Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 33

Nag tagumpay sina Aurora, Nakaza at Nana sa duel. Ang mga hindi nanalo ay hindi pinauwi. Kasali parin sila sa pangatlong pagsusulit.

"Nakita ko na ang dapat malaman. Ang pangatlong pagsusulit ay pagalawin ang kawal sa kaniyang kinatayuan sa kahit anong paraan ng atake. Ang kawal na makakaharap niyo ngayon taon ang pinakamalakas na kawal ng kaharian!  Ang Black Soldier!"

Nag lakad ang matangkad na kawal na nakasuot ng armor na kulay itim. Sa kaniyang aura naramdaman ni Ziwin na malakas humatak pababa ito na sanhi na pag luhod ng ibang kabataan dahil sa matinding grabidad.

"Iba ang huling pagsusulit nong nakaraan taon. Ngayon mukhang malabo ako makakapag aral sa Class Academy. Tiyak na walang pipili sa'kin," na iiyak  ang matabang lalaki.

Lumapit ang binatang may maikli ang buhok na kulay itim. May hawak na bilog na bakal sa mag kabilang kamay nito. Hinanda ang sarili sa kaniyang gagawin. Nag madaling tumakbo saka tumalon sa eri sabay ikot at hampas sa Black Soldier. Umatras ang black Soldier ng isang hakbang.

Umalis ang lalaki sa harapan ng Black Soldier. Nag tungo sa kaliwa para sa mga nag tagumpay.

"Bakit pa siya sumali sa pagsusulit? Hindi ba isa siya royal blood. Pinsan ng prinsesa."

"Oo. Gusto niya ipakita ganon siya kalakas  upang galangin siya ng kapwa estudyante," sagot ng babae.

Maraming mga sumubok ang hindi nakapasa. Napag pasyahan ni Ziwin na susunod siya kay Aurora na kasalukuyan pinaulanan ng atake ang Black Soldier.

"Nagawa ko!" Masayang sigaw ni Aurora.

Tumakbo pa lapit si Ziwin sa Black Soldier. Huminto ng nasa harapan na siya. Huminga ng malalim bago ngumisi na ikinataas ng kilay ng Black Soldier.

Mabilis niyang iwinasiwas ang espada sa harapan ngunit walang kahirap-hirap na sinangga ng Black Soldier.

'Ang tibay ng katawan niya. Anong ranggo kaya siya?' Lamang ng isip ni Ziwin.

Sa huling wasiwas ginamit niya ang enerhiya ng elemento. Na paurong ng isang beses ang Black Soldier.

Agad siyang umalis sa harapan nito. Nag tungo kay Aurora na hindi man lang pinansin. Naiinis si Ziwin hindi man lang humanga ang apat na Captain. Nag alala siya baka walang pipili sa kaniya.

Nilibot ang tingin sa itaas kung saan naroon ang apat na Captain na kasalukuyan seryusong nanonood.

Umalis ang lalaki malapit sa pwesto na kinatayuan ni Aurora.

"Lalayo ako sa mga basura baka madumihan pa ang magarang kasuotan ko."

Napalingon si Aurora sa lalaki. Tinapunan niya ito ng masamang tingin ngunit ngumisi lamang ang lalaki sabay ngisi.

"Zin mukhang may ayaw sa'tin. Kung may pagkakataon makakatikim talaga sa'kin ang hambog na yon."

"Huwag mo na lang pansinin Aurora. Hindi ka naman niya sinaktan. Kung ako pa sa'yo isipin mo. Hindi mo siya nakita na parang kaluluwa," patawang sagot nito. Na agad naman siya binatukan ni Aurora.

Napahinto ang dalawa ng napansin nila pa lapit si Nakaza sa Black Soldier. Walang kahit anong sandata na mayron si Nakaza. Naniniwala sa sariling lakas na kaya pag tagumpayan.

Nag simula na ito mag pa ulan ng suntok ngunit hindi na apektuhan ang Black Soldier tibay ng katawan nito.

'Kainis. Ang lakas ko hindi umobra. Gagamit na ako enerhiya," isip ni Nakaza.

Lumitaw ang enerhiya sa mag kabilang kamao na kulay berde. Binuhus lahat ni Nakaza ang buong enehirya sa kamao.

Sa pag tama ng kamao sa bandang tiyan ng Black Soldier napa urong ito ng dalawang beses.

'Mukhang hindi ako mapipili ng Silver Bill. Nakakatiyak ako na si Nakaza ang piliin ng Captain,' isip ni Ziwin.

Hindi pinansin ni Ziwin ang pag dating ni Nakaza. Pinikit niya ang mga mata habang pinakinggan mg mabuti ang ingay ng hangin.

Napamulat ng naramdaman tapos na ang pagsusulit sa lahat. Itinulak siya ng lalaki na unang sumabak kanina sa pagsusulit.

"Kainis. Makakatikim talaga sa'kin ang isang yun," masamang tingin ni Aurora.

"Ngayon pipili ang apat na Captain sa karapat dapat na napabilang sa kanilang pangkat. Kung dalawa o higit pa ang pipili sa isang kalahok ay siya mismo ang mag pasya kung sino piliin na Captain. Kung walang pipili sa'yo na Captain hindi ka maaaring makapag aral sa Class Academy. Bagsak ang kalabasan nito."

"Reyland Virtuso!"

Tumayo ng matuwid ang binata nang banggitin ang pangalan nito.

"May limang minuto sa pag pasya!"

Ngumisi ang binata nang tumayo ang Captain ng Falling Star. "Nararapat ka pa mapabilang sa pangkat ko. Kung papayag ka?" Mas lumawak ang ngisi nito na tumayo ang Captain ng Lion Law. "Reyland Virtuso inalok kita maging isang estudyante ko," seryusong saad nito.

"Paumahin po. Napili ko ang Falling Star."

Lumitaw sa harapan nito ang kanang kamay ng Captain na babae saka hinawakan sa balikat si Reyland bago mag laho.

Umupo ang dalawang Captain na may ngiti sa labi. Lumitaw ang kanang kamay Lion law sa gilid ng Captain.

Maraming hindi pinili ng apat na Captain na ikinainis ni Ziwin. 'May potensyal sila para mag aral sa Class Academy, mayaman sa karanasan at higit pa doon mayrong sila sariling taktaktika,' isip ni Ziwin.

Tumakbo si Nana na kinakabahan habang nasa likod ang dalawang kamay nito na halata natatakot sa pwede mangyari.

Huminto sa bilog na bato saka tumingala sa itaas.

"Nana Humano!"

Napalunok ng dalawang beses ng pandak na babae. Apat na minuto na ang lumipas ngunit wala parin tumayo. Pinag masdam lamang siya ng apat.

Tumayo ang Captain ng One Eye. "Nararapat mapabilang ganyang uri ng mahika sa pangkat ko!" Pagkatapos nito sabihin nag laho na lamang bigla si Nana sa hindi malaman dahilan na ikinagulat nilang lahat.

Sa pag alala ni Nakaza ay sumunod siya nag tungo sa gitna.

"Nakaza Aza!"

Tumayo ang Captain ng Silver Bill at hindi nag salita. Lumipas ang apat na minuto na walang tumayo na ibang Captain. Napag pasyahan nito gamitin ang kapangyarihan.

Pinalibutan si Nakaza ng enerhiya na kulay pilak bago ito mag laho.

Sa subrang pananabik ni Aurora ay hindi niya namalayan nasa gitna na siya.

"Aurora Heal!"

Tumayo agad ang Captain ng One Eye. Napag pasyahan ni Aurora na piliin ang One Eye. Na agad naman ito nag laho.

Susunod na sana si Ziwin ngunit hinila siya ng lalaki na may mahabang buhok na kulay itim. Nag aapoy na mga mata. Agad naman siya binitawan at iniwan tulala habang nakatingin sa lalaki.

'Ang mga matang iyong hindi ko makakalimutin ang pag bigay niya sa'kin ng isang ginto. Ginawa niya akong  pulubi,' isip ni Ziwin.

"Henry Virtuso!"

"Mag ka dugo nga naman ang mga mayayabang," mahinang sabi nito.

"Sinabi mo pa. Mag pinsan si Henry at Reyland. Isa silang royal family. Nag mula sila sa Bearer na angkang,' naiinis na paliwanag ni Haroc.

Tumayo ang apat na Captain ngunit sa huli ang pinili ang Silver Bill.

Nag tungo agad si Ziwin na nakayuko. Ayaw niya tumingin sa Captain. Sa kaniyang inakto hindi nagustuhan ng tatlong Captain.

Tumayo ang Captain ng One Eye. Tinawanan siya at minaliit nito. Ngunit sa bandang huli ay pinili siya. Bago pa man mag laho ay napansin ni Ziwin na sunod-sunod na walang pinili ang apat na Captain.

Author Note: Pasensya na ngayon pa ako nag update. Kasi naman writer block. Hindi ko alam paano ituloy ang kwento.  Thank you for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro