Pahina 29
PAHINA 29
***
"Auntie? Nandito na po ako." sigaw ko pagdating ko sa loob ng bahay.
Nilibot ko ang mata ko sa buong bahay. I frowned habang pinalilibot ko ang mga mata ko sa buong bahay. And the first thing I noticed is –sobrang linis.
Wow.
Sobrang kintab din ng sahig pati na rin ng mga display sa bahay. Mas lalong kumunot ang noo ko ng mahagilap ko ang isang pamilyar'ng bulto na nakahiga sa sofa.
Dahan-dahan kong nilapag ang bag ko sa gilid at nilapitan ang natutulog na bulto ni Ales. Natawa ako ng mahina ng makita kong halos hindi na siya magkasya sa hinihigaan niya dahll sa laki at tangkad niya.
Pero bakit dito siya natutulog?
Dahan-dahan akong lumapit kay Ales nag iingat na hindi makagawa ng ingay. Lumuhod ako at tinapat ang mukha ko sa pawisan niyang mukha.
I smiled.
Maingat kong pinunasan ang pawis sa mukha niya gamit ang palad ko. Hinalikan ko ang ilong at ngumiti nang makita ang pagkunot ng noo niya.
"Blue, nandito ka na pala."
Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Auntie'ng nakatayo na may ngiti sa mukha niya. Ngumiti ako pabalik sa kanya at lumapit sa kanya.
Yinakap ko siya ng mahigpit.
"Auntie, ano pong pinagawa mo kay Ales? Bakit sobrang na pagod yan?"
Humalukipkip si Auntie.
"Pinaglinis ng buong bahay. Pinaglaba. Pinagpalengke. Pinaghugas ng pinggan. Tapos pinaayos ko yung garden sa kanya." kibit balikat na sabi niya.
Napakamot naman ako ng ulo sa sinabi ni Auntie.
Talagang desidido talaga si Auntie'ng pahirapan si Ales. Paano kaya nakayanan ni Ales gawin lahat ng iyon?
Eh, ako nga hanggang paglalaba at paghuhugas ng pinggan lang ako eh. Gusto kasi ni Auntie siya na yung gumagawa ng ibang gawain sa bahay.
"Auntie, andami naman po nun. Alam niyo naman pong hindi sanay si Ales sa mga gawaing bahay. "bumuntong hininga ako at tiningnan si Ales na mahimbing pa rin ang tulog.
"Eh, ginusto niya 'to. Nakakatawa nga eh, talagang hirap na hirap siya habang nagmo-mop at nagbubunot ng damo sa labas. Pero nung lalaba siya tuwang-tuwa ang lalaking yan habang nilalabhan niya ang mga damit mo–"
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sunod na sinabi niya. "Ano? Nilabhan niya yung mga d-damit ko? Auntie naman!" nag-init ang buong mukha ko. Shit.
Meaning nilabhan niya din yung mga...u-underwear ko?
Nakakahiya!
"Oh, bakit namumula ka diyan? Hayaan mo na boyfriend mo naman ’yan." pang-aasar ni Auntie.
Ngumuso ako sa kanya pero ngumiti lang siya ng malapad at yinakap ulit ako.
"Mahal na mahal ka talaga ni Ales."
I smiled at that fact. "Opo. Mahal ko din siya Auntie." malambing kong sagot.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Basta, pag sinaktan ka ulit niyan ibibitay ko na talaga siya sa puno at kukuritin kita sa singit."
Nanlaki ang mata ko at humiwalay sa yakap ni Auntie.
Ibig sabihin ba...
Tumango siya at ngumiti sa'kin. "Oo, payag na ako. Kinausap niya ako kanina at ipinaliwanag ang nangyari. Sapat na sa'kin yung pinakita niya kung gaano siya kaseryoso sayo. Gusto ko lang siyang pahirapan dahil sa ginawa niya sayo." Mahigpit kong yinakap si Auntie dahil sa tuwa.
"Salamat, Auntie. The best ka talaga." natatawa kong sabi.
"Hmm., wag mo na akong bolahin, baka magbago ang isip ko."
I pouted at her. "Auntie naman."
Pabiro niya akong inirapan na may ngiti sa labi niya. "Gisingin mo na si Ales. Nagmeryenda ka na ba?"
Umiling ako. "Hindi pa po. Madami po kasi akong ginawa kanina." more like nagtago buong a raw kanina.
"Oh sige. Magmeryenda ka na, sabay na kayo ni Ales." Tumango ako at agad na nilapitan si Ales na hanggang ngayo'y mahimbig pa rin ang tulog. Parang ayoko pa tuloy siyang gisingin.
Mukha talaga siyang pagod na pagod.
"Hoy..." bulong ko at mahinang tinapik ang pisngi niya.
"Tanda, gising na." tawag ko ulit.
He groaned at unti-unting iminulat ang mga mata. Nginitian ko siya at hinalikan ng mabilis sa labi.
"Good morning, sunshine." asar ko sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo niya. Dahan-dahan siyang umupo.
"Baby.." he called with a husky voice.
Umupo ako sa tabi niya at tumango.
"Uh huh, kamusta tulog mo? Pagod ka pa ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
Ngumiti lang siya sa'kin at yinakap ako.
Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. "It's okay. I'm still tired. Ang hirap palang maglinis ng bahay." tumawa siya then he asked, "How's school?"
Bigla akong kinabahan sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Ngayon ko na ba sasabihin? Sasabihin ko ba ang totoo? School? Uhm, may nagyaya lang naman sakin sa prom in public.
And the thing is, I said yes.
"Okay lang naman. Walang klase sa ibang subject. Busy kasi yung mga teachers para sa JS namin." sabi ko nalang habang pinupunasan ko ang pawis niya sa noo.
"Oh, that's right. Kailan ulit prom niyo?" nakakunot noo niyang tanong.
"February 14." Tumango siya at hinawakan ang kamay ko.
Natigilan ako at napatingin sa kanya.
"Do you have a date already?" madiin niyang tanong.
Napalunok ako at pinapawisan na ng malamig habang iniisip ang isasagot sa kanya. Should I tell him about it? He'll get jealous for sure.
I gave all my courage at dahan-dahang tumango bilang sagot. I saw how his facial expression changed. His jaw clenched.
Get ready, Blue. Patay ka talaga sa matandang 'to. Napakaseloso pa naman.
Nanindig ang balahibo ko ng biglang magdilim ang mukha ni Ales. Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim habang nakakuyom ang mga palad niya.
"Anong sabi mo?" madiin niyang tanong na sinisiguro na tama ba ang nadidinig niya.
"E-Eh kasi—"
"What the hell, Blue?! Why do have a fucking date? You can go without one, right?!" nanginginig sa galit niyang sabi.
He pinched the bridge of his nose. Galit siya. No, he's furious inside.
"Who's the son of a bitch? Tell me."
Napakagat ako ng mariin sa labi dahil sa galit na pinapakita niya ngayon.
"K-Kasi, he asked me in public. H-Hindi ko naman siyang p-pwedeng tangian k-kasi ayoko siyang mapahiya, knowing na may reputasyon siya sa school namin. H-He's the president of the SBO and-"
"And I am the CEO of a big company!" he shouted furiously.
Tumayo siya at sinabunutan ang sarili niyang buhok like he's frustrated. I pursed my lips at yumuko.
Hindi ako nagsalita at hinayaan muna siya. Rinig ko ang mahihina niyang mura. Tumayo ako at hinawakan ang ibabang sleeve ng polo niya. Just as I expected, magagalit na naman siya.
"You're not going to that stupid prom." madiin niyang sabi habang nakatingin sa kawalan.
Hindi na ako kumibo. Nasasaktan ako. Gustong-gusto ko pa naman umattend. I can't believe na pag-aawayan pa namin 'to.
Hindi ko siya sinagot at dali-dali kong kinuha ang bag ko sa sahig. I hate this.
Naiinis ako sa tuwing nag-aaway kami and worst is-palaging third party ang dahilan. Now, ito. Bago na naman.
"Ang selfish mo. Kainis." I muttered as I walked passed by him. I made sure that he'll hear what I've said.
Agad akong umakyat sa hagdanan at tinungo ang kwarto ko. Sinandya kong lakasan ang pagkakasara ng pinto ko na sa tingin ko'y sapat na para marinig ni Ales mula sa baba.
Ha! I wanna show who's boss. Kainis. Hindi pwedeng siya lahat ang masusunod sa relasyon na 'to. I should be the superior! Wala akong pakialam kung matanda pa siya sakin ng 14 years.
Padabog kong binagsak ang bag ko sa sahig at tinungo ang bathroom ko para magbihis. Naiirita kong tinanggal ang necktie ko at padabog na tinapon iyon sa sink.
I glared at my reflection at the mirror, imagining I'm facing him. "Bwesit kang tanda ka! Palibhasa ang tanda mo na. Palibhasa hindi niya naabutan yung JS Prom nung kapanahunan niya. Tanda talaga. Kainis! Kainis!"
Nakakunot noo kong tinatanggal isa-isa ang butones ng blouse ko at nagsuot ng puting sandong. Mabilis ko lang tinanggal ang palda ko dahil man doble naman akong suot na short. Ini-hanger ko ang uniporme ko sa gilid. Padabog akong umupo sa kama ko. Hihiga na sana ako ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan.
I glared at it, expecting na si Ales ang kumakatok.
"Blue, buksan mo ’to. Magmeryenda ka na muna. Ano na naman bang pinag-awayan niyo huh?"
I feel disappointed nang si Auntie pala iyon. Bumuntong hininga ako at tinungo ang pintuan. "Wala po Aunt–Ales, ibaba mo ko!" napatili ako nang hindi si Auntie ang sumalubong sa'kin kundi si Ales na agad akong binuhat sa balikat niya na parang sako at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto.
Narinig ko ang pagsara ng pinto kasabay nun ang pagsigaw ni Auntie mula sa labas.
"Ayusin niyo yan! Blue, pupunta muna ako kila Ate Sherryl mo. Ales, wag ka munang uuwi! Marami pa akong ipapagawa sa 'yong lalaki ka!"
"Opo, Auntie!" sigaw pabalik ni Ales at nilapag ako sa kama.
Sinamaan ko siya ng tingin at akmang uupo nang biglang siyang pumaibabaw sakin. Auntie his face! Hinawakan ko siya sa balikat at pilit siyang tinutulak sa ibabaw ko.
"Ugh! Umalis ka nga! Kainis!" tinakpan ko ang mukha ko dahil nararamdaman kong ang gusto kumawalang mga luha sa mata ko. Bwesit naman oh. Bakit ngayon pa siya tutulo.
Call me a cry baby pero naiiyak talaga ako sa tuwing nag-aaway kami ni Ales. I hate it. Parang bumabalik na naman sakin yung naghiwalay kami ni Ales.
Ang babaw kasi ng mga luha ko pagdating kay Ales. "Baby, I'm sorry." malambing na bulong ni Ales while showering kisses on my hands na nakatakip pa rin sa mukha ko.
Hindi ako kumibo at hindi parin tinatanggal ang kamay sa mukha ko.
Magdusa siya, bwesit siya!
"I'm sorry, okay? Nag-aalala lang ako. Kababawi ko palang sa'yo. I'm just afraid that y-you'll replace me. B-Baka magbago ang isip mo and then you'll realize that y-you don't love me. T-That you'll like him better because his young. I'm scared Blue..." he paused at tinanggal ang kamay sa mukha ko.
Hindi na ako nagprotesta at hinayaan siya. "I'm sorry na." he said gently.
Nanlambot ako nang makita kong ang mukha niya. Halata sa mukha niya ang pagod at puyat. Talagang nagtiis siya sa mga pinagawa sa kanya ni Auntie.
Hinaplos ko ang mukha niya at pinasadahan bg kamay ko ang mga buhok na tumutubo sa gilid ng panga niya. Napangiti ako dahil sa kiliti nang haplusin ko ito.
"Baby." tawag ulit ni Ales. I looked at him. Mata sa mata. Matagal kaming nagtitigan. "The thing is, I'm scared that you'll leave me. Kahit ma-realize mo na ayaw mo na sa'kin b-because you'll realize that I'm too old for you. Hindi kita papakawalan. I'll locked you in my room forever if I have to." he said with determination.
My heart wanted to burst. How can he be so possessive and sweet at the same time? Kahit napaka-bipolar niya, laging lumalambot ang puso ko sa kanya.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko as he said those words. I don't care about our age gap. Wala akong pakialam, it's him, it's Ales, my Tanda.
I kissed his lips lightly.
"Sa tingin mo ganun ako kababaw? Inlove ako sa matanda tapos papatol ako sa bata? Gago ka ba, Ales? Wala ka bang tiwala sa'kin, ha? Mahal kita!" sigaw ko sa kanya pagkalas ko sa halikan namin. He pouted at pilit ulit akong hinahalikan, pero umiiwas ako.
"I know, I know. I'm sorry. Nagseselos lang ako. Pwede naman na ako ang maging date mo, eh." pagmamaktol niya.
I nudge his forehead with my pinky finger. "Hindi pwede ang matanda dun. Hindi ka naman high school. Kung pwede ang outsider. Eh, di sana niyaya na kita." irap ko.
Ngumuso ito. "I'm sorry na, baby ko."
I rolled my eyes nang hinalik-halikan niya ako sa labi ng paulit-ulit. I giggled.
Adik talaga.
Napaungol ako nang halikan niya na ako ng madiin at malalim. Oh boy, I think I know where this is going when he pushed his tongue inside my mouth.
God, bakit biglang uminit ang paligid?
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro