Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 37


Kinabukasan nanibago si Inwin na walang marinig na ingay sa baba. Pag dating niya halos ang linis ng palibot maging ang mga sira at inayos. Dahan-dahan siya lumapit sa lalagyan ng scroll. Dinampot niya ang itim na may pabilog sa dulo.

"Wala kami ngayon, siguro sa susunod pa kami linggo makabalik. Nasa kalagitnaan kami ng misyon. O nga pala yon pag kain mo huwag ka mag alala dahil hindi ko sinama ang Deme pig ko." Patango-tango na basa niya.

Nag palit naman letra ang lamang ng scroll. "Inwin yon Demi Pig ni Diya ang tutulong sa'yo kung may hindi ka naunawaan tungkol sa pag-aaral mo!" Mahinang basa nito.

Binalik niya ang scroll sa lalagyan saka umupo kasabay lumitaw ang baboy na may katawan ng tao maliban sa kaniyang mukha at kamay at binti.

"Ang pag kain mo ngayon ay Adobong octopus!"

"Maraming salamat!" Agad na kumain si Inwin.

"Hay naku kapagod. O nga pala sabi ni Master ipapaliwanag ko sa'yo ang paparating na unang misyon mo."

"Ang unang misyon ang pag protekta sa anak ng negosyante. Ang kailangan mo lang dalhin sa misyon ang mga mahalagang bagay na nakakatulong sa misyon mo. At bukas na iyong mangyayari."

Naibuga ni Inwin ang kaniyang kinain sa mukha ng Demi sa subrang lapit nito. Agad naman nito pinunasan mg Demi Pig ang kaniyang mukha sabay titig ng masama kay Inwin.

"Ang sama mo! May masamang ugali ka sa pag kain. Huwag ka mag sayang ng pag kain. Kung walang kang balak na sundin sinabi ko. Aba hindi kita bibigyan!"

"Ha?" Takang wika ni Inwin, sa subrang bilis mag salita halos wala na siyang maintindihan dito.

"Hindi bale na nga lang. O ito tubig!" Hindi tumingin sabi nito na ikinatawa niya ng palihim.

Tinanggap naman niya ito. Bago uminom ay tumawa muna siya na labis na ikinahiya ng Demi pig na kasalukuyan namumula ang pesgi.

"Malapit na mag ala-otso."

"Ano?" Nag madali tumayo si Inwin at tumakbo patungo sa stone of circle. "Paalam, maraming salamat sa pag kain!" Sabay pag laho niya.

Pag mulat niya. Halos nanlaki ang kaniyang mga mata sa kadahilanan nasa harap siya First Master na may masamang tingin sa kaniya.

"Huli ka dumating ng dalawang segundo. Sa susunod Inwin Steel kung mauulit huwag ka na pumasok!" Sigaw nito.

Nag tawanan ang lahat ng estudyate mula sa iba't ibang ranggo ng Warrior.

Umalis si Inwin sa harap at nag tungo sa upuan ng unang ranggo. Ang nakakapagtaka ang nandoon lamang si Reyland Virtuso, Miya Ubazma at Zorox Usana. Umupo sa tabi ni Reyland Virtuso si Inwin na hindi niya ito pinansin na para bang hindi niya ito nakita.

"Kung nagtataka kayo bakit nandito ang lahat ng ranggo. Napag isipan ko gumawa ng maliit na aktibidad na tiyak na masasayahan kayo. Na pag pasyahan ko mula unang ranggo hanggan sa ikalimang ranggo ay mag laban-laban. Ang bawat ranggo ay may apat na estudyate na binuo. Ang oras na pag klase sa inyo ng first at second Master ay pina ubaya sa'kin dahil kasalukuyan nasa misyon sila."

"Bweno mag simula na tayo. Lahat ay lalahok para mag ka alaman kung talaga kung sino ang talentado sa labanan. Ngayon pumunta kayo sa arena at mag hiwalay. Ang laban ay team."

Itinutok ang kamay sa pader kasabay nabuo ang lagusan sa tabi ng bawat ranggo. Hindi naka reaksyon ang lahat ng biglaan sila hinigop nito at niluwa sa iba't ibang bahagi ng arena.

Ang pulsiras na bakal ay dinagdagan ang bigat nito. Sa likod ng ulap nakaupo ang third Master habang nakatingin sa baba.

Samantala sa bandang hilaga ay nakaupo si Inwin sa sanga ng puno at katabi niya si Miya na kasalukuyan nakatutok ang pana sa baba.

"Tahimik."

"Baliw ka ba? Ikaw lang naman ang nag ingay eh," naiinis na sagot ni Inwin.

Sinamaan ng tingin siya ni Miya ngunit naging alerto ito nang marinig ang mga yabang mula sa baba. Nararamdaman ni Miya may dalawang tao sa baba. Hindi nag dalawang isip na pinaulanan ito ng pana sabay talon sa kabilang sanga upang makaiwas sa Blade na atake ng babae mula sa Ikatlong ranggo.

Tumalon sa baba si Inwin agad naman siya sinalubong ng atake na mula Ika-apat na ranggo. Nag palitan ng atake ang dalawa, halos pantay ang laban ng dalawa ngunit may nakisawsaw na mula sa ika-limang ranggo.

Tumalon pa atras si Inwin nang biglaan sumulong ang lalaki mula sa ika-limang ranggo. Sabay ang dalawa sumulong sa kaniya, balak ng dalawa na talunin siya at bago sila mag laban.

Ngunit nag kakamali sila ng kinalaban dahil hawak ngayon ni Inwin ang dalawang espada na mala higante kilala sa tawag ng lahat ang Dual Transform Sword. Malinis ang bawat kilos ni Inwin, walang kahirap-hirap na sinalo ang bawat atake ng dalawa.

Umikot si Inwin sabay porma na parang krus siya. Muntik na tumama ang dulo ng espada ng dalawa kung hindi umatras.

Mabagal ang kilos ni Inwin ngunit mabigat ang bawat galaw, hampas at iwinasiwas ang espada.

Hindi maka kilos siya dahil kasalukuyan sinangga niya ang atake ng dalawa na mula sa mag kabilang direksyon. Sinipa niya ang mag kabilang binti ng lalaking mula sa ika-apat na ranggo na dahilan na pag bagsak nito sa lupa sabay bitaw ng espada.

Buong pwersa hinampas ng lalaki mula sa ika-limang ranggo na sanhi na muntik na siya matumba ngunit tumalon siya sabay tapak sa likod ng lalaki nasa ika-apat na ranggo.

Tinadyakan ang lalaki nasa ika-apat na ranggo na naging dahilan na pag bagsak nito. Tumalon muli siya at lumapag sa sanga ng puno. Sumunod ang lalaki ngunit binato niya ang isang espada na tumama sa espada ng kalaban na ginawang panangga na naging dahilan na pag bagsak nito. Umikot pabalik ang espada at sinalo niya ito na walang kahirap-hirap.

"Parang hindi ka unang ranggo. Sanay ka humawak ng dual sword na mahalintulad sa ika-limang ranggo. Humanda ka nagsisimula pa lang ako sa tunay na labanan natin!"

Sumulong ang lalaki ngunit lumipat siya sa ibang sanga at doon lamang tumama ang Blade na hinagis ng lalaki.

Ngumisi ang lalaki saka dinampot niya ang mga dahon at hinagis ng sunod-sunod sa direksyon niya. Ang akala niya pang karaniwang dahon lamang iyon kaya binalewala pero nang madaplisan siya sa pesgi.

"Aray ko. Paano ako nasugatan ng pang karaniwang dahon?"

"Tanga hindi ka nag iisip. Isa sa taktika ko gawin patalim ang mga dahon. Huwag makapante na matatalo mo ako. Hindi ba?"

"Nakakatawa malaman ang tulad mo na may ika-limang ranggo gumamit ng mahika samantala ako gumamit ng natural na lakas."

"Dual Judge Atake!" Mabilis nag laho ang pigura ni Inwin. Sa isang iglap nasa likod na ito ng kalaban na hindi namalayan.

Tumama ang mabigat na espada sa katawan ng kalaban na dahilan na pag tilapon nito. Kapansin-pansin ang munting sugat ngunit hindi naman ito naka apekto sa lalaki.

"Akala mo siguro maiisahan mo ako. Mabuti na lang matibay ang katawan ko kahit wala akong armor kayang kaya ko lumaban sa gitna ng digmaan ng ganito lang."

Ang hawak nito na espada ay nahati sa sampu kasabay ang pag hugis patalim nito. Tumalok sa eri saka umikot at hinagis ang patalim sa direksyon ni Inwin. Walang kahirap-hirap na pinag hampas niya pabalik sa lalaki na labis nag pa gulat sa kalaban.

Tumunog ang kampana na mula sa likod ng ulap na ikinahinto ng lahat.

"Tumigil kayong lahat. Nakikita ko ang kinalabasan ng pagod sa pagsasanay niyo. May iba na bumuti at sumama sa pag hawak ng sandata. May madumi makipag laban sa inyo. Hindi magandang katangian ng isang mandirigma ang maduming makipag laban."

"Inwin ay nararapat umangat sa ikalawang ranggo. Opisyal na ikaw ay binigyan ng isang bituin bilang gamtipala sa iyong pag susumikap sa pag sasanay."

Umupo si Inwin saka nilapag ang dalawang espada sa lupa.

"Magaling ang iyong pinakita Inwin. Ako pala si Aldous nasa ika-limang ranggo." Tumalikod si Aldous na may ngiti sa labi.

Natulala si Inwin nang marinig sa kaniyang isipan. 'Level up, congratulations you are Gold 1st Star!' Sa wakas nakatapak na siya sa sunod na ranggo, dahan-dahan nag kagulo sa loob ng kaniyang inner core, nalilito ang daloy ng mag kaibang enehirya patungo sa bawat Path way ng pinag mulan ng enerhiya. Sunod-sunod sumabog sa loob na sanhi na pag liwanag niya ngunit bago pa man mag liwanag ang kaniyang katawan ay gumamit siya ng artificial Barrier upang walang makakita sa tunay na nangyari sa kaniya.

Dahan-dahan nag karoon ng kulay sa harap ang kaniyang buhok ng Golden Light na sumisimbolo na ganap na siyang nasa Gold Rank. Mas lalong gumaan siya na parang dahon na lamang ang bigat at Maliksi kumilos.

"Sa wakas makakagawa na ako ng kauna-unahan pinag sanib na taktika ng mag kaibang elemento. Sa tulong ng libro dito sa Class Academy ay marami pa akong matutonan," mahinang sambit niya.

"Ano? Nasa 6th Gold Rank na ako. Malapit na ako tatapak sa susunod na ranggo," gulat na sambit, hindi siya makapaniwala sa biglaan pangyayari. Natauhan na lamang siya nang marinig ang tawag ng Third Master.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro