Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11


Huminto ang alon sa tapat ng pinutol na puno niya. Dahan-dahan lumitaw siya sa lupa na habol hininga habang hawak ang energy box na may bitak. Bumangon asks dahan-dahan umupo at pinulot ang isang red fruit. Inamoy niya muna ito bago kagatin, nalasahan niya ang matamis na katas kaya mabilis niya ito kinain ng kinain hanggan sa maubos ang apat na red fruit. Nakahinga ng maluwag nang dahan-dahan bumalik sa normal ang daloy ng enerhiya patungo sa inner core nito.

Naramdaman niya ang mabilis na pag angat ng antas niya sa pamamagitan sa pag bago ng kulay mula sa brown hanggan sa naging red. Isa ganap na bronze 1st star ang binata, napangiti ng malapad.

'Sa wakas nakatapak din ako sa bronze pero ano kaya ang mga pagbabago sa elemento ko?' lamang ng isip nito.

Tumayo siya. Sinubukan niya lumikha ng earth Blade, malapad na ngumiti siya nang matagumpay sa kaniyang balak. Sunod-sunod hinagis niya ang apat na earth Blade sa bilog na bato.  Nagkaroon ng kunting bitak ang bilog na bato, sapat na sa kaniya ang kaniyang nakita na resulta para mas pag butihin ang pag insayo.

Lumipas limang oras na walang tigil sa pag insayo hanggan sa mapagod. Kasalukuyan siya nag kombinasyon ng mga skill isa na dito ang anin na earth blade na sunod-sunod nag dikit sa dulo na para bang kadena. Hinagis niya sa eri  kasabay kusang nag hiwalay ito at tumama sa iba't ibang direksyon.

Ang nasa antas bronze 1st star to 9th star ay may kakayahan mag combine ng skill ngunit may limitasyon,  dalawang o tatlo lamang ay kaya nito i combine.

"Sumapit na ang gabi. Nag simula na mag si hulog ang mga dahon."

Naging alerto nang naramdaman ang malakas na aura mula sa hindi matukoy na direksyon. Mahina tinadyan ang lupa sabay angat, huminto nang nasa harap na siya ng sanga, sa pag talon niya sa sanga kasabay bumagsak ang lupa. Lumapag ang binata habang maigi pinag masdam ang energy box. 'Mabuti hindi nasira.' Napalingon mula sa likuran, tanaw niya mula sa hindi kalayuan ang mga nag takbuhan na piggera.

Ang piggera ay isang uri ng baboy ang pinag ka iba nga lamang. Ang piggera ay may sungay na katulad ng mga springbok, ang mag kabilang sungay ay napalibutan ng ligth energy. Nabibilang ang piggera sa light element.

"Totoo pala ang kwento sa'kin ni Lolo Bravo na mahilig sa gulo ang piggera. Makakatapak lang sana ako sa silver 1st  star hindi ako mag dalawang isip na labanan sila."

Napalingon sa kanan ang binata at bumangad sa kaniya ang dalawang
White eagle nag lalaban sa eri.

'Totoo ba ito nakita ko,' lamang ng isip nito na hindi makapaniwala sa kaniyang nasaksihan na laban.

Ang white eagle ay nabibilang sa air element. Nagulat ang binata dahil kaunti na lamang natitirang lahi ng white eagle ayon sa kwento ng kaniyang Lolo Bravo pa ubos na ang lahi ng white eagle dahil sa walang tigil na pang huli ng mga tao para gawin pang halo sa potion.

Tumalon ang binata sa kabilang sanga kasabay tumama ang mga patalim na likha sa purong bato. Labis na kinabahan ang binata sa nangyari.  Lumikha siya ng earth sword sa mag kabilang kamay, mabilisan iwinasiwas sa harapan at sunod-sunod na tumama sa kaniyang espada ang mga patalim.

Sumulpot sa kaniyang likuran ang crown monkey na agad naman niya hinarap, pinag krus ang espada at doon lamang tumama ang balot ng bato na kamao na ikina tilapon niya.

Tumama sa kabilang Sanga mabuti na lamang ay nakahawak siya kasabay ang pag laho ng earth swords niya. Sumulpot   ang crown monkey saka tinapakan ang kamay ng madiin ng saglit. Bago pa man bumagsak ang binata sa lupa ay tumadyak ito sa eri kasabay ang pag angat ng lupa at doon lamang siya lumapag.

"Giant Blade!" Pabulong na wika ng binata na makita ang paparating na giant blade . Umikot ang binata na subrang bilis kasabay umikot ang lupa tinapakan niya. Sunod-sunod lumabas sa mag kabilang palad ng binata ang mga patalim na hugis pabilog.

'Earth Blade Tornado!'

Nang tumama ang giant Blade ay halos nanginig ang binata sa subrang lakas ng impact. Hindi tumigil sa pag ikot ang binata dahil balot siya ng mga patalim.

Sa pag vibrate  ng atake ay nawala sa kontrol ang binata ng muli tumama ang isa pang Giant Blade. Bumagsak ang lupa tinapakan at nakapalibot na patalim kasabay ang pag tilapon niya.

"Aray ko, ang sakit."

Bumagsak ang binata sa matutulis na bato na kaniyang ikinasigaw sa sakit. Bumaon ang tatlong bato sa kaniyang kanang balikat na dahilan nahihirapan siya kumilos.

Lumitaw ang crown monkey sa harapan ng binata. " Naku Ziwin nakalimutan ko mababa pala ang antas mo pero magaling iyong ginawa at nagawa mong  pigilan sa pamamagitan ng pag combine ng skill," mahinang wika nito.

"Ginawa ko ang lahat para mag improved pero sa huli talo pa rin ako."

"Ang kailangan mo lang gawin Ziwin ay sugatan ako. Kung magagawa mo iyong ay panalo ka."

Napangiti ng bahagya ang binata ngunit agad tumalon ang crown monkey  pa ba liktad kasabay dumaan sa bandang noo nito ang earth blade ngunit may  umagos nito.

"Paano ba yan?"

Nag laho earth clone ng binata sugatan nakahiga at lumitaw sa kabilang direksyon ang tunay na maraming pasa sa iba't ibang parte mg katawan.

"Magaling ang iyong ginawa na pamamaraan Ziwin. Ikaw ay nanalo at nakapasa sa pag subok at insayo hanggan sa muli."

Nag laho ang crown monkey na may ngiti sa labi. Samantala bumagsak ang binata sa mga dahon na habol hininga habang pikit dilat na paulit ulit ginawa.

"Para ako mamamatay nito. Hindi ako nakahinga."

Samantala sa kabilang banda lumitaw ang crown monkey na may hawak ng rock blade. Sumalubong ang dalawang crown monkey na may ngiti sa labi na makita ang nag durugo na noo ng kaunti .

"Kumusta Alem?" Sabik na tanong ni Emo.

"Nag tagumpay siya kapatid. Sa ngayon tiyak na subrang hina niya dahil sa bagong antas ay nagawa niya kontrolin ng maayos ang enerhiya na dumaloy sa ugat patungo sa inner core."

"Ang binata ay isa ng ganap na Bronze  1st star. Ang natutunan niya ang pag combine ng skill na dapat sa silver pa niya magagawa."

"Kung ganon Alem mas mabuti ang nangyari. Ako ang pang huli susubok sa kaniya sa pamamagitan pag likha ng taktika," seryusong wika ng isang crown monkey na hindi pa kilala ng binata kung anong pangalan nito.

"Sandali lang bago mo i tuloy ang  iyong balak gawin. Mas mabuti mag simula na tayo sa paghahanap ng impormasyon pa tungkol sa pag pasa na-"

Lumitaw ang temple monkey sa kanilang harapan habang walang gana tinapunan ng tingin. "Ang pag pasa ng boung kapangyarihan ay siguraduhin handa ang katawan ng binata na tumanggap ng biglaan malakas na enerhiya. Ang tanong. Handa na ba siya?" Hindi makasagot ang mga crown monkey.

Nag laho ang temple monkey ng dumaan ang ihip ng hangin sa harapan nito.

"Kahit kailan hindi pa rin tayo ginalang ng temple monkey," na iinis na wika ni Alem.

"Pabayaan mo na siya. Sabik na siya lumisan sa mundong ito at pansin ko lang sa kaniya habang tumagal sa mundo ay nahihirapan na siya pigilan ang kaniyang pinag mulan ng enerhiya.  Kaya mabilis lang siya nag laho at bumalik agad sa temple," mahabang paliwanag nito.

"Ma iwan ko muna kayo, may gagawin lang ako," Paalam ng crown monkey.

Dahan-dahan nag lakad ito pa layo habang nakatingin sa kaniya si Emo at Alem.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro