kabanata 31: Class Academy
Isang taon na ang lumipas sariwa pa rin sa kaniya ang mga ganapan hindi niya lubos akalain mangyayari ito. Ang tanging niya kahilingan ay mabuhay ng mapayapa ngunit ang tadhana ang nag padama na walang katapusan ang kapayapaan.
Sa isang taon pag sasananay natuto na siya pantayin ang mag ka ibang elemento. Na abot niya kasalukuyan ranggo na gold 8th star dahil sa pag sumikap na mag palakas ng katawan.
Sariwa ang hangin nalanghap ng dalawang nilalang habang tinahak ang daan. Masaya nag kwento ang babae habang nakatingala sa kalangitan. Ang dalawang kamay nito ay nasa likod ng batok nakapatong.
Parang kawal ang babae kung maglakad sa tuwid na bawat hakbang.
Samantala ang lalaki ay kalmado lamang nakikinig sa kwento ng babae. Hindi naman siya interesado ngunit pinakita lamang niya nakinig siya sa bawat lumabas sa bibig ng babae na salita.
Nakatingin ang lalaki sa harap. May seryusong tingin habang nag ningning ang berde na kulay na mga mata.
Malinaw sa pandinig ng dalawa ang ingay ng dulot ng hangin sa halaman, maging ang mga insekto ay hindi nakaligtas.
Isang linggo na paglalakbay ng dalawa ngunit hindi pa rin sila nakarating.
“Aurora malapit na ba tayo?”
“Isang village na lang ang ating lagpasan upang makarating sa Classio.”
Napag pasyahan niya ilabas ang isang Artificial Gravity. Isang uri ng Artificial na sapatos na makontrol ang grabidad ng isang nilalang upang maging malaya makalipad sa tulong ng Device.
Hindi gumalaw siya habang tuloy ang takbo ng sapatos. Samantala si Aurora ay naka sakay sa Mega Snowflake. Hindi nag tagal ay na tanaw nila ang mataas na pader ng village gawa sa mga pinag patong na mga bato.
“Sakura village.”
Bumaba ang dalawa kasabay pinag laho ang mga gamit nila sa pag lipad. Nakarating sa harap ng tarangkahan ay may sumalubong sa kanila na dalawang bantay.
“Mabuti nakarating kayo ng ligtas sa Sakura Village bago ma abutan ng ulan. Suotin niyo ang ibibigay namin na light badge upang hindi kayo mapag ka manlan na bandido.”
Tinanggap ng dalawa saka pumasok.
“Malapit na mag gabi. Dito na lang tayo mag pa lipas ng gabi.”
“Ikaw na ang bahala Aurora sa pag hanap ng matuluyan natin.”
“May na hanap na ako. Doon tayo.”
Nag tungo ang dalawa sa hindi kagandahan bahay na gawa punong kahoy. Nakatayo sa labas ang matanda habang kumaway sa kanila.
“Manang may bakante na silid?"”
“Meron eha. May dalawa silid na bakante. Hindi kayo magsisi na pinili niyo ang bahay ko. May libre pag kain. Ngunit bago yon. Bayad muna?” Sabay lahad ng kamay ng matanda kay Aurora .
Binigay ni Aurora ang limampu na pilak na agad naman tinanggap ng matanda. Sumunod ang dalawa pag pasok sa bahay. Maayos naman ang lahat ng gamit nasa loob may anim na kwarto.
Itinuro ng matanda ang maging silid ng dalawa na mag ka harap.
"Bakit dalawa kunin niyo na silid? Nag ka hiyaan pa kayo. Hindi mag tatagal doon naman ang bagsak," kinilig ang matanda habang pa tumango.
“Manang.”
“Huwag ka na mahiya eh. O siya aalis na ako. Pag butihan niyo baka maya iyan.”
Hindi natapos sabihin nito nang biglaan tumakbo palabas.
Napakamot na lamang sa ulo si Aurora.
“Hay naku si Manang mapanghusga.”
“Hayaam mo ganoon talaga ang mga matanda, naalaala nila ang pag ka dalaga nila na ganitong senaryo kaya napag ka manlan tayo. Ang mabuti pa mag pahinga na tayo.”
Nag unahan ang dalawa pag pasok sa pinto ngunit hindi mabuksan ni Aurora samantala nakangiti si Ziwin nakatingin kay Aurora. Bago pa man siya pumasok ay itinulak niya si Aurora kasabay ang pag bukas ng pinto.
“Aray ko. Ang sakit ng noo ko. Hindi ko talaga siya maintindihan pa bago bago ng ugali. Mamaya makaganti rin.”
Ngunit bago pa man makatayo nang biglaan nag sara ang pinto na ikina talon niya. "“Kainis!” hindi nagdalawang isip na sinipa niya ang pinto.
Sa kabilang silid naka upo lamang si Ziwin. Lumipas ang isang oras may kumatok.
“Oras na kumain.”
Nagmadali tumayo siya saka binuksan ang pinto.
“Kanina pa ako tumawag sa'yo eho kung hindi ako kumatok hindi mo napansin. Sumunod ka sa akin.”
Hindi na sumagot siya. Sumunod siya sa matanda patungo sa ikalawang palapag. Pag karating bumangad sa kaniya ang anim at kabilang na si Aurora na kasalukuyan kausap ang katabi.
“Nandito na siya. Tabi kayo ni Rakaza. Bago tayo kumain mag dasal muna.”
Nag tungo siya sa bakanteng upuan. Pag katapos mag dasal ay nag simula na kumain sila maliban sa kaniya nanatiling nakatingin sa mga pag kain na ngayon lamang niya ito nakita.
“Kumain ka na eho masarap iyan.”
Tumango na lamang siya saka ngumiti.
Habang kumain siya. Nag simula mag salita ang katabi niya na ikinahinto sa pag kwentuhan ng lahat.
“Nabalitaan ko mahirap ang pagsusulit. Balak ko mag aral doon sa Classio Academy. Umaasang makapasa sa pagsusulit.”
“Ako rin pero malabong makapasa ang tulad ko na mahina lang ang taglay na kapangyarihan ko,” malungkot na saad ng pandak na babae.
Samantala ang dalawa ay hindi nag salita sa halip tuloy kumain. Ang dalawang ito ay mage na palagi kumuha ng mga Quest at dati nag aral sa Classio Academy.
“Huwag kang mag salita ng ganyan Nana. Mag tiwala ka sa sariling mong kakayahan,” tugon ni Aurora.
“Ang payo ko lang sa inyo. Kung hindi kayo makapasa humanap na lang kayo ng ibang paaralan.”
Hindi namalayan tapos na pala sila kumain ngunit tuloy pa rin ang kwentuhan maliban sa kaniya na tahimik lang nakinig sa kanila.
Niligpit ng matanda ang pag kain gamit ang kapangyarihan nito na mag palutang. Bago ito bumaba pinag sabihan pa sila na huwag mag puyat.
“O nga pala balak din niyo mag aral sa Classio Academy?» tanong ni Nana kay Aurora.
“Oo eh. Gusto ko pang lumakas at matuto kontrolin ang kapangyarihan ko.”
“Ano bang kapangyarihan mo?”
“Yelo.”
Nanlaki ang mga ng pandak na babae. Hindi maiwasan sumigaw sa pag ka mangha. Umalis ang dalawang lalaki na katabi nito.
“Huwag ka sumigaw umalis na tuloy yon dalawa. Hindi naman malakas ang kapangyarihan ko para ma mangha ka. Ano bang kapangyarihan mo?”
“Healer,” malungkot na sagot nito ngunit bumalik ito sa dati.
"Sa kasama mo?"
Naunawaan na ngayon ni Aurora kung bakit ganoon ang inakto ni Nana. Samantala si Ziwin na mangha sa kapangyarihan ni Nana sa pagkat malaking tulong ito sa isang nilalang na hindi mabilis mapagod.
“Tubig.”
“Elemento ng tubig ang lakas.”
“Elemento ng tubig ang isa mga elemento ng malakas at katangian nasa ilalim ng tubig ang yelo. Kay Nakaza kapangyarihan ay bato.”
'Ang elemento ng lupa ang nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kakayahan ng lalaking katabi ko. Bukas malalaman ko rin yan.ʼ laman ng isip ni Ziwin.
Tumayo siya saka nag paalam sa kasamaham na matulog. Ayaw niya mag puyat nakakabawas lang ito ng konsentrasyon sa pag kontrol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro