Kabanata 44
Kabanata 44: Ang galit ni Almar
Hindi maiwasan ng ibang grupo na nanlaki ang mga mata na masaksihan ang kayang gawin niya. Nag simula ang bulungan ngunit kaagad naman bumalik sa pag insayo na dumating si Adam. Umupo lamang ito sa pwesto malapit sa kanila ni Inwin.
"Bakit mo iyong ginawa? " nagtatakang saad ni Allak.
"Pasensya ka na Allak nais ko lang malaman kung totoo ang sinabi mo. Talagang kahanga-hanga ang iyong kakayahan Allak. "
"Naku naman In—"
"Ako ang labanan mo. Tingnan natin kung hanggan saan ang kaya mong gawin na iwasan at sanggain ang bawat atake ko. Huwag mo subukan labanan ako kung hindi mas lalong hindi kita magustuhan."
"Almar huminahon ka lang. Parte pa rin ito sa pagsasanay ang kaniyang biglang pag atake sa'kin. Huwag naman sana umabot sa punto na hindi kayong dalawa mag ka sundo sa araw ng Class Battle, " mahinahong paliwanag ni Allak habang pinipigilan niya si Almar na lumapit kay Inwin, at mabuti na lamang ay nag pa gitna si Aurora.
Tumingin lamang si Aurora na blanko kay Inwin. Ayaw niya lapitan ito dahil alam niya na hindi ito gumagawa ng hakbang na hindi nag iingat.
"Allak bitawan mo siya. Tinatanggap ko ang hamon mo Almar kung ikakasaya mo iyan."
"Huwag ka—" Hindi natuloy ang sabihin ni Almar nang napansin ang ika-apat na Master na kasalalukuyan nakatingin sa kanila habang nag lalaro ng munting apoy sa palad.
Mahinahon niya sinabi na lumayo ang mga kasama nila sa one eye. Itinaas ang kanang kamay sa eri kasabay dahan-dahan nabuo sa palad nito ang espada.
"Handa ka na ba? "
Hindi sumagot si Inwin sa halip tumango lamang siya. Iwinasiwas sa eri ang espada na hawak ni Almar saka hinampas ang hangin sa harapan nito na sanhi nag anyong matutulis ang hangin at itulak nito ang hangin patungo kay Inwin.
Tumalon sa eri si Inwin sabay ikot ng mag kabilang kamay at dahan-dahan nakabuo ng tubig sa mag kabilang kamao na nag anyong kamao na tubig. Sunod-sunod pinag suntok ni Inwin ang matutulis na hangin na sanhi na pag sabog sa eri at pag atras ni Inwin nang napansin ang muling pag sabog na kaniyang na iwasan. Lumapag siya sa sahig na nakatayo. Hindi pa rin nawawala ang Water Hand niya.
Muli na naman umatake si Almar gamit ang libo-libo espada na katulad ng kaniyang orihinal na espada. Hinagis niya ito sa eri patungo sa direksyon ni Inwin. Sinubukan pigilan ni Inwin gamit ang Water Hand ngunit hindi niya maiwasan may tumagos sa Water Hand niya na muntik na tumama sa kaniyang binti kung hindi siya tumalon patalikod.
Nawasak ang Water Hand ni Inwin. Malapit na sa kaniya tumama ang mga espada ngunit bigla na lamang ito huminto sa hindi malaman dahilan ng lahat. Sa pag kuyom ng kamao ni Inwin kasabay nabasag ang mga espada maliban sa orihinal na bumalik sa kamay ng may-ari.
'Anong laban ng gold rank sa tulad ko na platinum. Hindi nag iisip kung sabagay hindi nalalaman ang tunay kong antas.' Isip ni Inwin.
Pinag laho ni Almar ang kaniyang espada saka ngumisi hanggan tenga habang tinapunan ng masamang tingin si Inwin.
"Tumigil na kayo sa paglalaban. Oras ito ng pagsasanay niyo para paghandaan ang paparating na Ranking at Class Battle. Ikaw naman Almar huwag padala sa emosyon mo at ikaw naman Inwin huwag patulan. "
Pagkatapos mag salita ng Ika-apat na Master ay nag tungo ito sa Silver Bill na hindi sila tiningnan kahit saglit.
Natahimik ang lahat ng One Eye dahil nahihiya ang mga ito sa ika-apat na master. Wala naman silang ituro na sisihin sa halip bumalik ang lahat sa pagsasanay na may seryusong ekspresyon.
"Almar hindi ko lubos ma isip na umabot sa punto bumalik na naman ang pakainitin mo. "
"Pasensya ka na Allak na dala lang ako sa emosyon ko. Hindi ko maiwasan sisihin ang sarili ko kaya isinisi ko kay Inwin, alam mo naman na ako ang kumuha ng misyon ngunit ibinigay ko kay Azula."
Hindi mapigilan ni Azula ang umiyak na kanina pa niya pinigilan ang luha. Napangiti ng mapakla na mapag tanto ang kaniyang pagkakamali. Hindi siya makatingin sa mga mata ni Inwin.
"Naunawaan ko Almar ang iyong kalungkutan na puno ng pagsisi pero nais ko sana humingi ka ng kapatawaran kay Inwin."
Hindi umalis si Inwin sa halip lumapit siya sa kinaroroonan nila ni Allak at Almar.
"Almar ano na? " sabay taas na mag kabilang kilay nito saka lumingon saglit kay Inwin.
Yumuko si Almar saglit, hindi niya alam kung paano sabihin ang patawad ngunit sa bandang huli ay napag pasyahan na mag salita.
"I-Inwin... paumanhin hindi ko intensyon saktan ka."
"Pinapatawad na kita. Naunawaan kita Almar sa nararamdaman mo ngayon sana huwag kang mag pa dala sa naririnig mo sa isipan na boses kung hindi ika'y mapapahamak lamang. "
"Maraming salamat Inwin. "
Yinakap saglit ni Inwin si Almar kahit papano gumaan pakiramdam nito.
"Mabuti naman nag ka sundo kayo. Bweno wala na tayong oras ngayon para mag insayo tayong apat."
"Bakit? Takang saad ni Inwin.
"Kailangan natin mag madali umuwi sa One Eye upang ibalita na tayo ang napili sa Class Battle. Sa pagkakataon ito makikita natin ang ibang team. "
"Wala na tayo sapat na oras, " walang ganang sambit ni Almar.
Lumutang silang apat sa eri gamit ang elemento ni Almar. Muntik na sumigaw si Aurora sa gulat kasi abala ito sa pag pokus.
Sa kumpas ng kamay ni Almar ay mabilis sila nakarating sa Stone Of Circle at sabay ang tatlo bumasag at kasabay din nila pag litaw sa One Eye. Bumungad sa kanila abala ang lahat sa kaniya kaniyang gawain.
"Captain sa tingin ko hindi problema kung bumalik ang pagkainitin ng ulo ni Almar."
"May punto ka Joffe. Nandyan naman si Allak na mag pa kalma sa kaniya na—"
Hindi natuloy ang sabihin nito nang napansin ang apat na pigura na kasalukuyan nakatayo sa stone of circle.
"Captain nandito na sila! "
Nag lakad ang apat pababa ng stone of circle. Napatingin ang lahat na may pagtataka habang tumigil sa kanilang gawain.
"Almar anong balita?" Tanong ng lalaking kalbo na ka team ni Almar at Azula.
Hindi sumagot si Almar sa halip tumango at ngumiti lamang siya. Lumapit ang Captain at si Joffe na may seryusong ekspresyon.
"Captain An Claus kami ang napili sa Class Battle! " masayang sigaw ni Allak.
Hindi sumagot ang kaptin sa halip pumalakpak lamang ito sa tuwa.
"Mag saya tayo ngayon gabi para sa napili sa Class Battle. Inaasahan ko sa inyong apat na may aalis kung sakaling mananalo kayo. Bweno ilabas ang alak! " sabay hinagis ang hawak nito na bote sa direksyon ng team dos.
Palihim napangiti si Inwin, tinitigan niya ang lahat sa mukha hindi niya maiwasan malungkot na hindi niya makakasama ng matagal sila.
Napansin ni Aura ang blankong mga mata ni Inwin. Napatango tango. ‘Ziwin talagang itutuloy mo ang iyong balak. ’ lamang ng isip nito bago sumali sa kasayahan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro