Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pahina 31


PAHINA 31

***

"Oh ayan, pwede ka ng dumilat, Blue." narinig kong sabi ni Tita Andy nang matapos niyang lagyan ng eye shadow ang eyelid ko. Sinunod ko ang sinabi ni Tita Andy at dahan-dahang dlnilat ang mata ko.

Humarap ako sa salamin ko at napanganga ako ng makita ko ang buong itsura ko. Wow, ako ba 'to?

"Ang ganda ganda talaga ng pamangkin mo bestpren, alam mo, bakit hindi ka kaya mag model. May isa akong kaibigan na photographer na naghahanap siya ng model ngayon." sabi ni Tita Andy at ngumiti siya sakin sa salamin.

"Hindi na po. Wala naman po akong alam diyan eh." Isa pa, baka nagwala na naman yung matanda pag mag model ako. So no thanks, tita.

Nagkibit balikat lang siya. "Ikaw bahala. Sabagay, sixteen ka palang ano? Naku, nakalimutan ko? mangha niyang sabi.

"Naku Andy kahit nasa tamang edad pa 'yang si Blue eh hindi naman papayagan ng boypren niya. Naku baka ipakulong ka pa nun ewan ko lang sayo." sabat ni Auntie na nakaupo sa kama ko. Tama ka diyan, Auntie.

Natawa ako ng mahina at binaling ulit ang mata sa repleksyon ko.


Nakasuot ako ng floor length strapless red gown. Mas lalong lumitaw ang maputi kong balat dahil sa kulay ng gown ko. Nakakulot ang dulo ng kulay tsokolate kong buhok. And I'm wearing a light make up na mas lalong nagpalitaw sa kulay berdw kong mga mata. Wala sa sarili akong napahawak sa dulo ng buhok ko.

Tonight's our prom.


Hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako ng sobra. Maybe I'm just excited? Pero- I really feel like somethings gonna happen. O baka naman paranoid lang ako. Napaungol ako sa isipan.

"Naku, napakaswerte naman ng pamangkin mo. Bilyonaro pala iyon ano? Nakita ko kasi yun sa magazine. Napakagwapo." ani Tita Andy na parang kinikilig pa.

Napangiwi ako dahil sa narinig ko mula kay Tita Andy. Para akong nainis sa sinabi niya. Parang ayokong pinag-uusapan ang boyfriend ko. Akin lang si Ales.

"Naku, wag mo ngang pagnasaan ang boyfriend ng pamangkin ko. Baka ihawin kita ng buhay." pagtataray ni Auntie kay Tita.

Inirapan lang siya nito at nagsimula nang iligpit ang mga make-up na ginamit. "O siya, bababa muna ako. Nauuhaw ako bespren." paalam nito at binalingan muna ako.

"O Blue, wag mong masyadong galawin ang make up mo ha. Baka magkalat." paalala niya sakin at lumabas na ng kwarto.


Sumimangot ako sa repleksyon ko. I just shook my head at hinarap sila Auntie.

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Auntie and her eyes soften. Bumuntong hininga siya ng malalim at nakita ko pa ang pangingislap ng mga mata niya na parang naiiyak na siya.

Tumayo siya at pinunasan ng mabilis ang ilalim ng mata niya. Ngumuso ako at nilapitan siya sabay yakap.

"Auntie naman, bakit ka naiiyak? Pangit ba ako?" naglalambing kong tanong.

"Naku, hindi no. Ang ganda ganda mo pa lalo. Blue. Mana ka talaga sakin." umiling siya at hinaplos ng mahina ang mga pisngi ko at tuluyan nang tumulo ang luha niya.

"Auntie, bakit po?" nakakunot noo kong tanong. Parang akong kinakabahan sa inaasta ni Auntie. Umiling lang siya habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Pinunasan ko ito gamit ang mga daliri ko at tiningnan siya ng maigi.

"Blue, malulungkot ka ba kapag nawala ako?" nanginginig niyang tanong.

Kumunot lalo ang noo ko at umiling ng mabilis.

"A-Auntie, ano ba 'yang pinagsasabi mo? Bakit ka naman po mawawala? Tayo na nga lang dalawa eh. Wag nga kayong magsalita ng ganyan." Ngumiti lang siya ng mapait habang inaayos ang dulo ng buhok ko.

Tiningnan niya ang ako ng mabuti bago hinalikan sa noo. "Gusto ko lang., maging handa ka sa mga mangyayari, Blue. Hindi habang buhay nandito ako para sayo. Kaya masaya ako ngayon at nandito na si Ales para sayo. Masaya akong masaya ka na, Blue." suminghap siya at kinulong ang mukha ko sa palad niya.

Hindi ko alam kung ano ang itutugon pero nararamdaman ko ang nagbabadyang luha na gustong tumulo sa mga mata ko. Parang may gustong iparating si Auntie. Parang ayoko ang sinabi niya.

"Mawawala ako ng ilang linggo, Blue. Sa ngayon, ipinagtiwala na kita kay Ales. Dun ka muna titira sa kanya ng pansamantala hanggang sa makabalik ako. Mamaya na ang alis kong madaling araw, kaya kila Ales ka ngayon uuwi."


"A-Auntie, san ka naman pupunta?" nauutal kong tanong.

She sighed heavily. "May kailangan lang ako asikasuhin, Blue. Importante ito, sa ngayon.. hindi ko pa pwedeng sabihin sayo. Hindi pa ito ang tamang oras."

"A-Auntie …"

"Mahal na mahal kita, tandaan mo yan Blue. Hindi kita hahayaang mawalay sakin. Ikaw lang ang meron ako." naluluha niyang sabi.

Maraming tanong ang gusto kong ibato sa kanya. Pero natatakot akong malaman ang mga sagot sa likod ng mga salita niya. Parang may ibang ibig sabihin siyang gustong isaliwalat. Sa ngayon, hindi ko lang muna siya tatanungin. I'm sure she has reasons why she's acting this way.

"Mahal din kita, Auntie. Mag-iingat ka." Niyakap ako ni Auntie ng mahigpit at tumango.


***

"Baby, are you okay?" Napalingon ako kay Ales na nagdra-drive. Papunta na kami ngayon sa venue kung saan gaganapin ang JS namin. Ayoko naman kasing magpasundo pa kay Greene dahil baka angasan siya ni Ales. Mahirap na.

Lumingon siya mabilis sakin at inabot ang kamay ko. Mahigpit niya iyong pinisil at hinalikan ng malambing.

Malumay ko siyang tinitigan at ngumiti ng tipid. "May sinabi ba sayo si Auntie kung bakit siya aalis?" nagbabakasakali kong tanong.

"No, actually. I just agreed to her immediately without asking her why. Sorry baby but, I got excited when she said that you'll actually staying with me for a week." ngumiti siya ng malapad habang nasa kalsada parin ang tingin.

Hinalikan niya ang kamay ko at pinatong iyon sa hita niya. Matipid akong napangiti dahil sa inasta niya. Bumuntong hininga ako at binura sa isipan ang pag-alis ni Auntie.

Nakarating kami sa venue at napanganga ako dahil sa laki ng hotel.

Oh my gosh.

"Baby." narinig kong tawag ni Ales.

"Ang laki naman pala ng hotel na ’to. Ang yaman talaga siguro ng sponsor namin." mangha kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya sakin at inayos ang buhok ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Remember what I told you.." madiin niyang sabi.

I pouted at tumango na parang bata. Bago kasi kami umalis kanina nagbilin lang naman siya ng ilang 'rules' referring to the boys, like...

Don't talk to them.

Don't smile at them.

Don't dance with them.

Don't make skin contact with them.

Don't look at them.

And last but not the least...

"Always remember that you're mine. My property. My baby. My girlfriend. My future wife. All mine. If you disobey me, there'll be a serious punishment for you." I remember what he said.

I just rolled my eyes mentally as I remember his 'few rules'.

"Yes, grandpa. Pero remember, date ko si Greene so mababali lahat yun." tinaasan ko siya ng kilay.


Ngumisi siya ng malapad. "That's the thing baby, alam kong mababali lahat iyon.." nilapit niya ang mukha niya sakin at bumulong. "so that I can punish you later." he said huskily.

He grabbed my neck at hinalikan ako ng mariin sa labi. Napaungol ako ng kagatin niya biglang ang ibabang labi ko bago niya pinakawalan ang labi ko.

"You really look ravishing baby. I could just eat you right now. Now, go. Your bastard date is waiting for you.." turo niya kay Greene na nakaupo sa lobby ng hotel.

Hinalikan ko ulit si Ales sa labi.

"I love you."

He smiled. "I love you too baby."


***

Nakarating kami ni Greene sa loob ng venue at halos mapanganga ako sa ganda ng mga dekorasyon.

Everything's made of gold and silver.


"Wow, our sponsor must be a billionaire. Imagine, they own this hotel?"


Tumango lang ako kay Greene at tinungo ang table namin. Agad kong natanaw si Carla na kumakaway sakin.

Kumaway ako pabalik sa kanya at tinungo sila ng kanyang boyfriend.

"Oh my god best! Dyosa ka talaga ng kagandahan!" exagge na sabi ni Carla.

"Thanks. You look beautiful too, Carla."

Carla's wearing a purple strapless gown. Bumagay din ang make up niya. And her skin shines perfectly. Nilingon niya si Greene at binati din, tinanguan lang siya ni Greene at ngumiti.

"Good Evening students, our sponsor has just arrived please let's welcome Mr. & Mrs. Ivanov." Sabay sabay na nagsipalakpakan ang mga studyante.

Tumingin ako sa stage at nakita ko ang pag-akyat sa stage ng dalawang mag-asawa.

Ivanov.

So, sila pala. Nanliit ang mata ko sa mag-asawa ng humarap sila sa stage pagkatapos makipag kamay sa principal.

The couple looks like they're in their mid 40's and they're both good looking.

"B-Best, parang kamukha mo si Mrs. Ivanov. Tingnan mo oh." narinig kong bulong sakin ni Carla.


Para akong kinabahan nang sabihin iyon ni Carla. Napahawak ako sa dibdib nang magtama ang mga mata namin ni Mrs. Ivanov. Nakita ko siyang natigilan at maya-maya'y ngumiti, hindi ko alam kung para sakin o kay Carla ang ngiti pero nginitian ko nalang siya pabalik at nag-iwas ng tingin.


"Grabe Blue, kamukha mo talaga siya except lang sa kulay ng mata niyo, pero pwede talaga kayong mapagkamalang mag-nanay."

Kumunot ang noo ko sa kanya. "Tumigil ka nga Carla, imposible naman 'yang sinasabi mo., matagal ng patay ang mga magulang ko, at alam mo 'yan."

Ngumuso lang si Carla at tumango.

Hindi na siya nagsalita ulit at tinutok ang mata stage kung saan pagsamantalang nagbibigay ng speech ang aming sponsors na sina Mr. & Mrs. Ivanov.


"... thank you, and enjoy this memorable night everyone."


Napuno ng palakpakan ang buong venue ng matapos ang speech ni Mr. Ivanov. Pinalibot niya ang kamay niya sa misis nito at ngitian. Napangiti din ako dahil kita sa mga mukha nila ang kanilang pagmamahalan.

Naalala ko tuloy si Ales. Ano kayang ginagawa ng matandang 'yun?



"... at gusto din naming pasalamatan ang isa sa mga nag donate ng malaking halaga para mapatayo natin ang mga bagong classroom na si Mr. Marquez,  thank sir for coming tonight.."


Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Ales. Agad kong pinalibot ang mga mata ko sa buong venue at hinanap siya.

And there he is... smirking at me.

Nakaupo siya sa harapang table na malapit lang sa stage kung saan nakaupo din ang mga ibang faculty members ng school.

Kinindatan niya muna ako at tumayo para pumunta sa stage. Para akong nalagutan ng hininga. Bakit hindi niya sinabing inimbita pala siya ng school.


Bakit hindi niya sinabing dadalo siya dito. Damn you Ales!



© iorikun

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro