Pahina 28
PAHINA 28
***
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngumingiti ako habang nagsusuklay ng buhok. Hindi parin ako makapaniwala. Binigyan ng chance ni Auntie si Ales.
Pumayag siyang ligawan ako ni Ales, though kami naman na talaga ni Ales.
Napahinto ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Auntie mula sa baba. Nagtaka ako dahil parang may kaaway si Auntie sa baba.
Hindi naman palaaway si Auntie ah. Eh halos lahat ng kapit bahay naman close niya. Hmm.. baka may katawag sa telepono.
Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa pagsuklay.
Hay, may pasok na naman.
Parang ayokong pumasok ngayon. Sugurado naman akong busy ang ibang teachers dahil malapit na ang JS namin.
Hay, I wish pwedeng magdala ng outsider bilang date.
I will definitely pick Ales as my date.
Speaking of... ano kayang nangyari sa matandang 'yun?
Tinigil ko muna ang pagsusuklay ko at tiningnan ang cellphone ko.
Merong five messages.
Excited kong binuksan ang phone ko at chineck kung sino ang nagtext. I feel disappointed dahil wala man akong narecieve na message mula kay Ales lahat puro kay Carla.
Nagtatanong siya kung papasok daw ba ako ngayon. I'm sure namiss na ako ng bruhang 'yun.
Nireplyan ko si Carla at sinabing papasok ako. Bumuntong hininga ako at nakasimangot na tiningnan ulit ang repleksyon ko sa salamin.
Ano ba kasing ginagawa ng tandang 'yun at hindi man ako tinext ngayong umaga.
Ugh, I feel like a clingy girlfriend right now.
Tinapos ko na ang pag-aayos ko sa sarili at mabilis na kinuha ang bag ko na nasa kama. Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba.
"Oh, hindi ganyan! Ano ba? Hindi ka ba marunong maghugas ng pinggan? Simpleng bagay hindi mo pa magawa!" rinig kong sigaw ni Auntie.
Woah? Sinong kausap ni Auntie?
Mabilis kong tinungo kung saan nanggagaling ang boses ni Auntie. Sa kusina. Sino naman sinigawan niya?
"Auntie, bakit–Ales?" gulat kong sabi ng makita ko si Ales sa lababo na may suot na apron at... naghuhugas ng pinggan.
Oh my god! Don't tell me..
Binalingan ko ng tingin si Auntie na nakapameywang sa gilid. Mukhang galit na galit ang mukha niya.
Pero anong ginagawa ni Ales dito?
"Good Morning, baby!" narinig ko ang masiglang bati ni Ales sa'kin.
Hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Hindi ko pa rin maproseso ang nangyayari.
"Hoy! Dalian mo ang paghugas niyan! Ito pa oh, mga kaldero pa! Hugasan mo ang mga 'yan!" biglang singgit ni Auntie kaya napatingin ako sa kanya.
"Auntie!" sigaw ko sa kanya.
Binaligan niya ako at tinaasan ng kilay.
"Oh? Ano, Blue? Male-late ka na oh! Kumain ka na diyan." ani Auntie na parang wala lang sa kanyang nakikita ko si Ales na naghuhugas ng pinggan.
Unbelievable.
"Baby, your Aunt is right. Eat your breakfast." bumaling ako kay Ales at nakita kong nakangiti pa rin siya habang hinuhugasan ang isang baso.
"Ales., what— anong ginagawa mo?" gulat ko pa ring tanong.
He shrugged his shoulder and smile.
"Hoy, hoy, tama na ang paglalandian niyong dalawa. Blue, kumain ka." mahina sabi sa'kin ni Auntie at bumaling ulit kay Ales.
"At ikaw, wag mo munang landiin ang pamangkin ko! Tapusin mo muna ang ginagawa mo!" mataray na sigaw ni Auntie kay Ales.
"Y-Yes, ma'am.."
Iniling ko ang ulo ko at wala akong nagawa kundi umupo. Kumain na lang ako nv breakfast habang patuloy pa rin sa pagsigaw si Auntie kay Ales dahil sa mali daw ang ginagawa niya. Hays, naawa tuloy ako kay Ales.
"Auntie, wag ka namang masyadong ganyan kay Ales oh. Alam mo namang hindi siya sanay eh." malumay kong sabi kay Auntie.
Agad silang napalingon sa'kin.
"Pero Blue, dapat lang 'yan sa kanya. Mas mahirap pa diyan ang pinagdaan mo nung naghiwalay kayo nito." turo niya kay Ales.
Nakita ko naman natigilan si Ales at malalim na tumingin sa'kin. He's eyes soften habang nakatitig sa'kin.
Ugh, Auntie 'yang bunganga mo talaga.
"I'm sorry.' biglang sabi ni Ales.
Nakayuko siya habang patuloy pa rin sa paghuhugas. Nakonsensya naman ako dahil kailangan pang marinig ni Ales 'yun.
"Tumahimik ka! Idaan mo yang sorry ko sa ipa- pagawa ko sa'yo! Lilinisin mo 'tong buong bahay hanggang sa makapagdesisyon akong patawarin ka at tuluyan ko kayong payagan ni Blue. Sa susunod wag kang gagawa ng kagaguhan na ikakasakit ng pamangkin ko!" Huminga ng mamalim si Auntie at umirap kay Ales.
"Tapusin mo na yan! Ikaw, dalian mo na at may pasok ka pa. Hang araw ka na ding hindi pumapasok." baling niya sa'kin.
Tumango na lang ako at hindi na nakasabat dahil umalis na siya sa kusina.
Bumuntong hininga ako at binalingan si Ales na napatigil sa ginagawa.
Nilapitan ko siya at yinakap siya sa beywang. I looked up at him at nakita kong nakayuko lang siya.
"Ales.." mahina kong tawag.
Mabilis niyang pinahid ang mata niya sa sleeve niya at pilit na ngumiti sa'kin.
"Hey, baby. Good morning? Eat your breakfast first, please?" pilit niyang pinapasigla ang boses niya.
Pero pansin ko pa rin ang panginginig ng boses niya.
Hinawakan ko ang kamay niyang nay hawak na sponge at tinapat sa gripo para banlawan ang masabon niyang kamay. Kinuha ko ang towel at pinunasan ang kamay niya.
"Pasensya ka na kay Auntie. Over protective lang talaga siya sa'kin." malumay kong sabi habang pinupunasan ang kamay niya.
He cleared his throat at suminghap. "It's okay. I deserve all of it."
Tiningala ko siya at namumula na naman ang mga mata niya.
"Ales..." tawag ko.
Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng pilit. Pinalibot ko ang kamay ko sa beywang niya at niyakap siya.
"I love you so much, tanda" malambing kong sabi. I saw how his brow twitched of what I've called him.
Napangiti ako ng ngumiti siya ng malapad. Biglang nagningning ang nga mata niya. He kissed my forehead.
"Damn, it's all worth it baby. I love you too." then he kissed my lips.
Napangiti ako sa pagitan ng halikan namin, praying na hindi kami maabutan ni Auntie na naghahalikan.
"Uy bruhilda! San ka nanggaling? Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw? May nangyari ba?" biglang salubong sa'kin ni Carla pagpasok ko palang ng gate ng school namin.
Hay, nakakamiss pala yung kadaldalan niya.
"Carla, hindi naman masyadong halatang na miss mo ako ano?" tukso ko sa kanya. Inirapan niya lang ako.
"Hmp! Syempre, bestfriend kita. Responsibilidad ng isang bestfriend ang update tungkol sa pinagagagawa ng bestfriend niya."
I rolled my eyes sa kakornihan niya. "Sus, itsura mo bestfriend." I said playfully pinching her nose making us both laugh.
"Anyway, nagpatawag pala si Greene ng meeting para daw sa prom next week. Pinapapunta ka dun."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Meeting again? Kami na naman ba ang mag-oorganize ng prom? I sighed heavily at that thought at sabay kaming pumasok sa classroom ni Carla.
Five PM na at natapos ang klase. Wala naman kaming masyadong ginawa dahil sa busy ang mga teachers para sa prom. Kailangan daw kasing organisado ang lahat dahil aattend daw yung big time na sponsor.
Patungo ako ngayon sa office kung saan gaganapin ang meeting. I hate this.
Makikita ko na naman si Jasmine. Yung number one hater ko dito sa school.
Nakarating ako sa office at naririnig ko ang mga boses nila. Darn, late na na naman 'ata ako. Tsk. Mukhang nagsisimula na sila.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Maingat akong pumasok para hindi makapukaw ng atensyon. Gigisahin na naman kasi ako nito ni Jasmine eh. Kung di lang siya Vice-President matagal ko na 'tong pinatulan.
"Blue! Hey, you made it!" napapikit ako ng biglang marinig ko ang masyang boses ni Greene. Ang SBO President namin.
Napakamot ako ng ulo at hiyang ngumiti sa kanila. "Hello. Pasensya na Prez kung na late ako."
Umiling lang siya at ngumiti sa'kin.
"It's okay. Sit down. Actually, matatapos na din ang meeting."
Nahiya naman ako dahil doon. Dapat pala naghintay nalang akong matapos muna ang meeting. Tsaka nalang ako magtatanong sa iba tungkol sa naging agenda.
Nakakahiya talaga.
Tumango naalng ako at umupo. Nakita ko ang masamang tingin sa'kin ni Jasmine. Pero hindi ko na sinalubong ang matatalim na tingin niya.
Nagsimula muling mag-discuss ni Greene kung ano dapat ang gagawin namin sa prom. As a SBO member kailangan namin gampanan 'to kundi patay kami sa principal. Nag-focus lang ako sa sinasabi ni Greene at nagtake-note.
Hang minuto ang lumipas at natapos na ang meeting. Nagsimula na kaming magligpit ng gamit.
"Wait, I just want to make an announcement." biglang sabi ni Greene.
Napahinto kami sa mga ginagawa namin at tumingin sa kanya. Parang putla niya? Hindi naman siya ganya kanina ah.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "I just want to ask someone." sabi niya ulit at tumingin sa'kin.
Bigla akong kinabahan ng lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko at hinatak papunta sa harapan. Tumingin ako sa iba naming kasamahan at nakita ko rin ang pagtataka sa mga mukha nila.
Huh?
Bumaling ako kay Greene na pinagpapawisan at namumutla. Malamig din ang mga kamay niya at nanginginig habang nakatitig sa'kin.
"Blue, I just wanna ask you if..."
Binaliktad niya ang whiteboard at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang nakasulat doon.
"Will you be my prom date?"
At limang salita lang ang pumasok sa isip ko.
Patay ako nito kay Ales.
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro