Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19


Sa labas ng palasyo maraming mga kawal ang nag bantay. Ang bawat isa sa kanila may hangarin na protektahan ang hari. Isang gabi napag alaman ng mga ministro may balak ang isang nilalang na patayin ang hari. Sa tulong ng punong ministro ay natukoy kung ano ang katayuan sa buhay ng nilalang.

"Isang pang karaniwang na adventure. Pag masdam niyo mabuti sa bolang crystal ko."

Lumitaw ang imahe sa bolang crystal. Isang tao balot ng bato ang buong katawan. May hawak na liwanag kung ano man.

'Ang bagong silang na alamat? Hindi maaari mangyari ito,' lamang ng isip ng hari.

"Mahal na hari ano sa tingin mo?" Tanong ng punong ministro.

"Sa tingin ko malaking problema ang kakaharapin natin. Sabihin mo sa'kin kailan magaganap ang nakatakda?" galit na wika nito kahit nakaramdam ng kaba.

"Sa ngayon mahal na hari malayo pa mangyari ang nakita natin. Halos lahat nahuli na ang may hawak ng elemento ng lupa ay walang hindi pang karaniwang na kapangyarihan  ngunit mali ang iyong ginawa sa pagkat wala sa kanila ang tinutukoy ng bolang crystal."

Hindi na galit ang hari sa halip napag isip isip niya na mali siya. Pero kailangan niya ang mga enerhiya ng elemento ng lupa upang mas lalong lumakas.

"May iba ka pa bang nakita maliban sa taong bato?"

"Meron pero malabo. Isa na naman digmaan."

"Digmaan?" takang wika nito.

"Noong unang Digmaan sa pamamagitan ng Membre laban sa Monar ay binalewala mo. Ang digmaan na paparating sa Monar may kinalaman ang Membre ngunit ang tanong may natira kaya sa Membre?"

"Sa pag kakaalam ko wala. Kung sino man ang nag hangad na pa bagsakin ang Monar. Malaki ang epekto sa'tin kung mangyari mawala ang pangkat. Alam niyo naman sila ang may malaking bayad ng buwis."

Nag simula mag ingay ang ibang ministro ngunit sa isang hampas ng hari sa mesa natahimik ang lahat.

"Naka pag pasya na ako na hindi tayo makikialam. Ang Monar ay samahan ng assasin kung sakali mag padala ako ng tulong kahit kaunti ay papangit ang tingin ng mamamayan sa'kin. Bweno sa iba naman ang pag usapan natin."

Tumayo ang isang ministro. May mahabang itim na buhok na kasuot mg kakaibang baluti. Kung pag masdam mabuti siya ay mahalintulad sa ibang nilalang. Ang matandang ito ay ang dati punong ministro walang kung hindi si Aga. Binabaan ng katungkulan dahil mas angat si Akasa sa antas at kakayahan.

"Mawalang galang mahal na hari. Ang guro na dinakip mula sa paaralan ng kapitolyo na may elemento ng lupa pwe-"

"Sabihin mo na agad Aga ang gusto mo sabihin," walang ganang sagot ng hari.

"Paumanhin pero mali ang pag dakip sa guro lalo na wala naman itong sapat na kasalanan sa batas," malakas na Saad nito.

Tinapunan ng masamang tingin si Aga ng hari na bahagya ito na pa yuko.

"Lapastangan!" Sigaw ng Punong Ministro.

"Paumanhin Mahal na hari ngunit hindi ka aya aya ang pakikitungo sa'yo ng dati  Punong Minis-"

Tumawa ang hari na ikina hinto ng lahat maging ang Punong Ministro ay nakaramdam ng takot maliban sa dati Punong Ministro nanatiling nakatayo.

"Hindi ko alam Aga. Kung dati palagi ka sumang ayon sa mga pasya ko kaya kita pinili pero nong simulan binabaan ng katungkulan. Pansin ko lang ay sumasalungat ka minsan. Papakawalan ko siya pero ikaw naman ay tanggalan ng tungkulin dito sa loob ng palasyo. Payag ka ba?"

Hindi sumagot si Aga sa halip dahan-dahan niya tinanggal ang simbolo sa bandang dibdib niya. Maingat niya nilagay sa mesa ang simbolo na hugis pakpak.

Tumayo si Asaka na may ngiti sa labi. Tumingin saglit ang hari kay Asaka na bigay hugyat na mag salita.

"Aga ang dating Punong Ministro. Ministro ang kasalukuyan katungkulan sa loob ng Palasyo. Opisyal na tinanggalan ng katungkulan sa paging Ministro. Simula ngayon ikaw ay isa na lamang pang karaniwang mamamayan sa  kaharian ng Topia."

"Maaari mo na sunduin ang guro na tinutukoy mo sa kulungan at pagkatapos ay malaya na ang guro na si Favora. Sasamahan kayo ng Heneral sa pag labas sa Palasyo."

"Maraming Salamat Mahal na Hari ako pinag bigyan mo." Tumalikod si Aga na walang alinlangan pag katapos niya sabihin.

Pinag masdam lamang siya ng ibang Ministro na may nakakaawang tingin.

Samantala sa Hiden Forest seryuso nag usap ang dalawa pa tungkol sa paging Adventure.

Nakatayo ang babae sa harap ng Gem Beast habang nag salita. Sa likod naman nito ang binata nakikinig lamang habang nakatingin sa ginagawa ni Aurora.

"Ang bawat Adventure ay may Class. Dati ako Mage may hawak ng pang karaniwang tubig. Nakaka miss maging Mage. Bweno alam mo ba ang iyong Class."

"Class? Ano iyong?"

Natawa si Aurora saglit bago mag patuloy. "Ang Class ay kakayahan ng Adventure. May apat na Class. Basahin mo ang librong ibibigay ko."

Agad naman binigay ni Aurora ang itim na libro. Sa balat ng libro may pangalan na Class.

Maingat tinanggap ni Ziwin ang libro saka binuklat ang unang pahina.

May anim ang Class. Ito ay Healer, Summoner, Mage, Knight, Fighter at Assasin.

Healer- Ang mga manggagamot ay matalino sa medisina at apothecary.  Alam nila ang mga halamang gamot at payak na makapagpapanumbalik ng sigla, nagpapagaan ng sakit, nagpapamanhid, at nakaka-neutralize ng mga lason;  at gamit ang kanilang mga instrumento, maaari nilang mahulaan ang kalagayan ng kalusugan o karamdaman ng isang nilalang.  Ang kanilang medikal na kasanayan ay kumikita sa kanila ng makatwirang halaga ng pera, kung saan sila pumasok sa piitan. May support ability sila na maaari nila gamitin sa kasama.

Summoner
Ang mga Summoner ay may kapangyarihan ng itim at puti. Alam nila kung paano tumawag ng ibang nilalang gamit ang kanilang kapangyarihan. Pwede sila humiram ng kapangyarihan sa kanilang na summon.

Mage
Ang mga mage ay malawak ang kaalaman pag dating sa kapangyarihan. Halos alam nila kung saan nararapat ang bawat isa sa kanila na dapat pag aralan na art.

Knight
Ang mga knight ay magaling sa pag hawak ng espada o sa ibang sandata. Kadalasan sa kanila ay pinadala sa mga mission na may kinalaman sa hari.

Fighter
Ang mga Fighter ay may kaunting kapangyarihan katulad ng mga mage. Umaasa lamang sila sa kanilang physical na kakayahan.

Assasin
Ang mga Assasin ay mag kahanga hanga bilis at may kaunting kapangyarihan taglay.

'Ang galing naman nito. Hmmm hindi ko alam kung anong Class ko,' lamang ng isip nito.

"Ah matanong ko lang Aurora. May  paaralan ba ang mga Class?"

"Oo naman sa kapitolyo. Ang tawag sa paaralan na iyong ay Class Academy. Balita ko sa sunod na buwan ang pag bukas nila ng pagsusulit. Pero ayon sa narinig ang hirap daw ng mga pagsusulit, kaunti lamang ang tinanggap ng Class Academy. Hindi nga nag kalahati ang bilang eh."

"Mas mabuti sa sunod na taon ka na pumasok. Mag insayo ka pa upang masiguro makapasok sa Class Academy."

Nanabik ang binata ma marinig ang tungkol sa Class Academy. Ngunit nangingibaw sa kaniyang puso ang pag hihiganti. Ang tanging nais niya lamang sa Class Academy ay matuto ng ibang kaalaman upang mas lalong siyang humusay pag dating sa kapangyarihan maging pag hawak ng sandata.

"Marami ba sila libro tungkol sa mga art?"

Huminto si Aurora sa pag gamot sa Gem Beast saka lumingon sa Binata.

'Seryuso siya sa pag hihiganti. Mabuti na rin may kakampi ako na tulad niya.' Lamang ng isip ni Aurora.

Sa mababa na Angkang ay nag iisa lamang ang libro hawak nila sa pagkat subrang mahal ang halaga ng Art book.

Maraming libre na art book sa Class Academy kaya marami nag hangad na mga kabataan na makapasok.

"Oo. Malaya kang pumili ng art book na gusto mo pag aralan na babagay sa'yo. Bweno bukas mag tungo tayo sa bayan mukhang kailangan ng kagamitan at libro tungkol sa pakipag laban."

Ngumiti ng bahagya ang binata ngunit may naalaala ito. "Pero wala akong sapat na ginto para makabili. Sa pagkakaalam ko subrang mahal ang halaga ng mga libro," mahinang saad nito.

Umiling si Aurora saka pinaliwanag sa binata ang tungkol sa mabilis na kumita sa iba't ibang paraan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro