang sulok ng Class Academy na hindi nakikita ng bawat isa upang maiwasan magkaroon ng ideya sa paparating na labanan. Napili nila ang tuktok ng Class Academy upang mas lalong sanayin ang koneksyon nilang apat sa pamamagitan ng pakiramdam at pamilyar sa isa't isa ng enerhiya upang malaman at makilala .
Napag alaman ni Inwin ang lihim na kakayahan ni Almar mula kay Allak na hindi maiwasan na i kwento na unang masaksihan ang kakayahan ni Almar. Samantala si Aurora ay walang tigil sa pag likha ng niyebe sa kaniyang paligid upang mas lalong sanayin ang katawan na pagodin at gamitin na lagpas sa limitasyon niya. Nasa unahan naman si Almar naka upo sa isang sanga habang inamoy ang hangin kung anong dala na mensahe at impormasyon na likom nito. Malinaw sa isipan ni Almar nakikita ang mga insektong nasa paligid niya kahit subrang liit nito ay kitang-kita niya ang kabuoan nito maging ang mga ingay na ginawa ng mga insekto ay malinaw niyang naririnig.
Napag pasyahan ni Inwin na lumayo kay Allak upang simulan mag sanay. Inilabas niya ang Purgatory Krus Sword saka iwinasiwas sa eri na may lumabas na munting enerhiya. Napangiti siya abot hanggan tenga sapagkat hindi niya maiwasan na isip pag nagamit niya ang buong potensyal ng sandata ay malaking tulong sa kaniya gamit sa labanan sa kasalalukuyan at hinaharap. Nag simula na siya komonekta sa espada na naging dahilan na subrang pag gaan nito na para bang dahon ang timbang nito.
Sinubukan niya gamitin ito na kunwari may kalaban upang madama niya ang natural na enerhiya sa paligid. Napapansin niya sa tuwing nagsasanay siya ng physical ay mabilis ang pag higop ng kaniyang katawan ng natural na enerhiya. Unti-unti niyang natagumpayan ang pagsasanay nang mag liyab ang espada na labis natuwa ang kaniyang nadarama. Nang mapag tanto na sapat na ang pagsasanay sa Purgatory Krus Sword ay napag pasyahan niya mag sanay ng elemento ng tubig kahit gusto man niya sanayin ang elemento ng lupa ngunit hindi pwede baka malaman ang kaniyang lihim na iningatan sa mga mata na mapaglinlang.
Samantala si Allak ay minaster ang larangan nag papagamot upang hindi maging pabigat sa grupo lalo na isa lamang siyang support sa labanan. Sinubukan pag isahin ang Red Leaf Reflection at Red Leaf Support upang malaman kung ano ang kalabasan ng dalawang taktikang mag kaiba. Ilang beses sinubukan bago mag tagumpay na pag isahin at labis ang kaniyang pag ka gulat nang masilayan sa palad ang bulaklak na kulay Orange. Hindi niya alam kung anong kayang gawin nito kaya humarap siya sa direksyon ni Aurora upang subukin. Hindi nag dalawang isip si Allak na ihagis kay Aurora ang bulaklak ngunit mabilis nakagawa ng harang si Aurora gamit ang higateng Snow Flake.
Sumabog ang Bulaklak na sanhi na pag ulan ng mga dahon na mula sa kalagitan sa kanilang kinaroroonan, nang tumama ang mga ito sa balat ni Inwin at Almar ay nakaramdam sila na panginginig na hindi maunawaan ang temperatura at nabuo ang harang sa kanilang tatlo gaya kay Aurora at Bumalik ang kanilang lakas habang nasa loob ng harang. Sa pag hinto ng ulan kasabay bumagsak si Allak nang sumakit ang kanang mata nito. Hindi nag tagal ay nag laho ang harang.
Agad naman silang lumapit kay Allak na nag alala sa kalagayan nito. "Anong problema Allak? May masakit ba sa'yo? At bakit bigla mong inatake si Aurora? " sunod-sunod na tanong ni Almar.
"Pasensya na kayo nais kong lang subukan ang kombinasyon ng dalawang taktika at na pag pasyahan ko ihagis ito kay Aurora upang malaman kung anong epekto nito. Ngunit hindi ko inaasahan mapapahamak ako sa padalos dalos na pasya ko." Dahan-dahan umagos ang pulang likido sa kanang mata na tinakpan ni Allak.
Naunawaan nila si Allak. Lumapit si Aurora upang tingnan ang kanang mata ni Allak ngunit hindi naman kalala ito. Ibinigay ni Aurora ang potion na kaniyang ginawa nong hindi pa siya estudyante ng Class Academy.
"Nag tagumpay ka. Anong pangalang sa taktikang iyong Allak? " tanong ni Inwin. Hinintay niya ang kasagutan, talagang kahanga-hanga ang kombinasyon ginawa ni Allak. "Tatawagin ko ito Flower Opposite Report. Nakita niyo naman ang epekto nito." mahinang sagot nito habang matamis na ngumiti bago inumin ang potion binigay ni Aurora.
"Mamamayan hapon natin ipag patuloy ang pagsasanay. Nakahanda na ako para bukas sa Ranking. Nakontrol ko ang dapat pag tuonan ng pansin upang mas lalong lalakas ang bawat taktika mo, " paliwanag ni Almar.
"Mauna na ako kami ni Allak." sabay lakad ng dalawa palabas.
Natira ang dalawa habang nag palitan ng tingin. "kahanga-hanga Aurora ang iyong ginawa kahit nasa mababa ang antas mo nagawa mo harangin. Hindi na masama sa isang tulad mo na sa Silver Rank. " ngumiti lamang si Aurora bago iniwan si Inwin.
Huminga siya ng malalim habang nakatingala sa kalangitan. "kailangan ko matuto sa lalong madaling panahon. Ang ilusyon na kapangyarihan ng Crown Monkey ay nasa akin. Paano ko ito pagaganahin kung hindi sapat ang kaalaman ko sa ilusyon, " bulong niya sa sarili.
Umupo siya sa ilalim ng puno habang pinikit ang mga mata. Inaalaala ang mga nangyari nong kinalaban niya ang ilusyon ng Crown Monkey. Napahinto siya nang imulat niya ang mga mata, bumungad sa kaniya ang kadilimam. Nasa loob siya ng kaniyang kaisipan.
Pumikit at dumilat siya. Mabuti na lamang ay nakabalik siya sa realidad na puno ng mga katanungan. "Ang ilusyon talagangan mahirap ngunit hindi ako susuko hanggan sa mapag tagumpayan ko ito. Sa susunod ko na lamang pag tuonan ng pansin ang ilusyon." tumayo siya mula sa pag ka upo at nag lakad pa labas.
Samantala malapit sa tutok ng Class Academy sa pinag insayohan nila Inwin. May lalaking nakatayo sa likod ng pader kita sa mga mata nito ang pagnamais na pumatay. Ang kasuotan nito ay pang estudyante na may lugo sa kanang dibdib na bituin.
"Pangako Master susundin ko ang iyong kagustuhan na mawala ang mga natitirang may elemento ng lupa sa loob ng Class Academy. Sisiguraduhin ko na mag tagumpay ako sa misyon kong ito. "
Binuka ang bibig nito saka sunod-sunod na tumawa na parang baliw. Dahan-dahan lumitaw sa paanan nito ang itim na magic circle at unti-unti sinakop ng anino ang buong katawan na mula sa magic circle bago tuluyan mag laho na parang usok.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro