Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 32


Maagang nagising sila si Ziwin kasabay nag tungo sa pamilihan ang bagong makilala. Binili nila ang mahalaga gaya ng tubig, pag kain at patalim sa paglalakbay. Lalo nabalitaan nila maraming nag kalat na bandido sa kagubatan.

Napag pasyahan nila mag labay agad upang maaga makarating sa Classio. Habang nag lalakbay ay nasa unahan si Nakaza samantala nasa likuran si Nana at nasa gitna sina Ziwin At Aurora.

Hindi mapakali si Nakaza parang may hindi magandang mangyari. Binalewala na nila baka nanabik lamang ito.

Nanlaki ang mga mata nila na biglaan tumilapon si Nakaza mabuti na lamang ginamit ang kamay na naging bato upang hindi tuluyan matumba.

Nag madali lumapit si Nana kay Nakaza upang gamutin ang galos nito.

Lumabas ang limang lalaki na may hawak ng sandata na kulay itim ang hawakan nito. May Tali ng itim na tela ang bawat isa sa ulo.

Pinag masdam mabuti ni Ziwin ang mga ito. Pinag-aralan ang mga kilos na umaasang may matutunan sa mga ito sa pamamagitan ng pag tingin.

Mabilis na kumilos ang apat patungo sa kaniya. Nag pakawala ng atake, wala kahirap-hirap na sinangga ang sunod-sunod na atake gamit ang patalim.

Huminto si Ziwin nang mapansin hindi kumilos ang tatlo. Tumingin siya sa ibaba. Dahan-dahan naging bato ang mga paa nito. Lumingon si Ziwin kay Nakaza na kasalukuyan nakahawak ito sa lupa.

Samantala ang dalawa ay mabilis pinaulan ng patalim sila ngunit sa Giga Snowflake ni Aurora ay nagawa niya nahati na walang kahirap-hirap.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa nang makita ang Giga Snowflake na palapit as kanila. Huli na ang lahat upang iwasan ito. Tumilapon ang dalawa tumama sa puno at bumagsak na walang malay.

Nawalang ng malay ang tatlo nang binatukan ni Ziwin ng malakas.

"Nakawan kaya natin sila?" Mungkahi ni Nana. Naka ngisi ito na mala demonyo.

Sumang ayon ang lahat. Nakuha nila ang isang daan ginto. Dalawang bote ng tubig, patalim na may lason sa dulo at mapa. Iniwan nila ang mga bandido sa ilalim ng malaking puno.

Isang araw na paglalakbay bago makarating sila sa tarangkahan ng Classio. Sa subrang laki nito halos hindi makita ang nasa loob. Maraming mga nag tatasan gusali na gawa sa metal ngunit ang hugis nito pa ikot.

Itinapat ni Aurora ang hawak nito na badge na Lion. Sa Lion hugis na parang butas. Dahan-dahan nag bukas ang tarangkahan bumangad sa kanila ang isang matangkad na bantay na hanggan balikat lamang sila.

"Anong sadya niyo sa Classio?"

Mahigpit ang bantay ng Classio. Narito halos nakatira ang mga dugong bughaw at tangyag sa kaharian. Matatagpuan sa gitna ng Classio ang Class Academy.

Walang nag lakas loob na sumagot sa bantay. Itinuro ni Aurora ang Mala palasyo na paaralan sa malayo.

"Ahh umasang makapasa sa pagsusulit. Huwag kayo matakot sa'kin. Tumuloy na kayo."

Umalis ang bantay sa gitna. Nag patuloy ang apat na kinakabahan. Napansin nila maraming mga kabataan na tulad nila ang nag kalat. Sa tingin ni Aurora iisa lamang ang direksyon ng mga ito. Kung hindi patungo sa Class Academy.

Habang tinahak ang daan patungo sa Class Academy. Sari-sari komento ang kanilang narinig. Nang makarating sa tarangkahan ay napahinto ang lahat ngunit tumuloy naman ito agad na mag salita ang bantay.

Kaniya-kaniya nag hanap ng pwesto ang mga kabataan. Samantala ang apat nasa gilid ng pader nakatingin sa itaas.

May apat na upuan sa likod para sa mga captain. Lumitaw ang matandang lalaki na may hawak na tungkod sa eri. Nakalutang ito gamit ang magic circle.

"Maligayan pag dating sa Class Academy. Hindi ko akalain maraming mga kabataan ang susubok ngayon taon. Bago ko Simulan ang pag bigay ng pagsusulit. Ako nga pala si Lazz ang mag bibigay ng pagsusulit ngayon taon!"

Nag palakpakan ang lahat. Nag taka nakatingin si Ziwin sa pag litaw ng apat na captain. Sumunod lumitaw ang apat sa gilid ng bawat captain.

"Sa hindi nakakaalam may apat na grupo. Ito ang lion law, falling star, one eye at higit sa lahat pinaka malakas na grupo ang Silver bill."

"Ang unang pagsusulit. Kailangan niyo lang palutangin ang malapad na bato. May bigat ng 100 kg. Ang siyang magtatagumpay ang aabante sa sunod na pagsusulit. Sa mga hindi ay maaaring ng umalis."

Sa kumpas ng kamay ni Lazz lumitaw ang bato sa bawat kalahok.

"Gusto ko makasali sa Silver Bill."

Napatingin naman si Ziwin sa lalaking, may mahabang buhok na kulay dilaw. Gamit ang hangin ng elemento nito. Napag tagumpayan niya palutangin habang nakasakay sa bato.

Huminga ng malalim si Ziwin bago Simulan ang kaniyang balak. Pinadaloy niya ang enerhiya patungo sa daliri. Sa pag lapat ng daliri sa bato kasabay ang pag lutang ng dahan-dahan. Napag pasyahan niya umupo.

Sina Aurora, Nakaza at Nana walang kahirap-hirap na pinalutang ang bato.

Nag hiwalay ang apat sa mga kaibang pwesto.

Lumapit ang lalaki kay Ziwin upang ipag mayabang ang nagawa nito.

"Naku mukhang may nahanap na ako na pwede kung piliin sa pakipag laban."

"Laban?"

"O nga pala ako si Haroc Maximu. Nakikita mo ang unang Captain naka upo sa Lion Symbol. Siya Magiyo ang Captain ng Lion Law. Sunod naman ang captain ng Falling Star na may simbolo ng tatlong bituin. Siya si Maureen. Yon nakakatakot na grupo na halos nandito ang mga sira ulo, ang One Eye na may Simbolo ng isang Mata. Ang Captain na si An Claus. Higit sa lahat ang Silver Bill na may simbolo ng bill. Ang captain na si Lao."

Nakinig si Ziwin sa mga sinasabi nito ngunit hindi pinansin ang lalaki.

"Tumigil kayong lahat. Sapat na aking nakita. Maaari ng lumabas ang mga hindi nag tagumpay."

"Ang ikalawang pagsusulit ay labanan sa pamangitan ng bawat kalahok. Humanap ng kapariha sa duel!"

Walang may gusto ko makipag laban kay Ziwin dahil sa kaniyang kakaibang pamamaraan sa pag palutang ng bato.

Nilibot ang tingin. Nag baka sakaling may makita na walang kapares ngunit sa kasamaan palad wala.

Napalingon si Ziwin nang may kumalabit sa balikat  niya. Napakunot noo nang makita si Haroc naka ngisi sa kaniya.

"Gusto kita makalaban. Huwag ka na lang kaya lumaban baka ma bugbog kita eh," patawang saad nito sa kaniya.

"Isa pa baka mapahiya ka lang."

"Salamat naman pinili mo ako. Lalaban ako kahit anong sabihin mo!"

Napatingin ang lahat sa kaniya. Napailing na lamang ang lahat.

"Ano? Huwag umiyak sa huli. Binabalaan na kita sa simula pa lang!"

Tumawa ng malakas si Ziwin na parang baliw. "Asa ka pa!" Napangisi si Ziwin na mag tagumpay siyang inisin si Haroc.

"Mag tungo sa bilog na malapad na bato. Ang unang lalaban!"

Mabilis hinawakan ni Haroc ang kamay ni Ziwin sabay hila papasok sa bilog na malapad na bato.

Binitawan nang makarating sa gitna.

Umatras ang dalawa habang nakatitig sa isa't isa.  Biglaan pumalibot sa buong katawan ni Haroc ang hangin.

"Ngayon papa iyakin kita gamit Air Shock Wave ko. Ito ang pinakamalakas na taktikang na gawa ko sa buong buhay ko," pag mayabang nito.

"Ang daming satsat Simulan muna!"

Nag kahiwalay sa apat na piraso ang hangin kasabay na buo ang Hugis arrow sa harapan.

Pinag dikit ni Ziwin ang kamao sa palad. Sa pag hiwalay nabuo ang espada na hugis sigsag na likha sa purong tubig.

Sunod-sunod nag pakawala ng Arrow ang kalaban ngunit walang kahirap-hirap na hinati ni Zendu kahit ang Shock Wave nito ay hindi siya na paatras.

"Naiinis na ako sa'yo ang ingay mo!"

Tumalon si Ziwin sa eri patungo kay Haroc na kasalukuyan nanlaki ang mga mata.

"Ito sa'yo!"

Boung pwersa hinampas ni Ziwin ang espada. Nanlaki ang mga mata nanonood sa ka dahilanan nasira ni Ziwin ang Air Shock Wave na isang atake at bumagsak na walang malay si Haroc.

Ang nanalo si Ziwin. Umalis ang dalawa sa Stone Of Circle. Napatango ang apat na Captain.

"Grabe ang lakas niya."

"Ang yabang akala mo kung sino. Mahina lang naman ang kalaban."

Nag ka malay si Haroc na masamang tingin kay Ziwin na kasalukuyan naka upo malayo sa kaniya.

Author Note: Siguro Next Month ito matapos. Hindi pa ako sure.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro