Pahina 38
PAHINA 38
***
"Opo, Auntie..." bumuntong hininga ako ng malalim habang pinapakinggan sa kabilang linya ang samu't saring paalala sa akin ni Auntie. Mag-iisang oras na yata akong nakikinig sa kanya.
Nalaman niya kasi na dalawa lang kami ni Carla ngayong gabi. Nag-aalala na naman siya baka daw kung anong mangyari sa aming dalawa. Parehas pa naman kaming babae ni Carla.
"Diyos ko naman, Blue... siguraduhin mong naka- lock ang gate, ang pinto, isarado mong mabuti ang mga bintana... maghanda ka lang ng pamalo diyan sa tabi niyo... diyos kong bata ka, hindi na naman ako makakatulog dahil sayo nito..."
Natawa ako dahil sa mahaba niyang pagsasalita. Halos ika-labing anim na niya 'ata itong sinasabi mula kanina.
Kahit kailan talaga napaka-paranoid ni Auntie pagdating sa akin. Bigla ko tuloy siyang na-miss.
Kinagat ko ang aking labi at sinilip si Carla na pinipilit labanan ang antok habang nananuod ng TV. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang halakhak na gusto kumawala sa akin. Nakakatawa kasi ang itsura ni Carla ngayon.
"Auntie naman, okay lang po talaga kami ni Carla ngayong gabi. May mga kapit-bahay naman po tayo sakaling may mangyari hindi maganda..."
Narinig ko ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Siguraduhin mo lang Blue ha? Naku talagang bata ka..."
"Auntie naman, hindi na ako bata. Kaya na namin dito ni Carla..." Napanguso ako dahil parang tinuturing niya akong bata. Parehas lang sila ni...
"Bakit hindi mo na lang papuntahin ang magaling mong boypren ha? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" nai-imagine ko na ang pagtaas ng kilay niya habang sinabi niya ito.
Bumuntong hininga ulit ako ng malalim. Bumibi- gat na naman ang pakiramdam ko. Napakamot nalang ako sa noo dahil sa naging tanong niya.
"M-Maliit na away lang naman Auntie eh..." pagsisinungaling ko dito.
"Hay naku! O siya, kailangan ko nang magpahinga. Tawagan mo ako kapag may mangyaring hindi maganda dyan ha?" pagsisiguro ulit nito.
Napa-ikot ako ng mata dahil sa kakulitan ni Auntie. Paranoid talaga. Napaka-over protective talaha kahit kailan.
Napangisi nalang ako. "Promise po Auntie... sige na po. May pasok pa ako bukas kailangan ko pa pong mag-assignment. Good night po, I love you..."
Hindi ko na pinatapos ang susunod na sasabihin ni Auntie dahil mabilis ko nang pinutol ang tawag.
Huminga ako ng malalim at umiling.
Lumapit na ako sa kinahihigaan ni Carla na tuluyan nang nakatulog sa kapapanuod. Tumabi ako sa kanya at mabilis na kumuha at kumain ng chichiryang nakalapag sa tabi niya.
Napagdesisyonan kasi naming matulog ni Carla dito sa sala dahil natatakot raw siya sa kwarto ko. Minsan raw kasi may nakita siyang bulto sa bintana ko noong pumunta siya dito sa bahay. Ang sabi niya multo daw iyong nakita niya.
Natatakot na rin tuloy akong matulog sa kwarto ko dahil sa kwento niya.
Tinuon ko nalang ang buong atensyon ko panonood ng palabas sa TV. Tahimik at malamig na ang buong bahay. Kasabay rin ang pagiging tahimik sa labas, tanging tahol ng aso ng kapit-bahay namin lang ang naririnig ko.
Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Matatapos na lang ang dalawang oras na palabas sa TV ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok.
Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mata ko nang makita ko na alas dose na pala. Diyos ko. Hindi na magmumukha na naman akong zombie bukas.
Napanguso ako na tiningnan ang katabi ko. Parang nai-inggit ako kay Carla. Ang himbing-himbing ng tulog niya. Buti pa siya.
I groaned at humiga sa tabi niya.
Ibinalot ko ang katawan ko ng kumot at pumikit ng mariin. Hinayaan ko lang na mag-ingay ang TV. Yinakap ko pa ng mahigpit si Carla at tumanday sa kanya.
Pero maya-maya'y hindi na ako mapakali sa posisyon ko at padabog na inalis ang kumot sa katawan ko. Humiga ako ng tuwid at dumilat.
Pinatong ko pa ang kamay ko sa noo ko at tinitigan ng mabuti ang ceiling ng bahay. Nakakainis bakit ba kasi hindi ako makatulog?
I let out another heavy sigh at napagdesisyonang umupo nalang at manuod ng palabas.
Patay talaga ako nito bukas.
Makakatulog talaga ako sa klase. Hindi ko talaga ma-imagine na mapapagalitan ako ng teacher namin. I've never been punished before.
Bahala na. Kailangan ko nalang siguro uminom ng kape. Bibili nalang siguro ako ng black coffee bukas sa isang coffee shop. I hope that'll help.
Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa panunuod ng TV. Pinalitan ko yung channel hanggang sa nakahanap ako ng magandang palabas.
Napangiti ako at nabuhayan nang makita ko ang palabas.
Adventure Time with Finn and Jake.
***
Hindi ko na namalayan ang oras dahil masyado akong babad sa panunuod kay Finn and Jake. These two are my favorite. Walang makakatalo. Nakakaaliw kasi sila. Parang naalala ko sila sa amin ni Carla.
I giggled at that thought.
Pero nawala ang kasiyahan ko nang makarinig ako ng tunog na parang may lumilipad na dumaan sa ulo ko.
Bigla akong kinabahan at napahinto sa pagsubo ng junk food sa bibig ko.
Muli ko itong pinakinggan para siguraduhin ang narinig ko.Nanlaki ang mata ko nang biglang sumulpot ang isang insektong lumilipad at dumapo ito sa TV.
Bigla akong napatayo at napasigaw ng malakas nang makita ito.
Oh my god! Ipis!
Napatili ako nang biglang na naman itong lumipad na parang butterfly at hindi ko na namalayan na nagising ko na si Carla.
Napatingin ito sa akin na nakakunot ang noo. Kinamot pa nito ang buhok at binigyan ng nagtatakang ekspresyon.
"Carla! May ipis! It's flying!" malakas kong pagsabi dito at tinuro kung nasaan ang ipis.
Bigla itong tumili at nagtago sa ilalim ng kumot habang pinagpatuloy lang ang pagtili loob nito.
I gaped at her. What the? Iniwan lang niya ako dito. How selfish!
"Aaaahh! Blue! Patayin mo! Patayin mo please!" sunod-sunod na pagsasabi ni Carla.
"Ayoko! Alam mo namang takot din ako diyan— aaaaaahh! Oh my god! Oh my god!" nagtatalon na ako sa takot nang naging dalawa na ang ipis na lumilipad ngayon.
Oh my god. Anong gagawin ko?
Naglakas ako ng loob na kumuha ng pamalo at natyempuhan ko ang isa na nakadapo sa pader. Nanginginig akong lumapit at mabilis itong pinalo ng tsinelas.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong nahulog na ito at hindi na gumalaw.
Huminga ako ng mabilis at muling nilibot ang mata sa buong paligid para hanapin ang isang ipis.
"B-Blue, meron pa? Patayin mo na please..." nauutal na sabi ni Carla.
"Sssshhh..ewan ko sayo, Carla. Natatakot din ako okay? liwanan kita dito.." pagbabanta ko.
"Eeeh, Blue naman..." she whined.
Parang nakahinga ulit ako ng naluwang nang hindi ko na nakita ang isang ipis. Sa tingin ko nakalabas na ito sa binatana. Mabilis akong lumapit dito at isinirado ng mabuti.
"Oh god..." I breathe out in relief.
"Blue! Wala na ba?" natawa ako sa itsura ni Carla nang sumulip ito mula sa kumot.
"Wala na..." I said.
"Hay, salamat..." mabilis na itinabi ni Carla ang kumot sa gilid at humiga ulit sa higaan nito.
We both chuckled.
Pareho kaming takot ni Carla sa insektong lumilipad. It gives me creep.
Brrr... Ewan ko lang kay Carla. Talagang matatakutin talaga siya sa kahit ano.
Pero hindi nagtagal ang tagumpay nang may biglang malakas na katok kaming narinig mula sa gate. Agad na napabangon si Carla at mabilis na tumakbo at yumakap sa akin.
Pareho kaming nanlaki ang mata nang lumakas ang katok nito na parang nagmamadali at parang mav hinahabol ito.
My heart thumped faster at humigpit ang yakap ko kay Carla.
"B-Blue..." nanginginig na bulong ni Carla sa akin.
"Ssshh..." naging saway ko lang kay Carla.
Pareho kaming hindi kumibo at pinakinggan ang malakas na hampas ng tao na nasa gate. Hindi na ako nasaniban ng katapangan dahil nakakatakot talaga ang tunog ng hampas ng gate.
Para kaming bato ni Carla dahil sa sobrang takot. Pareho napako ang mga paa namin at tila naging paralisado ang buong katawan.
Maya-maya'y tumigil na ito. Pero hindi pa rin mawala ang kaba ko ngayon.
Hindi pa rin ako nakahinga ng maluwag dahil sa tahol ng mga aso mula sa labas. Meaning hindi pa nakaka-alis yung kung sino man ang nasa labas ng bahay namin.
Pareho kaming napatili ni Carla nang umabot na sa pintuan ng bahay namin ang katok.
"B-Blue... anong gagawin natin?"
Tears started to come out of my eyes. Hindi ko na alam ang gagawin namin. Ipinagdadasal ko nalang na magising ang mga kapit-bahay namin sa tahol ng mga aso sa labas.
"B-Blue.."
Mabilis akong lumapit kay Carla at itinago ko siya sa likod ko at inabangan ang pinto na bumakas dahil sa lakas ng pagtutulak ng kung sino mang tao ito.
"Aaaaaaaahhh!"
We both screamed nang biglang nasira ang pinto at nabuksan ito ng tuluyan.
Oh my god!
Napapikit ako ng mariin at napasigaw ng malakas dahil sa sobrang takot. Dito na ba kami mapapahamak ni Carla? Mamatay na ba kami?
"Fucking hell..." malakas na bulalas ng isang pamilya na baritong boses.
Dahil sa sobrang takot ay hindi ko na namalayan na nakayakap na ako sa isang malapad at mainit na dibdib ng isang tao.
I gasped rapidly at napamulat ng mata.
And to my relief I saw a familiar face.
Si Ales.
"Ales!" napasigaw ako ng malakas at mabilis na yumakap sa kanya at agad din naman niya akong yinakap pabalik.
I don't know what came over me basta gusto ko siyang mayakap ng mahigpit.
I was gripping his back so hard na parang ayoko nang bumitaw.
My whole body is still shaking.
"Baby...ssshhh. It’s okay." he whispered softly at my head at hinahalik-halikan ang buhok ko.
Umiling-iling ako at kumapit pa lalo ng mahigpit sa kanya. I'm scared. I was so scared. Akala ko may mangyayari ng masama sa amin ni Carla.
Napahagulgol ako ng tuluyan at naramdaman ko nalang na binuhat na ako ni Ales at isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nito. Nakita ko din na inalalayan ni Ales si Carla na maupo sa sofa habang buhat pa rin niya ako.
"Okay ka lang ba?" narinig kong tanong ni Ales kay Carla.
"O-Opo..."
I felt him nod at muling akong hinalikan nito sa ulo. He rubbed my back.
"Ssshh.. Blue... baby, are you okay?" pagbaling nito sa akin. He kissed my forehead at hinaplos ang buhok ko.
I just nodded and wiped my tears.
Tiningnan niya ako ng ilang minuto bago bumuntong hininga.
"I-I'm sorry. I got scared... I though something happened here... y-you were both screaming. That's why I rushed in here immediately..." he stuttered.
I sniffed at yumuko lang. I can't utter a word right now. Feeling ko naubos lahat ng boses ko dahil sa kakatili kanina.
Damn it.
"A-Ah.. kukuha lang po ako ng tubig sa kusina...para kay Blue. Maiwan ko po muna kayo." mabagal na sabi ni Carla.
She's probably hesitating if iiwan niya kami ni Ales. Alam niya kasi ang lahat ng nangyari noong kaarawan ni Ales.
"Thanks..." maikling tugon ni Ales kay Carla.
Pinunasan ko ang luha ko na hindi pa rin titingnan si Ales. I still can't face him.
"B-Baby... I'm sorry if I scared you and Carla...l got worried." he said softly at hinawan ang pulso ko para pigilan ang kamay ko sa pagpunas ng luha ko.
Inangat niya ang mukha ko at napapikit ako ng mariin. This time, naramdaman ko siya na ang nagpunas ng luha ko.
"Baby, talk to me please. I miss you."
I shook my head at umalis sa lap niya.
Pero agad niya akong pinigilan at hinigpitan ang pagkakahawak sa bewang ko. Napatingin ako sa kanya.
"No...talk to me, please." he begged.
Without uttering a word hinawakan ko ang braso niya at pilit itong tinulak upang humiwalay. But damn those muscles... his gripped was so tight.
I sighed. "Let go, Ales."
"No." he said sternly at hinalikan ako nito sa pisngi, sa panga pababa sa leeg ko.
I held his head at itinulak ito nang tumagal na ang paghalik nito sa leeg ko.
"Ales, ano ba..." nanghihina kong saway sa kanya.
He didn't stop. Instead pilit niyang inabot ang labi ko at hinalikan ito ng paulit-ulit. Damn it, Ales! You're making me weak with those kisses! "Ales!"
"I miss you so much, Blue. Hmm., my baby..." he whispered huskily as he
finally capture my lips completely.
I sighed against his lips when his lips started moving slowly. I didn't know when, pero natagpuan ko nalang ang aking sarili na sinasabayan ang galaw ng labi niya.
"Ito na po yung tu—ay! Sabi ko nga babalik na lang ako sa kusina..."
Pareho kaming natigilan sa biglang pagsulpot ni Carl. Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong pabalik na nga ito sa kusina.
I sighed at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri ko."Umuwi ka na Ales. T-Thank you foe checking..." mahina kong pagsabi kay Ales at umalis na sa lap niya.
Medyo kumalma na din ako.
Pero mabilis si Ales at nahawakan nito ang kamay ko at hinigpitan ang kapit niya dito.
"Baby, just let me stay tonight. Baka mapano pa kayo ni Carla." he said.
Napatingin ako sa kanya at para akog nanlambot ang buong katawan ko nang matagpuan ko ang kanyang pagod na mukha. Medyo nangingitim na ang ilalim ng mga mata niya. He looks like a Panda. His stubbles are starting to grow longer this time.
Pero hindi nawala sa paningin ko ang mga konting pasa sa gilid ng labi at panga nito. Dahil siguro ito sa away nila ni Alex.
"P-Pero..."
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at malambing na hinalikan ang likod nito. An electricity immediately ran through my whole body at that contact.
God, Ales. What are you doing to me?
"Please baby... wala pa akong matinong tulog. I've been outside your house all day. I want to make sure you're safe."
Nanlaki ang mata ko. "Ano?"
"Please, baby. K-Kahit wag mo akong kausapin buong gabi. Gusto kitang makatabi ulit. I'm sorry please."
Nakayuko lang siya habang
hawak-hawak pa rin ang mga kamay ko. Napakagat ako ng labi dahil sa hindi ko alam ang sunod na sasabihin.
"Sige na, Blue. Pagbigyan mo na si Mr.
Marquez..." napalingon ako sa likod nang makita ko si Carla na may hawak na baso ng tubig. She looked calm now.
"Kawawa naman si Mr. Marquez..." pagdudugtong pa nito.
I sighed heavily at napatingin ulit kay Ales na nakatingin na sa akin na parang nagmamakaawa ito.
"O-Okay..." Bahala na.
© iorikun
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro