Kabanata 36
Pagkatapos kumain ni Inwin ay nag tungo siya sa susunod na kaniyang papasukan kahit hindi pa oras. Nang marating sa Training Room ay halos ay nag sasanay ang katulad niya na unang ranggo sa Warrior.
Umupo siya sa isa na mga nakalutang na malapad na hugis bilog. Pinili niya ang para sa kaniya, mahirap na, maraming mga hambog na nais lamang ng kaguluhan at kunin atensyon ng Third Master.
Pinag masdam niya ang kilos ng Third Master habang pinaliwang ang ilang impormasyon tungkol sa tamang pamamaraan sa pag gamit ng iba't ibang sandata na ayon sa talento ng isang nilalang upang mas maging malakas at matatag ang kalooban.
Tumango-tango siya nang na banggit ang tungkol sa pag hawak ng dalawang espada na ayon sa lakas ng may hawak ng nilalang. Kahit malakas ang sandatang hawak pero kung hindi naman marunong gumamit at kontrolin ito ay balewala lamang.
Hindi niya maiwasan na mangha sa pag gamit ng Third Master sa sandata na dual. Para bang sumayaw ang bawat kilos, kapansin-pansin na hindi nakagawa ng maliit na ingay na dulot na pag salubong ng hangin sa espada.
Isa itong uri ng taktika ng mga Ninja na mabilis kumitil ng buhay na hindi namalayan ng biktima. Halos ang may kakayahan matutunan ang nasa ika-limang ranggo ng Warrior. Kung susubok si Inwin ay walang halaga dahil hindi pa siya sanay humawak ng espada.
"Wow ang galing, hindi magtatagal ay matutunan ko din yan."
May umupo sa katabi na bilog. Hindi pinansin niya dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa harapan.
Hindi namalayan mabilis ang takbo ng oras ay natapos ng Third Master sanayin ang Ikalawang Ranggo ng Warrior na estudyate.
Naglalakad ang Third Master patungo sa unang ranggo ng Warrior. Huminto ito sa harapan nila.
"Ako si Vemax ang Third Master ng Knight At Warrior. Kung napapansin niyo kalbo ako. Pwes lahat ng may mahabang buhok na estudyate ko ay dapat itali kung hindi susunod alam niyo na."
"May isa ako patakaran sa loob ng training room. Ang ipinag babawal o babala ay dapat sundin. Sampung estudyate ang bilang niyo nasa unang ranggo."
Isa-isa sinuri sa pamamagitan sa pag tingin ng Third Master ang bawat estudyate. May kakayahan siya makita ang kulay ng aura nakapaloob sa katawan ng isang nilalang dahil dito ay hindi siya mahirapan kung anong uri ng sandata ang dapat ituro sa bawat estudyate.
"Sa nakikita ko mahina ang inyong katawan. Hindi sapat para mag sanay sa sandata. Hindi kayo tatagal sa pag hawak ng sandata. Bweno ang Lion Law At Silver Bill ay iikot sa training room ng isang daan. Falling Star at One Eye tumalon kayo palipat lipat sa nakalutang na bato na nag kalat sa buong Training Room na isang daan!"
Tumalon sila pa layo sa kanilang kina-upuan upang iwasan ang hinagis na munting enerhiya ng Third Master.
"Hindi naman mahirap ang pinapagawa mo Master Vemax?" Mayabang na saad ni Reyland Virtuso.
Hinarap ng Third Master si Reyland saka ngumisi. "Hindi pala mahirap." Sa palakpak nito. Nag silitawan ang bakal na pulsiras na suot nila sa kamay, binti at leeg.
Sinubukan ni Reyland Virtuso lumakad ngunit hindi niya kinaya na humakbang at na uwi sa pag ka bagsak.
"Ngayon mo sabihin Reyland Virtuso na mula sa Silver Bill?"
Hindi sumagot si Reyland nag simula na ito kumilos gaya ng iba ganon din ang nangyari.
Sinubukan ng tatlong estudyate na mula sa Falling Star na tumalon sa sunod ngunit hindi sila umabot sa halip bumagsak sila sa sahig.
Nakatitig si Haroc kay Inwin na kasalukuyan nag handa tumalon sa susunod na bato. Huminga ng malalim si Inwin. Sa pag talon ay muntik na siya makaabot, subrang sakit na pag k bagsak niya dahil ang ulo niya na una. Gaya din ng iba hindi siya nag tagumpay.
"Hindi pa talaga kayo handa. Ang mga sandata ay mabibigat hindi porket mataas ang kalidad nito ay maging madali sa pag hawak. Hangga't hindi niyo magawa ang isang daan ay hindi kayo hahawak ng sandata sa loob ng Training Room. Simulan niyo na!"
Nanliit ang tingin ni Inwin sa Third Master kahit malapit na siya tatapak sa sunod na ranggo ay mahirap pa rin sa kaniya ang ganitong pagsasanay.
Nakatuon ang boung atensyon ni Inwin sa susunod na malapad na bato. Sa kumpas ng Third Master ay lumutang silang lima at binagsak sa malapad na bato.
"Ang babagal. Hindi pa sila handa sa susunod na pagsasanay," bulong nito sa hangin.
"Ang bigat hindi ko kaya tumalon kahit kaunti." Reklamo ni Haroc.
"Kung puro kayo reklamo. Ang mabuti pa lumipat kayo sa ibang Class! Hindi kayo nararapat mapabilang dito kung sa simula pa lang suko na kayo!"
Napatakip ng tenga si Inwin. 'Grabe ang ingay niya mukhang hindi ko kakayanin pakinggan siya.' Isip nito.
"Isa, dalawa tatlo!" Buong pwersa tumalon si Inwin, nakatitig sa kaniya ang apat at Third Master. Lumapag siya sa susunod na bato na nakatayo.
"Nag tagumpay ako!" Biglaan na lamang siya bumagsak na una ang pang upo.
Napangiti ang Third Master samantala ang apat ay sinusubukan na din ang lahat ng makakaya.
"Isang talon ko lang halos napagod ako. Hindi ko kailangan mag pahinga lalo na ngayon may gagabay sa'kin."
Sa ikalawang talon ay halos nanginig ang mag kabilang tuhod niya. Ipinag patuloy niya ang pag talon kahit nahihirapan kung minsan napahiyaw na lamang siya sa sakit na dulot na epekto sa pag talon.
Lumipas ang ilang minuto ay nasa kalahati na siya ng bilang. Akmang tatalon na biglaan nag laho ang pulsiras sa leeg kaya malaya niyang na igalaw ang ulo. Medyo gumaan sa pakiramdam.
"Sa inyong lima ikaw Inwin ang nagunguna limanpu ang nalagpasan na bato samantala sa kabila ay ikaw Reyland nasa tatlumpu pa iyong ikot. Hindi na masama ang kinalabasan ng unang pagsasanay niyo. Bweno dito nag tatapos ang pagsasanay."
Umalis ang Third Master ng hindi namalayan ng lahat. Halos na patalon sa gulat nang makita ang mga pulsiras na bakal ay hindi sinama pag wala.
Mabagal ang lahat sa pag lakad palabas ng Training Room.
"Anong sunod?" Tanong ng babae mula sa Falling Star habang nakayuko.
"Ang Mastery Weapon." Sagot ng babaeng kasama ni Miya na si Mamuro.
Habang tinahak ang daan patungo sa Mastery Weapon ay hindi maiwasan nila ma inggit sa ibang Class na may mabait na Master, tinuruan agad sa estratehiya at Art skill.
Bago pa man sila makapasok sa silid na kulay itim ay sumulpot sa kanilang harapan ang isang batang lalaki nasa Sampung gulang, may pares ng mata kulay itim at maikling buhok na kulay itim at nakasuot ng damit na pang digma.
"Sino ka naman bata?" Walang ganang tanong ni Reyland.
"Ako lang naman ang Forth Master ng Warrior. Ako si Adam. Walang pasok ngayon dahil may gagawin pa akong mahalaga. O nga pala."
Inilahad ang dalawang kamay ng bata. Unti-unting may nabuo sa palad nito na sampung sing sing na may limang kulay na ayon sa elemento hawak ng bawat isa.
Kinuha nila ang sing sing na may pagtataka.
"Ang sing sing ay para sa pag bago ng ikalawang anyo ng sandata hawak niyo."
Unti-unting nag laho ang bata na may ngiti sa labi.
"Sa wakas makapag pahinga na ako!" Sigaw ni Reyland.
Sa isipan ni Inwin ay puno siya ng inggit sa mga ito subalit naalaala niya. Ang lahat na pinapagawa sa kaniya ng Captain ay para sa kaniyang hinaharap na maging ganap na mahusay na Warrior.
Una na siya humiwalay sa kasama upang mag tungo sa Stone Of Circle. Pag karating niya dito. Wala naman gumamit kaya mabilis ang kaniya pag lipat sa kaparehong Stone Of Circle sa One eye.
Sakto ang kaniyang pag litaw ay kasalukuyan naiinis ang bata.
"O nandito na pala si Inwin. Siya na lang ang gagawa na mag pakain sa alaga ni Captain!"
Walang alam si Inwin tungkol sa alaga kaya sumang ayon lamang ito. Hinila siya ng bata patungo sa ikalawang pa lapag. Nilibot siya sa buong mansion ng bata upang matandaan niya ang pasikot sikot nito.
"Nandito na tayo sa kulungan ng alaga ni Captain. Ikaw na ang bahala!" Tumakbo ang bata.
Na iwan si Inwin na mag kasalubong ang mag kabilang kilay. Dahan-dahan niya nilapit ang karning hawak niya. Napasigaw na lamang siya na may biglaan kumain sa karne at muntik na masama ang kaniyang kamay kung hindi nag madali hilahin.
Isang malaking aso na kulay itim. May pulang mga mata. Maingay kumain na parang may kakaibang sa ngipin ng aso. Napag tanto niya hindi ito pang karaniwang hayop kung hindi isa itong Wild Beast.
"Kaya pala takot siya mag pakain. Ayaw ko na!" Nag madaling siyang tumakbo na masamang nakatingin sa kaniya ang aso.
Pag karating sa unang pa lapag. Narinig niya ang tawanan at pinag usapan ang tungkol sa kaniya.
"Nandito na pala si Inwin. May gagawin ka pa mamaya bago matulog."
"Ano?" Takang sagot niya.
"Edi mag ayos ka ng silid mo." Nag tawanan ang apat na wala naman nakakatawa. Napasimangot si Inwin na marinig iyong.
'Akala niyo sa'kin mahina. Pwes nagkakamali kayo. Mas lalong gusto ko pagodin ang sarili ko.' Isip nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro