Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 24

Ziwin Point Of View

“Bravo iligtas mo siya! Malapit na sa'tin ang hari sa mga hari upang mag tanong tungkol sa panibagong alamat,” kinakabahan saad ng lalaki na hindi ko maaninag ang mukha.

Nakatayo sa ako sa gilid nila ngunit hindi ako napansin. Kita ko sa mga mata ni lolo ang kalungkutan. Napataas ang mag kabilang kilay ko nang napansin ang hawak nito na sanggol na balot ng puting tela na parang likha sa kapangyarihan.

“Nasaan ako?” Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa isipan ko. Mabilis ako lumapit kay lolo, hahawakan ko na sana ngunit tumagos lamang ako.

Natulala ako. Nasa loob ako ng panaginip ko. Isa na naman hindi pamilyar sa'kin na panaginip. Ang kadalasan na panaginipan ay tungkol sa'kin sarili at nilalang na hindi ko kilala.

Nagulat ako nang marinig ang iyak ng sanggol. Sa bawat tinig na lumabas sa bibig ng sanggol ay para akong mabibingi sa subrang sakit pakinggan.

Mabilis ko tinakpan ang mag kabilang tenga ko. Para akong mababaliw kakasigaw habang nakatingin sa sanggol. Bumilis ang tibok ng puso ko nang masilayan ang mukha ng sanggol. May pares ng mala brilyante na kulay berde na mata.

Napalitan ang senaryo ng umikot ang paligid hanggan sa tumigil. Nandito ako sa paanan ng bundok habang nakatingin sa matanda na kasalukuyan tumakbo patungo sa lagusan.

“Pigilan niyo siya makalabas ng lagusan!”

Napalingon ako sa pinag mulan ng boses. Napa atras na lamang ako nang masilayan ang kakaibang wangis nito.

Sinundan ko ng tingin ang kakaibang nilalang. Ang bawat kilos nito. Hindi kaaya-aya pag masdam. Subrang kalat ng kaniyang aura.

Muli naman nag palit ng senaryo.  Nanlaki ang mga mata ko. Si lolo maraming sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan. Nang hina ang nilabas nito na aura. Lubhang na apektuhan ang kaniyang Inner Core.

“Lolo!” Paulit-ulit na sigaw ko.

Mabilis umikot ang paligid hanggan sa nagising ako na habol hininga.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Malakas ang ulan ng niyebe. Sigurado ako ngayon na ang pag dating ng Golden Ey.

Maingat ako bumangon. Nilibot ko ang tingin sa palibot. Hindi ko makita ang hinahanap ko.

Lumabas ako sa silid ko habang nakayuko. Napa isip ako anong gamtimpala ng Golden Ey sa'kin.

“Ayos ka lang ba? Huwag mo na ulitin iyun.”

Hindi ako sumagot sa halip tumango lamang ako. Mabuti na lang naunawaan niya. Gusto ko ma pag isa. Hinagis niya sa'kin ang pulang dyaket na gawa sa balahibo ng beast.

Sinuot ko ito bago lumabas. Napaatras ako ng dumanpi sa'kin balat ang niyebe. Nararamdaman ko ang Aura ng Golden Ey. Kahit ma lamig ay hindi ako nag dalawang isip na tumuloy. Malakas ang hampas ng hangin halos tangayin ako. Mabuti na lamang balot ng bato ang mag kabilang binti ko.

Maraming mga Lobo ang nag kalat. Ang bawat isa sa kanila ay gutom. Tasya ko nasa Normal Stage lamang ang mga ito ngunit kahit ganon pa man hindi ako nag kampante.

Huminto ako nang ma amoy ang hindi pamilyar sa'kin. Pakiwari ko may ibang beast na malakas na malapit sa kinaroroonan ko.

Nag patuloy ako. Lumipas ang ilang minuto ay halos hindi ko na kaya pang humakbang sa subrang lakas ng hangin.

Gusto ko ng sumuko pero kailangan kong makita ang Golden Ey. Umaasang may makukuha na gamtimpala.

Bumagsak una ang pang upo ko habang habol hininga.

May nabuo na buhawi sa'kin harapan. Ang akala ko hihigupin ako nito papasok ngunit huminto kasabay bumangad sa'kin ang usa na may ngiti sa labi. Kuminang ang gintong sungay nito.

“Maraming salamat sa pangangalaga ng kagubatan. Ano ang iyong  kahilingan na may kinalaman sa pagpapalakas? Handa ako ibigay o tulungan ka sa maabot na makakaya ko.”

“Ngunit bago yun. Tanggapin mo ang bote at inumin upang manumbalik ang iyong lakas at sigla. Nang sa ganong makapag-usap tayo ng maayos at makapag isip ka ng iyong kahilingan.”

Pilit ngumiti ako. Tinanggap ko ang bote habang nanginginig ang buong katawan ko. Dahan-dahan ko nilapit ang bote sa'kin bibig. Ininom ko ito ngunit gusto ko sumuka pero wala akong ma ilabas.

“Ang pait! Kadiri.”

Rinig ko ang tinig ng usa na tumawa sa sinapit ko. Nagawa pa talagang niyang tumawa kahit nahihirapan na ako sa harapan niya. Uminit bigla ang buong katawan ko na para bang nilalabanan ang lamig na dumanpi sa'kin balat.

“Maayos ka na. Bweno umpisahan mo. Naghihintay ako sa iyong kasagutan ng limang minuto.”

Ano? Ang ikli naman ngunit wala na akong magagawa kung hindi pag-isipan ang bagay na hihilingin ko sa kaniya. Ano ba ang kailangan ko? “Aha! Alam ko na.” Sabay tayo.

“Sabihin mo sa'kin. Ano ba iyong”

Ngumiti ako ng malapad. Sigurado na ako sa hihilingin ko. Huminga ako ng malalim bago mag salita.

“Gusto ko sana hilinggin ang dalawang art book sa iyo. Kung ayos lang?”

Rinig ko na naman ang tawa sa isipan ko.  Kainis ang sakit sa ulo sa tuwing gagawin niya.

“Iyan na ba ang pasya mo? Hindi na magbabago? Kung ganon ang iyong hiling ay matutupad.”

Patalon-talon ang Usa habang tumagal ay nag liwanag ang mga paa nito. Unting-unti  may nabuo na anyong libro na gawa sa niyebe sa harapan niya.

Sa pag hinto, yumuko ang usa saka pinatamaan ng sungay ang libro. Natunaw ang niyebe at lumitaw ang dalawang kakaibang pabalat ng libro.

“Kunin mo.”

Dinampot ko saka nilagay sa bag na likha ng tubig ko.

“Natuto ka na pala ng elemento ng tubig. Paalaala ko lang sa'yo huwag mo pilitin gawin nakasulat sa bawat pahina kung hindi mo kaya. Paalam!”

Nag laho ang usa sa isang iglap. Nakatulala ako nakatingin sa libro. Sa wakas matuto na ako ng mga skill ng elemento ng tubig at lupa.

Binuklat ko ang libro. Unang pahina nakasulat ang mga impormasyon.

Water techniques
New owner: Ziwin Stellar

Nilipat ko sa ibang pahina bumungad sa'kin ang unang techniques. May nakaguhit na hindi ko maunawaan. Bolang tubig ngunit nasa loob ang tao.

Nanlaki ang mga mata ko. Binasa ko ang nakasulat sa ibaba ng nakaguhit.

“A—” walang kasunod na letra sa pagkat hindi pa lumabas ang enerhiya ko upang komonekta sa libro.

Napag pasyahan ko umuwi at bukas na lamang simulan ang pagsasanay. Hindi ko kinaya ang lamig. Nakauwi ako na may ngiti sa labi habang takang taka si Aurora ngunit hindi ko sinabi sa kaniya. Ang alam niya ay wala akong elemento. Ang akala niya nagagaya ko lamang ang mga taktika ng ibang nilalang.

Balak ko hindi gamitin ang elemento ko sa halip gamitin at ipakita sa Class Academy ang elemento ng tubig. Ayon kay Aurora hinuli ng hari ang may kakaibang kakayahan ng elemento ng lupa. Hindi ko man alam ang dahilan mas mabuti i lihim ko na lamang ang tungkol sa mga kakayahan ko.

Dumating na ang panahon na pasamantala hihinto ako sa pag gamit ng elemento ko. Sa ngayon sasanayin ko ang dalawang elemento kahit mahirap ay titiisin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro