Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18

Third's Person Point Of View

Isang linggo na lumipas na nangyari ang digmaan sa Hiden Forest. Dumating na hinintay na mga beast upang protektahan ang kalikasan. Libo-libo Spider Kubo ang nag kalat sa buong bahagi ng Hiden Forest.

Samantala ang binata ay walang tigil sa pag insayo nong nalaman niya bumaba ang kaniyang antas mula sa gold rank bumaba sa silver rank. Hindi maunawaan kung bakit nangyari ang hindi inaasahan.

Nahihirapan ang binata na muli mag aral ng mga kakayahan at taktika sa ka dahilanan may problema sa kaniyang inner core.

"Hindi na ako mahirapan nito kung sakali meron art akong natutunan mula sa mga libro ng hiwaga."

Sumulpot ang isang salamin na pa bilog sa harapan ng binata. Napatitig ang binata nito.

"Salamin ngunit hindi ko makita ang sarili ko. Anong klaseng salamon yan?"

Nag liwanag ang salamin at unti unti nabuo ang imahe sa loob ng salamin.

"Temple?"

"Golden Ey?"

Tumawa ang usa na parang bang may nakakatuwa nangyari. Sa mala ginintuan pares ng mga mata nito ay nag liwanag.

"Maaari ka mag tanong sa'kin tungkol sa iyong sarili. Handa ako sagutin ang kahit anong katanungan mo."

"Bakit bumaba ang antas ko pag katapos makipag laban sa Demon Beast?"

"Ang dahilan na pag baba ng antas ng isang nilalang ay bagong tapak pa lamang sa panibagong antas na ginamit na pwersahan."

"Ang masamang epekto sa pagbaba ng antas sa katawan ng nilalang ang pag bagal ng pag higop ng enehirya ng inner core at pag kasira ng pondasyon sa mga taktika pinag aralan mo ng mahabang panahon."

"Ano?"

Hindi makapaniwala ang binata kaya pala sa tuwing sinusubukan ng binata ay nauwi lamang sa pananakit ng katawan.

"Anong gagawin ko?"

"Huwag kang mag alala. Nawala ang mga taktika pinag hirapan mo ngunit may bago kang matutunan ng mas hamak na malakas sa dati mong taktika. Sa pag uwi ko may ibibigay ako sa'yo tiyak na malaking tulong. Paalam."

Naglaho ang salamin. Napag pasyahan na mag pa tuloy sa pagsasanay. Napakatahimik ng kaniyang paligid kaya malaya niyang na itutuon ang kaniyang konsentrasyon sa pagninilay-nilay.

Napansin ng binata ang mabagal na pag higop ng enerhiya ng kaniyang inner core kahit ganon pa man hindi siya nag pa epekto.

Isa lang ang kaniyang nais na mangyari ang tuluyan manumbalik ang isang daan porsyento na lakas.

Samantala sa kabilang banda ay subrang pagod ang babae na halos himatayin.

"Hindi ko na kaya a-ang bigat." Sabay nadulas sa kaniyang palad ang mga munting bulaklak na kulay bughaw na may anyong bola.

Ang nabitawan ng babae ay tinawag na Flower Bloom. Ang Flower Bloom ay isang uri ng sleeping poison flower. Maliit lamang ito kasing laki ng mata ng tao ngunit sadyang mabigat dahil sa nag uumapaw na enerhiya.

"Ang lamig hindi ko na kaya mag lakad. Grabe ang beast na 'yun ang damot kung hindi sana  isang gem beast siya. Tsk!"

"Ang lamig hindi ko na kaya mag tagal sa labas. Habang tumatagal at paralisado ang buong katawan ko sa matinding panlalamig."

Nagsusumikap si Aurora na sundin ang lahat ng utos ng Gem Beast upang mapa lapit ito sa kaniya at malaya niyang masilayan ang gem na inaasam niya.

"Dahan-dahan lang." Sabay damput ng Floweb bloom.

Mabagal ang bawat hakbang dahil halos ng daanan ay puno ng niyebe. Sa tuwing i angat niya ang mag kabilang binti ay subrang bigat dahil sa niyebe na dumikit nito sa kaniyang dress.

"Kainis ang bigat parang hihimatayin ako nito."

"Kung mayroon lang sana ako elemento dati mabilis lang ako makabalik gamit ang mga taktika ko pero..."

Kahit subrang lamig ng temperatura ay nag pumilit ang kaawa-awa babae. Sa pag liko nito sa isang bahagi ng mga batuhan ay bumangad sa kaniya ang magandang hardin na halos na mahalintulad sa paraiso.

Natanaw niya ang pigura ng isang tao nakatilikod habang nakaupo sa damuhan.

"Asan kaya ako? Lagot mali ang daan tinahak ko pero tuloy na lang ako dito sa hardin."

Sa pag tapak niya sa hardin  uminit ang kaniyang buong katawan. Napasigaw sa subrang pagod.

Maingat na umupo si Aurora sa damuhan habang pinag masdam ang lalaki.

'Isang adventure ang na tagpuan ko. Malakas ang kaniyang enerhiya na halos hindi ako nakahinga kung tatagal pa ako dito sa loob ng hardin pero susubukan kalabanin ang aura kumalat sa buong hardin kahit imposeble.'

Samantala kasalukuyan nasa ilalim si Ziwin sa madilim na paligid habang pinag aralan ang kaniyang inner core na kasalukuyan mahina ang liwanag nito.

'Paano ko ito pag yamanin sa enerhiya ng tibay ng pag higop?'

Naputol ang pokus ng binata nang narinig ang tinig na gumanbala sa kaniyang pagninilay-nilay.

Sa pag mulat ng kaniyang mga mata. Una niya napansin ang pag iba ng aura ng damuhan.

"Sino ang nandyan?"

"Pasensya na kung na abala kita."

Dahan-dahan lumingon si Ziwin. "Ano?" Nanlaki ang mga mata nang naramdaman pang karaniwang tao lamang ang nasa harapan niya.

'Walang mahika kahit katiting man lang. Pero paano siya nag tagal sa hardin ko.'

"Pakiusap hinaan mo naman ang aura mo. Hi-Hindi ko na ka-kaya pang tu-tumagal pa ng i-ilang minuto."

Itinaas ni Ziwin ang kanang kamay sabay bawi ng aura. Nakahinga ng maluwag ang babae.

"Sino ka? Anong pakay mo?"

"Ako si Aurora isang hamak na pang karaniwang tao lamang. Naghahangad maka tagpu ng biyaya sa Hiden Forest o Gem Beast. "

"Pang karaniwang nga lang ba? Pero nakikita ko sa'yo ang katangian ng isang adventure."

"Inaamin ko dati isa akong malakas na adventure at kasali sa pagkat ng Monar sa-"

Sa isang iglap nasa harapan ni Aurora ang binata habang nakatutok sa kaniya mga mata ang matulis na bato .

"Monar!"

Napalunok ng tatlong beses si Aurora bago sumagot.

"Oo. May problema ba?"

"Oo. May utang ang pangkat na iyong sa'kin. May itatanong ako sa'yo bago ako mag pasya na patayin ka. Huwag mo subukan mag sinungalin dahil nalalaman ko."

'Kung magtatagal pa ako nito baka nabitawan ko ang Flower Bloom. Dapat ko bang sabihin sa kaniya ang buong kwento ko?'

Mas  lumapit sa mga mata ni Aurora ang matulis na bato. Kung sakali gagalaw si Aurora baka mapahamak ito.

"Sabihin mo na sa'kin."

"Lu-Lumayo ka sa'kin. Nahihirapan ako Pakiusap kung gusto mo marinig ang sasabihin ko."

Nag laho ang binata saka lumitaw sa dati nitong pwesto.

"Isa ako Monar dati. Hindi ko maalaala ang sakto buwan o araw na pinatalsik ako sa pangkat. Ang tanging nakataktak sa'kin isipan ay niligtas ko ang Pinuno sa kapahamakan kaya ako nawalang ng elemento at yun lamang."

Isa lamang ang sigurado ang binata masama ang pangkat ng Monar. Ang tanging hangad lamang nito ang yaman para pumatay.

"Kung ganon kilala mo ang pinuno ng Monar. Sino siya? At sino-sino ang may mataas na posisyon?"

"Paumanhin ngunit hindi ko kilala ang iba maliban sa pinuno. Si Amaro Uzumaki ang Pinuno ngunit hindi ko alam kung ano siya sa pagkat balot sa tela ang buong katawan maging ang kaniyang mukha."

Tumaktakbo sa isipan ng binata ang masamang balak laban sa Monar. Na tukoy niya na walang kasalanan si Aurora sa kaniyang angkan.

"Gusto mo ba mag higante sa mga kasama mo?"

"Oo!" Galit na sagot nito.

'Ang sama ng Monar. Sa ngayon may ideya na ako kung paano ko sila talunin.'

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro