Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 37

PAHINA 37

***

Nakuwi ako ng matiwasay sa bahay. Buti nalang at nakasakay ako agad ng taxi. Nangutang pa ako sa kapitbahay ko ng pamasahe dahil wala akong dalang pera. Biglaan lang ang pag-alis ko.

Now, hindi ko alam kung paano ko makukuha ang mga gamit ko sa bahay ni Ales. I still have my bag in there. Nadun pa naman ang mga books at homeworks ko.

Now, I'm scared and hopeless.

Nanatili ako sa loob ng bahay buong magdamag. Ni hindi ko na din pinansin ang malakas na paghampas ng gate namin dahil alam kong si Ales ang nasa labas nito.

Mabuti nalang at nakita ko ang susi ng bahay namin sa ilalim ng paso ng halaman namin at matagumpay akong nakapasok bago pa man ako maabutan ni Ales.

Pagdating ko sinigurado kong naka-lock ng mabuti ang gate at pinto ng bahay. Sinigurado ko din na nakasira ang mga bintana at pinatay ko ang mga ilaw sa sala.

lyak lang ako ng iyak aa buong gabi dahil sa nagawa ni Ales. Halos madaling a raw na akong nakatulog.

Napangwi ako sa sakit nang tumayo ako mula sa kama ko kinabukasan. Tutungo sana ako sa banyo para magligo dahil Lunes na ngayon.

It means may pasok na naman.

Bumuntong hininga ako ng malalim at nagsipilyo muna bago maligo. I stared at my reflection before taking all my clothes off... Ngunit napahinto ako nang may makita akong pasa sa gilid ng bewang ko. Halos maging kulay violet na ang kulay nito.

Kaya pala parang ang sakit ng bewang ko kapag tumatayo ako. Dahil siguro ito sa pagtulak sa akin ni Ales. Nabunggo kasi ako sa matulis na gilid ng mesa nila.

Iniling ko nalang ang ulo ko at nagsimula nang paliguan ang sarili.


Napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko nang marinig ko ang malakas na tunog ng cellphone ko. Kumunot ang noo ko at nilapitan ito upang tingnan kung sino ang tumatawag.

Si Auntie.

Nabuhayan ako ng loob at dali-daling sinagot ang tawag niya. Gosh, na-miss ko na siya ng sobra.

"Auntie!" masaya kong pagtawag sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pagtawag nito mula sa kabilang linya. I pouted dahil alam kong tinatawanan niya ako.

"Naku, mukhang na-miss mo naman ako ng sobra ano, Blue?" pagtutukso nito sa akin.

I grinned. "Opo... kailan ka uuwi, Auntie? Miss na miss ko na po kayo. Mag-isa lang ako dito sa bahay..." naglalambing kong sabi dito.

"Anong ibig mong sabihin na mag-isa sa bahay, Blue? Hindi ba'y ibinilin kita sa boyfriend mo? Si Ales? Pinabayaan ka ba ng lalaking yon?" sunod-sunod nitong tanong sa'kin.

Napapikit ako ng mariin nang ma-realize ko ang nasabi ko. Bakit ko pa kasi nasabi iyon. Ang tanga ko talaga. Now, she'll get worried. "A-Auntie..."

"Blue, magsabi ka ng totoo... anong nangyari?" mariin nitong tanong.

Kahit hindi ko ito nakikita. ay nai-iimagine ko na ang pagseryoso ng mukha ni Auntie. Sa tono palang ng pananalita nito ay talaga masasabi kong seryoso siya at malapit nang sumabog sa galit.

"A-Auntie, nag-away po kasi kami ni Ales..." bumuntong hininga ako ng malalim.

"Ano? Ano na naman ang ginawa ng magaling mong boyfriend ha, Blue?" malakas nitong pagsigaw.

"Mababaw na away lang naman, Auntie. Wag po kayong mag-alala. Okay lang naman po ako eh." pagsasabi ko nalang dito para kumalma siya.

Minsan talaga napaka-over protective ni Auntie. "Anong okay? Eh sino ang maghahanda ng pagkain mo? Sinong magbabantay sayo? Paano kung pasukin ka diyan ha? Diyos ko, Blue. Mapapatay ko talaga iyang boyfriend mo, ha."

Muli na namang tumulo ang luha ko sa hindi malalang dahilan. Kinusot ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Baka tuluyan na akong himagulgol kay Auntie. Ayaw kong mag-alala pa ito sa akin ng sobra.

"U-Uwi na po kasi kayo, A-Auntie." nanginginig kong sabi dito. Tumulo na naman ang mga luha ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya ng malalim. Sandali itong natahimik ang pinakinggan lang ang paghikbi ko.

"Diyos ko, Blue. Tumahan ka na ha? Babalik naman ako sa madaling panahon. Isipin mo ito ha? Ginagawa ko ito dahil..."

Sandali nitong pinutol ang sasabihin at muling huminga ng malalim.

"K-Kasi, a-ayokong mawala ka s-sakin..."

Natigilan ako nang marinig ko ang mahinang pahagulgol nito muli sa kabilang linya. Naguluhan ako dahil sa sinabi niya.

Hindi ko siya maintindihan... Anong ibig sabihin niya?

"B-Blue... mahal na mahal ka ni Auntie. Sana mapatawad mo ako..."


Napaupo ako sa kama dahil parang may mabigat na bagay ang bumabara sa dibdib ko. Hindi ko naiintindan ang nararamdaman ko nang sabihin iyon ni Auntie. Parang may iba pang kahulugan ang sinabi niya.

"A-Auntie, ano po 'yang sinasabi niyo? Para naman po kayong nagpapaalam sa akin..." pinilit kong tumawa at mas lalong humigpit ang kapit ko sa cellphone ko.

"Patawad, Blue..."

May kung anong malakas na kumabog sa puso ko. Naging mabibigat ang paghinga ko. Mas lalo akong nalito.

"Bakit naman po, Auntie? Wala naman po kayong nagawa sakin ah?"

"Ipapaliwanag ko ang Iahat sayo...pagdating ko. At sana... hindi mo ako kamuhian at iwan, Blue."

Nakarating ako sa school ng payapa. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ko nakita ang bulto ni Ales sa labas ng bahay namin.

Sa pagkakaalam ko hanggang sa makatulog ako kagabi ay hindi ito tumigil sa pagtawag sa pangalan ko mula sa labas.

I sighed and shook my head. Lumakad lang ako sa loob ng nakayuko. Ayokong makita ng mga kamag-aral ko ang mala-zombie kong mukha.

Pero nang huminto ako sa banyo ay hindi nakatakas sa pandinig ko ang usap-usapan ng mga babae mula sa labas. Napahinto ako sa paghuhugas nang marinig ko ang pagbanggit ng pangalan ko.

"Grabe naman si Blue. Hindi ko akalaing may sugar daddy siya..."

"Akala ko pa naman matino siyang babae. Sayang, maganda pa naman..."

Para akong nawalan ng hininga habang pinapak- inggan ang usapan nila. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nito patungkol sa akin.

"Baka naman, magpinsan sila ni Mr. Marquez..."

"Haler, ang sweet kaya nila ni Mr. Marquez noong JS Prom natin. Sabi pa nga ng iba. kaya siguro natanghal siya muling Prom Queen dahil binayaran daw ni Mr. Marquez ang principal..."

"Hala, grabe naman pala si Blue..."

Napanganga ako at tuluyang nanlabo ang mga mata ko dahil sa luhang tumutulo sa mata ko. Parang may nasugat sa malaking bahagi ng aking dibdib habang pinapakinggan ang mga mapanakit nitong panghuhusga sa akin- sa relasyon namin ni Ales.

Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang malakas na paghikbi ko. Sobrang sakit. Sobrang sakit na. Hindi ko alam kailan matatapos ang sakit na nadadama ko ngayon.

Mula kay Ales, kay Auntie at ngayon, dito naman sa school.

Diyos ko, kung ano man itong pagsubok na inihahamon mo sa akin- gabayan mo po sana ako para lampasan ito.

"Blue..."

Napatingala ako sa tumawag ng pangalan ko mula sa pagkakatulala sa lunch ko. Hindi ko alam kong makakahinga ba ako ng maluwag o sisikip na naman ang puso ko nang makita ko si Carla sa harapan ko na may dalang malungkot na mukha.

"C-Carla..." binigyan ko siya ng pilit na ngiti at yumuko ulit para iwasan ang tingin niya.

Ini-expect ko na layuan na niya ako at sabihing ayaw na niya akong kaibigan at kinakahiya na niya ako dahil sa mga tsismis na naririnig ko patungkol sa relasyon namin ni Ales.

Pero nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin ng mahigpit. Natulala ako at maya-maya'y tinugon ang yakap niya.
Kailangan ko ngayon ng masasandalan.

Dahil parang pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ang ng mga tao sa paligid ko. Pinagkakaisahan nila akong saktan.

"C-Carla..." humahagulgol kong tawag dito habang yinayakap siya ng mahigpit.

Ilang araw pa lang kaming hindi nagkikita mula noong JS Prom pero parang pakiramdam ko ay nawala siya ng ilang taon sa paraan ng pagyakap at pag-iyak ko sa harap niya.

I was clinging on her shoulder. I wanna feel that I'm still not alone in thia world. I'm too desperate to find a comfort dahil parang gusto ko nang magpakamatay sa sakit.

Ang sakit pala kapag hinuhusgahan ka ng mga taong hindi ka naman kilala. Kung anong masasakit na salita o tingin ang ibabaling sayo. Lalo pa ngayon ay alam na ng buong school na may ka-relasyon akong isang dekada ang tanda sa akin.


They think I'm a slut. A gold-digger. A bitch. Pretender. Fake. Tingin nila ay pera ang habol ko kay Ales.

And that's what Alex also told me. He also think I'm a gold digger. They all think I'm a gold digger for loving Ales.

Ganito ba kalupit ang mundo sa mga taong malaking ang agwat ang edad, parehas ang kasarian, iba ang estado sa buhay na nagmamahalan lamang?

Ganito ba kadaling husgahan ang mga tao nang hindi man lang sila kinikilala? Na sa tingin nila'y sobrang perpekto silang tingan? That's bullshit.



Love is love. It should never be judged.


"Ssshh.. tama na. Blue..." mahinang pag-aalo sa akin ni Carla.


Halos mapasinok ako dahil sa sobrang pag-iyak ko. Buti nalang at walang tao sa paligid. Dahil pinili ko talagang mapag-isa. Kilalang-kilala lang talaga ako siguro ni Carla kaya nahanap niya ako kahit saang lupalop man ako mapunta.


"C-Carla, ang s-sakit..." pagsusumbong ko na parang bata.


Lumambot ang mukha ni Carla at ikinulong ang pisngi ko sa mga palad niya habang pinupunasa ng hinlalaki ang luhang dumadaloy sa mga mata ko.

I saw how her eyes glitters na parang ilang sandali nalang ay may luhang tutulo mula doon. "Tahan na, Blue... nandito lang ako okey? Husgahan ka man nila, alalahanin mong hindi ka nag-iisa. I'll stay with you ha? Lalabanan natin sila okay? Tahan na please..." mahinang pagsabi nito na mas lalong nagpa-iyak sa akin.

Kahit papaano, maswerte ako kay Carla. Nagpapasalamat akong naging matalik ko siyang kaibigan.

Tumango ako sa kanya at ngumiti. That made me feel better.

Pinunasan ko na din ang mga luha niya nang magsimula iton tumulo. Pareho kaming napatawa.

"lyan tuloy, pinaiyak mo na ako..Kainis ka, Blue... babatukan talaga kita kapag maging haggard ako dahil sa kakaiyak... sayang eyeliner ko oh.." Natawa ako sa sinabi niya habang pinupunasan ang sariling luha.

I shook my head at muli itong yinakap.

"Salamat, Carla..." I said softly.

Somehow naging maging maluwag na ang pakiramdam ko dahil sa pagdamay sa akin ni Carla.

"Syempre, hindi ko pwedeng pabayaan ko ang napakaganda kong kaibigan..." pabiro itong umirap sa akin pero yinakap din naman ako pabalik.

I smiled.

Nakayanan kong muling harapin ang mga tao sa school sa tulong ni Carla na nanatili lang sa tabi ko buong a raw. Inimbitahan ko na din itong magsleep over sa bahay dahil sinabi kong mag-isa lang ako at agad din naman itong pumayag.

Natapos ang klase at magkahawak kamay kaming naglalakad ni Carla papunta sa sakayan ng tricyle papauwi.

Masaya kaming nagkwe-kwentuhan dahil sa mga kini-kwento niya tungkol sa boyfriend niya. Hindi ko maiwasang mainggit kay Carla. Dama ko sa kanya na sobrang kontento at sobrang masaya siya sa piling nito.

Napabuntong hininga ako habang humahagilap ng tricycle na dadaan sa kalsada.

"Blue, okay ka lang?" pagtatanong ni Carla sa akin.

I smiled. "Oo naman..."

Tumango ito at tumango lang sa akin pero kita ko pa rin dito na hindi ito naniwala sa naging sagot ko.

Hays, bestfriend ko nga 'to.

Kilalang-kilala na talaga ako ni Carla.
Hang minuto pa kami nag-antay ng tricyle pareho kaming nainip ni Carla kaya napagdesisyonan naming maglakad-lakad muna hanggang sa may makasalubong kaming tricycle.

But unfortunately, iba ang nakasalubong namin.

Ang kotse ni Ales...

Bigla akong kinabahan at napakapit sa braso ni Carla nang huminto ito sa harapan namin. Agad namang pumwesto si Carla sa harapan ko para iharang ako sa kay Ales.

"B-Baby..." mababa nitong pagtawag sakin.

Hindi ko na siya pinansin at tinago ang sarili sa likod ni Carla. Ayoko muna siyang makita. Hanggang ngayon natatakot pa rin ako sa kanya.

Matinding trauma ang natamo ko mula sa kanya. Buong labing-anim na nabubuhay ako ngayon lang ako nakakita ng ganoong pangyayari.

Mula nang makita ko siya. Parang ang pakiramdam ko ay gagawin din niya iyo sa akin. Makakaya niya din akong saktan...

"Sir Ales, wag niyo po munang lalapitan ang bestfriend ko..." matatag na sabi ni Carla.

"B-Baby, please don't hide, please come here..." Napapikit ako ng mariin dahil sa paraan pagkakasabi niya.

"Please, Ales... wag ka munang lalapit sakin." I said with all my courage.

"B-But baby, I'm sorry., let's go home."

I shook my head. "Please, Ales umalis ka na." I shouted at him, clinging into Carla na parang siya ang proteksyon ko mula kay Ales.


"Sir, mabuti pa pong wag muna kayong magpakita kay Blue... pinapahamak niyo lang po siya eh. Nang dahil sa inyo pinagpye-pyestahan siya ng tsismis ngayon sa s-"

"Carla! Tama na!" papigil ko sa kanya.


Tumingin ako kay Ales na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Carla. Pero bigla akong nag-iwas ng tingin ng tumingin ito sa akin.


"What do mean by that? Anong nangyari kay Blue sa school niyo?" madiin niyang tanong.


Agad akong kinabahan. Ayokong malaman niya ang nangyari sa school ngayon. Sigurado akong susugod ito doon. Baka lalo pang uminit ang tsismis.

"It's nothing, Ales, okay? Umuwi ka na, please." I said to him.

Hinatak ko na si Carla at agad na pinarahan ang paparating na tricycle.


Buti nalang at walang sakay iyon.


Pinauna ko nang pinasakay si Carla at nilingon ng sandali ang kinatatayuan ni Ales pero nagulat nang makita ko sa gilid ko si Ales na matiimtim akong tinitigan.

"Get inside..." he said softly at pinatong ang kamay sa bubong ng tricycle.

Tumango ako at pumasok na sa loob ng tricyle. Napatingin ako kay Ales na nasa gilid pa rin ng tricycle at nakita kong may inabot ito sa tricycle driver.

"Ay naku sir, ang laki po nito..." narinig kong gulat na sabi ng tricycle driver.


Pareho kaming napalingon ni Carla at nakita kong limpak na isang daan ang nasa kamay ng tricycle driver nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ales.

"Just drive them safely...I'll sue you if something happens to my baby.." pagbabanta nito.


"Opo sir, maraming salamat po..." masayang tugon ng driver.


Habang pareho kaming nakanganga ni Carla sa ginawa ni Ales. Did he just paid a few thousands? Seryoso ba siya?

"Ales..." pagtatawag ko dito at agad din naman siyang napalingon sa akin.


Yumuko siya at ipinasok pa ang ulo sa loob ng tricycle. Tumitig siya sa akin ng ilang minuto bago hinalikan ang noo ko.

"Be safe, baby, okay?" he said softly.

He looked at me waiting for my response kaya napatango ako na parang bata.


Then he kissed my nose. "I love you, Blue..." he smiled at hinaplos ang pisngi ko.

I looked away at him. Pinatong ko lang ang mukha ko sa balikat ni Carla. I don't want him to see my teary eyes.

Narinig ko ang malalim niyang buntomg hininga. "Ingat kayo." he said to Carla.

Hindi ko na siya hinarap pa hanggang sa umandar na ang tricycle. Naramdaman ko nalang ang paghaplos ni Carla sa likod ko nang humagulgol na ako sa iyak.



© iorikun

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro