kabanata 39
Isang gabi nanatili sila sa Village, ang lahat ng gastusin ay sagot ng ama ni Dora at Pinuno ng Village. Kasalukuyan nag papagaling si Dora at Holaraw sa isang espesyal na pagamutan na matatagpuan sa hangganan ng Village.
Nakatayo ang dalawang lalaki sa harap ng silid. Pinaliwanag kay Inwin ang epekto sa lason na kumalat sa katawan ng tatlo.
"Maaaring silang mamamatay kung hindi magamot agad sa takdang araw. Sa tingin ko bukas na lang ang natitirang oras upang maligtas natin sila sa kamatayan."
Gamit ang kapangyarihan ng lalaki ay bumuo siya ng enerhiya na kaniyang mag palit hugis upang bigyan linaw ng solusyon.
"Anong tawag sa taktikang iyan? Maaari ko bang malaman kung para saan ang bunga ng prutas na tinutukoy mo?"
Sa pag kuyom ng kamao muli nag palit hugis ang muting bilog na enehirya. Ang pinag ka iba nasa una niyang na likha ay wala itong natural na enerhiya gamit ang liwanag.
"Image Technique ang isa sa mga pinaka mahirap na taktika sa larangan ng Ninja. Ang halaman ipinapakita ko sa'yo ay kilala sa tawag na Poison Flower. May kakayahan ang bulaklak at dahon ng Poison Flower na sipsipin ang lason nasa katawan ng biktima."
"Naintindihan ko. Magpapahinga na ako. Maaga pa ako babalik bukas sa Class Academy. Mauna na po ako."
Lumabas siya sa gitna ng katawan ng puno. Huminto muna siya, nag iisip kung saan niya Mahahanap ang gamot. Tumingala sa buwan habang nakapikit ang mga mata. Inamoy ang simoy ng hangin na parang pamilyar sa kaniya ang ganitong eksena sa buhay niya.
"Siguro ang bahala sa gamot nila ay ka team ni Holaraw. Pero hindi ko alam kung anon ka team niya?"
Lumitaw sa kaniyang harapan ang Captain ng One Eye na may seryusong tingin.
"Inwin umalis ka dito. May bagong misyon ka. Pumili ka ng misyon na kakayahanin mo mag-isa."
"Bakit? "
"Kailangan natin makakuha ng maraming bituin upang umangat ang kabuong ng lakas ng grupo at maganda ang tingin sa'tin ng lahat."
Akmang sasagot pa siya ng biglang lumitaw sa kaniyang likuran ang lagusan. Hinigop siya ng lagusan papasok.
"Sakit sa ulo ang bagong membro pero malaking tulong ang kaniyang ginawa. Dahil sa kaniya ay muli may na idagdag na bituin."
Nilibot ang tingin nito. Pinakiramdaman ang bawat enerhiya na aabot ng kaniyang pang anim na pandama.
"Nandito sa loob ng village ang may hawak ng gamot sa lason. "
Nag laho ang Captain ng One Eye, at lumitaw sa sanga ng puno habang nakatingin sa lalaking kasalukuyan tumakbo upang tumakas.
Nag laho muli siya, at lumitaw sa harap ng lalaki, at naging dahilan na pag ka tumba nito. "Huwag mo ako patayin, parang awa mo na. Gagawin ko ang lahat huwag mo lang ako patayin," naluluhang sambit nito.
"Hindi kita papatayin ngunit sa dalawang kondisyon."
"Ano yun?" Pumapayag ako kahit ano pa man yan."
"Una ibigay mo sa'kin ang lunas. Pangalawa sino nag utos sa'yo?"
Umiling ang lalaki, napakagat sa ibaba ng labi sa subrang kaba. Nag dalawang isip kung sasabihin nito, ngunit sa bandang huli. "Ibibigay ko na. Hindi ko kilala kung sino nag utos sa'kin. Isa lamang akong adventure na kumuha ng misyon. Ayon sa nakuha kong impormasyon, isang malaking samahan ang may pakanan nito." Nanginginig ang lalaki.
"Pasensya ka na, hindi ka nga mamamatay pero makukulong ka."
Sa kumpas ng kamay niya, biglang hindi makagalaw ang lalaki sa hindi malaman dahilan.
***
Lumitaw si Inwin sa harap ng Board, maraming mga misyon ang naka sabit na halos may mataas na halaga ngunit ayaw niya kumuha ng misyon. Inisip niya pa rin ang kalagayan ng tatlo. Unang misyon niya subalit may napahamak agad .
"Bituin? Kung ganon kailangan ko pumili ng misyon. Ito siguro kaya ko." Sabay kuha niya sa misyon.
"Kailangan ko ng mga impormasyon mula sa iba't ibang Class. Ito lang yon misyon na madali na babagay sa'kin."
Nag madali siya pumanik nang naramdaman ang mga aura paparating na hindi pamilyar sa kaniya. Nakakasiguro siya na mula ito sa ibang team.
Sa takot na maabutan ay ginamit niya ang kaniyang pambihirang bilis.
Napahinto siya nang biglang bumigat ang kaniyang pakiramdam. Rinig niya sa baba ang usapan ng bagong dating.
"Sinong kasama ni Holaraw sa misyon?"
"Ang bagong membro. Balita ko gumaling na si Holaraw, at mabuti na lang ay nag nagawa ng paraan si Captain."
"Kung ako siguro ang kasama ni Holaraw sa misyon nakaka siguro hindi siya mapapahamak."
Dahan-dahan nag lakad si Inwin. Maingat ang bawat hakbang sa takot na maramdam ang kaniyang aura ng mga bagong dating.
***
Nakatayo ang isang lalaki sa bilog na magic circle, at nakatingala sa Artificial Moon. Malalim ang inisip nito base sa kaniyang kilos.
Bumukas ang higanteng pintu na likha sa purong bato na itim. Pumasok ang munting nilalang, may bitbit na manika. Kita sa mga mata nito ang kapayapaan na hindi mahalata ang tunay na kalooban nito.
Umilaw ang buhok ng munting nilalang kasabay ang pag lutang nito palapit sa lalaking nakatalikod. Sa hindi malaman dahilan huminto bigla. Ang munting nilalang.
"Anong balita Chango?"
Tumawa ang munting nilalang saglit bago sagutin ang katanungan na labis na panabik sa lalaki.
"Ano pa?" Malamig tanong nito.
Umiiikot sa eri ang munting nilalang sa subrang tuwa ngunit huminto kasabay sa pag iyak.
"Marami akong nakolekta na bangkay. May masamang balita pala ako."
Dahan-dahan humarap ang lalaki, nahihirapan ang munting nilalang sa aura na nilabas nito. Tumawa na naman ang munting nilalang na hindi maunawaan ng lalaki.
"Sabihin mo sa'kin ngayon din."
Tuluyan humarap ang lalaki, bumungad sa munting ang nilalang ang mukha na hindi nakikita dahil natatakpan ito na itim na maskara.
"Maraming mga membro ang namamatay nitong nakaraan araw. Ipinadala sila sa misyon na mga nakakataas na hindi pinag isipan mabuti ang bawat hakbang. Sa tingin ko, may kumakalaban sa'tin panginoong. "
"Ipag bigay alam mo sa nakakataas na mang hikayat sila na maraming mga adventure upang sa paparating ay hindi sila mahihirapan."
Umikot ang munting nilalang muli, sa pagkakataon ito may lumabas sa katawan ng munting nilalang na pilak na enehirya hugis bilog.
"Makakarating panginoong ang iyong sinabi."
Dahan-dahan bumaba ang munting nilalang kasabay pag bukas ng pinto.
"Malapit na, ang takdang oras na pinakahihintay ko." Masayang sabi ng lalaki. Nag simula na ito tumawa, at naging dahilan na parang nag vibrate ang hangin sa paligid kasabay ang pag sara ng pinto na labis nag pa gulat sa munting nilalang. Mabuti na lamang ay nakalabas siya bago mag sara kung hindi patay siya nito.
***
Kasalukuyan nasa loob ng silid si Inwin. Abala siya sa kaniyang plano. Maraming nag kalat sa sahig na papel. Hindi siya sigurado kung paano simulan.
Napahawak siya sa ulo sa subrang sakit, naalaala niya ang Demi Pig. "Sa kaniya ko makukuha ang unang impormasyon." Pinulot niya ang mga nag kalat na papel na may ngiti sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro