Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

[Ziwin]

Halos hindi ako makapaniwala  nasa harapan ako ng paraiso. Patay na kaya ako? Napahinto ako sa pag lakad ng matanaw ko si Lolo.

Tandang tanda ko pa ang kaniyang mayaman enerhiya na kulay ginto. Akmang tatakbo ako sa kaniyang kinaroroonan ngunit hindi ko ma igalaw ang buong katawan ko kasabay ang pag litaw ni Lolo sa harapan ko.

"Lolo?"

"Ako nga ito Ziwin."

"Patay na ba ako?"

"Hindi pa Ziwin"

"Kung ganon lolo. Anong ginagawa ko dito sa Paraiso? Kung buhay pa ako."

"Narito ka upang malaman ang lihim sa iyong elemento. Hindi ka ba nag taka. Kung bakit tila ang bagal ng pag angat ng antas mo."

Napatitig ako sa mga mata ni lolo. Pakiwari ko iba ang haharap ko. Iba ang kaniyang lakas na enerhiya na dumaloy sa buong katawan maging sa mga mata.

"Hindi kita maunawaan lolo sa nais mong sabihin sa'kin."

"Ang elemento mo ay may apat na antas. Sa ngayon ay kasalukuyan ka nasa ikalawang antas Ziwin. Mamamatay ka sa ikatlong antas.  Pag nawasak ang silyadong ng elemento hindi kakayanin ng katawan mo dahil sadyang mahina."

Tama nga naman si lolo. Kulang ako sa pagsasanay sa physical puro mahika lamang ang tangin pam matagal laban ko.

"Ano gagawin ko lolo?"

Hindi man lang ito nag salita sa halip ngumiti lamang ito saka umiling ng dalawang beses.

"Tangin ikaw lang ang nakakatulong sa sarili mo. Para sa iyong kaalaman pag tumapak ka sa legend mamamatay ka at muling mabubuha sa takdang panahon."

Kailangan ko pala mamamatay ngunit takot ako baka pag gising ko wala na akong babalikan pero ma layo pa akong maging legend at sa ikatlong antas ng elemento.

"Ang tungkol sa elemento ko po?"

Iwinasiwas sa eri ang kanang kamay. Dahan-dahan na buo ang magic circle sa palad habang  lumitaw ang brilyante ng tubig. Nakakapagtaka paano ito nagawa ni lolo samantala nong buhay pa siya hindi niya nagawa kahit ilang beses niya sinubukan sa huli palaging bigo.

"Kailangan mo matutunan ang magic circle dahil may kakayahan ito komonekta sa Celestial World upang makipag konekta sa Celestial Spirit."

"Anong tulong ng Celestial Spirit sa elemento ko?"

Lumaki ang magic circle hanggan nag liwanag ito ng kulay asul. Lumabas ang isang nilalang na may pares na ginituan mata. Kuminang ang magandang pakpak na kulay ginto. Anong nilalang ito? Ngayon ko lamang ito nakita sa tanang buhay ko.

"Ang Celestial na ito ay kapariha ko sa mundo ng Celestial World. May kaalaman ang tungkol sa elemento ko na wala siya at ganon din ako."

"Pag masdam mo mabuti ang Life Phoenix ko. Ano ang iyong nakita na kapariha sa'kin?"

Pinag aralan ko ang buong bahagi ng katawan ng Phoenix at kay lolo. Napa kunot noo ako nang mapansin ang bituin sa ulunan ng Phoenix nakakalitaw lamang. Lumipat ang tingin ko kay lolo. Halos nanlaki ang mga mata ko na makita sa inner core nito ang bituin na katulad sa Phoenix.

"Bituin?"

"Tama. Ang bituin ay sumisimbolo sa paging Celestial ko. Ang bawat celesti na tulad ko ay may silyado ang elemento hindi buo ang bawat pares ng art na pinag aralan hangga't hindi mag tagpu ang kapares."

Nalilito ako hindi ko maunawaan ang mga bagay bagay na bago ko lang nalaman. Imposible kaya...

"Ang ibig mong sabihin isa ako Celesti?"

Umiling si lolo na labis nag pa gulo sa'kin. Sa pag baba ng kaniyang kamay nag laho ang magic circle kasabay ang Life Phoenix.

"May dugo ka lamang isang celesti dahil sa iyong ina. Ubos na ang sapat na oras na pinaliwanag ko sa iyo ang dapat mong malaman sa ngayon. Hanggan sa muli natin pagkikita Ziwin."

Lumikha ito ng bolang liwanag saka hinagis sa'kin. Sa pag tama nito sa'kin kasabay napa pikit ako.

Sa pag mulat ng mga mata ko. Kasalukuyan ako nakalutang sa tubig habang ang tatlong Crown Monkey unti-unting nag laho.

"Maraming salamat," wika ng isang nilalang na katulad ng Crown Monkey ngunit ang pinag kaiba lamang nito ang pananamit at kulay ng balahibo.

Pumasok sa'kin isipan ang ilang impormasyon tungkol sa nilalang na ito.  Isang Temple Monkey, isa din itong ma alamat na beast na umiral sa mga monghe sa kabilang kaharian. Narinig ko na ang tungkol sa alamat dati.

"Anong nangyari?"

Bumangon ako mula sa pag kahiga sa tubig.  Tila ba ang gaan ko kahit tumatalon talon pa ako hindi ako bumagsak sa ilalim ng tubig.

"Na ipasa na namin ang aming kapangyarihan sa'yo. Huwag mo sana ito gamitin sa kasamaan lalo na ang kapangyarihan ng Temple Monkey," masayang sagot ni Emo.

Sunod-sunod nag laho ang apat kasabay ang pag balik ng temperatura sa normal.  Napatitig ako sa buwan. Maraming mga katanungan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.

Umupo ako damuhan saka pinikit ang mga mata. Nag pukos na komonekta sa inner core ko. Makalipas ang ilang minuto ay dumilat ako ng masigurado nasa loob na ako ng spiritual na kalooban. Kitang kita ko ang isang bituin na walang liwanag. Tama ang sinabi ni lolo kailangan ko matutunan ang magic circle.

May napansin ako sa inner core na parang may apat na dahon ang nakapalibot nito. Isa nag liwanag ng kulay berde samantala ang tatlong natitira wala. Ngunit ang pangalawang dahon ay biglaan nag liwanag ngunit mahina lamang ito na sapat na makita ko ang liwanag na kulay pula.

Ito na siguro ang tinutukoy ni lolo na tumapak na ako sa ikalawang antas ng elemento ko.

Pumikit muli ako at dumilat nang masiguro nakabalik na ako realidad. Masubukan ko nga ang ikalawang antas ng kakayahan ko.

Akmang lalakad ako ng biglaan may lumapit sa balat ko na malamig. Agad ako napatingalan kasabay sumalubong ang patak ng niyebe.

Muntik ko na nakalimutan ang tungkol sa Spider House ngunit wala akong nakita sa halip isang gagamba na parang kubo sa likod ang pasang nito. Ito na siguro ang Spider Kubo.

"Ang golden Ey?"

Naramdaman ko ang pamilyar na awra na labis nag pa takot sa'kin dati. Nakakatiyak ako ang Golden Ey ito ngunit biglang nag laho. Kung ganon may paparating na panganib.

Mabilis ako tumakbo saka tumalon at lumapag sa sanga ng puno.

Nag palipat ako sa mga sanga. Napahinto ako nang naramdaman ang nakakakilabit na awra.

Mabilis ako tumalon sa kabilang sanga kasabay tumama ang itim na enerhiya. Sinundan ko ang pinag galingan nito.

Ano ito? Isang beast? Ngunit malinaw na mas nakakatakot ito kumpara sa mga normal na beast.

Sunod-sunod nag pakawala ito ng itim na enerhiya. Nakita ko ang ibang beast kasalukuyan nakipag laban sa nakakatakot nilalang.

May dalawang sungay, may pares na pulang mga mata at higit sa lahat may katawan tao.

"Umatras ang mga sugatan! Hindi natin kayang talunin ang Demon Beast. Lalo na kasalukuyan sitwasyon natin na galing tayo sa paki digma sa mga alagad ng Demon Beast."

"Walang magpapahinga hangga't hindi pagod at malubhang mahina!"

Sabay sabay umatake ang mga beast. Gusto ko lumapit upang tumulong ngunit hindi ko namalayan tumama sa'kin ang kapangyarihan ng isang beast na sanhi na pag paralisado ng ilang minuto.

"Umiwas kayo!"

Ngunit hindi nila narinig ang boses. Tumama sa kanilang itim na bolang enerhiya. Tumilapon ang apat patungo sa direksyon sa kabila.

Kitang-kita ko ang pag buhos ng lakas ng mga Land monkey upang lumikha ng panangga samantala sa likod nito ang mga wolf na kasalukuyan bumuo ng dambuhalang puting enerhiya.

Sabay pinakawalan ng mag kabilang panig ang enehirya.  Sa pag tama ng mag kasalungat na enerhiya. Isang malakas na pag sabog na muntik na ako natangay ng malakas na hangin na mula sa pag sabog. Mabuti na lamang ay mabigat mga bato likha ko naka sabit sa mag kabilang paa ko.

Kitang-kita ang mga wolf na malubhang nanghihina. Maraming mga sugat ang na tamo sa iba't ibang bahagi ng katawan. Na awa ako sa mga Land Monkey na walang malay habang naka Formation pa rin ang panangga na gawa nila.

Muli na naman nag pakawala ng itim na enerhiya ang Demon Beast. Malapit na ito tatama sa panangga ng mga Land Monkey na tiyak na masisira ito.

Bago pa man tumama ay lumitaw  ang ahas na mabilis umikot. Sa ahas tumama ang enerhiya ngunit na gulat ako nang bumalik ang itim na energy sa Demon Beast.

Walang ka hirap hirap na iniwasan ng Demon Beast sabay humalakhak.

"Nasaan ang Crown Monkey at Temple Monkey? Sila lamang ang makakatapat sa'kin. Nakakatawa kayo kalaban hindi man lang ako pinawisan," mayabang na wika ng Demon Beast.

"Nasaan na ba ang mga Crown Monkey?" Tanong ng Land Monkey na kakagising lamang nito.

Malungkot na tumingin sa kaniya ang wolf na sugatan.

"Wala na sila sa mundong ito. Nakakatiyak ako bumalik na ang mga kaluluwa  nila sa paradise. "

"Paano nangyari iyong?" takang wika ng Land Monkey.

"Huwag niyo na hanapin ang wala. Dumating na ang oras ng Crown Monkey na lumisan sa mundo ng mga buhay. Ang mabuti pa siguro tulungan niyo ako talunin ang Demon Beast," nahihirapan wika ng ahas.

Gusto ko sila tulungan ngunit hindi pa nawala ang epekto ng lason sa buong katawan ko. Naramdaman ko ang pag hapdi ng mga mata na sinyales na malapit na mawala ang epekto ng lason.

Nag palitan ng atake ang ahas at Demon Beast ngunit sa huli hindi kinaya ng ahas ang sanggain ang sunod-sunod na atake hanggang tumilapon ito pa layo.

Nasira ang panangga ng Land Monkey kaya ang itim na enerhiya patungo sa direksyon ng mga wolf huli na ang lahat upang salubungin ang atake.

Tumilapon ang mga wolf na walang malay.

Nag laho ang Demon Beast lumitaw sa harapan ng ahas na kasalukuyan nahihirapan huminga.

"Ngayon patay ka sa'kin!"

Dahan-dahan lumikha ito ng espada na gawa sa purong item na enerhiya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro