Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Ziwin Point Of View

Nakarating ako sa bayan ng  Bomerra. Mas maganda ito sa pinag mula ko na bayan. May nagtataasan gusali na gawa sa bato, maraming mga tao nag kalat na may kaya sa buhay, may iba't ibang paninda na ngayon ko lamang nakita. Siguro masarap ang pag kain dito. Lalo na yun makulay na pag kain na paninda ng ginang.

Sa pag tapak ko sa pinag dikit na malapad na bato na daan ay nakaramdam ako ng malamig na hindi ko maunawaan. Pakiramdam ko gawa ito ng tulad ko na may elemento ng lupa.

Sa likod ng Hiden Forest ay matatagpuan ang pinag mulan na bayan ko habang nasa harapan ang bayan ng Bomerra samantala ang kapitolyo na sa bandang hilaga. Nong nakaraan buwan nag binta ako ng panggatong sa bayan ng Bloom.

Sigurado dito rin pupunta si Aurora. "Ano kaya Bibilhin ko? Ano kaya mabibili ng sampung ginto at isang daan pilak?" Abala ako sa pag iisip.

Nang biglaan may bumunggo sa balikat ko na muntik ko na nabitawan ang hawak ko.

"Pasensya na!"

Lumingon ako saka tinapunan ng masamang tingin ang binata. May mahabang buhok na kulay puti, nakasuot ng tela na kulay puti din na parang panbabae, nakasuot ng sombrero na kulay puti din. Matangos ang ilong, maamong mukha at higit sa lahat ang kulay pilak na mga mata.

"Pasensya ka na!" Sabay kamot  nito sa ulo habang tumakbo patungo sa maraming tao.

Bumalik ang tingin ko sa harap nang may naramdaman ako na may panganib agad ako tumagilid sabay hakbang dalawang beses. Dumaan sa leeg ko ang isang patalim na nag aapoy ngunit bago pa man ito lumagpas sa'ki ay dahan-dahan nag laho.

"Muntik na ako don ha? May balak ka yata na sugatan ako." Nanliit ang tingin ko sa may gawa. Wala man itong reaksyon sa halip umiling lamang.

Nakasuot din ito tulad nang bumonggo sa'kin. May pulang mga mata at itim na buhok.

"Paumanhin ginoo hindi ko sinadya patamaan ka. Bweno ito isang ginto saluhin mo," ngising Saad ng mayabang.

Sinalo ko na walang kahirap hirap habang nakatingin sa kaniyang mga mata.

"Para saan?" Sabay taas ng mag kabilang kilay ko.

"Bayad," tipid na sagot nito. Hindi ako makagalaw sa gulat. Akmang magsalita ako nang biglaan ito tumakbo na halos hindi ko masundan ang kilos nito sa subrang bilis.

Kainis hindi ako na mamalimos. Nag patuloy ako sa pag lakad. Kung nakikita ko ulit ang dalawang yun, lagot sila sa'kin.

"Alam mo ba ang tungkol sa ng grupo baliw ?"

"Alam ko. Yun grupo na yun ang tanging hangad lamang nila ay makatulong ngunit nakatulong nga pero madami nasira."

"May nakapag sabi sa'kin nandito pa sa bayan ang dalawang membro ng grupo. Kainis hindi man nila binayaran ang nasira hindi bale na nga."

Grupo? Interesado ako pero mas interesado ako sa mga librong nasa harapan ko. Kitang-kita ang ganda ng pabalat nito sa loob ng salamin.

"Knowledge Book." Basa ko sa pinto.

Itinulak ko ang pinto habang dahan-dahan bumukas. Agad naman ako pumasok na may pananabik  na tawa.

Biglaan nag sara ang pinto na ikinatalon ko.

"Anong hinahanap mo  Ginoo?"

Hinanap ko ang tinig na pinag mulan pero wala akong nakita.  Nilibot ko ang tingin nag baka sakaling makita.

"Nandito lamang ako." Bumukas ang pinto sa likuran ko na labis nag pa gulat sa'kin.

Isang batang lalaki, itim na mga mata at buhok nito. Nakasuot ng madumi tela na kulay kayumanggi.

"Ikaw ba ang may-ari?" Takang saad ko na hindi ko inalis ang tingin sa kaniyang mga mata.

"Hindi ba halata?" Patawang saad na para bang na iinis sa tanong ko.

Ayos din to pilosopo. Napilitan ako ngumiti saka tumango. Ayaw ko makipag talo sa kaniya, sa tingin ko hindi aatrasan ang batang ito.

"Ako nga. Ako pala si Ginoong Law. Huwag mo subukan tawagin ako bata. Para sa iyong kaalaman ay hindi na ako bata. Epekto lamang ito ng aking kapangyarihan ko. Bweno anong atin?"

Nilagpasan ako nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi ko naramdaman ang aura niya, hindi ko tuloy matukoy ang kaniyang antas.

"Libro?"

Huminto ito sabay tumango. Itinaas ang kanang kamay sa eri saka winagayway. Napakunot noo ako. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya.

Lumipas ang isang minuto nag silutangan ang mga libro  patungo sa harapan ng bata saka sunod-sunod bumagsak sa sahig.

"Anong libro ba ang gusto mo? Tungkol saan?"

"Tungkol sa elemento ng tubig."

"Kung ganon elemento ng tubig ang elemento mo. Pwes subrang mahal ng halaga ng libro. Sampung ginto ang halaga."

Napakamot ako sa ulo. Grabe ang mahal katumbas ng magandang kasuotan ang halaga ng libro.

"Bibilhin ko."

Lumutang ang libro na kulay itim sa subrang bilis na pag tungo sa ulo ko mabuti na lamang yumuko ako.

"Mahina ang iyong katawan Ginoo. Isang Silver Rank hindi na masama ang bilis mo."

"I hulog mo ang ginto sa butas ng libro."

Lumitaw ang butas sa gitna ng libro agad ko naman sinunod ang sinabi nito.

Pagkatapos ay lumapit sa'kin kamay ang libro agad ko naman ito hinawakan na may ngiti sa labi.

"Sa tingin ko gusto mo mag aral sa Class Academy.  Kadalasan ang mga bumili ng libro ko ay mga estudyante ng Class Academy. Nasisiguro ko na makapasok ka."

Dahan-dahan ako itinulak ng hangin palabas habang nakatingin sa bata naka ngisi.

Tumilapon ako kasabay ang pag sara ng pinto. Tumama ako sa puno at bumagsak na una ang pang upo.

"Nandito ka lang pala Ziwin."

Tumayo na ako. Ngumiti ako kay Aurora.

"Pinalabas ako ng may ari pag katapos ko mabili ang libro."

"Wala naman dito paninda ha?" Nilibot ang tingin nito sa paligid.

Tumingin ako sa harapan wala na. Isa na lamang malaking puno ang nandon.

"Nasa kabila lamang ang pamilihan ng sentro. Kakagaling ko lamang doon."

Pinakita nito sa'kin ang kaniyang bitbit na box na may hawakan na puno ng mga iba't ibang halaman.

"Ang mabuti pa ay umuwi na tayo. Nararamdaman ko ang panganib nag hintay sa'tin kung mag tatagal pa tayo."

Sumunod na lamang ako sa kaniya. Mas matanda siya sa'kin kaya may tiwala ako sa kaniya dahil alam niya ang pasikot sikot.

Habang naglalakad kami papasok sa kagubatan may naalaala ako.

"Hindi ba elemento ng tubig ang dati mong kapangyarihan?"

Nag taka naman ito lumingon sa'kin.

"Oo. Bakit?"

"Maaari ko bang malaman kung paano mo dati kinontrol ang tubig? Interesado lamang ako sa kakayahan nito."

"Sige. Pag nakarating tayo saka na ako mag kwento sa'yo. "

Ang Gem na taglay niya ay malaki ang pakinabang. Hindi na ako nahihirapan pag yamanin ang kaalaman sa elemento ng tubig sa tulong ni Aurora.

Susubukan ko muli kontrolin ang tubig nasa loob ng spiritwal na katawan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro