Pahina 39
PAHINA 39
***
Napagdesiyunan namin na si Carla nalang ang matutulog sa sofa habang sa sahig naman kami ni Ales. Ayaw naman niya kasl sa guest room. Gusto niya daw na magkatabi kami.
Tsk.
Kaya wala akong nagawa kundi ipaghanda ko ng matutulugan si Ales. Napakagat ako ng labi habang papalapit ako kay Ales na naghihintay sa sala. Nakapamulsa pa ito habang nililibot ang tingin sa buong bahay.
"Tanda..." I called him out loud without having any idea what I had just said.
Huli na nang ma-realize ko.
Gusto kong mapapikit ng mariin dahil sa natawag ko sa kanya. Damn it.
I saw a small frown formed on his forehead before smirking. "Thanks, baby." He kissed my forehead at nakangiti niyang kinuha ang dalawang unan at kumot na iniabot ko.
I pouted at mabilis na tumalikod sa kanya. Napatingin ulit ako kay Carla na mahimbing na muli ang tulog.
Nakakainggit talaga.
"Baby, let's sleep. May pasok ka pa bukas right?" malambing na tanong ni Ales habang naglalatag ng unan at ku
mot.
Napatingin lang ako sa kanya at tumango ng tipid.
He smiled at inayos ang hihigaan ko, which is beside him. God, ilang a raw ko na siyang hindi nakakasama. Ngayon ko lang napagtantong miss ko na talaga siya. Yung pag-aalaga niya sakin.
"Come here." he patted.
Nakanguso akong lumapit sa kanya. Agad niyang nilagay sa bewang ko ang kamay niya at nilapit ako sa katawan niya. Yakap niya ako mula sa likod habang naka-upo kaming dalawa.
Pinatong niya ang ulo niya sa leeg ko at
naramdaman ko ang pasimple niyang pag-amoy dito. Naconsious tuloy ako bigla sa amoy ko. Pero naghalf-bath naman ako kanina eh.
"I miss you..." he murmured while leaving kisses on my neck.
Hindi lang ako umimik at pinalaruan lang ang mga daliri ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Kahit ilang a raw na ang lumipas talagang tatak na tatak pa rin sa akin yung halos pagpatay ni Ales sa kambal nito. Unang beses palang ako nakakita ng ganoong senaryo at kay Ales ko pa talaga makikita iyon.
Narinig ko siyang bumuntong hininga
ng malalim. "You're still mad baby? I'm sorry, Blue." he said in a gentle voice.
"I'm sorry..." tss. Kanina pa siya nagso-sorry. Hindi pa rin ako tumugon sa kanya.
"I was just eaten by jealousy and possessiveness. Nagselos ako kasi sobrang lapit niyo sa isa't-isa like...like you were about to kiss. I don't know what happened. Parang may demonyong sumanib saken when I saw the two of you in that position. Nakakainis."
Nagulat ako nang bigla itong sinuntok ang sahig at marahan na paghawi ng kumot.
I gaped at napalingon sa kanya. Dahil lang doon kaya kaya niyang patayin ang kakambal niya? Seloso siya, Oo, pero hindi ko akalaing sobra sobra pala ang pagkaseloso at possessive nito na kaya niya saktan ang kahit sino man. Even his own twin. Grabe.
Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"And I'm sorry for hurting you. I'm sorry, Blue." pahina ng pahina niyang sabi.
Naging mabigat ang paghinga ko.
Naiiyak ako. Bumalik na naman sa akin ang pangyayari. Talang natakot ako sa kanya.
"I'm sorry. Hindi ko na uulitin.baby. I already said sorry to Alex. We're okay. Pero, ikaw..."
Hindi ko na siya pinatapos dahil humarap ako sa kanya at dinamba siya ng yakap. Napahiga kaming dalawa sa lapag buti nalang hindi iyon gumagawa ng malakas na inggay. Mukhang nagulat naman si Ales sa nangyari.
I hid my face on his neck.
"I miss you too. Tanda ka." parang bata kong sambit.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at hinagod ang likod ko. He moved at nakatagilid na kami habang hindi humihiwalay sa yakap. He kissed my forehead.
Siniksik ko ang sarili ko sa kanya at mas tinago ang mukha sa leeg niya dahil sa mga luhang tumutulo sa mata ko. Ayokong makita niya akong umiiyak.
"Forgive me, please?" belong niyang sabi. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang tumango ako.
Hindi ko siya kayang tiisin eh.
Ilang minuto kaming natahimik at niyakap lamang ang isa't-isa. Pasimple kong pinunasan ang mata ko. Tiningala ko siya at nakita ko ang unti-unting pagpikit ng mata nito. I smiled at hinaplos ang kanyang pisngi dahilan para bumukas ang kanyang mga mata.
He smiled weakly. "Tulog na tayo, baby...hmm?" lambing nito.
I pouted at tumango nalang. Naawa tuloy ako sa kanya. Parang isang taon na hindi nakatulog. Pero hindi pa rin nawala ang kagwapuhan nito. He covered us with a blanket at tumanday sa akin. I frowned dahil medyo nabigatan ako sa paa niya. Mahina kong pinalo ang kanyang legs kaya napatingin ito sakin.
"Mabigat." reklamo ko habang nakasimangot. He sighed and kissed my forehead. "Sorry po."
I giggled at hinalikan na lang ito sa labi. At ako naman ngayon ang tumanday sa kanya. He chuckled at mahinang hinaplos ang legs ko na nakatanday sa bewang niya. Pinatong niya ang ulo ko sa malaki niyang braso at pinaglaruan ang buhok ko. Dahilan para mabilis akong dalawin ng antok.
"Good night, baby. I love you." he whispered.
"I love you too." I softly said before darkness took me.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil parang may mabigat na bagay ang nakadantay sa buong katawan ko— si Ales. Nahirapan pa naman akong alisin ang pagkapulupot ng mga kamay niya sakin without waking him.
Pero siguro sa sobrang kulang ng tulog niya ay hindi ito nagising sa paggalaw ko.
Kaya naghanda ako ng almusal para sa aming tatlo. Mamaya ko nalang siguro gigisingin si Carla. Ala-singko palang naman eh. Alas-otso kasi ang pasok namin. Tsaka may data naman siguro yung uniform para dito nalang siya magbihis at sabay kaming pumasok.
Si Ales— napabuntong hininga ako. Paano ba 'to? Ayoko namang isturbuhin ang tulog niya. I'm sure late ito magigising dahil kailangan pa nito ng mahaba-mahabang tulog. Kung bakit ba naman kasi hindi ito natulog ng mabuti?
Hindi ko naman siyang pwedeng iwan lang baka hanapin niya agad ako.
Maybe I'll just leave a note. Ibibilin ko nalang din sa kanya muna yung susi tutal may spare key naman ako. Maybe ganun nalang ang gagawin ko.
Nang matapos kong maluto ang mga ulam ay tumungo ako sa sala. Napangiti ko nang makita ko ang mahimbing na natutukog na si Ales. He looks so peaceful covered in that white blanket habang nakatanday ito sa unan. Buti nalang at sinuway ko siyang matulog na nakahubad. Baka atakihin sa puso si Carla pag makita niyo itong topless.
Napailing ako.
"Carla...gising na." pagigising ko dito na mahinang lang ang boses.
Naalimpungatan ito nang yinugyog ko ang balikat niya. Umungol ito bilang protesta at sumiksik sa pagkakahiga.
"Five more minutes, Blue. Antok pa 'ko." reklamo nito.
I rolled my eyes at her response.
"May uniform ka namang dala diba?" paniniguro kong tanong sa kanya. Gusto ko lang masigurado baka nakalimutan niya ito.
Napabalikwas ito ng bangon at nahulog sa sofa. "Hala!" gulat na sambit nito.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Don't tell
me nakalimutan mong magdala, Carla."
Sinasabi ko na nga ba eh.
Napakamot ito sa buhok na buhaghag dahil sa bagong gising ito. Ano ba 'yan.
Kailangan yatang umuwi ni Carla sa bahay nila para makapagbihis.
"Hala, Blue. Nakalimutan ko. Anong oras na?" nagmamadali nitong sabi.
"Five-forty five na. Bakit mo naman kasi nakalimutan? Nakakainis ka naman. Kala ko magsasabay na tayo papuntang school." nakasimangot kong sambit sa kanya.
Napanguso ito at lumapit sa akin para yakapin ako. "Sorry na kasi Blue. Nawala kasi sa isip ko. Sorry na."
Pinakain ko muna ng almusal si Carla bago ko siya pauwiin. Sorry ito ng sorry habang nasa gate kami at naghihinatay nang masasakyan niyang tricycle. Buti nalang at fifteen minutes lang ang biyahe mula sa kanila.
"Sorry na Blue. Kita nalang tayo sa school ha? Bye. Love you!" makulit nitong sambit habang sumasakay sa tricycle.
Ngumuso lang at tumango.
"Wag kang magpapa-late ha? Tatamaan ka talaga sakin mamaya." biro ko dito.
"Opo nay!" pahabol nitong sigaw at tuluyan nang lumarga ang tricycle na sinasakyan nito.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga habang pumapasok sa bahay. Napakagat ako ng labi nang napagtantong nasa loob pa pala ng bahay si Ales.
Nang makapasok ako ay napadako agad ang mata ko sa hinihigaan niya.
Mahimbing pa rin itong natutulog. Kaya tinungo ko ang sofa at maingat na niligpit ang mga unan at kumot na ginamit ni Carla.
Napatingin ako sa orasan habang paakyat ako ng hagdan. It's already 6:30 AM. Kailangan ko nang maligo at maghanda para sa pagpasok ko.
.Sinusuklay ko ang basa kong buhok habang nakaharap sa salamin nang makarining ako ng mabibigat na tunog ng foot steps sa labas ng kwarto.
Napahinto ako sa pagsusuklay nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Ales.
"Blue! Blue!" palakas nang palakas ang sigaw nito. Kinuotan ko ito nang noo at lumabas ng kwarto. Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin ng mahigpit.
Napahawak ako sa braso niya.
"Ang lakas ng boses mo. Bakit ka ba sumisigaw?"
He sighed in relief at mabilis akong nialapitan. "Sorry po." malambing niyang sagot habang sumisinghot sa buhok at leeg ko.
Kumalas ito sa yakap at hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko mapigilang matulala sa hitsura niya ngayon. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit bagong gising?
"You're going to school...hmm? Gusto mo hatid na kita?" Napanguso ako at tumango.
Nakita ko ang paglaki ng ngisi nito.
"Okay. Kumain ka na ba? Bakit ka pinagpapawisan?" he frowned.
Pinunasan niya ang pawis sa noo ko gamit ang palad niya.
I smiled."Ang init sa loob ng kwarto eh."
He nodded. "Bakit pala hindi kayo natulog ni Carla sa loob ng kwarto mo kagabi?"
"Kasi... may nakita daw kasi na multo si Carla." sabay yakap sa kanya.
He chuckled at binuhat ako kaya napakapit ako sa balikat niya. He kissed me fully on the lips.
"Naniwala ka naman doon." he teased after the kiss. Buhat niya pa rin ako.
"Oo kaya!" parang batang pagtatanggol ko. His eyes sparkle in amusement and shook his head and patted my head.
"Okay, okay. Wag nang magalit."
Natapos na ako sa pag-aayos at it's already 7:15 AM. Hmm... 10 minutes lang naman ang biyahe sa school. Kaya simahan ko nalang kumain si Ales. Ayaw pa nga nitong kumain hanggang hindi ko daw siya sinusubuan at kailangan din daw na nakaupo sa lap niya.
Kaya sinunod ko nalang ang gusto niya. Kaysa naman sa magbangayan pa kami hanggang sa ma-late na ako.
"K-Kamusta naman si A-Alex?" Maya-maya'y tanong ko sa kanya. Kinakabahan ako na tanungin siya kasi alam kong magseselos na naman siya. Pero gusto lang naman malaman ang kalagayan niya. Talagang mukhang bugbog sarado talaga ito sa ginawa ni Ales sa kanya. Sobrang daming dugo ang nakakalat sa buong kusina na noong araw na iyon.
Napatungo ako nang bigla itong napahinto sa pagnguya ng pagkain niya. Uminom muna ito ng tubig at nagtiim ang bagang.
"He's fine. Why are you so worried about him? Malaki na siya. His condition is not your business." mapait niyang sambit bahid din sa tono nito ang pagkairita.
Tumango nalang ako at muling siyang sinubuaan. Pero this time he didn't open his mouth. Nanatili itong nakatitig sakin na parang sinusuri ako ng matiim.
Napabuntong hininga ako at nilapag ang kutsara na may laman pang pagkain. Sabi ko na ba eh. Nagseselos na ito pag ganito.
Nagseselos na ito pag ganito.
"Gusto ko lang naman malaman. Nagseselos ka na naman diyan." mahina kong sabi.
Hinawi ko ang braso niya na nakapulupot sa bewang ko at tumayo- leaving him. Bahala siya sa buhay niya. Nagtatanong lang naman ako, nagseselos na agad.
Kahit naman sinabihan ako ni Alex ng masasakit na salita bago siya mabugbog ni Ales- concern pa rin naman ako eh. Tao pa rin siya. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit nasugod ito sa hospital na duguan.
Napagdesisyonan kong magkulong muna ng ilang minuto sa kwarto ko. Inayos ko ng konti ang buhok ko bago ko mapagdesisyonan na bumaba.
Napahinto ako sa pagtapak sa huling hagdanan nang sumalubong sakin ang bulto ni Ales na nakapamulsa sa may sala. Nakaayos na din ang porma nito.
Umiwas ako ng tingin sa kanya nang tumingin ito sa direksyon ko.
"Baby..." he mumbled at lumapit sakin.
"Tara na. Late na ako."
Nilagpasan ko lang siya at nauna ng lumabas sa kanya. Narinig ko lang ang mabigat na buntong hininga nito.
"Give me your bag. Ako na ang magdadala."
Hindi ko siya pinakinggan at nagtuloy-tuloy lang sa lalakad.
Nagtatampo lang ako sa kanya. Kasi naman ang sakit ng tonong ginamit niya sa akin kanina. Feeling ko tuloy- naiirita na siya sakin. Nagsasawa na sa pag-aalaga sa isang batang katulad ko.
Kinusot ko ang mata ko nang may maliit na butil ng luha ang lumabas dito. Kainis. Ang sensitive ko talaga.
"Baby, talk to me, please." he pleaded.
Hinawakan niya ang kamay ko at nilagay iyon sa labi niya. Hindi ko na nakayanan at tuluyan na akong napaiyak.
God, bakit ba ako naiiyak? Stupid emotions.
"N-Nagtatanong lang naman ako kanina eh. Nagalit ka agad sakin." patuloy ko pa rin pag-iyak na parang batang inagawan ng candy.
"Ssshhh...Blue, stop crying. Papasok ka pa sa school." madiin niyang sabi sa huli.
Napasunod ako at kinusot kusot ang mata. Napasandal ako sa kotse niya nang lumapit ito sakin. He cupped my face at nilapit niya iyon sa mukha niya.
He kissed my forehead.
I looked at him. Napakagat ako ng labi dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.
"I'm sorry... I'm not mad, okay? I'm jealous. Ako lang dapat, Blue. Ako lang wala ng iba. Akin ka." he said possessively.
Tahimik lang kami buong biyahe papuntang school. Nakahawak lang ang kamay naming dalawa. Sinaway ko nga siya dahil isang kamay ang ang ginagamit niya sa pagmamaneho pero ayaw paawat.
He started kissing it instead. "I love you baby..." malambing niyang sabi sa gitna ng biyahe.
I grinned at him at him hinalikan siya ng mabilis sa pisngi. "I love you too, Tanda!" I exclaimed with jolly.
He chuckled at maya-maya'y binitawan na ang kamay ko dahil magpa-parking na siya. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa school.
I pouted at him. "Bye. Inggat ka. Happy Birthday, late na."
Hinapit niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi. "Thanks, baby. Behave, Blue..." he gave me a pointed look.
"Yes. Behave ka din sa office mo!"
Tumawa ito. "Opo, baby..."
© iorikun
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro