Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 49

PAHINA 49

***

"I love you. I promise not to be late later, baby. Be good at school? he pecked my lips bago ako lumabas ng sasakyan.

I nodded at him. Kumaway ako na may malapad na ngiti sa labi. Bumuntong hininga ako ng malalim nang umalis na ang sasakyan niya.

Buti nalang hindi ako na-late dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya kanina, dahil utos ko.


Until now, medyo nanghihina pa din ang mga tuhod ko. Para maya-maya pa'y mapapaupo ako. Pero tinatagan ko ang isip at binura ang malanding iniisip.

I puffed my cheeks at pumasok na ng gate. Naabutan ko naman ang tingin ng mga schoolmates ko sa'kin na nag-iwas ng tingin. Nagbulungan pa ang iba at umiling-iling.

Hindi ko na ito pinansin dahil medyo nasasanay na ako sa pagchi-chismis nila sa'kin. Aware naman ako sa mga usap-usapan sa'kin eh. Kahit hindi man nila ipadinig, alam ko kung ano-ano ang ipinapangalin sa'kin.

Gold digger. Malandi. Pokpok. May sugar daddy also known as si Ales.


Ngayon parang mas pinatotoo pa ang chismis dahil nakikita minsan si Ales na hinahatid-sundo niya ako.

Pero ayokong magpaapekto. Hindi naman nila buhay ang buhay ko. Hindi naman totoo eh.

Maybe, I am a little spoiled with Ales pero siya naman ang may gusto nun, eh.


Ang issue ko lang siguro, childish pa ako para sa relasyon namin. Although minsan, pinipilit ko namang maging mature sa relasyon namin. Alam ko ang pinasukan ko, at alam kong mali na makipagrelasyon sa kanya dahil. minor pa ko while he's an adult pero...

Sinubsob ko ang mukha sa braso kong nakapatong sa desk at pumikit ng mariin. Kailan ba matatapos ang problems ko? Maybe never? One problem may be solved, but expect another one that wants to be solved.

Maybe that's why life is so hard and unfair. Problem occurs. Then mind fucked happens, which make one to give up life, then giving up life means ending life.

"Huy, bruha. Gising na." pambubulabog ni Carla at mahina pa akong tinapik sa buhok. I raised my head at pagod siyang nginitian.

"Good Morning..." She smiled sweetly.

How I wish I'll have that again.

"Morning, ganda, kahit haggard." she teased at pinisil ang pisngi ko.




Maya-maya'y dumating na ang teacher namin at nagstart na sa quiz. Good thing nakasagot ako. I think I did remember so much of what I've reviewed.

Thank God.


Ngayon, nasa labas na kami ni Carla kasama ang boyfriend niya na nakatambay sa mga nagtitinda ng mga street foods. Gutom kaming dalawa kaya naisipan naming kumain muna habang hinihintay si Ales.


He texted na male-late na naman siya. Pero this time, ikinibit-balikat ko nalang.

I understand his work. Buti nga at sinamahan ako nila Carla sa paghihintay.

Maya-maya pa'y natanaw namin na nasisilabasan na ang college students at masyadong magulo dahil dumadami na ang mga tao kaya nagpasya kami nila Carla na maghintay sa may waiting shed sa tawid lang ng mga bilihan ng street food.


Medyo malapit lang kasi ang Creer University sa school namin, pwede lang lakarin. Minsan kaming napapad dito ni Carla kapag nagkre-crave kami ng street foods. Mas masarap kasi at tipid din sa baon.

Kita ko ang pagdumog ng mga estudyante sa pagbili. Tahimik ko namang pinagmamasdan ang mga ito.

Habang tahimik na nag-uusap ang dalawa sa tabi ko. Gusto kong sabunutan si Carla dahil sa pabebe nitong tawa kapag may joke ang boyfriend na hindi naman nakakatawa para sa'kin.


"Lapitan mo na. Hingin mo number."

"Ayoko. Nakakahiya."

"Sus, torpe mo."

Kumunot ang noo ko sa limang lalaki na nagtutulakan, malapit sa'min. Tinutulak nila ang isang na payat na lalaki papunta yata sa amin dahil nakakatingin sila sa direksyon namin.

Iniwas ko agad ang tingin nang naabutan nila akong nakatingin sa kanila. Kita sa gilid ko ang mas lumalakas na pagtutulakan nila.


Hanggang sa nasa harapan na nga namin ang limang lalaki. Hinagilap ko ang braso ni Carla at kumapit doon. Kinabahan agad ako baka ano ang gawin ng mga lalaki sa'min.


"May problema ba, pare?" tanong ng boyfriend ni Carla na nakaakbay sa kanya.

"Ah wala pare, magpapakilala lang kami sa kaibigan niyo." he chuckled sabay sulyap sa direksyon ko.


I frowned. Ako ba ang tinutukoy nito? 0 si Carla? At bakit naman gusto nilang makipagkilala?


From what I can tell, they're second year Criminology students base sa ID lace nila. Yellow kasi iyon at nakalagay ang pangalan ng kurso.


So, magpupulis pala ang mga 'to. Hindi halata.


"Hi, anong pangalan mo?" tanong nito at nakatuon na ang mata sa akin.

Medyo matangkad siya at malapad ang katawan. Moreno din at makakapal ang kilay. Mukha naman siyang matinong tao, pero parang kinakabahan ako sa tingin niya.

Inilingan ko siya at nagtago sa likod ni Carla. Ibinaling ko sa kanan ang atensyon ko na parang iyon ang pinaka-interesadong tanawin.


"Ang snob naman. Anong pangalan niya?" Ngayon ay ang kaibagan na ang tinanong.

Kinurot ko si Carla sa braso para hindi siya magsalita na. Madaldal pa naman 'to.

"Ah, hehehe. Ako po si Carla at ang boyfriend ko, Kuya at ito Blue," sabay turo pa sa akin. "May boyfriend na po siya."


Hindi ko alam kung maiinis or makakahinga ako ng maluwang sa sinagot ni Carla. Bruha talaga. Traydor din minsan.


"Ay, sayang naman. Madalas ba kayo dito? Ha? Blue?" malambing na pagkakasabi nito at sinilip pa ako sa likod ni Carla.

Nairita kaagad ako sa kakulitan ng isang 'to. Lalo na nang naghiyawan ang mga kasama niya dahil sa pagbigkas nito sa pangalan ko. Nagtutulakan na naman sila.

Nasaan na ba si Ales? Sana dumating na siya. Napapahiya na ako dahil nagtitinginan na din ang mga estudyante sa direksyon namin dahil sa ingay ng mga lalaking 'to.


"Tara na. Doon nalang tayo maghintay kay Ales." bulong ko sa dalawa.


Tumango sila pero hindi pa rin tapos sa pagtatanong ang lalaking nangungulit.


"Anong year ka na, Blue?"

"Pwede bang humingi ng number?"

"Anong facebook mo? Add kita, ha?"

Gusto kong suntukin ang gagong 'to.

Magpupulis ba talaga ang mga ito? Mukhang ngayon pa lang magiging kriminal na, eh. Sinundan pa nila kami at hindi tinantanan sa pangungulit.


Kinakabahan na ako dahil naiinis na din ang boyfriend ni Carla. Parang handa nang makipag- suntukan, pero hindi niya makakaya ang limang 'van.

Di hamak na mas matatanakad at malalaki ang katawan kumpara sa boyfriend ni Carla.

Inakbayan ako ni Carla na natatakot na din. Nag-aalala ako para sa kanila. Mapapahamak pa sila dahil sa'kin.

"Uy, Blue. Hahanapin kita sa Facebook, ha. Saan ka nakatira, hatid ka na namin."

Napatili ako nang may humawak bigla sa braso ko. Hinarap ko ang lalaki at inis siyang tiningnan. Hiwakan ko ang nakahawak niyang kamay at kinalas ito.


"Ano ba?! I'm not interested! Leave us alone!" sigaw ko dito.

Nakaawang ang labi, nakatitig lang. How I wish I know taekwondo. I could just punch his face. Nakakairita ang mukha.

"Puta, ang ganda talaga pre. Manika." narinig kong sabi nito bago ko hinatak muli sila Carla palayo.


Pero ang kulit! Sumunod pa rin! This time tahimik lang sila nakasunod.


"Anong gagawin na'tin, Blue? Mukhang hindi ka titigilan ng mga 'yan oh."


I shook my head as a reply. Nanginginig pa ako ng kaunti dahil sa paglapit at paghawak ng lalaki sa akin kanina.


Tumigil kami sa maraming mga nakatambay na tao kung saan maraming nag-aantay ng jeep.


Narining ko ang pag-ring ng phone ko.


Mabilis kong sinagot ang tawag ni Ales.

"H-Hello?"

"Blue? Where the heck are you? Ang sabi mo nasa Creer University ka? You're not here."

Sumulyap ako sa gilid ko at nakitang nakatambay sa isang tindihan ang mga lalaking sumusunod sa amin kanina. Hindi malayo sa kinatatayuan namin.

They were still looking at our way. Parang nagbabantay.

"N-Nasa sakayan ako ng jeep. C-Can you come here fast, please?" may bahid ng panginginig na ang tono ko.


"Of course. Wait for me, please."


Ilang segundo lang ay nakahinga na ako nang maluwang nang natanaw kaagad ang kotse ni Ales.

Ipinark niya na ito at nagpalinga-linga ang ulo na lumabas ng kotse. I saw him type something in his phone.

But I ran fast towards him at niyakap. I heard him sighed deeply at hinalikan sa ulo. "Akala ko umuwi ka na. I'm sorry for being late- hey what's wrong?"


Umiling ako sa kanya. Nakahinga ako ng maluwang. Now, Ales is here, I feel so safe.

He cupped my face with a worried face. "Are you sure, baby? Namumutla ka."


I shook my head. "Wala nga. Gusto ko ng umuwi."


Tinitigan niya ako ng ilang segundo para hinahanap ang mali sa'kin.

Naco-conscious na ako sa titig ng mga tao sa amin. They'll thing we're PDA-ing. Kinalas ko ang kamay niya sa pisngi at iniwasan ng tingin.


"Blue, uwi na kami, ha? Okay lang ba?" napalingon ako kila Carla.


"Why? May nangyari ba, Carla? Bakit nanginginig si Blue?" may diin na tanong ni Ales. Napatingin si Carla sa direksyon ko na parang nanghihingi ng tulong.

I signaled Carla not to say anything before grasping Ales' suit.

"Wala nga sabi eh. It's nothing. May nantrip lang sa'min. But, everything's okay now?" ako na ang sumagot.

Baka iba pa ang masumbong ni Carla. I don'r wanna cause more trouble.


"What? Nantrip?! Sino? Tell me!"


Napatingin ulit si Carla sa'kin na nanghihingi ulit ng tulong kung anong isasagot kay Ales. I shook my head at her again. Mukha silang naiintimidate kay Ales. Mukha kasing manununtok na si Ales.

"Wala na nga yun. Umuwi na tayo." hinaplos ko siya sa braso. He ignored me at nilibot ang tingin sa buong paligid. Parang hinahanap ang mga maaring suspek.

He scanned the place carefully with his menancing gaze, like he wants to turned the place upside down.

He sighed when he found nothing.

Inalok na namin sila Carla ng boyfriend niya na ihatid pero tumangi naman ang dalawa dahil may bibilhin pa daw sila.

I waved at them at pasimpleng tumanaw sa mga kalalakihang nakatambay sa tindahan na nakatingin pa rin sa direksyon ko. Mabilis akong sumakay sa sasakyan.

Tahimik si Ales sa buong biyahe.

Mahigpit ang pagkakahawak sa manibela, his jaw clenching while I observed him quietly. I can feel he's mad.

Ayoko na ng gulo. Pagsinumbong ko pa ang nangyari kanina mas magagalit pa siya. Hindi pa naman siya titigil hanggang sa hindi nakakaganti. Baka mas lumaki pa ang gulo. I'll let those jerk go, I'm sure hindi naman kami magkikita pa ulit.

Hindi na ako babalik ulit doon.

Pagka-park ng kotse sa tapat ng bahay ay wala pa rin kaming kibuan. Malalim siyang humihinga na parang sasasabog sa galit. I caught his right hand at dinapi sa pisngi ko.

I pouted at him worriedly. "Ales..."


"Tell me what happened earlier; Blue. Sinong nang-trip sa'yo? Is it boys? Or the girls in your school?"

"W-Wala nga! Okay lang naman ako, eh. Hayaan mo na na ’yun, Ales." I shook my head at binababa ang tingin.


"Fine. Don't tell me Sige na, pumasok ka na." malamig niyang sabi. Umiwas siya sa kapit ko at hinawak sa manobela.


Gusto kong mapaiyak sa trato niya. I felt shamed by him. Ganito din ba ang nararamdaman niya pag malamig din ang trato sa kanya?


Kinuyom ko ang mga palad ko. Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko habang dahan-dahang tinatanggal ang seatbelt.

Hindi niya ba ako papansinin? Hindi man lang niya ako nilingon, I know he's aware that I'm crying.

Bigo kong sinundan ng tingin ang papalayong kotse ni Ales. Hindi man lang niya ako hinalikan like he always do before leaving. Mali ba 'yung ginawa ko? I just don't want to trouble him more with my troubles.

Although, natakot ako kanina pero hindi naman ako nasaktan.

Mababaw lang naman yung nangyari kanina. I don't think it's a big deal. I'm sure hindi na ulit mauulit 'yun. They saw me with Ales earlier, titigil naman sila.


I was wiping my eyes while walking towads inside the house. I'm sure namumula na naman ako. Napahinto ako sa kalagitnaan ng sala nang matanaw ang dalawang pamilyar na bulto na naka-upo sa sofa.

Ang mga Ivanov.

Agad na tumayo ang babae- mommy ko. She gave me a sweet smile then frowned when she saw my eyes. Halata siguro na umiiyak ako.


"W-What's the matter..." she asked with her russian accent.


Oh, so they can speak english. Hindi naman ako mahihirapan na makipag-usap sa kanila. Ngayon ko lang naalala na ngayon pala sila dadalaw sa akin.


I shook my head at her.


Napatingin ako sa Daddy ko. His gaze was soft  and worried with a sad smile. Para siyang ulila. Kita ko na gusto niya akong lapitan pero nagdadalawang-isip pa.


Lumabas si Auntie mula sa kitchen at nginitian ako ng tipid.


"B-Blue, magbihis ka na. Samahan mo na sila." malumay na sinabi ni Auntie habang nilalapag ang juice sa maliit na mesa.

Tumango ako at mabilis silang nilagpasan. I saw how the Ivanov's eyes followed me. I smiled at them a little, saying na babalik agad ako.


Nagsuot ako ng kulay itim na spaghetti strap na bestida. Naghilamos pa ako para burahin ang bakas ng pamumula ng mukha ko. Bumuntong hininga ako ng malalim sa pagpro-problema kay Ales.

Hindi ito nag-reply sa text ko. Galit pa 'ata. Sana pumunta siya mamayang gabi.


Ang lakas ng kabog ng puso ko sa bawat hakbang na ginagawa ko pababa ng hagdan. Kinakabahan ako ng sobraat the same time, may kaunting saya at excitement akong nararamdaman.


"Hi..." bati ko sa mababang boses.


Napatingin kaagad sila sa akin at ngumiti ng malapad. Hindi mapigilang mapamangha sa ganda ni Mrs. Ivanov. 

Para lang siya nasa late twenties. Her skin is so pale with a few freckles. Nakasuot siya ng simpleng pink long sleeve dress. Ang buhok niya ay malinis na nakali. Mukha siyang anghel sa ngiti niya.

"Hi, sit here. Sit here..." Tumayo kaagad ang mag-asawang Ivanov at tarantang inilahad ang space sa pagitan nila.


I bit my lip. Nakaramdam ako ng hiya habang dahan-dahang lumapit sa kanila. Nakaka-intimidate kasi ang presensya nila lalo na si Mr. Ivanov.


Mukha pa rin siyang binata. Matipuno ang kanyang katawan at sobrang tangkad. Umabot lang ako sa dibdib niya. Nakasuot siya ng suit na halatang mamahalin. Ngayon ko lang napansin na pareho ang kulay ng mga mata namin. Mukha siyang masungit at mainitin ang ulo.


Narinig ko ang munting hikbi ni Mrs. Ivanov nang magkalapit na kami.

Sinapo niya ang bibig niya para pigilan ang hagulgol niya. Nagulat ako at mabilis ma bumaling sa kanya. I don't know what to do to her. Bigla-bigla nalang siyang iiyak.

"I'm sorry, but...can I hug you, love? Please.. if it's okay with you?" her tone was dripped with longing.

Napaisip pa ako ng ilang sandali. Wala namang kaso sa'kin yun. 

She didn't waste time when I nodded. Nagulat ako sa higpit ng yakap niya. I hugged her back as she started sobbing.

Hinalik-halikan niya ang pisngi ko, saying russian words that I couldn't comprehend.

Napapikit ako sa init ng yakap niya. Ang bango niya. Ang gaan din sa pakiramdaman. Parang naibsan ang pangungulila ko. So, this is how it feels to embrace your mother. Parang ayaw ko nang kumawala kung di ko lang nararamdaman na basa na ang balikat ko.

Doon lang siya kumawala.

Tumawa siyang lumuluha pa rin– seeing how wet my shoulder is. "I'm sorry, love." She said, kissing my forehead.

Isang ngiti lang ang naging tugon ko. I can't say a word. Nao-overwhelm ako sa presensya nila. Ikinulong niya ang mukha ko sa palad niya at tinitigan ang buong mukha ko. Hinaplos niya pa ang psingi ko.

"You're grown a lot, love. I can't believe you're here now. Mommy's never gonna leave you." bulong niya.

She rubbed our noses." Ya lyublyu vas. I love you." bulong niya. She rubbed our noses.



Wala akong masabi, nakatitig lang ako sa mga mata niya.

Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng mabibigat na kamay ang dumantay sa balikat ko. Kaya sabay kaming napatingin sa likod ko. Nakita ko ang nag-aabang na si Mr. Ivanov.


His eyes is a little red.


Pinipigilan lang niya siguro ang luha. Narinig ko ang munting halakhak ni Mrs. Ivanov. Humarap ako na ako kay Mr. Ivanov para mayakap niya din ako. But, this time hindi kasing tagal ng yakap ni Mrs. Ivanov.


It's still weird to call them Mommy and Daddy. Although magaan naman ang pakiramdam ko sa kanila. Parang panatag ako. Kontento na at buo.


Nag-uusap lang sila Auntie at Mrs. Ivanov. Hindi ko naman maintindihan dahil nagsasalita sila sa Russian. Ngayon ko lang nalaman na marunong si Auntie ng ibang lengwahe.


Akala ko magagalit ang mga magulang ko kay Auntie. Pero sa napapansin ko, mukha normal lang silang nag-uusap.

Walang tensyon. Siguro nagka-usap na sila noon. Napapatingin lang ako sa dalawa kapag naririnig ko ang pangalan ko.

Napatingin ako sa magkahawak na kamay namin na pinaglalaruan ni Mrs. Ivanov. Nakasandig ako sa dibdib niya at nakayakap dahil iyon ang gusto niya.

Medyo namumungay na din ang mata ko dahil medyo pagod na iyon sa pag-iyak. I rubbed it slowly with my free hand. Hinawakan niya iyon at hinalikan. She gave me a smile which I returned back.

"Thank you, love." she said sweetly.

My attention was caught when I catched Mr. Ivanov staring at me, softly. I gave him a small smile at biglang na naconscious. Parang hindi mahilig si Mr. Ivanov sa skinship or he's not very affectionate.

I wonder how did their relationship worked. Para siyang strikto at stiff.


My parents are completly opposite, I can tell. Mrs. Ivanov is gentle, bright and calm habang ang asawa ay maikli ang pasensya, strikto at masungit.


Kaya naman nagulat ako nang hawakan ako nito sa braso. Napaangat ako at binalingan siya. Nahinto din ng ilang sandali si Mrs. Ivanov at humalakhak.

"Y-Yes?" I stutter.

"Your mom's might be tired, come here." he said in a cold voice at sinandig na sa dibdib niya. Hindi ako nakareact agad sa sinabi niya. Kinabahan naman ako, para akong nawalan ng hininga.

He opened his arms waiting for me to hug him. I looked at Mrs. Ivanov na tumango sa'kin. I slowly lean towards him, napaigtad ako sa gulat dahil mabilis niya akomg kinulong sa braso niya na parang atat siyang mayakap ako.

I was very stiff hugging him, Baka masuntok ako kapag kumilos ako.

He sighed deeply and I felt him kissed my head. Naramdaman ko ang pagbaba ng mukha niya para silipin ako.

"Look at me." his accent is also intimidating.

Like a puppy I followed what he said.

Nakakagulat lang dahil may kaunting ngiti na sa kanyang labi. He has this soft expression in his face. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Sa magkabilang pisngi sa ilong at sa dalawang mata.

He rubbed our noses together saying russian words. Is this their tradition? Rubbed noses to each other?


May ngiti pa rin sa labi niya na pinisil ng mahina ang pisngi ko. The piled of impressions I builed got ruined by his actions. I guess, he's... gentle?

"Ya skuchalpo tebe…" he whispered.


Sa buong gabi, yakap lang ako ni Mr. Ivanov, habang nagpatuloy sa pag-uusap sila Auntie at Mrs. Ivanov na parang magkumare lang. Hindi ako makapaniwalang marunong mag-russian si Auntie. Nakakapanibago.

Dito na din sila nag-dinner.

Mas maasikaso si Mr. Ivanov, minsan inuunahan niya ang kanya sa paglalagay ng pagkain sa plato ko. Para tuloy may kompetesyon sa akin.

Tinatawanan ko lang sila.

Ang dami nilang kwento tungkol sa akin noong bata ako. Napakakulit ko daw kay Mrs. Ivanov at umiiyak daw ako lagi kapag kinakarga ni Mr. Ivanov. Kwenento din nila ang tungkol sa Russia, mga magagandang pasyalan kung sakaling makapunta daw ako doon.

But, one thing that they didn't dare say is if, sasama ba ako sa kanila.

Maybe they're just waiting for a right timing to say it. Syempre, all my life hindi ko sila nakilala nang lubusan. Unti-unti palang nila kinukuha ang loob ko.

For now, I'm open in knowing them a lot more before making decisions kahit na magulang ko sila.

Ang saya ko ay napalitan nang umuwi na sila. Parang gusto kong sumama sa dalawa, pero nahihiya pa rin ako. Gumaan na ang loob ko sa kanila. Unti-unti ko ma silang nagugustuhan. They're not a bad people at all.

We rubbed our noses again before saying our good night. Nasasanay na din ako sa skinship na iyon dahil sa kanila.

"We'll come again tomorrow, love. Have a good night." ang huling sinabi ni Mrs. Ivanov bago pumasok sa sasakyan.



Huminga ako ng malalim nang pumasok sa bahay. Parang panaginip lang ang nangyari, ang bilis-bilis matapos.

Pag-akyat ko ay agad kong chineck ang cellphone, hoping for Ales' text or call.
Pero ni isa wala. Gusto ko na namang mapaiyak. Talagang galit o baka nagtatampo siya sa'kin. Talaga bang big deal sa kanya 'yun?

Katatapos ko lang maghalf-bath at nagsususklay na ng buhok. Tinapos ko na din ang mga assignments ko. Nagring ang phone ko. Mabilis ko namang binuksan iyon pero nadismaya na hindi mula kay Ales. Nakatanggap ako ng text mula kay Carla.

Carla:
Good night, bruha.



Natawa ako at nireplayan siya ng 'good night' din. Nalungkot ako bigla nang mahagip ang pangalan ni Ales sa inbox ko. Ilang minuto kong tinitigan ang number niya.

I can't take this heavy feeling.

Nilunok ko ang pride ko at tinawagan ang number niya. Nakaka-ilang ring iyon pero wala paring sumasagot. Busy ba siya? It's already 9'oclock. I'm sure he's home.

Tapos na din ang work niya eh. Bakit naman siya hindi sasagot?



One more call...it picked up.

But, it wasn't him.



"Hello, this is Katrina—"


But before she said more mabilis kong binaba ang tawag. Nanginig ang buong katawan ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Tinitigan ko ang phone ko. Tama ang natawagan ko. hindi naman wrong number. Nanninainia ako

Nanginginig ako sa nerbyos. Parang nawawalan ako ng hininga ngayon habang tulalang nakatingin sa phone ko.

He's with Katrina? Or I heard it wrong.

No. No.

Napapikit ako ng mariin. Not this again.

Kinalma ko ang paghinga ko. I cleared my mind to stop from thinking unnecessary thoughts again.


It's okay.

It's okay.


I'll talk and ask to him tomorrow about this.

It's okay, Blue, I keep telling myself all night.




© iorikun

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro