Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Ziwin's Point Of View

“Ang bigat naman nito,” reklamo kong saad.

Eh pa'no naman kasi huli ako nagising. Kunting tiis na lang ay malapit na ako matapos.

Natumba ako sa lakas ng hangin ng tumama sa'kin likuran. Napatawa ang dalawang Crown Monkey sa'kin habang si Emo ay seryosong nakatingin.

“Mabuti naman ay na tiis mo ang sakit ng iyong balikat,tapos na ang parusa. Sumunod ka sa'kin.”

Mabagal na lumakad ako habang nakalabas ang dila ko na habol hininga.

Makalipas ang limang minuto ay tumigil kami sa harapan ng puno na hindi ko naputol kahapon.

Humarap siya sa'kin sabay palakpak ng tatlong beses. “Ito pala ang balak mo kahapon. Buti naman pinayagan ka ng madamot na Golden Ey. Bago ako aalis may ituturo ako sa'yo na tiyak na matutuwa ka nito.”

Nagulat na lamang ako na biglaan sumayaw si Emo. Kapansin-pansin ang galaw ng kanyang kamay at binti na sabay sa pag galaw.

“Ang tawag sa kakayahan ito ay moving dance attack. Magagawa mo lamang ito kung malambot ang iyong pag sayaw at hindi lamang basta-basta ordinaryong pang attake ito. Kailangan mong matutunang ang pagkilos na isang Crown Monkey para mabilis mong kontrolin.”

Akmang magtatanong pa ako pero naglaho na siya,napakamot na lamang ako sa ulo.

“Kaya mo 'to. Tandaan mo Ziwin kung bakit ginagawa mo ito,” napaluha na lamang ako sa sinabi ko sa sarili ko.

Sinimulan ko na kontrolin ang lupa habang dahan-dahan may na buong  dalawang anyong tao.

Mabagal aking galaw ng kamay hindi sabay sa binti.  Sa tuwing tatalon ako na parang Crown Monkey ay nauwi lamang sa pag kabigo ngunit hindi ako sumuko sa'kin hangarin.

Isang malaking hakbang kung sakaling matagumpayan ko. Pero alam ko sa sarili hindi ganon kadali.

Ngingiti sana ako,akala ko na tagumpayan ko kontrolin ang dalawang likha ko ngunit biglaan silang umatake sa'kin na hindi ko maunawaan.

“Mahinang nilalang hindi ka magtatagumpay kung ang lamang ng isip mo,anong sunod na mangyayari? Tandaan mo palagi ang kasalukuyan sitwasyon ang dapat mong isipin. Kung pa'no mo malampasan?”

Tumingala ako sa itaas ng puno. Tanaw ko ang isang batang nakatalikod habang nakaupo na kulay ginto ang kanyang buhok.

“Sino ka?” hindi ito sumagot sa halip ng laho ito kasabay sa pag tigil ng  atake ng dalawang likha ko.

“Tama ang kanyang sinabi.” Binilisan ko ang paggalaw ng kamay at sinubukan pag sabayin igalaw ang binti.

Tumakbo ang dalawang likha ko patungo sa puno. Biglaan nagbago ang anyo ng kamay patungo sa patalim.

“Simulan na!”

Tumalon ako sabay ikot ng katawan habang nakapikit ang mga mata.

Third Person Point Of View

Nahimatay ang binatang si Ziwin sa kadahilanan hindi nakayanan ng kanyang inner core na tumanggap ng enerhiya.

Maraming lapnos  sa buong katawan niya na hindi nakayanan nito ang pagtaas ng temperatura sa pag init.

Sa kabilang banda ang tatlong Crown Monkey ay kaharap nila ang Temple Monkey.

“Himala tumulong ang tatlong heneral. Anong meyron sa kanya o nakikita niyo na hindi ko naramdaman?”

“Ano sa tingin mo?”

Hindi makasagot ang Temple Monkey sa tanong ni Emo. Sa halip masama itong tumingin sa kanila.

Sumayaw ang tatlong Crown Monkey habang tumalon-talon habang ang Temple Monkey ay pinaikot niya ang tungkod niyang hawak sa harap.

Sumugod ang tatlo na sabay-sabay palapit ang tatlong pinakawalan na atake ngunit sinangga  ito ng Temple Monkey gamit ang tungkod.

Sa pag tama nito ay napaatras ang Temple Monkey kasabay lumitaw ang mga usok sa paligid.

“Ginamit na naman nila ang ilusyon.” Binilisan niya ang pay ikot hanggan sa nag laho ang mga usok bumangad sa kanya ang tatlong Crown Monkey na may ngiti sa labi.

“Masyadong mainitin ang ulo niyo. Ang akala ko ay nag bago na kayo.”

Nag laho ang Temple Monkey kasabay lumitaw ang isang buhawi na palapit sa tatlo. Nag madali sumayaw ang tatlo at sinusubukan nilang kontrolin ito ngunit hindi sila nag tagumpay kaya muling nila ginamit ang ilusyon upang maipasok nila at madaling kontrolin.

Ang binatang si Ziwin ay gabi na nagising. Nakaramdam ng matinding gutom ngunit hindi niya kaya pang tumayo. Nanatili siya nakahiga habang nakatingin sa kalangitan na sinlubong ang mga patak ng ulan.

Nahirapan siya igalaw ang boung katawan niya sa pag ka ubos ng kanyang enerhiya ng biglaan.

“Ahhh....!” Pinilit niyang igalaw ang binti at kamay ngunit napakagat siya sa ibaba ng labi sa subrang sakit.

Sa kabilang banda ang Golden Ey ay masamang nakatingin sa binata. Ang kanyang mga mata ay parang katulad sa Zoomir Art na kakayahan ng mga Temple Monkey.

“Kung yan pa ang naranasan mo ay hindi mo na kaya hindi mo sila matatalo.”

Nanginginig ang binata kasabay nag liwanag ang kanyang mga mata. Nanliit ang tingin ng Golden Ey.

“Interesante. Hindi ka pala pang karaniwang. Talentado pero mahina ang katawan.”
...

Sa lupain ng Membre ay kasalukuyan nakarating ang dalawang pinuno ng dalawang angkan.

“Nanabik na ako,makuha ang mga kayamanan ng mga Membre.”

Tatakbo na sana ang pinuno ng Laos papasok sa gate ng Membre ng mag salita ang pinuno ng Miller.

“Hindi ko akalain nasayahan ka pa may nawasak na angkan. Sabagay habol mo lang ang kayamanan para umangat ang iyong angkan.”

Humarap ang pinuno ng laos. “Wala ka ng paki alam don. Nakikinabang ka naman din. Pareho lamang tayo aangat dahil sa kayamanan ng Membre.”

“Huwag  mo ako tulad sa iyo mag kaiba tayo.”

Hindi na siya pinansin ng pinuno ng Laos sa halip tumakbo na ito na may ngiti sa labi.

“Kaawa-awa ang sinapit ng Membre. Kung sakaling may buhay na membro ng membre handa ako tulungan kahit sa maikling panahon.”

Lumakad na ang pinuno ng Miller. Pag pasok pa lamang niya ay bumangad ang nagkalat na mga kayamanan at mga sirang tahanan.

Hindi niya maiwasan mandiri na maamoy niya ang malansang dugo na galing sa mga namatay.

Ang nakakapagtaka ay walang dugo ang kanyang nakita maliban sa mga bangkay na nagkalat.

Sisipain sana ng isang membro ng laos ang bangkay. “Oppps.” Hindi na tinuloy ng membro ng laos at tumalikod.

“Hindi na ako mag tataka na ganyang ang membro ng laos ng ganyan ugali mana sa kanilang pinuno.”

“Pinuno anong gagawin natin sa mga bangkay?”

Napalingon ang pinuno ng Miller na may nag tanong sa kanya. Bumangad sa kanya ang mandirigman niya membro.

“Gawin ang nararapat bilang pag respeto sa mga namayapa. Alam mo naman ang tinutukoy ko. Hindi ba?”

Tumango ang binata at tumalikod. Naglakad-lakad ang pinuno ng Miller hanggan sa nakarating siya sa hardin ay bumangad sa kanya ang nakaluhod na pinuno ng angkan ng Membre na may saksak sa tiyan at leeg pero nakadilat ang mga mata nito.

Napailing na lamang ng limang beses ang pinuno ng Miller.

Samantala ang binatang si Ziwin ay paika-ika naglakad patungo sa mga Crown Monkey.

Hindi siya nag tagumpay sa pag putol ng puno pero masaya siya dahil nagtagal siya sa pag kontrol ng lupa.

Bago siya makarating sa mga Crown Monkey ay natumba siya at tumama ang kanyang tuhod sa mga bato nang ikinasigaw niya ng malakas.

Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawang tuhod sabay nakaramdam siya ng matiding kirot.

Nag pa gulong-gulong sa sakit habang ang tatlong Crown Monkey ay nakatingin lamang sa kanya. Wala silang balak na tulungan ang binata.

Pero napaatras silang tatlo ng bigla  nag liwanag ang mga mata ng binata.

“Anong klaseng tao siya? Walang nag liliwanag na mga mata ng tao. Kung ganon hindi siya pang karaniwang,may tinatago pa siyang kakayahan na hindi natin alam,” malungkot na saad ni  Emo.

“Siguro yan na nga,ang hindi ko na pansin sa binatang iyan,” takang saad ng Temple Monkey.

“Anong ginagawa mo rito?” Sabay-sabay na tanong nilang tatlo.

“Tiningna kung anong nangyayari?”

“Bumalik kana sa Templo . Baka hindi namin mapigilan ang aming sarili na atakehin ka.”

“Huwag ag masyadong mainitin ang ulo niyo. Narito lamang ako dahil sa binatang iyan hindi dahil sa inyo. O nga pala,wala akong oras na makipag-away sa inyo.”

Naglaho ang Temple Monkey na may ngiti sa labi habang ang tatlong Crown Monkey ay naiinis.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro