kabanata 35
Nagising si Ziwin na masakit ang ulo.
Unang bumungad sa kaniya ang makinis na kisame na likha ng yelo. Bumangon mula sa pag kahiga. "Nasaan ako? Hindi ko ito silid." Nilibot ang tingin na may pagtataka na makita ang mga larawan nag kalat sa pader na malapit sa pinto.
Napatalon sa gulat ng biglaan bumukas ang pinto. Pumasok ang katulong na may bitbit ng kahon na kulay bughaw.
"Maligo ka na. Malapit na ang oras ng unang pasukan mo sa pag-aaral. Balita ko pag huli dumating hindi napapasukin."
Hinagis ng katulong ang kahon na agad naman sinalo niya. Itinuro ng katulong ang banyo. "Bilisan mo. O nga pala yon pagkain mo. Bahala na si ." Hindi na hinintay ng katulong na mag salita siya. Umalis na walang ingay nagawa ngunit malakas sinara ang pinto na ikinagulat niya.
"Galit siguro sa'kin siya."
Pumasok ng banyo siya. Lumipas ang ilang minuto ay lumabas siya. Nakasuot ng kulay itim na uniform at berdeng pantalon. May hawak ng libro na kulay itim.
Nag liwanag ang libro at sa pag laho dahan-dahan nag litawan ang mga numero sa pabalat.
"8:00 am kasaysayan."
"Ano? Malapit na ako ma late. 7: 50 na!"
Nag madali lumabas siya. Sa subrang taranta ay muntik na siya mahulog sa hagdanan kundi humawak sa gilid nito.
"Kanina pa ako nag hintay sa'yo. Bilisan mo may lakad pa ako!" naiinis na sigaw ng bata.
Hindi agad naka reaksyon siya sa gulat.
Lumitaw ang dalawang magic circle sa likod ng bata. Lumitaw ang dalawang Demi Sheep.
"Kunin niyo at dahil sa mesa!"
Maliksi kumilos ang dalawang Demi Sheep. Sa subrang bilis ng kilos ay hindi namalayan niya nasa tabi na niya ang Demi Sheep.
Hinawakan sa mag kabilang kamay sabay takbo ng mabilis na ikinahilo niya.
Itinapon na parang basura ng Demi sheep patungo sa upuan. Sakto naman bumagsak siya sa upuan ng mahina.
Sa kumpas ng kamay ng bata nag silitawan ang mga pagkain ngunit kaunti ang kinain niya saka inom tubig.
Tinapunan siya ng masama ng bata. "Ang dami pagkain na hinanda ko tapos hindi mo uubusin. Itapon yan sa Stone of circle ngayon din!"
Kakainom lamang niya ng tubig na damputin ng dalawang Demi Sheep. "Paalam!" Sabay tapon sa Stone of circle.
Pag bagsak sa Stone Of Circle at kasabay nag liwanag at nag laho. Pag dilat ng mga mata niya. Maraming mga estudyante ang nag kalat na may ngiti sa labi.
"Inwin Bilisan mo tumakbo patungo sa History malapit na mag simula isang minuto na lang!" Sigaw ni Aurora mula sa hindi kalayuan kasama si Nana.
"Eh kayo?"
"Pasensya na iba ang kinuha namin na Class!"
"Lagot na...!"
Sa isang iglap mabilis siya kumilos kahit hindi niya alam ang silid na papasukan niya. Ngunit kusang gumalaw ang kaniyang paa. Sa pag hinto niya sa silid kasabay ang pag bukas nito.
"Mabuti naman hindi ka pa huli. May dalawang segundo ka pa. O siya pumasok ka na."
Pag pasok sa loob napataas kilay na lamang siya na walang makita nakapareho ng kulay uniform. Pabilog ang upuan na apat. Nahanap niya ang upuan ng one eye ngunit walang nakaupo.
'Mukhang ako lang yata ang nagiisang estudyate sa One Eye Class na ito.' Isip niya.
"Pwes bago ako mag simula. Ako nga pala si Ambre ang First Master ng Class na ito. Sa ngayon malaya kayo sa kahit anong gawin niyo ngunit nais kong makita ang talento niyo sa mga sandata."
"Kung sino man ang handa mag pakitang gilas at maaari lamang mag tungo sa gitna. O siya magsusulat pa ako."
Napagpasyahan niya mag pakitang gilas. Maingat nag tungo sa gitna. Sa pag hinto kasabay tumingin sa kaniya ang Master.
Umatras siya nang yumanig ang kaniyang tinapakan na sahig. Umangat ang sahig at doon nakita ng lahat ang nakasabit na mga sandata.
"Ipakilala mo ang iyong sarili at bakit pinili mo ang Warrior Class?." Sabi ng First Master.
"Ako nga pala si Inwin Steal, Gold Ist Star. Nag mula sa One eye. Nais kong matuto humawak at gamitin ang iba't ibang sandata."
Nag simula mag bulungan ang ibang grupo dahil ngayon lamang ulit nagkaroon ng estudyate na mula sa One Eye.
"Ikaw pala ang tinutukoy kahapon na bagong membro na hindi pamilyar ang taktikang gamit mo. Pwes kung ano man iyong hindi ako humanga," walang emosyon saad nito.
"Maaari na ba ako mag simula?"
"O nga pala pumili ka ng sandata na iyong gagamitin bago mag simula."
Sinuri niya ang bawat kalidad ng sandata sa pamamagitan pakiramdam ng aura bumalot sa bawat sandata. Nakuha ang atensyon niya sa malaking espada na malapad na kulay itim ang hawakan.
Sa pag lapat ng hawakan ng espada sa palad niya. Nakaramdam ng mabigat na enerhiya na tila para bang hinala siya pababa sa subrang bigat nito. Nang kunin ang espada napasigaw sa sakit nang pumasok sa kaniyang palad ang enerhiya nito.
"Sa wakas may pumili din sa pang karaniwang na espada. Ngayon subukan gamitin at ipakita sa'min kung anong kaya mong gawin!" Sabay hampas sa mesa ng First Master.
Iwinasiwas niya ang espada sa eri sabay ikot. Nabuo ang magic circle sa dulo nito. Sa pag hampas sa hangin nag siliparan ang mga scroll nakatambak sa mesa ng First Master.
"Magaling ang pinakita mo Inwin. Ang nakuha mo na sandata ay tinawag na Purgatory Krus Sword. Ikaw ang kauna-unahan nag may-ari yan dito sa Class Academy. Sapat na iyong pinakita maaari ka na bumalik sa upuan mo," masiglang paliwanag nito.
"First Master paano ko ito itatago ang laki?" Nahihiyang tanong niya.
"Gamitin mo ang libro. Sunod!"
Nakayuko siya na mag tawanan ang lahat maliban sa First Master. Bumalik siya sa upuan nanatiling nakatingin sa sahig. Umangat ang kaniyang tingin nang marinig ang pag pakilala ng dalawang lalaki.
'Nandito pala ang mayabang na si Henry Virtuso at sino naman kasama niya?' Isip nito.
"Henry Virtuso 4th Star. Nag mula sa Silver. Napili ko ang sanda ng Fire Sword."
Sunod naman ang katabi nito nag salita.
"Valir Virtuso 6th Star. Nag mula sa Falling Star. Napili ko ang sanda ng White Dual Sword."
Sabay ang dalawa nag pakitang gilas. Hindi na maayos ang pag hawak at kilos nito kaya palihim tumawa siya.
'Krus!' Sabay dikit sa libro.
Nag liwanag ang hawak na sanda niya. Sa pag hupa ng liwanag ay nag palit anyo ito sa munting krus na kwintas na agad naman niya sinuot.
'Makatulog nga muna.' Isip nito.
Nag pa kitang gilas ang ibang grupo. May iba pinagalitan ng First Master dahil sa maling pamamaraan na pag gamit ng sandata.
Nagising siya nang sumigaw ang First Master sa inis. "Huwag na huwag mo subukan galitin Haroc. Makinig kang mabuti sa'kin. Alam ko ang kasaysayan ng bawat digmaan at kasuklamsuklam na pamamaraan sa pag gamit ng sandata. Maliwanag?" Nanginginig sa takot ang lalaki.
Tumayo siya mula sa pag upo. Hindi dinilat ang mga mata sa subrang pagod hindi niya lubos maunawaan kung bakit. Kahit nakapikit siya malakas ang kaniyang pandama sa paligid kaya hindi niya bumunggo.
"Tapos na ang klase!" Unang lumabas ang First Master bago sumunod ang lahat.
Samantala si Haroc ay tulala. Hindi makapaniwala. Napakuyom ng kamao ng maalaala ang payo sa kaniya ng isang babae na mula sa Falling Star.
"Hay naku..."
Napalingon si Haroc nang marinig ang pamilyar na tinig. Nanliit ang mga mata nito. "Inwin?" Tuloy ang lakad niya na hindi pinansin si Haroc.
'Kailangan ko iwasan ang isang yun. Baka mapahamak lang ako na hindi ayon sa batas dito sa Class Academy.' Isip nito.
Nag tungo siya sa susunod na pag-aaralan. Hindi pa niya alam kung ano sa pagkat hindi niya na tiningnan ang pabalat ng libro.
Bumunggo siya sa harap ng pinto na gawa sa purong salamin. Nag aapoy ang mga mata ng matanda ng makita siya.
Kusang nag bukas ang pinto. "Ginoong Steal hindi oras ng tulog mo. May gana ka pang pumasok sa ganyan kalagayan!" Sa kumpas ng kamay lumutang si Inwin at binagsak sa upuan.
"Kaunti na lang ang estudyate ko. Halos wala naman gana pumasok. Ang hindi ko maintindihan bakit pa kayo pumasok kung wala naman kayong gana. Pwes!" Tumaas ang boses nito.
Walong estudyate ang kasalukuyan nasa loob ng silid. Napailing ang matanda sa kaniyang na isip.
Sa pag mulat ng mata halos bumilis ang tibok ng puso nang makita ang matanda na kasalukuyan dinurog ang hawak na salamin.
"Ako pala ang Second Master ng Warrior Class. Sa hindi pa nakilala sa'kin. Ako lang naman ang nag-iisa sa buong Class Academy na magpapahirap sa mga estudyate!"
"Bweno dahil hindi niyo ako pinansin ng pumasok kayo. Gumuhit ng sandata na gusto at pag katapos ipaliwanag kung handa ka. May malaking puntos ang gagawa."
Nag taas ng kamay ang babae mula sa Lion Law. "Second Master paano kung hindi marunong gumuhit o pangit ang pag ka guhit?" Nakangiting saad nito.
Nag liwanag ang libro ng pabalat na hawak ng Second Master. "May gagawin pa akong mahalaga. Bukas na kayo mag pasa. Binibini Ling wala akong paki alam ang mahalaga mag pasa kayo!" Umalis ito na hindi nag paalam.
Nag liwanag ang lahat ng pabalat ng librong hawak nila. May sumigaw, umiyat at higit sa masaya.
"Wala na pala akong pasok. Makapag libot nga."
Lumabas na siya habang inisip kung saan ang cafeteria.
"Kawawa naman ang bagong Membro ng One Eye sa Mage Class. Mabuti na lang tinulungan siya ng lalaki na bagong membro ng Silver Bill."
"Sinabi mo pa."
"Tara mag tungo na tayo sa Cafeteria nagugutom na ako."
Sumunod siya sa dalawang babae. Pumasok ang dalawa sa malaking pinto.
Huminto muna siya. Tumingin sa itaas ng pinto. Nakasulat doon ang Cafeteria.
Nag liwanag ang pabalat ng libro na hindi napansin niya. Pumasok siya sa Cafeteria at hinanap sila ngunit hindi niya makita sa dami ng mga estudyate.
Lumapit siya matabang babae na nag isang kumain. Walang may gustong makipag tabi sa babae sa ka dahilanan nandidiri sila.
Nakayoko ang matabang babae habang abala kumain.
"Maaari ba akong umupo?"
Dahan-dahan inangat ang ulo. Napaatras ng bahagya nang masilayan niya ang mukha nito na hindi kaaya-aya. Subrang kapal ng puting likido nakadikit sa balat ng pinge nito.
"Hmmm... pwede naman."
Umupo siya habang nakatingin sa babae.
"May itatanong ka ba?" Sabay taas ng kilay nito saka sumubo ng pagkain.
"Itatanong ko sana paano ako kumuha ng pag kain dito?" Nahihiyang saad niya.
Napahinto ang babae. Nilunok muna nito ang kinain bago ngumiti. Biglaan tumawa na parang baliw na ikinalingon ng lahat sa direksyon nila.
"Hala nakakatawa may lumapit kay taba chin."
"Eh ano naman? Pareho lang naman sila mga basura. Tingna mo nga yon uniform nila."
"One Eye."
Hinampas ng matabang babae ang kamay muntik na mahulog ang pagkain.
Natahimik ang lahat na palihim ngumiti.
"Nakikita mo ba yon?" Sabay turo sa kaniya.
"Bata?"
May nakaupo na bata na may puting buhok. May takip ang mukha na hanggan ilong nito.
"Humingi ka sa kaniya ng pag kain kung gusto mo mag tipid."
"Paano?"
Lumitaw ang bata sa tabi ng matabang babae na may seryusong tingin sa kaniya.
"Bigyan mo siya ng pagkain. Libre na natin siya."
"Ayaw ko nga. May pera naman yan eh."
"Loloy bigyan mo na siya. Bago lang yan dito. Tingnan mo nga yon libro niya."
Nagtaka naman pinag masdam niya ang libro. Hindi niya maintindihan ang dalawang to.
"Bagong Membro ng One Eye. Nasa unang ranggo ka pa lang Warrior. Payag na ako Taba Chin."
May nilabas ang batang lalaki na bagay na hindi pamilyar sa kaniya.
"Ito ang mahiwagan banga! Kahit anong hiling na pagkain ay magkatuto sa pamamagitan sa pag sulat ng kapirasong dahon."
Hindi nag salita siya sa halip nakinig at pinanood ng mabuti ang bawat kilos ng batang si Loloy.
Hindi maiwasan niya na mangha sa artificial na banga na pag may-ari ng bata. Agad itong binigay sa kaniya.
"Masarap?"
Hindi makapag salita siya sa kadahilanan puno ang kaniyang bibig ng pagkain sa halip tumango na lamang siya.
"Bukas ulit lapit ka lang sa'min kung gusto maka libre," masayang sambit ni Taba Chin.
"Taba Chin malapit na tayo ma huli sa pag insayo!"
Hinawakan ng matabang babae ang balikat ng bata. Sa binigkas na salita nito ay kasabay pag laho.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Isang mage na mayaman sa karanasan ang kaniyang nakikila ngayon.
Author Note: 2k words na yan. Hahabaan ko sa susunod na update. Thank you for reading.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro