Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 36

PAHINA 36

***

Nagising ako nang pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil may nakadagan sa aking mabigat na bagay.

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at sinundan ang kamay na nakayakap sa akin. I looked back and saw Ales sleeping soundly.

Napangiti ako nang makita ko ang payapang mukha nito na mahimbing na natutulog habang nakayap sa akin ng mahigpit.

Humarap ako habang nakangiti dito. I touched his nose pero kumunot lang ang noo niya at lalong humigpit ang pagkakayap sa akin.

"Blue, baby..." he murmured in his sleep. I sighed at walang nagawa kundi yakapin ang ulo niya para ilapit sa dibdib ko. I kissed his forehead at sinuklay-suklay ang magulo niyang buhok. Sinandal ko ang pisngi ko sa ulo niya at muling nakatulog.

Alas nuebe na ako nagising at nanlumo ako nang hindi ko na nadatnan si Ales sa tabi ko. Napakagat ako ng labi nang maalala ko na kaarawan niya pala ngayon! Dapat pala bumangon na ako kanina para ipaghanda ito ng almusal.

Pampaganda man lang ng umaga ng kaarawan nito.

I sighed loudly at agad na tumayo sa kama. Inayos ko muna ang nagkagulong kumot sa kama bago ko tinungo ang banyo. Naligo ako at nagsipilyo.

Nagsuot lang ako ng simpleng white crop top na pinatungan ko ng denim jacket at legging. Sinuot ko din ang puti kong converse.

Nagsuklay ako at nag-apply ng kaunti lip balm sa labi. Natural namang mapupula ang labi ko. I check my reflection once more before exiting from the room.

Dahan-dahan akong naglakad sa kahabaan ng hallway upang hanapin ang hagdanan. Nilibot ko ng mabuti ang mata ko sa mga paintings na nakasabit sa bawat dingding.

Grabe... ang mamahal siguro ng mga ito.

Ang yaman talaga ni Tanda. Nang makababa ako ay nakita ko ang pagmamadali ng mga tauhan nila— na parang may darating na importanteng tao.


I bit my lip at huminto lang sa gilid ng hagdanan at nagtipa ng mensahe kay Ales. Pinagluruan ko ang cellphone habang hinihintay ang reply niya at pinanuod ko ang pagpapanic ng mga tao sa loob ng mansyon ni Ales. Maybe because kaarawan ngayon ni Ales. Muli kong sinulyapan ang cellphone ko at nalungkot nang hindi pa rin nag re-reply si Ales sa text ko.

Dati-rati tatawag pa ito kapag nagtetext ako. I sighed at isinawalang bahala nalang ito. Baka busy pa siya sa opisina niya? O baka naman naghahanda na din ito sa kaarawan niya ngayon.

Napangiti ako.

Tama, I should just suprise him. Para naman makabawi ako sa kanya. Ayoko namang maging masamang girlfriend.

"Uhm, excuse me.." pagkalabit ko sa isang katulong.


Napalingon ito at ngumit sa akin. "Ay, Good morning po, Miss Blue..." pagbati nito. Napailing ako dahil hindi ako sa pagtawag nito sa akin.

Napaka-pormal naman.

"Blue nalang po ang itawag niyo sa'kin." I smiled. Hindi naman ako nila boss para tratuhin na parang ako ang nagpapasweldo sa kanila.

"Sige, Blue. May kailangan ka ba hija?"

"Itatanong ko lang po sana kung ano po ang piano sa gaganapin sa kaarawan ni Ales?" Ngumiti ito sakin.

"Ang narinig ko lang e, darating daw ang magulang nila at simpleng salo-salo lang daw ang magaganap mamaya."

Huh. Ang simple naman pala nilang mag- celebrate ng birthday. Inaakala kong isang bong- gang birthday party ang magaganap sa isang hotel o di naman kaya sa isang malaking lugar. I guess, I never see this side of Ales.

Tumango lang ako sa katulong at ngimitian. "Pwede niyo po ba akong tulungan sa paghahanda? Gusto ko po sana siyang surpresan, eh. Tulungan niyo din po ako kung paano magbake ng cake..." pagbabasakali ko dito.

Nanlaki naman ang mga mata nito at mabilis na umiling. "Naku... Blue hija, baka pagalitan kami ni Sir Ales kapag nalaman niyang gumawa ka ng mga gawain. Dapat ay pinagsisilbihan ka..."

"Po? E, wala naman po siya ngayon e. At tsaka gusto ko lang po talang tumulong para kahit papaano may magawa ako para sa kaarawan ni Ales." nagmamakaawa kong sabi dito.

"Pero hija—"

"Sige na po. Ako po ang bahala kay Ales., gusto ko lang po talaga ng tulong niyo tumulong." muling pakiusap ko.

Lumapad ang ngiti ko ng tumango ito.

Yes!

Nakahanda na ang lahat para sa kaarawan ni Ales. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ito nagte-text o tumatawag sa akin.

Kanina ko pa siya pilit na tinatawagan pero hindi man lang nito sinagot.

"O hija, nasan na daw si Sir Ales?" muling pagtatanong aa akin ni Ate Helda, isa sa mga kasambahay ni Ales dito sa mansyon.

Malungkot akong umiling at napayuko para iwasan ang tingin niya. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang sa umabot na ng ala-sais ay hindi pa rin ito nagparamdam.

Gusto kong maiyak dahil parang nasayang ang lahat ng effort na ginawa ko. Lumamig na lang ang mga pagkain na nakahain sa mesa. Kaya pinauna ko nalang pakainin ang nga tauhan ni Ales.

Nawalan ako ng gana.

Muling kong tinawagan ang number niya pero naging out of coverage ito. I sighed deeply at pinunasan ang kaunting luhang lumabas sa mata ko.

Asan na kaya si Ales?

"Wow, ang sweet mo naman Ms. Maniago.. you've prepared a suprise for me." Napalingon ako at nakita ko malapit sa pinto ang nakasandal na si Alex. He was smirking while roaming his eyes all over the place.

Sa kusina kasi namin naisipang i-surprise si Ales na may kasamang balloons at poppers sana.

Nakaka-disappoint na si Alex pa ang nakakita sa surpresa ko. It should've been Ales. "Ales, ditched you that soon? I thought he loves you, Blue?" he said mocking me.

Kinuyom ko ng mariin ang kamao ko.

"Male-late lang daw siya..." nagsisinungaling kong pagtatanggol dito.

Tumaas ang kilay niya at ngumisi lang ulit. He dipped his finger on the cake at tinikman ito. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya.

I baked that cake! At sinira lang niya.

"Delicious." he smirked.

Napalunok ako at iniwas ang tingin sa kanya. Gusto ko siyang saktan sa ginawa niyang pagsira sa cake ko. Pero, pinipigilan ko ang sarili ko na hindi makipag-away sa kanya. Besides, it's also his birthday.

Sana lang umalis agad ito.

Natatakot akong mapag-isa kasama siya. Baka kung ano ang sabihin niya or worst baka ano pa ang gawin niya sakin.

I'll just pray na dumating na si Ales. Nasaan na ba kasi siya? Hindi man lang nagtext or tumawag ngayon. Malalagot talaga siya sa'kin.

"Hindi mo ba ako babatiin, little flower? It's also my birthday, not only Ales."

I glance at him at agad din iniwas ang tingin sa kanya nang makita ko ang malamig nitong titig na nakadako sa akin.

"H-Happy birthday..." mahina kong pagbati dito.

I squirmed at my sit nang maramdaman ko pa rin ang titig niya mula sa peripheral view ko. Unti-unting nanginig ang kamay ko nang dahan-dahan itong naglakad papunta sa direksyon ko.

Right there...


He kneeled infront of me at hinawi ang buhok ko na inipit sa likod ng tenga ko.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

He smiled at me and pinched my chin gently. "Ales is a lucky bastard don't you think?" he asked sarcastically.

Napatayo ako at marahan lumayo sa kanya. Ano na naman ang ginagawa niya? What the hell was that?

Nasapo ko ang dibdib ko nang bigla na namang kumalabog ang tibok ng puso ko. Nara ramdaman ko na din ang panlalamig ng mga palad ko nang pinunsan ko ang pawis na unti-unting namumuo sa noo ko.


"Don't be scared, little flower... I don't bite... that hard." he smirked at unti-unting lumapit sa akin akmang aabutin na niya ang kamay ko ay mabilis naman akong nakaiwas sa pagkahawak niya.


"W-Wag kang lalapit..." nauutal kong saad sa kanya.


Unti-unti akong umatras nang hindi ito nakinig sa pakiusap ko. He keeps on stepping forward hanggang sa napahinto ako ng maramdaman kong nakasandal na ako sa isang lababo.

Napatingala ako at nakita ko ang paglaki ng ngisi nito. Mas lalo akong natakot nang ilagay niya sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya, caging me.

"A-Anong..."

"Ssshh little flower..." he whispered as he lean his head hanggang sa dumikit ang noo niya sa akin.

"N-No!" nanginginig kong protesta at tinulak siya ng malakas.

But I guess that force is not enough for his mascular figure. Hindi man lang ito natinag. Hindi ito magandang biro.  Ank bang kailangan niya sa'kin at ako ang ginugulo niya? Wala naman akong  ginagawang masama sa kanya.

"So beautiful, Blue..." he whispered in my ears. Nanindig ang balahibo ko nang lumapat ang mga palad niya sa pisngi ko at sa bewang ko na ngayon ay naka-expose dahil sa suot kong crop top.


"I want you to be mine, Blue..." Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya sa mata.

His face look blank same goes as his eyes. He looked back at me with those cold eyes na tumatagos sa buong pagkatao ko.

Mabilis ang paghinga ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I'm experiencing tachycardia.

Umiling-iling ako at pilit siya tinulak dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.


"What the hell are you doing?" pareho kaming natigilan nang biglang may magsalita mula sa isang sulok.


Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko si Ales na mabilis na lumakad papunta sa direksyon namin.

Halos lumipad si Alex dahil sa sobrang lakas ng pagkakahila sa kanya ni Ales.

I gasped in shock nang biglang bigyan ng malakas na suntok ni Ales si Alex kaya napasubsob ito sa mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain para sana kay Ales.

Natakot ako nang biglang nakabawi si Alex mula sa suntok ni Ales. Pinahid lang niya ang dugong umagos mula sa ilong nito at nginisian si Ales.

"You fuckin' bastard! Why are you doing with Blue? I'll fuckin' kill you!"


Malakas ang pagkakasigaw ni Ales nang sabihin niya iyon. Halos lumitaw ang ugat nito sa leeg at mabilis ang paghinga niya. Agad ko siyang nilapitan at mabilis siyang yinakap mula likod nang akmang susugurin ulit ito si Alex.


Natatakot ako. Ayaw kong makikitang ganito si Ales. Parang ilang minuto nalang ay lalabas na naman ang pagkahalimaw nitong pagkatao.


"A-Ales, s-stop it... n-natatakot na ako..." I can’t help but stuttered as I say those words. I gain all the courage just to say that.

Unti-unti nang nagsituluan ang mga luha ko habang mahigpit na niyayakap si Ales.


"Tsk, tsk, Ales... look what have you done to your precious baby... you scared her." tila mapang-asar pang sabi ni Alex na parang hindi pa ito nagtanda sa pagsuntok sa kanya ni Ales.

"Shut up, you asshole!" he shouted.

"This is what I've told you, Blue. Hindi mo pa ganoon kilala si Alession. Look at him... he's a beast, an animal!" he shoudted.

Sa isang iglap...

Natagapuan ko na lang ang sarili kong nakadapa sa sahig dahil sa lakas ng pagkakatulak sa akin ni Ales para daluhan ulit ng suntok si Alex.

Hindi ako makahinga at sobrang nanlalabo na ang paningin ko habang nakatitig sa pigura ng dalawang tao.

Sunod-sunod na suntok ang binitawan ni Ales sa mukha ni Alex na nakahiga sa sahig habang pinauuluanan siya ng suntok.

Nanlamig ang buong katawan ko habang nakikita ko ang senaryong iyon.

Nakakatakot silang tingnan.

Halos magpatayan silang dalawa sa harapan ko...

Halos patayin ni Ales ang sariling kapatid sa sariling niyang mga kamay- mismo sa harapan ko. Hindi ako makapagsalita na parang may bumabarang mabigat na bagay sa lalamunan ko. Nanginginig ako habang nakatingin sa ginagawa ni Ales sa kambal niya.


"Diyos ko! Sir! Sir Ales, tama na po!" narinig kong sabi ng katulong ni Ales.

Agad itong nagtatakbo habang sumisigaw ng tulong mula sa ibang tauhan.

Buti na lang at nagsidatingan ang mga ito at mabilis na hinawakan si Ales sa balikat para ilayo kay Alex na halos maligo sa sarili nitong dugo.

"Blue hija, diyos ko! Okay ka lang ba?" lumapit si Manang at dinaluhan agad ako.

Napatingin ako dito at umiling-umiling at tuluyan nang napahagulgol dahil sa takot. Agad ako nitong yinakap ng mahigpit at pilit na pinapatahan pero mas lalong lumakas ang hagulgol ko nang matagpuan ako ng mga mata ni Ales.

Nakita ko ang takot sa mata nito habang nakaawang ang labi niya. "B-Baby..." he stuttered as he tried to get near me.

Umiling ako kumalas sa yakap ni Manang.

"Wag kang lalapit sakin!" pagsigaw ko sa kanya at tumakbo palabas ng kusina.

"B-Blue wait!" narinig kong pang sigaw nito. Hindi ko na iyon pinansin at tuloy-tuloy na lumabas sa mansyon niya.

"Baby!"


Umiiyak lang ako habang tumatakbo papalayo sa mansyon. Gusto ko nang umuwi. Ayoko munang makita si Ales. Natatakot pa rin ako sa kanya.
Agad akong nakahanap ng taxi at mabilis na sumakay.

I'm going home.





***
© iorikun

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro