Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 38


Walang ng kasunod na Master na mag turo sa kanila. Kalat sa buong Class ang pag angat ni Inwin sa ikalawang ranggo.

Nag simula may nag ka gusto sa kaniya na mula sa iba't ibang Class sa hindi malaman na dahilan. Pag pasok niya sa Cafeteria ay tumahimik ang lahat saglit habang may masamang tingin sa kaniya ang lahat.

Lumabas na lang siya. Pakiramdam niya  may mangyayari na hindi maganda. Napag pasyahan niya mag libot at sumilip sa ibang Class kung anong meron.

Dumating siya sa bandang hilaga ng Academy na kung saan nag insayo ang mga mage. Sa unang kita pa niya ay hindi maiwasan nakaramdam ng kakaibang takot. Dahan-dahan siya sumilip sa bintana.

Sa loob ng silid ay malawak ang damuhan na para bang lupain. Kapansin-pansin ang pag palitan ng atake gamit ang elemento ng enerhiya.

Sa unang pagkakataon na makita ni Inwin ang Grandmaster ng Mage na kasalukuyan may itinuro na bagong tatktika sa pag likha na ipinag sama ang mag kaibang elemento. Gaya ng apoy at bato na pinag Halo ang enehirya nito. Ang kinalabasan ay lava na may nakakatakot na awra na bumalot sa enerhiya ito.

Sa pamamagitan na pag masid niya sa kilos ng Grandmaster ay madali siyang natuto at na memorya ang tamang proseso sa pag Halo ng enehirya.

Nag madali siya umalis sa bintana nang lumingon ang Grandmaster sa kaniyang direksyon. Sa takot na naabutan siya. Napag pasyahan niya umuwi na lang upang iwasan ang Grandmaster.

Pag karating niya sa grupo halos nandito ang lahat na kaniyang ipinagtaka. Hindi kilala niya ang mga bagong mukha napapad sa Team nila.

Akmang hahawakan niya ang sandata ng lalaki ngunit tumagos lamang siya. Hindi niya maunawaan kung anong nangyari. Mabuti na lang ay dumating ang Demi Pig upang gisingin siya sa ilalim ng ilusyon.

"Mag-ingat ka sa susunod."

"Bakit?" Natgtatakang tanong niya sa Demi pig habang seryuso nakatingin sa palibot.

"Dumaan na naman ang sakit sa ulo na membro ng uno. Walang ibang ginawa kung hindi pag laruan ang bagong membro ng ibang team."

"Sino siya? At paano ko siya makilala?"

"Azula Mixico ang kaniyang ngalan. May palaging siyang bitbit na malaking espada na kulay pilak at may takip ang kanang mata ng kulay itim na tela. Matangkad ang lalaking iyong, may mahabang buhok na hanggan beywang, singkit ang mga mata na kulay itim."

"Sa tingin ko siya ang kasama mo sa misyon. Ang misyon ay binuo na mula sa iba't ibang team ngunit kadalasan mula sa iba't ibang grupo. Mas mabuti pa mag handa ka at mag insayo sa mga taktika na maaari mong magamit sa misyon."

"Maraming salamat Demi Pig sa impormasyon. Maiwan muna kita dito sa sala."

Nag tungo si Inwin sa Hardin habang inisip ang tungkol sa misyon. Hindi mapakali sa kaniyang kalagayan parang may hindi tama. Dinampot niya sa bulsa ang kopya mg scroll ng misyo. Maigi niya binasa ang bawat salita.

"Mapanganib ang misyon. May gustong pumatay sa anak ng negosyante at hindi basta-basta lamang ang humabol dito kung hindi ang mga Assasin. Monar kaya?"

Nabitawan niya ang scroll ng may humanpas sa kaniyang balikat na labis nag pa gulat sa kaniya. Lumingon siya sa likuran at bumungad ang lalaki inilarawan ng Demi Pig.

"I-Ikaw?" Nauutal na sambit niya sa lalaki habang itinuro.

"Ako nga si Azula ang kasama mo sa misyon. Nandito lang ako upang tingnan  ka, sa tingin ko hindi ka pabigat. Malayo ang lalakbayin natin bukas." Mapangtaas na tumingin si Azula kay Inwin ngunit benalewala na lamang iyong ni Inwin dahil hindi naman mahalaga.

"Huwag ka mag-alala sa'kin. Kung mababa ang tingin mo sa'kin pwes wala akong magagawa. May sasabihin ka pa ba? "

"Matapang ka. Malalaman ko din bukas yan katapangan mo."

Nag laho ang pigura nito nang bumalot ang usok sa buong katawan.

***

Hindi makatulog si Inwin kakaisip sa misyon. Kinakabahan ito ang unang misyon niya sa One Eye. Hindi niya ma ikilos ang buong katawan sa subrang pagod.

"Kailangan ko gumawa ng plano. Kung sakaling hindi aayon sa panahon ang paglalakbay."

Hindi niya namalayan dahan-dahan lumabas sa kaniyang dibdib ang salamin na pinto na kaniyang ipinagtaka.

Pwersahan nag bukas ang pinto at hinigop siya nito. Pag pasok niya sa lagusan paikot-ikot sa kulay berde na palibot at hinulog sa liwanag.

Bumagsak siya sa bulunbudukin Ruby. Hindi niya naramdaman ang awra ng munting dragon. Pilit niya inabot ang bote ngunit dahan-dahan siya bumagsak sa ibaba ng malamig na damuhan.

"Ang hina mong nilalang. Paano mo kami ma ipagtanggol king ganyan ka hina."  Kalmadong sambit ng  puting Oso.

"At sino ka naman?"

"Ako ang dating Familiar ng unang may-ari ng mundong ito. Ang dapat sa'yo!"

Hinampas  ng kahoy sa ulo si Inwin na naging dahilan nawalang siya ng malay.

***

Nagising si Inwin sa gitna ng daan na may pagtataka. Ayon sa nakakita naglalakad siyang tulog habang nagsasalita. Sumulpot sa kaniyang tabi si Azula na kasalukuyan naka ngisi sa kaniya.

Nakasalubong nila ang sasakyan na gawa sa balat ng puno. May apat na gulong na gawa sa matibay na bato. Sa itaas ng gitna may apat na arrow na nag silbing nag pa takbo ng direksyon.

Huminto sila saka tumabi sa daan. May apat na lalaki na utusan na may hawak ng matibay na espada.

"Donya namdito na po ang ipinadala ng One Eye!"

"Mag patuloy na tayo!" Sigaw mula sa loob.

Lumapit si Azula kay Inwin sabay bulong na labis nag pa inis sa kaniya. Na iwan tulala siya samantala nag simula na mag lakbay ang kasama. Natauhan ng may tumama na bato sa kaniyang ulo.

"Patawad po," naiiyak ng bata.

Ngumiti lamang siya. Tumakbo patungo sa dinaanan nila Azula. "Hintayin niyo ako!" Nataranta siya nang biglaan nag laho sila.

"Nasaan kayo?" Palinga-linga sa palibot ngunit wala siyang makita maliban sa matandang puno na may malaking butas sa gitna nito na sapat pwede daanan ng isang sasakyan.

"Anong gagawin ko ngayon? Hindi pwede hindi ko sila mahabol tiyak na malaking epekto nito sa'kin sa grupo."

Paikot-ikot nag lakad habang nakahawak sa ulo, sinubukan niya dumaan sa butas ngunit wala nangyari na labis niya ikinataranta.

Napahinto siya nang marinig ang ingay ng kabayo mula sa kaniyang likuran. Sa pag lingon niya bumungad sa kaniya ang matanda nakasakay sa kabayo na may lokong ngiti.

"Po?"

"Tabi wala kang alam. Manood ka ng mabuti kung ano ang gagawin ko."

Nilapit ng matanda ang kamay sa butas saka binigkas ang mahiwagan salita na hindi lubos maunawaan niya.

"Kita mo? Kulang ka sa impormasyon, sa tingin ko isa kang baguhan sa misyon ngunit palaging mong tandaan mahalaga ang bawat piraso ng impormasyon. Kung kulang ang impormasyon na binigay sa'yo. Ikaw mismo maghahanap nito."

Lumitaw ang kakaibang liwanag sa butas, nakasunod lamang siya sa matanda na kasalukuyan pumasok.

"Ano?" Gulat na saad niya.

"Mag-ingat la eho sa paglalakbay. Nandito tayo ngayon sa Secret Village na kung saan maraming kalakal ang naganap. Maiwan na kita."

Mabilis pinatakbo mg matanda ang kabayo patungo sa kanan na daan.

Napansin niya sa kanan na daan may bakas ng gulong, nag madali siyang tumakbo ang malaking enerhiya na kunsomo niya.

"Nasaan na kayo?"

Napahinto siya nang marinig ang pag sabog sa kabilang banda, kita ang usok na pinag mulan nito na kulay pula.

"Anong klaseng usok yan? Hindi kaya..."

Nag madali siya tumalon sa puno at lumapag sa sanga at pa lipat-lipat sa sanga sa pamamagitan ng pag talon.

Habang pa lapit siya sa pinag mulan ng usok. Ramdam niya ang pamilyar na enerhiya na kung minsan ay natakot siya nito.

Na tanaw niya sa hindi kalayuan malapit sa tarangkahan ng Inggi na kasalukuyan nakipag laban si Azula sa isang Assasin. Kita sa ekspresyon ni Azula nahihirapan.

Napansin niya ang apat na walang buhay na bantay at may isang lalaki nasa likod ng babae na kasalukuyan handa na itong saksakin.

Mas lalong bumilis ang kaniyang kilos at isang iglap ay sinangga niya ang espada gamit ang kanang kamay.

"May kasama pala si Azula. Ang akala ko hindi ako masasayahan sa misyon ito." Lokong ngumiti ang lalaki.

'Hindi ko kita ang kanilang mukha maliban sa kaniyang mga mata. Siguro sila na ang tinutukoy na gustong pumatay sa donya.' Lamang ng isip nito.

Tinadyakan niya sa tiyan ang lalaki ngunit naunahan siya nang umatras ito. "Nababasa ko ang galaw mo. Kulang pa ang bilis ng kilos mo." Nag laho ang pigura nito.

Bantay sarado si Inwin sa babae. Pinaupo niya ito sa damuhan upang pa kalmahin.

"Nandito lang ako." Lumitaw ang lalaki sa gilid ni Inwin sabay wasiwas ng espada ngunit tumagilid siya at nadaplisan ang kaniyang pesngi ng espada na sanhi na pag dugo nito.

Mabilis hinampas ni Inwin ang mag kabilang palad ng lalaki na ikinabagsak mg hawak na espada nito.

"Pwes, hindi ako matatalo ng tulad mo."

Gumanti din ang lalaki ngunit malakas ang pandama ni Inwin kaya walang kahirap-hirap na sinangga at nag palitan ng suntok, sipa at tagisan ng bilis.

"Shadow Technique: Duble ganger!" 

Dahan-dahan lumabas sa katawan ng lalaki ang kapareho nito. Kamukhang-kamukha niya ito na para bang kambal.

'May kakayahan siya ng Clone gamit ang pinagyaman na enerhiya na mula sa kaniyang kapangyarihan ay nag palabas siya ng kapareho. Kailangan ko mag-ingat sa kaniya.'

Sumulong ang kalaban habang nasa likod nito ang mag kabilang kamay na tinago. Tumalon ito sa harap niya sabay sipa sa mukha niya pero nagawa niyang ilagan ito sa pag yuko.

Napaatras siya sa sipa ng anino na ka mukha ng lalaki.

Halos hindi masundan ng tingin ni Inwin ang kilos ng dalawa kahit ganon pa man nagawa niya parin sanggain ang bawat atake ngunit nag iwan ito ng maliit na sugat sa kaniyang kamay at sakit sa paa.

Umatras ang kalaban saka tinitigan si Inwin na parang bang sinuri ang enerhiya nito. 'Isa lamang siya Silver Rank na kaya ako labanan. Hindi na masama kaya niya basahin ang mga galaw at magaling umatake. Kung ganon nakikita niya.'  Hinampas ang kamay nito sa lupa kasabay umangat patungo sa direksyon ni Inwin, ang kaniyang ikinagulat umangat ito sa paanan niya at may biglaan humawak sa mag kabilang kamay niya saka hinila pababa.

"Anong nagyayari?"

"Ang tawag sa atake kong ito. Circular Technique. Hindi pa ako nabigo sa taktikang ito laban sa kaaway. Handa ka na bang mamamatay?"

"Hindi ako natatakot na mamamatay kahit anong oras tanggap kung mangyari iyong. Hoy ikaw babae mag tungo ka sa ligtas na lugar, ngayon din!"

Tumakbo ang babae patungo sa tarangkahan at sunod-sunod kumatok ito upang marinig ng nasa loob.

Tumawa ang lalaki na para bang may nakakatawa sa sinabi ni Inwin. "Kung mabubuhay ka pa. Tingnan natin kung makatakas pa sa gagawin ko!" Dahan-dahan lumubog siya sa lupa na labis nag pa saya sa kaniya.

Hindi maunawaan ng lalaki ang reaksyon ni Inwin. "Tumawa ka hangga't gusto mo. Hindi mag tatagal!" Bumagsak ang ka mukha ng lalaki.

"Sabihin mo isa kang Assasin na kabilang sa Monar?"  Nanginginig sa subrang galit si Inwin.

Hindi namalayan niya unti-unting nabuo ang anino sa kaniyang likod at mahigpit siyang hinawakan sa leeg.

"Magaling nakilala mo agad ako ngunit huli na ang lahat."

Inikot ang ulo ni Inwin ng anino na dahilan na kaniyang pag bagsak at dahan-dahan kinain ng lupa ang kaniyang katawan habang paikot-ikot patungo sa loob ng buhawi nasa ilalim ng lupa hanggan sa tinabunan ito.

"Sabi ko na nga ba ang isang iyong walang kwenta!"  Naiinis na sambit ni Azula habang binogbog ang kalaban.

"Patay ka din sa'kin."

Tumalikod siya sabay hagis sa kalaban at tumama ito sa dibdib na ikinasawi mg kalaban.

"Papatayin kita! Pinatay mo ang kasama ko!"

Sumulong si Azula. "Flower Technique!"  Umulan ng mga bulalak na likha sa metal na ikinalaki ng mata ng kalaban.

"Azula  hindi ko akalain dadating ang panahon na tayo ay mag laban."

"Holaraw hindi sana aabot tayo kung hindi ka pumanib sa kasamaan."

"Blade Barrier Technique!" Lumitaw ang mga patalim na balot ng enerhiya. Hinagis ng kalaban sa itaas. nag salubong ang bulaklak at patalim na naging  dahilan na pag sabog.

"Azula hindi ko makakalimutan pinatay mo si Lolo sa harap ko mismo! Huwag na huwag mo ako tawagin kaibigan," naiiyak na sambit nito.

"Ilang beses ko sa iyo pinaliwanag na hindi ako ang pumatay kung hindi ang kinilala mong Master."

"Shadow Technique: Double Ganger!"

Lumabas sa katawan ni Azula ang ka mukha niya. Ngayon patas na ang laban.

Sinuntok ni Azula si Holaraw sa mukha ngunit humarang ang anino at doon lang tumama ang suntok niya. Nag laho ang anino kasabay ang pag bagsak ni Holoraw sa lupa.

"Patayin mo na ako!"

"Hindi ko magagawa kaibigan. Natandaan mo ba ang pinangako natin sa isa't isa na sabay tayo papasok sa Class Academy."

Hindi makasagot si Holoraw nanatiling lamang siya nakatingin kay Azula.

Samantala may lalaking naka upo sa sanga may hawak na patalim na pabilog. "Azula panira ka talaga sa plano ko." Sunod-sunod niya hinagis ang mga ito sa direksyon nila.

Na alerto si Azula nang marinig ang ingay na mula sa hangin. Tumalon siya pabaliktad ng apat na beses upang iwasan at doon lamang tumama sa lupa.

Samantalang tinamaan si Holaraw sa kanang balikat ng dalawang patalim na sanhi na mabilis umagos ang sariwang dugo nito.

Halos nanlaki ang mga mata ni Azula. Hindi makapaniwala sa kalagayan ni Holaraw at tumingin siya sa pinag mulan ng mga patalim. Bumungad sa kaniya ang pamilyar na lalaki.

May suot ng pulang maskara, may hawak na metal na matalas na bilog na sunod-sunod nag dikit na para bang kadena kung pag masdam. Ang pulang buhok at mata nito na labis nanliit ang tingin ni Azula.

"Ikaw? Paano mo nagawa sa kasama mo Master Kubi?" Napakagat sa ibaba ng labi sa subrang galit ang nadama ngayon ni Azula.

Sinubukan ni Holaraw gamutin ang sarili ngunit ayaw mag hilom ng sugat. Nakanganga na lamang ito, nanginginig habang nakatitig sa tinuring niyang kakampi.

"Kailangan ko ng gamot Master Kubi." Sabay lahat ng kanang kamay.

"Wala ng dahilan para bigyan ka ng gamot."

"Bakit Master Kubi?" Naiiyak na sambit nito.

"Wala ka ng halaga sa'kin. Mas mabuti mamamatay ka na lang kay sa palamunin ako na walang kwenta!"

Bumagsak si Holaraw kasabay ang na mutla ng balat at lumitaw ang itim na ugat na halos kita.

"Huwag!"

Lumitaw sa harapan ni Holaraw ang lalaki akmang saksakin na ito sa dibdib ngunit nagawang pigilan ni Inwin gamit ang tubig na enerhiya na binalot sa buong katawan na ikinatilapon ng lalaki.

"Anong nangyayari? Hindi mo kapangyarihan ang pumipigil sa'kin na patayin ka. Lalong hindi sa'yo Azula."

Tumingin ang lalaki sa direksyon ng babae na kasalukuyan walang tigil sa pag katok. Napangisi ang lalaki. 'Habang abala pa si Azula na protektahan si Holaraw malaya akong gawin palihim na ligpitin ang babaeng iyong.' Hinampas ng lalaki ang kamay sa lupa na kaniyang ikinangat sa lupa sabay ikot sa eri habang nakatutok ang dalawang kamay sa kalangitan.

"Triplo Technique!"

Dumilim ang kalangitan, lumakas ang ihip ng hangin patungo sa iba't ibang direksyon na mula sa lalaki.

"Shadow stopping Technique!

Hindi maka kilos si Azula at Holaraw dahil tinapakan ang anino nila ng kalaban.

"Bakit hindi ako maka kilos? Anong ginawa mo? "

Dahan-dahan lumapag sa lupa ang lalaki na may ngiti sa labi. "Sabay kayong dalawa mamamatay ngayon." Dahan-dahan kinuyom ang kamao nito.

Halos namilipit sa sakit silang dalawa, pakiramdam nila may humawak ng mahigpit sa kanila katawan.

Samantala pagod ang babae kakatok na pa upo na lamang habang umiyak. Napasigaw ng tumama sa kaniyang dalawang balikat ang matulis na kamay ng anino na dahan-dahan nag palit anyo bilang tao.

"Walang hiya ka!"

"Ang akala ko pa naman masasayahan ako sa misyon ito ngunit nag ka mali ako. Isang basura lang pala ang pinadala ng Class Academy. Ngayon sabay kayo mamamatay!"

"Shadow Technique: Triple Ganger!"

Sunod-sunod lumabas sa katawan ng lalaki ang mga anino na may malagkit na katawan na para bang magnet.

Nakaramdam ng takot ang tatlo halos hindi makapaniwala na dito mag tatapos ang kanilang buhay. Pilit man labanan ngunit mas malakas ang kalaban. Sumulong ang tatlong anino kay Azula. Sumuka ng dugo na  walang tigil dahil sa mga sugat na kaniyang natamo as iba't ibang bahagi ng katawan.

"Ngayon tapos na kayo!"

Lumindol sa kanilang kinatayuan na labis nag pa gulat sa lalaki ang sumunod na nangyari.

Dahan-dahan na buo ang binata mula sa piraso ng tubig. " Formation Shadow Technique!" Isang taktikang na mahigpit ipinag bawal sa mababang ranggo dahil ang kung sino man ang gumamit ay kapalit ang kaniyang buhay. Isang uri ng taktika na hindi nakikita ng mata sa halip nararamdaman ng pandama.

Ang mga anino likha ng kalaban ay dahan-dahan kumilos na hindi ayon sa kaniyang ka gustuhan. Huminto ang mga ito sa iba't ibang direksyon.

Huli na ang lahat upang pigilan ang balak ng binata. Sa isang iglap naging usok ang kaluluwa at dahan-dahan patungo sa eri sa gitna ng kanilang pwesto.

Tumigil ang lalaki sa pag tapak sa anino ng tatlo sa halip mabilis itong umiwas sa mga patalim na usok na may iba't ibang hugis. Bawat iwas niya ay hindi niya napansin na tumagos ang kaunting usok sa kaniyang katawan na sanhi na labis na pang hina nito.

"Hindi!"

Pumalibot sa kalaban ang usok hanggan  binalot ito ng usok. "Isa, dalaw, tatlo patay ka ngayon!" Biglaan  sumabog na naka agaw ng pansin sa loob ng tarangkahan.

Bumukas ang tarangkahan at iniluwal ang tatlong bantay na nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita.

"Dora anong nangyari sa'yo?" Tanong nito sa babaeng nahirapan huminga ngunit bago pa man ito makasagot ay nawalang ng malay.

"Sa nakikita ko. May gustong pumatay kay Dora at naligtas ng batang iyong si Dora at maging kasamahan nito," interesadong sambit ng isang bantay.

"Ang mabuti pa tulunga na natin sila mukhang babagsak na ang binata."

Hindi nga nag ka mali ang bantay bago pa man sila makalapit ay nawalang na ito ng malay.

"Sino kayo?" Tanong nito kay Azula.

"Kami ay ipinadala ng One  Eye upang protektahan ang babaeng iyang laban sa gustong pumatay sa kaniya."

Tumango-tango ang bantay na may ngiti sa labi. Sinuri muna ng bantay ang kanilang kalagayan bago alalayan makatayo.

Update ako sa sabado. First time 3k words. Thanks po.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro