Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 43


Kabanata 43: Ang pag pili sa Class Battle

Nag balik si Inwin sa tahanan ng One Eye na halos hirap lumakad. Paano ba naman kasi ang hirap mag sanay sa pag buo ng Megalion  Potion. Tinawanan lamang siya ng ka-team niya nang makita ang kaniyang kalagayan. Halos hindi niya ma imulat ang mga mata sa subrang tindi ng kaniyang antok. Gusto niya matulog agad kaso ang bagal ng bawat hakbang niya patungo sa kaniyang silid.

Hindi niya magawang gumamit ng mahika sa kadahilan halos ubos na ang kaniyang enerhiya. Kung mag pupumilit pa siya mag labas baka makaramdam lang siya ng matinding init sa kaniyang puso at utak. Nag laho ang babaeng Mushroom matapos niyang mag tagumpay sa paggawa ng Megalion Potion. Hindi niya alam kung anong nangyari sa babaeng Mushroom sapagkat kulang siya sa kaalaman tungkol sa mahiwagan nilalang ng kalikasan.

Sa wakas ay nasa harapan na siya ng kaniyang silid. Sinipa niya ang pinto na agad naman bumukas at mabuti na lamang hindi siya na hilo sa kaniyang ginawa. Agad na pumasok at sinara ang pinto. Dahan-dahan ang bawat hakbang patungo sa kama hanggan nasa harapan na siya.  "Ka pagod. " kasabay ang pag bagsak niya sa kama.

Kinabukasan ay opisyal na niyang natapos ang misyon at nakatanggap ng gamtimpala. Kinausap siya ng Captain tungkol sa Ranking. Kailangan niya lang maka kuha ng mataas na marka at pag angat ng ranggo upang malaya siyang makapili.

"Si Heron na muli ang mag-alaga sa Aso ko. Wala ka na dapat gawin Inwin maliban sa mga misyon kinuha mo at tinanggap ng grupo."

"Masusunod Captain hindi—"

"Inwin huli ka na sa Forth Master! " sigaw ni Heron.

"Paalam Captain! "

Agad nag laho si Inwin at lumitaw sa loob ng Class Academy. Habang tinahak ang daan pa tungo sa ika-apat na Master ay hindi niya maiwasan marinig ang tungkol sa...

"Isa ako sa napili para sa gaganapin Class Battle na paparating na ranking. "

"Mabuti ka pa Cheska kahit isang hamak na Healer ka lang ay napansin nila ang talentong mayron ka. "

"Kinakabahan ako sa paparating na ranking sana umangat sa ikatlong ranggo. "

"Pag butihan ka pa ang pagsasanay ko. "

At maraming pang iba na estudyante ang nakatuon ang atensyon sa usapan sa Class Battle at ranking.

Pag karating sa loob ng silid ay halos tahimik ang lahat. Nakita niya ang batang lalaki nakatayo sa harapan at kasama ang iba pang master sa Warrior at nandito din ang Headmaster upang manonood sa pag pili.

"Magandang umaga Ginoong Steal. Bilisan muna umupo para makapag simula tayo sa pag pili. "

Tumabi siya kay Haroc na kasalukuyan tulala. Palihim siyang napangiti saglit bago mag seryusong tumingin sa harap.

"Ako pala si Adam ang ika-apat na Master sa Warrior at Healer. Ako binigyan ng karapatan na pumili na estudyante mula sa iba't ibang Class para sa gaganapin Class Battle."

Tumayo ang babae mula sa Falling Star habang nanginginig ang mag kabilang kamay.

"Binibining Sun? "

"Pasensya Master Adam ngunit hindi ko maunawaan ang Class Battle? Kung para saan at bakit?"

Tumango si Master Adam kasabay sa pag upo ng babae. Uminom ang batang lalaki ng potion at nag liwanag ang mga mata nito saglit.

"Ang Class Battle ay labanan ng apat na grupo na mula sa iba't ibang Class ang estudyante. Ang dahilan ng lahat na gustong sumali sa Class Battle ay malaya pumili kung tutuloy o hindi sa pag aaral. Bweno sana unawaan niyo ang nais kong sabihin.”

"Ang unang dalawang tatawagin ko ay pumunta dito sa harap at ipakita ang kapangyarihan ng taktikang panangga gamit ang sandata natanggap niyo sa unang Master. Mula sa Lion Law, Annabel at Mira! "

Nag punta ang dalawa at pinakita ang bawat sandata na parehong Katana. Ngunit sa huli napili si Annabel na may elemento ng hangin.

"Ang sunod na tatawagin ko hindi na kailangan mag pakitang gilas at ganon din ang iba. Rayland Virtuso, Henry Virtuso, at Inwin Steal. Ngayon tapos na sa pag pili. Headmaster anong sunod? "

"Matungo na sila sa Training Room upang mag sanay kasama ang  ibang Class na napili sa kanilang grupo. Samantala ang mga hindi pinalad napili ay malaya kayo sa kahit anong gusto niyong gawin maliban sa bawal pag uwi sa grupo at makipag laban na walang pahintulot ko. "

Lumabas na silang apat at tinahak ang daan patungo sa training room. Sa kanilang pag dating tumigil ang mga nag sasanay.

Agad naman nag punta si Inwin sa One Eye na simbolo. Nandon sila Aurora, Nana at iba pang membro ng One Eye.

"Ikaw pala si Inwin ang kasama sa misyon ni Azula?  Malalaman ko ngayon kung gaano ka kahina, " naiinis na saad ng lalaki.

"Kalma lang Almar hindi natin siya kalaban. Huwag ka na magalit sa kaniya  ayos lang naman ang kalagayan ni Azula. Bweno ikaw ang napili sa Warrior? "

Umalis si Almar at nag tungo sa Healer na kasama.

"Ako nga."

"Ang makakasama mo sa Class Battle ay si Almar na isang knight, Aurora na isang Mage, at ako na isang Healer. Kung hindi mo pa ako kilala, ako pala si Allak kahit nakakatawa pakinggan ang aking pangalan kasi naman pang lalaki. "

"Anong ginagawa nila dito? " turo niya sa ibang membro.

"Nagsasanay din sila para sa ranking. Sa'tin apat ay dapat tayo mag ka isa sa isang hakbang sa Class Battle. "

"Naunawaan ko ngunit maaari ba ako mag sanay na hindi kayo kasama para pag handaan ko ang ranking. "

"Pwede naman ngunit pagkatapos natin mag sanay apat."

"Mukhang ayaw ni Almar na kasama ako sa pagsasanay. "

"Walang problema huwag natin pilitin siya sa halip pabayaan mo siya. Sa tingin ko, ako muna ang makakasama mo sa pagsasanay. " sabay tingin kay Almar na kasalukuyan nakipag laban kay Aurora.

"Isa kang Healer, pero anong maitutulong mo sa Class Battle maliban sa pag gamot?"

"Ako?" Sabay turo sa sarili saka tumawa.

"Ang elemento ko ang lupa. Maraming kayang gawin ang elemento ng lupa kahit nakatuon ang atensyon ko sa pag-unlad sa pag gamot. "

Inilahad ang mag kabilang palad nito sa harapan ni Inwin upang ipakita ang kaya nitong gawin. Dahan-dahan na buo ang imahe hanggan sa naging totoong dahon.

"Ang tawag sa taktikang itong nasa kaliwa. Ang Red Leaf Reflection at sanan ko naman ang Red Leaf Supporting. "

"Ano kaniyang gawin ng Red Leaf Reflection?  Pasensya na kung matanong ako hindi ko maiwasan magtaka sa iyong kakayahan pag dating sa elemento at kapangyarihan mo. "

"Ayos lang. Ang Red Leaf Reflection ay kaya nito ibalik ang sakit ngunit ang sugat ay hindi mag hilom. Samantala ang Red Leaf Supporting ay kaya nito gamutin ang iba ngunit walang bisa sa sarili ko."

Patango tango si Inwin. Ngayon may alam na siya tungkol sa iba pa kayang gawin ng elemento ng lupa. Hindi niya maiwasan ma isip na subukin ang Red Leaf Reflection kung gagana sa kaniya.

"Maraming salamat Allak. Mag simula na tayo sa pagsasanay nang makita nila ang kaya natin gawin."

Sa pag kumpas ng kamay ni Inwin ay nabuo ang anyong tubig na kamay na agad naman hinampas si Allak at mabuti na lang nakaiwas ngunit nag karoon ng sugat at na gamit agad  ni Allak ang Red Leaf Reflection na sanhi na pag laho ng anyong tubig ni Inwin sa kadahilanan nasugatan niya sa kamay si Allak at binalik ang sakit nito sa kaniya na doble.


Thank you sa lahat nag support sa Zembre. 7 chapter na lang para matapos.

Happy New Year.
Thank you for reading. 😇

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro