Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 43


PAHINA 43

***

Hindi na ako pinapasok ni Ales sa school katapos nun. Instead- dinala niya lang ako sa opisina niya habang nagtra-trabaho siya. Nakaupo lang akong sa lap niya buong umaga hanggang sa nag-lunch break. Sa oras na iyon natapos ang trabaho niya.

Kumain kami sa isang mamahaling restaurant. Naconscious naman ako dahil sa suot ko nang pumasok kami sa loob. Every customer are wearing a formal attire habang ako naka-white t-shirt lang at jeans. I feel like I don't belong there.


Nakuha ko agad ang atensyon ng ibang customer dahil sa kasama ko.

"You look outstanding, baby. No need to be shy..." Naalala kong sabi ni Ales nang mapansin niya ang pagiging ilang ko.

Pag-uwi namin sa bahay ay nagulat ako nang may maubutan kaming mga box sa sala. Napatingin ako kay Ales na hindi man lang nagulat nang makita ang sampung box na katamtaman lang ang laki.


Oh my god! May package?


"Kanino galing 'to?" nakakunot noo ko pang sabi habang tinitingnan ang isang box kung may pangalan na nakalagay.


"It's your chocolate. It was supposed to be delivered yesterday. Bakit ngayon lang ito?" nakakunot ang noo na sabi Ales habang niluluwagan ang kanyang necktie.


Nagulat ako at parang nagningning ang mga mata ko na napatingin sa mga box. Napangisi ako ng malaki nang tumingin ako kay Ales. Tumalon ako sa kanya at pinaulanan ng maraming halik sa labi.


He was chuckling while carrying me.


"Thank you! Thank you! Oh my god, Ales! I love you so much!" masaya kong sabi sa kanya.


"You're welcome, baby. Now, I deserve a payment, don't you think?" And when he say payment– it means a long steamy make out. Manyak talaga.



Kinabukasan nagising ako dahil parang may pumapapak sa leeg ko. I frowned. Napaungol ako sa inis nang makapa ko ang mukha ni Ales. Tinulak ko ng mahina ang mukha niya at sinimangutan ko siya.


"Ales! Natutulog ako!" napipikon kung sabi kinuha ang kumot para takoan ang aking mukha. He chuckled and pinigilan niya ang aking kamay sa pagtakip ko.


"Sorry baby, but you have to get up. School remember?" He kissed my forehead na siyang nagpanguso sa akin.

"Ales... bukas na lang ako papasok."


Iniling niya ang ulo niya at tumayo na sa kama para itayo din ako. Napanguso na lang ako nang matagumpay niya akong napilit na pumasok ng school.

Pero kung sabagay miss ko na din ang kakulitan ni Carla. Bahala na nga. Ni hindi ako nakapagpaalam sa kanya kahapon.

"Stop frowning." suway ni Ales nang matapos siya sa pagsusuklay ng buhok ko. Humarap siya sa akin at inayos ang pagkakatali ng school neck tie ko. Hindi ko mapigilang mapatingin sa suot niyang suit. He looks really fresh in the morning. Yum!


Kaya hanggang sa kotse ay nakasimangot ako. Ayaw ko pang magpakita sa mga tao sa school after what happpened yesterday.

Kinakabahan tuloy ako habang papalapit na kami ng school. Baka lumala ang mangyayari. Ayoko talaga ng gulo.


Napatuwid ako sa kinauupuan ko nang natanaw ko ang gate ng school namin. Bigla akong kinabahan dahil madaming tao sa labas nito na parang may inaantay. Mas lalong ipinagtaka ko dahil may mga data itong camera. Napatingin ako kay Ales na hindi man lang nagulat sa maraming sumalubong na mga tao sa labas ng school.

Wait... anong nangyayari? May hindi ba ako nalalaman dito? At sino ang mga taong ito? Nagulat ako nang magsimulang magsilapitan sa kotse ang mga taong may dala-dalang kamera kasabay nang pagkuha ng litrato sa amin. Napatakip ako sa mata dahil sa silaw ng flash ng camera mula sa iba't-ibang angulo ng kotse.


Oh my god! They are everywhere! Bakit nila kami kinukuhaan ng litrato? May ginawa ba akong masama— or si Ales?


Nakapasok kami ng matiwasay sa loob ng school at nakita kong hinarangan ng mga tao na naka-itim ang mga ito. Kaya hanggang sa gate lang ang pagkuha nila ng litrato. Ipinark ni Ales ang kotse sa gilid at mabilis na lumabas para pagbuksan ako ng pinto.


Una niyang kinuha ang bag ko at sabay aking inalalayan sa pagbaba. Tiningala ko siya. "Ales... anong nangyayari?" pagtatanong ko at napatingin sa mga tao sa labas ng gate.

"Mr. Marquez!"

"Mr. Marquez! Is she the rumored girlfriend, Sir?" Narinig kong tawag nito kay Ales.


I heard him sighed heavily at hinalikan nalang ako sa noo instead of answering me.

"Ales! Anong nangyayari?"pagmamaktol kong tanong sa kanyang habang naglalakad ako. He sighed at hinigit lang ako nang hindi pa rin ako sinasagot.


Kaya tumigil ako sa paglalakad ang kinuutan siya ng noo. Napatingin ito at nagtataka akong tiningnan. "What are you doing? Male-late ka na."

"No. Kaya kong pumasok mag-isa. And could you tell me kung bakit may mga media sa labas ng school ko?"


"Baby ko..." bumuntong hininga siya.


"Don't baby me! Anong nangyayari, Ales?" Nagsitinginan sa amin ang mga estudyante at mabilis din na nag-iwas ng tingin nang mapagtanto nilang kami ni Ales.


"You'll know soon, now come here." muling niyang pinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Napasimangot ako.

Muli na naman akong kinabahan nang papalapit na kamo sa classroom ko. Huminto ako at pinigilan si Ales sa paglalalakad.

His forehead formed some wrinkles.

"What's the problem?" Kinagat ko ang labi ko at pinaglaruan ang kanyang kamay. Dang, ayokong makita ng mga kaklase ko na hinahatid ako ni Ales baka mas lalong lumala yung issue tungkol sa akin.


"Dito ka na lang, Ales, please. You can go now, baka ma-late ka pa sa trabaho mo."

"You're still worried about the issue?"


Tumango ako ng malumay at nag-iwas ng tingin. Nahagip ng mata ko si Carla na naglalakad na din papunta ng classroom.


Natigilan ito at na pabalik-balik na napatingin sa amin ni Ales. "Fine. Call me immediately after your class." he sighed at malumay akong hinalikan sa noo.


Napakagat ako ng labi at tiningnan si Carla na may mapanuksong ngiti. Bumuo siya ng heart shape gamit ang kamay niya. Buti nalang at hindi siya nakikita si Ales dahil nakatalikod siya kay Carla.

Pinandilatan ko lang siya ng mata at inirapan. "Behave, Blue." narinig kong mariing sabi ni Ales sa akin.


Tumingala ako sa kanya at tumango na parang masunurin na bata.

"Yes po." I replied. He smirked at mabilis akong hinalikan sa labi.


Natigil lang ang paglalambingan namin ni Ales nang sumingit si Carla. "Blue! Bakit hindi ka pumasok kahapon?" nakanguso nitong sabi at pumulupot sa braso ko.

Napatingin ito sa harapan ko.


"Hi po, Mr. Marquez! Good morning!" bati niya na tinanguan lang ni Ales na nakatingin lang sa akin.

"Bye! I love you. Alis na, male-late ka na." nagmamadali kong pagsasabi kay Ales habang tinutulak siya ng mahina sa dibdib.


"Bye. I love you too." he kissed my hair for the last time at naglakad na paalis kasunod ang mga personal body guard niya.


"Ang sungit ng boyfriend mo." Inirapan ko lang siya ng pabiro kaya hinampas ako nito sa braso.

"Aww!" daing ko at sinamaan ng tingin si Carla na inirapan din ako.

Napailing ako dahil sa pagiging isip bata nito. Ang kulit talaga.

Isa yatang himala ang nangyari at naging tahimik ang araw ko. The judging stares are now gone. Hindi na rin ako nakakarinig ng mga kwento tungkol sa akin.

Himala din na naging mabait sa akin ang mga teachers ko.


Nagla-lunch kami ni Carla dito sa dati naming tambayan, ang garden. Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan nang mag tumawag sa pangalan ko.


"Pinapatawag ka daw ng Principal, Blue." Nagpakunot ang noo ko at walang nagawa kundi sumunod sa babaeng ito. Pagkarating ko sa office ay sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ng aming Principal.

"Upo ka muna, Miss Maniago."


"Bakit niyo po ako pinapatawag, Sir?" agaran kong tanong sa kanya.


Bumuntong hininga ito at napahilot sa kanyang sentido. "I just wanted to apologize personally of what happened. Pasensyahan mo na ang mga nasasabi sayo ng mga kamag-aral mo at ng mga teachers mo. Ginawan ko na ng paraan para magtigil ito and me and the other faculty members are sincerly sorry. On behalf na din ng mga schoolmates mo. Sana mapatawad mo kami, Miss Maniago."


Nagulat ako nang yumuko ito sa aking harapan at paulit-ulit na nag-bow. Agad ko itong pinigilan.


"Ay, Sir. Okay lang po. Pinapatawad ko naman po kayo.Okay lang po talaga." sabi ko dito at ngitian ng peke.

Ilang minuto pa ang ginugol ko sa loob ng opisina dahil madami pa ang naging tanong nito sa akin. Kamusta daw ba ang pag-aaral ko dito at binilinan pa niya ako na magsumbong kaagad sa knaya kapag may umapi sa akin.

Gagawan daw agad niya ng aksyon.
Paglabas ko ng office ay nakahinga ako ng maluwag. Grabe, talagang tinotoo nito ang sinabi ni Ales. Damn, Ales and his power. Napailing ako habang naglalakad na para makabalik ulit sa garden. Biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa kaya nakakunot noo ko itong kinuha para tinginan kung sino ang tumatawag.

Si Tanda.

"Hello?" sagot ko dito habang naglalakad pa rin papuntang garden.

Hindi ko pinansin ang pagngiti ng mga ka-schoolmates at ang mga ngiti ng mga teacher ko habang naglakakad.

"Hi baby, kumain ka na?" malambing nitong tanong na siyang nagpanguso sa akin. "Oo, kumakain na kami ni Carla."

"Good girl. By the way, baka hindi kita masundo mamaya, hmm? May meeting ako mamaya with an important investor. Will you be okay going home with Carla? I'll send my driver later para ihatid kayong dalawa."

Umirap ako. "Okay..." maikli kong sabi

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. "I'm sorry, baby. Pupuntahan nalang kita mamaya, okay?"

"It's fine. Kaya ko nang mag-isang umuwi. Hindi ko makakasabay si Carla mamaya pag-uwi dahil kukunin siya ng Mommy niya. May lakad daw sila."


"Blue." madiin nitong bigkas sa pangalan ko. "Wag matigas ang ulo. I'll send my driver later to fetch you."

"No! Uuwi akong mag-isa! Kaya ko naman eh!" sigaw ko sa kanya.


Napatingin sa akin si Carla habang ngumunguya nang makarating ako sa garden. Nagtataka siguro ito kung sino ang kausap ko at bakit ako sumisigaw.


"God damn it, Blue! Fine! Kung 'yan ang gusto mo! Ang tigas ng ulo mo! Ang dami ko ng problems dito dumadagdag ka pal" sigaw pa niya.

I felt like something was broken inside me nang marinig ko ang pagsigaw niya sa akin. Agad kong pinatay ang tawag at nagpunas ng luha. Oh my god, nag-away na naman kami ni Ales. He's mad again. It's not my fault— I think? Bakit? Gusto ko lang namang mag-isang umuwi eh.

What's wrong with that?

Kanina ang lambing lambing niya tapos ngayon... Nakaramdam ako nang yakap mula sa gilid ko. Si Carla. "Wag kang umiyak. Pagod lang siguro si Mr. Marquez. Ikaw kasi..."

Napatingin ako sa kanya. "Me? Ano bang kasalanan ko? Sabi ko lang naman na kaya kong umuwi ng mag-isa eh!" pagsusumbong ko na parang bata.


Binatukan ako ni Carla. "Hindi mo ba naisip na nag-aalala lang yung tao! Pwede ba, Blue mag-isip ka nga. Baka pagod pa yung tao tapos sumabay ka pa?"




Napanguso ako. "Pero-"

"Walang pero pero! Kasalanan mo naman pala eh. Mag-sorry ka."


Napahiya ako dun. Carla's right. It's my fault. Pagod lang talaga si Ales sa trabaho niya. Bakit ang tanga mo, Blue? Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang cellphone ko. Hindi na siya tumawag ulit? I typed his number at tinawagan siya. Pero na-disappoint ako nang ibinaba lang nito ang tawag.

Ouch.

Muli kong tinawagan ang number niya pero out of coverage area na daw ito.

Huminga ako ng malalim at umiyak kay Carla."Yan kasi. Ang tigas ng ulo mo." Sabi pa nito at niyakap nalang ako.

Napatigil nalang ako sa pag-iyak nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na naman ulit ang klase.

Nanlulumo akong tumayo at naglakad patungo sa classroom. Buti nalang at nandito lang si Carla sa tabi ko.

"Wag ka nang malungkot. Puntahan mo nalang siya mamaya sa office niya. Lambingin mo. Alam ko namang hindi ka matitiis ni Mr. Marquez eh." confident na sabi ni Carla.

Nabuhayan ako ng loob. "Tama ka. Pupuntahan ko nalang siya mamaya."

Excited akong lumabas ng school. Kumaway ako kay Carla at nagpaalam nang sumakay ito sa sasakyan niya. Gusto pa sana ako nitong ihatid kay Ales pero tumanggi na ako dahil baka makaabala pa ako sa lakad nila ng kanyang mommy.

Sumakay ako nang taxi papunta sa company ni Ales. Ang bilis ng tibok ng puso ko nang makarating ako. Agad akong ngabayad at lumabas ng taxi.

Sinalubong ako ng ngiti ng security guard at agad na pinapasok. May tinawag itong babae na mabilis na lumapit.

"Ay Ma'am! Good Afternoon po." masigla nitong bati sa akin at nginitian ako. "Si Ales?" tanong ko dito.

"Ay Ma'am, nasa may meeting po sila ngayon ng isang investor."

"Ganun ba. Pwede ko bang hinatayin siya sa office niya?"


Tumango ito. "Ay sige po, Ma'am. Ako na ang magdadala ng bag mo."


Agad akong umiling nang akmang kukunin nito ang aking backpack.

"No need." I smiled assuring her dahil parang nag-aalangan pa siya kung susundin ba niya ako. I wonder kung ano mga inutos pa ni Ales sa mga tauhan niya dito?

Tumango ang babae at tumango.
Nang makarating kami sa floor ay naiwan ang babae sa elevator. Hindi daw kasi sila pwedeng tumapak sa floor na ito.


Strict intruction of Ales.

"Thank you." sabi ko sa babae na tumango at nagpaalam kasabay nang pagsira ng elevator. Huminga ako ng malalim at naglakad patungo sa kanyang office. Hindi na ako nagtaka nang hindi ko maabutan ang kanyang sekretaryang lalaki sa labas ng office.

Usually, everytime I came here nandito palagi iyon para salubungin ako. I guess, nasa meeting din siya kasama si Ales.

Nagkibit balikat nalang ako at walang katok katok na pumasok sa kanyang opisina. Nilapag ko ang aking bag sa isang table at umupo sa malabot na upuan.

I sighed deeply at isinaulo ang mga sasabihin ko kay Ales. Bakit ba kasi ang hirap nito? Hindi ako sanay na ako ang nagso-sorry samin. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa mapansin ko na ang pagdilim ng buong paligid.

Napatingin nalang ako sa bintana at nakita kong gabi na. Napatingin ako sa orasan at nakita kong mag a-alas otso na pala ng gabi. Grabe ganun ba katagal ang meeting niya?

Or nandito pa ba talaga siya? Baka naman umalis na ito? Hang oras na ba akong naghihintay dito? Uuwi nalang ako. Bukas ko nalang siguro siya kakausapin. Baka busy talaga siya ngayong araw.

Kaya siguro nagalit ito kaagad asa akin. Nanlambot ang aking katawan dahil nabigo akong makausap si Ales.

Sinuklay ko ang aking buhok at tamad na sinabit sa balikat ang aking bag.
Inilabas ko muna ang aking cellphone para tingnan kung may message o tawag man lang siyang isenend.

Muli akong nabigo.

Dahil ni isa wala akong natanggap sa kanya. Huminga ako ng malalim at tumingala para pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. Galit na galit talaga si Ales sakin. Sinubukan ko siyang tawagan. Nag-ring ito ng ilang beses pero hindi ito sumasagot.

Naglakad ako palabas ng office niya habang tinatawagan ulit siya.

Ring lang ito ng ring.

Bumukas ang elevator at mabills akong pumasok. Again— walang sumagot sa tawag. Huminga ako ng malalim at sa huling pagkakataon ay muli siyang tinawagan.

At sa wakas ay sinagot na nito ang tawag ko. "Hello? Who's this, please?"


Natigilan sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang boses na sumagot sa tawag ko. Isang babae. Maarte ang pagkakasabi nito. Her voice is kind of familiar.

Pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig. Sino naman kaya itong sumagot sa telepono ni Ales?


"Uhm? Hello? Is someone there?" Doon na ako natauhan. Mabilis kong pinatay ang tawag. Sobrang bilis na din ng kabog ng dibdib ko. Halos manginig ang buong katawan ko sa galit na unti-unting lumalamon sa akin.

Putang ina. Babae na naman? Nag-away lang kami naghanap kaagad siya? Ang babaw ng hayop na 'yon.


Saktong pagbukas ng elevator ay nakasalubong ko ang pamilyar na mukha ng sekretarya ni Ales. Nanlaki ang mata nito at mabilis na gumilid sabay yuko paglabas ko ng elevator.

"Ma'am, magandang gabi po."


Napakuyom ang aking palad. "Nasaan ang boss mo?" madiin kong sinabi.


"U-Uh, inimbita po kasi siya ni Ma'am Katrina-"

Napatawa ako ng pagak. I clenched my jaw trying to calm myself from snapping at her. Wala siyang kasalanan pero parang gusto kong mabaling ang inis ko ngayon. 

"Aahhhh..." I said sarcastically. "Sabihin mo dyan sa boss mo..." Napalunok ako bago ko sabihin ang susunod na salita.


"Magsama silang dawala ng childhood friend niya! Tapos na kami." malamig kong usal at mabilis na naglakad palabas ng building.

Narinig ko pa ang pagtawag ng sekretarya ni Ales sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin at mabilis na tumakbo. Hindi ko na din pinansin ang pagbati ng security guard. Tumutulo ang luha ko nang makasakay ako ng taxi.

Nakita ko pa ang pagtataka ng taxi driver dahil bigla nalang akong napahagulgol sa iyak katapos kong sabihin ang lugar namin. Iyak lang ako ng iyak sa biyahe hanggang sa nakarating na ako sa bahay.



Pinunasan ko ang luha ko at binayaran ang taxi. Huminga muna ako ng malalim bago naglakad sa bahay namin na nakayuko.

Napaangat ako ng tingin sa bahay ko at napahinto nang makita ng paningin ko ang isang kotseng nakaparada sa labas ng bahay. Alam kong hindi iyon kay Ales. Kilala ko ang kotse niya.

Nakabukas na din ang ilaw sa bahay.

Mabilis akong pumasok sa bahay at kumabog ng mabilis ang puso ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses sa loob.


Si Auntie!


Nilapag ko ang bag ko sa gilid ng pinto at dahang-dahang naglakad sa sala kung saan nang gagaling ang boses ni Auntie.


"Auntie?" excited kong tawag. Napawi lang ang ngiti ko nang ibang tao ang mabungaran ko na naka-upo sa sala.

Napakunot ang noo ko.

Ang mga Ivanov.

Pareho itong napatayo nang makita nila ako. Nagkita ko pag awang ng labi ni Mrs. Ivanov at ang luhang lumabas sa kanyang mata. Seryoso lang naman ang ekspresyon ni Mr. Ivanov pero malambot ang tingin na binibigay nito sa akin.


"Moya Doch'..." manghang nitong sinabi sa hindi ko maintindihang lengwahe.


Minumura niya ba ulit ako katulad nang ginawa niya noong prom namin?
I smiled awkwardly.

"Good Evening too?" Naputol lang ang titigan namin dahil sa tunog ng pagkabasag ng isang bagay. Napatingin ako sa direksyon na iyon at namataan ko si Auntie na namumutla.


Umiwas ito ng tingin at napangiti bago pinulot ang mga nabasag. Agad akong dumalo sa kanya para tulungan siya.


Nanginginig ang mga kamay nito habang pumupulot ng mga piraso na basag na parte ng tasa. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Auntie, ako na po." nag-aalala kong sabi.

Hindi na ito nakaangal ng mabilis kong pinulot isa isa ang mga nabasag. Itinapon ko ito sa basurahan at winalis ang para siguragduhing walang mga natirang bubog sa sahig.

Sa wakas ay natapos ako at muling bumalik sa sala kung nasaan si Auntie.

Napangiti ako. "Auntie!" masaya kong tawag at tumakbo papalapit sa kanya.

"B-Blue..." nanginginig nitong sabi habang niyayakap ko siya.


Grabe, parang isang taon kaming hindi nagkita ni Auntie. Na-miss ko talaga siya. "Auntie! Na-miss ko po kayo! Bakit ang tagal niyo?" I pouted.


She smiled but her eyes says pain.


"B-Blue, na-miss din kita, pamangkin ko." Napangiti ako at niyakap siyang muli ng mahigpit. Hinaplos niya ang aking likod at hinalikan sa sentido.

"Nagpakabait ka ba, ha?" malambing nitong tanong habang inaayos ang aking buhok na nagulo.

Mabilis akong tumango na parang bata. Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Ales. Magagalit na naman siya. Buti nalang at dumatina na si Auntie baka nagmumok na ako ngayon at umiiyak ng isang balde.

"Belez..." I heard someone said.


I frowned in confusion. Humakbang ng kaunti si Mrs. Ivanovs na may luha na sa kanyang mata. Napatingin ako kay Auntie na may pagtatanong. Ano bang nangyayari? Bakit nandito ang mga Ivanovs? At bakit kilala nila si Auntie?

"Poznakom'tes's nashey docher'yu, Belez."

Ano daw?

"B-But Madam-"

"Pozhaluysta..." nakikiusap ang tono nito. Napayakap lang ako kay Auntie.


"Auntie, ano pong nangyayari? Bakit po sila nandito? Bakit mo sila kilala?"


Huminga ng malalim si Auntie at malumay na tumingin sa akin.
She smiled. "Blue, umupo muna tayo. May sasabihin ako sayo..." malungkot nitong sabi.


Lumapit kami sa kinauupuan ng mga Ivanovs para sana umupo pero bago pa man ako makaupo sa sofa ay mabilis akong niyakap ng mahigpit ni Mrs. Ivanov.


Humagulgol ito sa iyak at sinubsob ang mukha niya sa aking leeg.

Huh? Anong nangyayari sa kanya? Bakit siya umiiyak? Naawa tuloy ako, parang hinihiwa ang puso ko sa bawat hikbi niya. Parang gusto ko siya yakapin ng mahigpit para patahanin.

Humagulgol ito sa iyak at sinubsob ang mukha niya sa aking leeg. "Moya Doch'... Moya Doch'..." paulit-ulit niyang usal.

Hinawakan naman siya ng kanyang asawa sa braso. "Rasslab'sya moya lyubov'..."malambing nitong usal.

Nagkatinginan ang aming mata at hindi ko mapigilang manindig ang balahibo dahil parang nakatingin ako sa aking sariling mata. Berde din ang mga mata nito.

Hindi ko na naawat si Mrs. Ivanov sa pagyakap sakin dahil sobrang higpit ng yakap niya na parang napaka-importante kong tao sa kanya.

Bakit niya ba ako niyayakap? Hindi ko naman sila kilala eh.

Bago pa man ako mahimatay dahil kakulangan ng hangin ay napabitiw na si Mrs. Ivanov. She cupped my face and stared at me lovingly.

What? Anong klaeseng titig yan, Ma'am?

"Ty takaya krasivaya. Vy pokhozhi na svoyego ottsa..." she said like she's proud. Ang sarap pakinggan ng kanyang lengwahe pero nakakadugo din sa ulo dahil hindi mo ito maintindihan.


Ang ganda sa malapitan si Mrs. Ivanov. Para siyang manika. She looks like she's in her late 30's at ganoon din si Mr. Ivanov. Grabe yung lahi nila.

Bumaling ito sa kanyang asawa. "Ona vyglyadit kak ty..." she said.


"Inessa..." baling namin nito sa akin.


"Madam..."


Napatingin ito kay Auntie. She smiled bitterly at bumitiw na sa akin. Umupo na ito katabi nito ang asawa na mabilis na pinulupot ang kamay sa bewang ng kanyang misis.


"Blue, umupo ka muna." seryosong sabi ni Auntie. Ako nalang pala ang nakatayo.


Huminga ulit ng malalim si Auntie at kita ko pa ang pagtingala nito sa taas na parang pinipigilan ang kanyang luha.
Hinawakan niya ako sa dalawang palad na sobrang higpit.


She smiled.


"Diba sabi ko, may sasabihin ako sayo pagdating ko?" panimula nito.


I nodded. "Opo. Ano po yun, Auntie?" Sana naman ay hindi masamang balita ang kanyang sasabihin.


"B-Blue, p-patawarin mo ako..." naiiyak na naman si Auntie.


I chuckled. "Bakit naman po Auntie? Wala naman po kayong nagawang masama eh." nagtataka ako.


She shook her head. "Ang mga..." her voice choked."Ang mga Ivanovs— s-sila ang tunay mong mga magulang, Blue."



Nanlamig ang buong katawan ko sa naging rebelasyon niya. She's joking right? Matagal nang patay ang mga magulang ko. Paano nangyari yun?

"P-Po? S-Sino?" nalilito kong tanong kahit nagkakaediya na ako kung sino ang tinutukoy niya. It can't be. This is not real. Please, tell me this is not real.

Hindi, Blue. Mali lang ang rinig mo. Hindi iyon lumabas na salita kay Auntie. Mali ka ng dinig. Mali ka ng dinig, Blue.


Try again.



"We are your real parents, love." biglang sabi mula sa aking likod.



© iorikun

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro