Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 27


Sunod-sunod bumagsak ang bolang apoy sa harapan ng Hiden Forest na sanhi na pag ka watak watak nag yeyelong tubig na bumalot sa lupa, bato at damo.

Lumitaw ang usa na may seryusong tingin sa may gawa nito. Nakalutang sa eri ang nilalang na balot ng usok, sa subrang kapal ay hindi maaninag kung ano ito.

“Usok ligaw na kaluluwa,” takang saad nito.

Matagal na panahon na walang nakita na mga usok ligaw sa planetang Aristotle. Isang uri ng larangan ang hindi katangtanggap sa mata ng adventure lalo na sa traveler. Walang nakakaalam kung ano ang tawag sa larangan ito. Sapagkat nasa ikalawang realm ito matatagpuan ang kaalaman sa pag tawag sa namayapa na nilalang.

Sa pangyayari nasaksihan ng usa. Isa lamang ang kaniyang na isip kung hindi patay na ang tumawag sa usok ligaw. Ngunit naramdaman ng usa may panibago nakaalam sa larangan ito kahit malabo mangyari Ito. Hindi imposeble lalo na bukas ang planeta.
Maraming mga dayuhan na mula sa ibang mundo. Lalo na ang tulad niya na beast na aksidente napadpad sa planetang Aristotle.

“Nararamdaman ko paparating ang digmaan na siyang wawasak sa munting planeta."

"Mabuti na lamang napili ng usok ligaw ang Hiden Forest kung hindi malaking epekto ito sa continent ito. Tatapusin kita  bago mo pa masira ang Hiden Forest!”

Huminto ang usok ligaw sa pag hagis ng mga bolang apoy nang masilayan ang nakakasilaw na liwanag na mula sa sungay ng usa.

Sa iglap nasa harapan na ang usa sa usok ligaw. Isang nakakasilaw na liwanag na sanhi na pag ingay ng usok ligaw.

“Light Of Judgment: Scanning Light.”

Sumabog ang usok ligaw sa subrang init ng temperatura na bumalot sa kaniya.

Samantala ilang beses na mag bukas ng lagusan ang binata ngunit sa kasamaan palad maliit lamang. Sinubukan niya muli habang nanalangin sa kaniyang elemento. Unting unti nabuo ang malaking lagusan na labis na pag saya sa binata. Sa unang pagkakataon nasilayan niya nasa loob ng Dimension Art. Maraming nakalutang na salamin na mag kahiwalay. Hindi niya alam kung para saan ito.

Hindi nag dalawang isip na pumasok kasabay ang pag sara ng lagusan. Nag silapitan ang mga salamin na hugis bilog. Sunod-sunod na pumila ang mga ito na para bang may sariling isip.
Naunawaan na binata ito ang daan patungo sa kaloob looban ng Dimension Arc.

Habang tinahak ang daan. Hindi maiwasan na mangha ang binata sa kaniyang nakikita sa paligid. Pag karating sa hangganan ng daan bumangad sa kaniya ang munting nilalang na kasalukuyan natutulog.

May pulang buntot, nag halo ang dalawang kulay na pula at itim sa buong katawan ng munting nilalang. May sungay na kulay pilak. Para siyang dinosaur ngunit mas kawangis niya ang dragon.

Nakaramdam ng takot ang binata. Naguguluhan siya. Bakit may nilalang nasa loob ng Dimension Arc? Pakiramdam niya mahihimatay siya sa subrang nakakakilabot na Aura mula sa natutulog na nilalang.

“Kakaibang dragon?” mahinang saad niya.

Napansim niya ang  mga nakapalibot sa dragon na mga ruby. Subrang rami ngunit hindi siya interesado at takot siya baka magising niya Ito.

Hinanap niya ang artificial na kailangan niya. Tumigil ang kaniyang tingin sa  nakalutang na munting isla. Nakasabit ang transform ring sa sanga ng halaman. Napapalibutan ito ng tubig.

Napakamot na lamang siya habang titig na titig. “Paano ba ako maka punta doon? Hindi naman ako nakakalipad.”

Ang hindi niya alam ay malapit na magising ang nilalang.

Binalot mg binata ang buong katawan ng tubig saka dahan-dahan umangat siya sa eri. Napasigaw ng bigla lumipad siya patungo ibaba.

Tinapat niya ang dalawang palad bago huminto. Hindi na siya nahihirapan kontrolin ang pag lipad. Nakarating siya sa munting isla na halos nahihirapan huminga dahil sa matinding pagod. Bumagsak siya sa harap ng halaman. Ang bawat sanga ng halaman may naksabit na sing-sing na iba't ibang klase.

Dahan-dahan siya gumapan saka inabot at kinuha ang transform ring na may ngiti sa labi. “Ngayon hawak ko na.” Minarkahan niya bago isuot.

Nag labas ng malakas na enehirya ang halaman na dahan-dahan tumulak as kaniya. "Ahh!" Bumagsak siya sa matigas ngunit napahinto siya sa pag sigaw.

“Bakit gumalaw?” Nanlaki ang kaniyang mga mata na mapagtanto sa dragon pala siya bumagsak.

Tumalon siya ng mag salita ito. Bumagsak siya sa mga ruby habang pagulong-gulong at tumama sa malaking ruby na ikinahinto nito.

“Sinong pangahas ang gumising sa'kin?” galit na saad habang nakatingin ang pulang mga mata at sa gitna nito ang kulay itim.

“Halimaw?!” Nag madali tumayo ang binata saka tumakbo.

Hinabol naman siya ng dragon sa kadahilanan gusto siya makilala ng dragon. Naiiyak na tumakbo ang binata habang sigaw ng sigaw na parang bata na takot sa kaniyang ama.

Isang oras na ang lumipas walang tigil na tumakbo siya maging ang dragon.

Bumuga ng dust na kulay pula ang dragon. Natamaan ang kaawa-awa puno. “Ano” Ang puno ay natunaw at naging ruby. Sa bawat matamaan ng dust ng Dragon mapa ano man niyang naging dust.

Huminto ang binata maging ang dragon.  Naliligo na sa pawis ang binata sa subrang kaba. Muli na naman bumuga ng dust ang dragon.  Hinagis ni Ziwin ang bolang tubig ngunit nag laho lamang ito kasabay ang atake ng dragon.

“Tigilan mo nga ako. Nakakapagod,” reklamo niya sa dragon.

Napahawak sa tiyan ang dragon sabay tawa. Sa unang pagkakataon ngayon lamang ulit tumawa ang munting nilalang.

“Nakakatuwa ka tao. Hindi bale na nga hindi na kita hahamonin. Ako nga pala si ako,” birong saad ng dragon.

Napakunot noo ang binata sa inasal nito. Sa mundo ng Aristotle ay walang dragon kaya kung sino man ang nakakita sa kanila. Kahit anong wangis pa nito ay natatakot sa kadahilanan lubhang mapanganib sila. Ayon sa mga kwento kwentong kumalat pag naka kita nito hindi ka papakawalan.

“Ako, nagbibiro ka ba?”

“Siguro. Ikaw na nga ang bagong may-ari?”

“Ako nga. Muntik na ako mamamatay sa takot, akala ko masama ka.”

“Ako si Rokie. Ako ang batas sa mundong ito. Kung hindi mo kaya sirain ang mga harang sa iba't ibang panig. Hindi mo magagamit ang mga kayamanan naririto,” natatawang saad.

“Dimension Arc lang to eh?”

Ang dimension art ay may limitasyon ngunit ang hawak ng binata ay isang artifact.

“Nagkakamali ka, umalis ka na. Sa tingin ko mahihirapan ka ulit mag buksan ang lagusan. Gamitin mo ang salamin nang sa ganoon hindi mo na kailangan lakarin patungo rito.”

Balak pa sana muli mag tanong ng binata ngunit natulog na ang munting nilalang sa nag kalat na ruby.

Itinuro niya ang salamin na kasing laki ng pinto. Nag pukos siya ng maigi. Dahan-dahan lumapit sa kaniyang harapan ito.

Naka konekta na ito sa kaniyang katawa kaya dahan-dahan niya binuksan sa pamamagitan sa pag iisa ng enehirya.

Dahan-dahan nag bukas ang salamin. Pumasok naman ang binata bago tuluyan ito nakalabas narinig niya ang tinig ng munting nilalang na masaya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro