Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 30

Muli na naman ginamit niya ang Water Bang ngunit mas pinalakas niya. Nanliit ang tingin niya na walang pinagbago ganoon pa rin ang nangyari. Huminga ng malalim siya saka nag ipon ng tubig sa bibig. Sa pag buka ng bibig kasabay lumabas ang tubig na kasing bilis ng kidlat. Nanginginig siya habang tumagal ngunit nang makita niya nagkaroon ng lamat. Hindi siya tumigil hangga't hindi ma basag. Pero hindi nag tagal naubusan na siya enehirya na inipon sa bibig.

Habol hininga siya. Halos nahirapan siya huminga sa bilis ng tibok ng puso na kahit ano man oras lalabas na ito. Sa kumpas ng kamay lumitaw ang tubig na halos pumalibot sa island. Dahan-dahan umangat ang tubig hanggan sa nakapaloob na ito sa tubig.

“Matibay ang harang hindi ganoon kadali para basagin pero hindi ako susuko.”

Samantala nakatitig sa kaniya ang munting Dragon. Sa kaisipan ng munting Dragon ay hinamak ang binata.

'Wala naman espesyal sa kaniya. Pang karaniwang adventure na hindi nararapat mag may-ari sa mundong ito. Nakakatiyak ako pag nalaman ng iba nasa kaniya ang artifact katapusan na niya. ʼ laman ng isip nito.

Nanliit ang tingin ng munting Dragon na mag palit anyo ang binata. “Ang unang anyo ng elemento ng tubig.” Sumabog ang Water Great Wall, nag karoon ng malaking lamat ngunit hindi pa sapat para tuluyan masira.

“Formation The Sixth Water Bang!”

Natutunan niya ang formation skill ng tubig. Mas lalong pinalakas ang Water bang ngunit sa pag pagkataon ito nakapalibot ang kawangis ng binata na clone na likha ng tubig. Sabay tinuro niya ang island. Nakakasilaw na liwanag ang kumawala sa daliri.

Sunod-sunod  na pag sabog ang na ganap. Nag liwanag ang Isla kasabay ang pag ka durog ng harang na parang alikabok sa hangin. Sa pag hupa ng liwanag bumangad sa kaniyang ang maraming paru-paro nag kalat sa iba't ibang panig ng Isla.

Pagtapak pa lamang niya sa lupa. Biglaan nag tayuan ang balahibo niya. Naramdaman ang kakaibang aura na hindi mapaliwanag. Nag liparan ang mga paru-paro pa layo sa kaniya. Sa hindi malaman dahilan na kaniyang pinag taka.

Nilibot ang tingin habang tinahak ang daan patungo sa kung saan. Noong una niya makita ang malaking paru-paro hindi niya maiwasan na mangha. Hindi ito isang uri ng Beast kung hindi isa lamang iyong spirit tulad ng Temple Monkey. Nag patuloy siya sa paglakad. Yumuko siya nang mapag tanto na gumalaw ang lupa.

Nag madaling tumalon siya patungo sa sanga ng puno ngunit parang may buhay ang puno ay umiwas. Mabilis pinalibutan niya ng tubig ang katawan. Seryusong siya nakatingin sa ibaba. Dahan-dahan nag litawan ang mga ahas na kulay berde na mabalahibo.

Isa na naman Spirit. Hindi na lamang niya pinansin baka magambala pa niya ang mga ito. Hindi niya namalayan mabilis na hinampas siya sa likod ng puting buntot mula sa malayo saka bumalik ang buntot sa pinag mulan. Tumilapon ang binata saka tumama sa katawan ng puno bago pa man siya bumagsak sa lupa. Mabilis pumuloput sa kaniya ang mga bangin sabay hila pataas.

Muli na naman umatake ang buntot na kulay puti. Agad naman umiwas siya ngunit na putol ang bangin na kaniyang ikinahulog.  “Water Bang!” Tumilapon siya paangat.

Tanaw niya ang kabuong ng Isla mula sa hindi kalayuan na natigilan siya na makita niya ang munting White Lion na may tatlong buntot. Wala ito emosyon tanging blanko lamang habang nakatingala sa kulay berde na kalangitan.

Humarap siya sa kabila sabay pakawala ng Water Banh na ikinatilapon niya paatras patungo sa direksyon ng White Lion. Mabilis na bumulugsok ang binata muntik na tumama siya sa White Lion ngunit hinampas lamang gamit ang nasa gitna na buntot at doon lamang siya tumama sa lupa.

Tumingin sa kaniyang ang White Lion na may pagtataka ngunit hindi nag tagal napatawa na labis ipinagtaka ng binata.

Bumangon siya habang hinimas ang ulo. “Kailangan ko ang luha niya. Pero paano ko siya pa iyakin? Hindi ko maaaring kalabanin siya. Wala akong laban sa buntot na kasing bilis ng kidlat kumilos.”

Halos na iyak ang White Lion sa kakatawa sa kaniyang kasuotan. Pagkakataon niya na kumuha ng luha ngunit hindi niya alam kung paano.

“Nakakatawa ka tao, parang kang babae sa kasuotan mo.”

“Ano?”   Nanlaki ang mga mata niya.

Mabilis siya nag transform ng kasuotan at bumalik sa dating kasuotan.

“Maaari ba ako makahingi ng luha mo, kaibigan?”

Napataas ang mag kabilang kilay ng White Lion. Ito ang unang pagkakataon na tinawag siya na kaibigan ng tao. Tumango-tango lamang siya habang lumapit sa kaniya.

“Kung gusto mo,” alok nito sa kaniya.

Hindi nag dalawang isip siya na kumuha ng luha saka nilagay sa maliit na bote.

“Maraming salamat kaibigan.”

Hindi nag salita ang White Lion. Mabilis  gumalaw ang tatlong buntot sabay hampas sa kaniya pataas palabas ng island. Muli na naman tumawa ang White Lion.

Sigaw ng sigaw si Ziwin sa subrang bilis halos mabingi siya sa ingay ng hangin. Bumagsak siya nag kalat na ruby.

“Mabuti naman nag tagumpay ka. Makatulog na nga,” walang ganan saad ng munting Dragon.

Lumitaw ang salamin. Gumapang siya papasok rito. Pag labas sa salamin kasabay nag laho naman ito naglaho.

Samantala sa loob ng dimension ay kasalukuyan nag kita ang munting Dragon at White Lion.

“Ano ba ang nakita mo sa kaniya?” takang saad ng Dragon.

“Bakit hindi mo man lang pinahirapan siya?” Muling saad ng Dragon.

“Espesyal siya. Maraming kaalaman ang binata tungkol sa hindi malaman dahilan ngunit hindi niya alam ang impormasyon na iyong ang magdadala sa kaniya patungo sa itaas. Gusto ko siya," nakakaasar na sagot ng White Lion.

“Binabalaan kita huwag mo siya tulungan sa oras na hihingi ito sa iyo. Alam mo naman siya ang ika-apat na may-ari ng mundong ito. Ang mga na una sa kaniya na mataas na nilalang hindi nagtagumpay, siya pa kaya?”

Nag palitan ang dalawa ng atake ngunit sa huli pareho lang ang dalawa na tumilapon sa kaniya-kaniya teritoryo. May batas sa loob ng mundong kinagalawan nila. Bawal mag away ang mga nilalang naninirahan dito bukod pa doon ipinag bawal ang pag tulong sa bagong may-ari na tuklasin ang meron sa loob ng mundo.

“Mananahimik na lang ako dito!” Sigaw ng White Lion habang nakatingala sa kalangitan.

“Makatulog na nga!” galit na saad ng munting Dragon saka bumuga ito ng dust saka naging ruby ang tinamaan. Tumalon ito sa mga ruby saka pinikit ang mga mata.




Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro