Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 40

Huli nagising si Inwin kaya hindi siya nakapasok sa Second Master kaya binigyan siya ng gawain. Maraming ibinigay na scroll sa kaniya upang dalhin sa library, at sa HeadMaster.

"Kainis, bakit ako na punta sa'kin ito? Dapat kay Haroc."

Napalingon si Inwin sa kinaroroonan ni Haroc, hindi mapalagay si Haroc habang binilang niya muli ang rami ng bolang metal.

"Sabay na tayo Inwin!"

Maingat na lumapit si Haroc kay Inwin. Nakapatong sa kaniyang ulo ang pabilog na malapad na metal. Halos nasa isangdaan ang bilang nito kaya maingat sa bawat hakbang si Haroc upang hindi ma ihulog at matumba siya.

Palihim napangiti si Inwin habang pinag masdam ang ibang mag aaral ng ibang Class na kasalukuyan ginagawa ang misyon. Hindi niya magawa mapakamot sa ulo dahil sa daming scroll na dala niya.

"Balita ko napahamak ang kasama mo sa misyon? Kung ako pa 'yun tiyak na mabilis ko matatalo ang mga kalaban."

Hindi siya sumagot upang iwasan ang kaguluhan. Sa maikling panahon na kasama niya si Haroc ay kilala niya ang katauhan nito.

Lumiko si Haroc sa kabila na halos hindi makalad sa subrang lakas ng awra nag mula sa dulong silid. Tumingin saglit si Inwin kay Haroc. Agad niya naramdaman ang awra ng second master.

Napag pasyahan niya mag patuloy. Pakiwari niya may makukuha impormasyon sa library na Hindi nalalaman. Natanaw niya ang library sa unang pagkakataon. Nasa labas ito ng Class Academy na Hindi sakop ng lupain, mapapansin ang pulang buhangin nakapalibot sa library ng labas.  Ang library ay likha sa punong kahoy, may nakadikit nakakaibang dahon na umilaw sa tuwing dumilim, at gabi.

Habang tinahak niya ang daan patungo room ay kusang gumalaw ang puno, sa bahay habang niya ay parang walang pinag bago sa kaniyang kinatayuan.  Sinubukan niya umatras kasabay ang biglang pag lapit nito sa kaniyang harapan na kaniyang ikinabigla nang walang siyang na kita maliban sa kadiliman.

Isang batok ang nag pa balik sa kaniyang normal na paningin. Habol hininga  habang nakatitig sa kulay itim na pinto. "Norman Library" ang lumitaw na salita sa salamin.

"Ikaw pala inutusan ni Zeref. Buksan mo ang pinto, at huwag gumawa ng ingat kung ayaw mo hindi ko tanggapin ang mga scroll, " mahinahong Sabin nito.

"Ako mga po an-"

"Sinabi ko sa'yo huwag ka gumawa ng ingay baka maabala mo ang mga bisita sa loob. Nagkaintindihan ba tayo? "

Tumango na lang siya sa sinabi bago buksan ang pinto. Kahit hindi niya nakikita ang nag salita ay nadama niya ang panganib nang biglang humapdi ang kanang mata niya.

Tiniis niya ang sakit upang hindi makagawa ng ingay. Maraming bisita sa loob na hindi nakikita ang kanilang mukha maliban sa kanilang kamay na gamit sa pag lipat ng pahina na binasa nila na libro.

Umikot bigla ang upuan na naging dahilan ng mahinang tunog, ngunit ganon pa man ay hindi na abala ang mga bisita. Ang pinagtataka lang niya ay kusang umikot ang upuan na walang naka-upo na kahit sino.

Dahan-dahan siya humakbang patungo roon upang alamin kung meron bang naka-upo o wala. Napaatras siya nang mabilis umikot ang upuan, at isang iglap nang huminto ang upuan, bumungad sa kaniya ang lalaking kalbo na masamang nakatingin habang pekeng ngumiti sa kaniya.

"Ilagay mo ang scroll sa munting libro ko, at pagkatapos mong gawin kung wala ka kailan lumabas ka na upang hindi maabala ang mga bisita. "

Agad naman niya hinanap ang libro ng tinutukoy ng kausap niya, ngunit hindi niya makita sa kahit saan sulok.

"Nandito sa harapan mo. Masyadong mahina ang pandama mo sa mga artificial at artifact."

Hindi siya makasagot, sa katunayan Hindi niya naramdaman ang enerhiya ng munting libro. Itinuro ng lalaki ang mga scroll na may tali na itim tela na hawak niya. Biglang kusang sunod-sunod na lumutang ang mga ito patungo sa munting libro na hindi nakikita.

"May kailangan ka? " sabay taas ng mag kabilang kilay nito. Ang kaniyang ipinagta hindi bumuka ang bibig ng lalaki ngunit naririnig niya ang boses nito.

"Bakit? " ang tanging na sambit ni Inwin.

"Hindi mo na kailangan malaman. "

"Malalaman ko din yan takdang panahon. Bweno balak ko humiram ng libro patungkol sa iba't ibang lahi ng nilalang, at  Class."

Matalim na tumitig sa kaniya ang lalaki na parang bang sinuri ang kaniyang kakayahan, at kaalaman. Tumango ang lalaki ng tatlong beses habang inikot sa palad nito ang kulay itim patpat.

"Nandito na. " sabay lumitaw sa palad ng lalaki ang dalawang munting libro. Bago niya ibinigay sa kaniya ang libro, binalaan siya nito, at isinulat ang kaniyang pangalan sa makapal na libro.

Lumabas siya na hindi lumingon sa subrang kaba na baka may makita siya na Hindi pwede. Nang makalabas ng pinto. Hindi siya nag dalawang isip na tumakbo papasok sa Class Academy

Hindi niya lubos maisip na mataas ang antas ng kaharap niya kanina. Nakakasiguro siya nasa Master Rank ang lalaki ngunit ang bata pa nito para maabot. May espesyal na katauhan ang lalaki. Ayon sa libro ng hiniram niya, may simbolo ng Norman Library. Pakiwari niya ang pangalan ng lalaki ay  Norman.

Natauhan siya nang bumunggo siya sa pinto ng HeadMaster. Narinig niya ang tawa na mula sa likod niya. Agad naman siya lumingon, at bumungad sa kaniya si Haroc na magulo ang buhok. Mag na amoy siyang sunog.

"Anong nangyari sa'yo? "

"Totoo ang sinabi ng Second Master na pahihirapan tayo. Nakaharap ko lang naman ang outsider ng paaralan na si Ginoong Mars na isang sikat na imbentor. "

Akmang mag salita si Inwin ng bumukas ang pinto. Napantingin sila sa isa't isa.

"Pasok!" Galit na sigaw nito.

Maingat silang dalawa pumasok habang nakayuko. "Ilagay dito sa mesa ko." Agad naman nila sinunod, sinubukan nila tingnan ang headmaster ngunit Hindi sila nag tagumpay. Wala silang makita kundi puro replika ng anino.

"Sandali. Maghanda kayo sa susunod na linggo magaganap ang ranking. "

"Ranking? "

"Ang araw ng paligsahan sa pag angat ng antas, at pag pili ng pasya sa ikatlong antas."

"Maraming salamat sa impormasyon Headmaster. Hindi na kami mag tagal rito. Aalis na kami agad, paumanhin kung na abala ka namin."

Lumabas silang dalawa na puno na pagtataka. Ang nakikila nila ngayon ay puno ng misteryo na hindi nila lubos ma isip na meron sa loob ng Class Academy.
Mahigpit na ipinag bawal ng Headmaster na ipagbigay alam ang bawat impormasyon sa labas at bagong mag aaral ng Class Academy upang mapanatili ang limitasyon ng lahat ng mag aaral, at kaayusan nito.

Bago mag hiwalay ang dalawa ay narinig nila ang boses ng headmaster sa kanilang isipan na labis nag pa kaba. Isang kakayahan na hindi pamilyar si Inwin na mahalintulad sa mga ma-alamat na nilalang.







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro