kabanata 14
Lumipas ang isang araw hindi parin nagising ang binata. Ngunit may napansin sila sa binata ang pagbabago ng antas ng elemento patungo na ito sa ikalawang stage.
"Masyadong maaga ang kaniyang pag angat pero mas mabuti na din yan," wika ni Emo.
"Paano natin ma ipasa sa kaniya kung tulog pa siya?"
"May paraan kalim. Ang ipinag bawal na paraan. Wala tayong magagawa kung hindi gawin ito. Bukas tuluyan na tayo maging kaluluwang ligaw pag nagkataon."
Sumang ayon ang lahat sa mungkahi ni Tem. Sabay na pinaliwanag ang brilyante nasa katawan nila upang maging mabilis ang daloy ng enerhiya sa pag pasa.
Dahan-dahan pina libutan nila ang binata habang nagdadasal habang nakatingin sa kalangitan. Sa bawat bigkas na salita ay bumigat ang enerhiya lalo na ang paligid ay apektado.
Lumutang ang katawan ng binata habang napapalibutan ng lupa, bato at dahon na sumisimbolo sa elemento ng binata.
Dumilim ang kalangitan kasabay ang sunod-sunod na pag sabog mula sa kalangitan na tila may nag lalaban. Mabilis tumama ang kidlat sa binata kasabay ang pag labas ng kapangyarihan ng apat patungo sa katawan ng binata.
Nakakabinging ingay, nakakasilaw na liwanag at higit sa lahat nakakabaliw na tinig nito.
"Ha..." wika ng binata.
Sa bawat tinig na lumabas sa bibig nito ay may ka akibat na panganib sa paligid. Nag simula nag takbuhan ang mga beast at ordinaryong hayop na takot na takot.
"Final Judgment!" sabay bigkas ng apat.
Sunod-sunod tumama ang kidlat sa binata na sanhi na pag ka gising nito. Napanganga ito sa subrang sakit kahit anong sigaw na gawin niya biglaan nawala ang kaniyang boses na labis na pag alala sa apat.
Ngunit hindi nila ito pinansin sa halip nag pokus lamang sila sa kanilang ginawa upang mas madali ang pag pasa.
Unting unti humiwalay ang brilyante nasa katawan ng apat. Sunod-sunod na pumasok ang mga ito sa inner core mg binata na mas lalong lumakas ang enerhiya na nilabas nito.
Kita sa mga mata ng apat na medyo nahihirapan na. Habang tumagal ay unti-unting nanghihina ang apat.
Sunod-sunod nag hiwalay ang apat sa mag kabilang direksyon.
Itinaas ni Emo ang kanang kamay saka lumitaw sa kamay nito ang kaniyang crown na kulay ginto na may brilyante sa gitna na kulay brown.
Sa kabilang direksyon ganon din ang ginawa ni Uza ngunit ang kaniyang crown at napapalibutan mg tinik.
Samatantala sa kabilang direksyon at ganon din ang ginawa ni kalim. Ang kaniyang crown na hawak ay pinalibutan ng mga blade na likha sa purong bato na enerhiya.
Sabay hinagis ng tatlo patungo sa binata. Sa pag tama nito sunod-sunod ang pag sabog na sanhi na pag ka buo ng buhawi. Nakulong ang binata sa buhawi.
Bumagsak ang tatlong crown monkey na dahan-dahan naging kaluluwa na binalutan ng puting liwanag.
Samantala ang temple monkey ay nag ipon ng enerhiya sa tungkod na hawak nito. Sa isang iglap ang tungkod ay binalutan ng gintong enerhiya. Mabilis ito tumakbo sa eri hanggan sa nasa itaas na siya ng buhawi. Kita niya nasa loob ang binata na kasalukuyan na walang malay.
Buong pwersa binato ng temple monkey ang tungkod sa loob ng buhawi kasabay ang pag laho nito at lumitaw sa isang puno na kasalukuyan nakahiga habang pikit dilat ang paulit-ulit ginawa nito.
Samantala nag ka isa ang mga beast na labanan ang mga spider house. Kahit saan man bahagi ng kagubatan ay may naglalaban para sa kalikasan.
Libo-libo spider house ang lumitaw sa kahit ano man bahagi. Halos ang bawat ang isa sa mga ito ay may mataas na antas na katapat ng gold rank.
Habang tumagal mas lalong naging mas lalong mabangis at lumakas ang enerhiya dahil sa dami ng nakain na enerhiya na mula sa mga halaman.
Natigil ang lahat ng dumilim ang kalangitan kasabay nag si lutangan ang mga spider house ng dahan-dahan. Kahit nagulat man ang mga beast saglit ay tuloy parin ito pina ulunan ng atake.
Samantala sa palasyo ay kasalukuyan nag pulong ang mga ministro pa tungkol sa gaganapin na pag diriwang ng kaarawan ng prince.
"May na isip na ba kayo na gagawin?"
Umiling ang mga ministro maliban sa pinunong mistro na kasalukuyan nakatingin sa bintana ng labas.
"May problema ba Pinunong Minstro Asaka?"
"Pag masdam niyo ang kalangitan parang may mali." Tumayo ito mula sa pag ka upo saka nag tungo ng bintana at tinitigan ang kalangitan. Napaatras ng isang hakbang ng dumilim ang kalangitan kasabay ang pag buhos ng ulan.
"Anong nangyayari?" tanong ng hari nakakarating lamang.
"May malaking bagyo na paparating sa'tin kaharian mahal na hari. Ano iyong? Gulat na wika nito habang nakaturo sa isang direksyon.
Nag madali lumapit ang hari habang nakasunod ang mga ministro. Nakaramdam ng kaunting takot ang Hari ng masilayan ang buhawi na mula Hiden Forest.
'Sa palagay ko. Hindi bagyo ang nangyayari sa Hiden Forest,' isip ng hari.
"Ano sa tingin mo Asaka?"
"Sa palagay ko mahal na hari. May paparating na digmaan na magaganap sa bagong henerasyon."
"Baka sa maliit lamang iyang na digmaan sa pamamagitan ng mababang angkan."
Umiling ang Pinunong Ministro.
"Mahal na hari..."
Nag liwanag ang mga mata nito kasabay lumitaw ang bolang crystal na kasalukuyan na nakikita nito na may isang buhawi tinamaan ng kidlat na walang tigil.
Halos nanlaki ang lahat ng makita mabilis hinigop ng buhawi ang mga Spider House.
"Isang masamang pangitain ang nakikita ko sa bolang crystal. May malaking bagay na mawawala mahal na hari sa'yo. Apektado ang pang ka buhayan mg buong nasasakupan mo. Ang may hawak ng elemento ng lupa na hindi Angkop sa elemento nito," nanginginig na paliwanag ng punong Ministro.
Ang punong ministro ay may kakayahan makita ang hinaharap ngunit limitado lamang dahil hindi pa abot niya ang legend rank.
"Mga kawal!" galit na sigaw ng hari.
Nag madali pumasok ang mga kawal habang hawak suot nito ang Baluti at espada nakakagaling lamang ng mga ito sa pagsasanay.
Sabay yumuko ang lahat ng kawal. Nag salita ang heneral.
"Ano ang ma ipaglikod namin mahal na hari?"
"Dakpin ang may hawak ng elemento ng lupa na hindi ayon sa elemento nito at i kulong sa ikalaliman ng lupa!"
"Masusunod mahal na hari!"
Maingat na lumabas ang kawal. Samantala hindi inalis ng tingin ng hari. Hindi niya ma isip nagbabalik ang tunay na alamat o hindi kaya may bagong sinilang na alamat.
Napatalon sa gulat ang lahat maliban sa Hari, punong ministro at Taga payo nito.
"Pag bigay basbas?" bulong na wika ng hari.
"Labas ngayon din!"
Nag madali lumabas ang lahat ng marinig ang tinig ng hari nakakalibot.
Lumitaw sa noo nito ang brilyante ng lupa na sanhi na pag liwanag ng mga mata nito na labis nag pumigil ilabas ang kapangyarihan.
"Hindi maaari katulad ko ng elemento ang bagong isinilang na alamat. Pag nag kataon may makakapantay sa'kin."
Nag madali umalis ang hari upang tanungin ang taga payo tungkol sa bagong isinilang na alamat.
-
Dalawang araw na ang lumipas hindi pa rin huminto ang buhawi mula sa Hiden Forest. Habang tumagal ay may dumagdag na buhawi habang pinalibutan ang unang buhawi.
Sa dalawang araw na lumipas ay maraming nadakip na may elemento na hindi sa kakayahan nito.
Isa na dito ang matandang na ngangalan Favora na may kakayahan lumikha ng buhay na halaman na malaking tulong sa kaniyang pag tatanim sa Farm nito.
May iba't ibang antas sa buhay ang na dakip kahit ang mga guro ay hindi naka ligtas isa na doon si Favora.
"Heneral Luna isang libo ang bilanggo na kasalukuyan na kulong sa Prison Mirrors!"
Tumingin ang heneral sa kawal na may pananabik. Hindi mapigilan napangiti ng maisip ang isang bilanggo ay may halaga na isang Energy Fruit.
Ang Energy Fruit ay mayaman sa enerhiya. Malaking tulong sa isang nilalang upang mag pa angat ang antas.
"Magaling. I handa mo alak mamayang gabi. Mag niwang tayo para sa tagumpay lalo na nasasayahan ang hari sa'tin."
Mabilis nag tungo ang dalawang kawal sa kabilang daan. Samantala ang Heneral ay may na isip na kalokohan na tiyak na maging masaya siya.
Sumakay ito sa kabayo. Sa kaniyang hampas ng latigo ay tumakbo ang kabayo ng mabilis.
Ang bawat nakaharang sa daan ay mabilis umalis sa takot na baka mahimatay.
Huminto ang heneral sa isang bahay na gawa sa purong kahoy lamang. Kapansin-pansin ang mga nakasabit na mga sandata sa pinto nito.
"Aurora!"
Bumukas ang pinto. Lumabas ang babae nakasuot ng itim na bistida. Maraming alahas sa mag kabilang kamay nito.
Si Aurora ay isang membro dati ng Monar ngunit pina alis ng pinuno at tinanggalan ng karapatan na maki hati sa kita dahil isa na lamang siyang pang karaniwang na babae. Walang kakayahan gumamit ng kahit anong kapangyarihan at elemento.
"Himala napadalaw ka yata Heneral Luna?" Walang kabuhay buhay na wika nito.
Akmang sasagot na ang Heneral ngunit inunahan ni Aurora mag salita.
"Alam ko. May kailangan ka? Sabihin mo na agad sa'kin."
"Kailangan ko ang serbesyo ng Monar. Mag tungo ka roon a-"
Malakas na humalakhak si Aurora na parang bang may nakakatawa.
"Hindi mo alam yata ang tungkol sa'kin. Heneral Luna?"
Nag taka ang Heneral. Dati rati pag inutusan niya si Aurora na mag tungo sa Monar hindi ito sumagot sa halip tumango lamang.
"Opisyal na pina alis ako sa Monar dahil wala na akong silbi. Isang buwan na ang lumipas na mangyari."
"Paumanhin kung nasakitan kita Aurora."
"Wala 'yong. Umalis ka na Heneral habang nagtitimpi pa ako."
Kitang-kita ni Heneral Luna ang lungkot at galit sa mga mata ni Aurora. Hindi nag salita ang Heneral. Umiling ng tatlong beses bago umalis.
Nakatingin lamang sa kaniya si Aurora. Dahan-dahan pumatak ang luha sa lupa.
"Mag hihiganti ako lalo na sa matandang iyong!"
Nabuo sa isipan ni Aurora ang mga balak na pwede niya gawin kahit imposeble na mangyari iyong.
Naalaala ni Aurora ang payo ng matanda na mag tungo sa Hiden Forest. Napatingala siya sa kalangitan habang pinag masdam ang buhawi na mula sa Hiden Forest.
"Mag tutungo ako. Wala akong paki alam kung mapa hamak ako wala naman nagmanahal sa'kin maliban sa namayapang kong ina."
Nanginginig ang buong katawan dahil sa labis na galit ang naramdaman. Hindi nito malimutan ang pag tanggal ng karapatan ng Pinuno sa kaniya.
"Monar. Monar.. Monar...!"
Gusto mag wala ni Aurora ngunit na isip niya. Mas mabuti siguro mag simula na siya mag lakbay patungo sa Hiden Forest upang alamin kung totoo ang sinabi ng matanda sa kaniya.
-
"Nag tagumpay tayo sa pag pasa. Mag hintay na lamang tayo na magising ang binata bago tayo lumisan. Pilitin natin huwag mag laho agad hangga't hindi pa nagising ang binata," nahihirapan wika ni Emo.
"Tama ka Emo. Gusto ko makita ang epekto sa kaniyang katawan ang pag halo halo ng ating elemento," nasasabik na wika ni Tem.
"Masaya akong nakilala ang binata sa maikling panahon. Sapat na siguro ang mga na ituro ko sa kaniya," naiiyak na wika ni Kalem.
"Sabik na ako mag pag hinga. Hindi ko na kaya tiisin ang mga sugat. Isang dekada na tiniis ko." Pinikit ang mga mata ni Uza.
Pinag masdam nila ang binata ng maigi. Nahihirapan ang bawat isa nang tumama sa kanila ilang butil ng tubig na mula sa buhawi.
Hindi nila inaasahan ang pag litaw ng apat na buhawi na pumalibot sa unang buhawi.
"Kahanga hanga ang taglay na talento ng binata. Mas lalong lumakas ang ating Elemento sa kaniya. Maganda ang kapalaran ng binata sa hinaharap."
"Sang ayon ako Tem sa sinabi mo. Hindi pa nagising ang tunay na kapangyarihan ng binata pero marami na siyang kaalaman pag dating sa labanan," mahinang wika ni Emo.
Muntik na tumilapon ang apat ngunit ginamit ni Tem ang Potion niya. Lumitaw ang isang dambuhalang paru-paro na sapat lang ang lakas nito upang protektahan.
Sunod-sunod nag laho ang apat na buhawi kasabay ang bumuhos ang malakas na ulan.
"Malapit na matapos ang proseso."
Lumipas ang isang oras biglang nag laho ang buhawi natira kasabay bumagsak ang binata sa tubig ngunit hindi lumubog sa halip lumutang lamang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro