Pahina 2
PAHINA 2
***
Patay na.
Patay na patay na talaga ako nito.
I'm late.
Mabilis akong tumatakbo papunta ng office ng mga school oificers para sa isang importanteng meeting na gaganapin para sa isang event na gaganapin next week.
Let's just hope na hindi ako pag-initan ng President. Ang sungit pa naman no'n.
Naghahabol ako nang hininga nang makarating ako sa SBO office. Dahan- dahan akong pumasok at nakita kong nagsisimula na pala sila.
Fudge!
Agad silang natigilan sa pagdi-dicuss ng agenda. I felt heat rans all over my face nang sabay-sabay silang napalingon sa direksyon ko. Nakaramdam ako ng hiya.
I gave them an awkward smile before tentatively sitting down on my assigned chair.
"Oh, bat ngayon ka lang, Blue?" tanong ng isa.
"I'm sorry po, Prez for being late. M-May pinagawang activity pa po kasi si Sir sa'min. Sorry po talaga." nahahiya at nakayuko kong sabi.
Nakakahiya ka, Blue. Sana hindi nalang ako umattend muna. Akala ko kasi aabot pa ako.
"That's okay, Blue." sabi ni Greene. Ang school president ng SBO. Senior din siya tulad ko pero sa ibang section siya.
Agad ako napaangat ng tingin sa kanya nang at mabilis na tumango. "S-Salamat, Prez. Sorry po ulit." mahinang kong paumanhin para sa lahat.
Medyo kumunot ang noo ko nang ma-realize kong hindi niya ako sinungitan katulad ng ibang members na nale-late. Weird– but thank god! Akala ko ipapahiya niya ako, this is my first time na ma-late.
"What? Greene! She's fifteen minutes late at hindi na siya makakahabol sa meeting. Palabasin mo nalang siya. Anong klaseng SBO member ka ba?" mataray na sabi ni Jasmine. Ang Vice-President ng SBO.
Matagal na niya akong pinag-iinitan kapag nagkikita kami. Mula nung kumalat ang balitang may gusto daw si Greene sa'kin lalong dumagdag ang inis niya.
Like, hello? Tsismis lang naman 'yun eh. Napaghahalataan tuloy na may gusto siya kay Greene. Matagal na kasi itong obsess kay Greene kaya ayan, palaging mainit ang ulo sa'kin. Hindi ko nalang pinapatulan, kawawa lang siya.
Yumuko ako at pasimpleng umirap sa naging asal niya. Kahit kailan talaga, wala na siyang ginawa kundi pagalitan ako. Hindi nalang ako nagsalita, they're all older than me, I don't wanna be rude, although they're rude.
"Stop it, Jasmine. Her excuse is reasonable. Kaya pwede ba? Get back and sit down." mariing sabi ni Greene.
"B-But.." aangal pa sana siya nang biglang hampasin ni Greene ang mesa dahilan para mapatalon kaming lahat sa gulat.
"I said that's enough!" sigaw niya dahilan para mapatiklop si Jasmine.
Naging tahimik ang buong paligid. Wala ni isa sa'min ang sumubok na putilin ang katahimikan. Mabait naman si Prez, pero pag talagang nagagalit siya hindi siya nag-aalangan na ilabas ang totoo niyang ugali.
Hays, kasalanan ko na naman 'to.
Kung tumahimik na lang sana si Jasm'ne eh. Narinig ko ang padabog na tunog ng upuan ni Jasmine.
Sinulyapan ko lang siya at kita ko ang mabibigat niyang paghinga. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya nang bigla siya mapalingon sa direksyon ko at binigyan ng masasamang tingin. Alam kong nahihiya siya dahil pinahiya siya ng crush niya. Buti nga.
Ang maldita niya talaga. Hindi ba niya ako pwedeng tantanan para hindi na siya napapahiya kay Greene.
"Okay, as I was saying earlier.May gaganapin na eyent next week and the principal want us to organize it. So, this event is for Mr. Alession Marquez to thank him for his donation para makapagpatayo ang school ng limang classrooms..." at nagsimula nang magsalita si Greene tungkol sa event na gaganapin.
At first, nakikinig pa ako, pero pilit kong mang ibaling ang buong atensyon sa sinasabi ni Greene pero hindi ako makapag-focus dahil sa naririnig kong bulungan ng dalawang katabi ko.
Kumunot ang noo ko at hindi ko mapigilang pakinggan ang pinagbubulungan nila.
"Alession Marquez? Yung gwapong lalaki na nasa magazine na pinakita mo sakin kanina?"
"Oo, siya nga! Di na ako makapaghintay na makita siya in person. Matagal ko na kayang crush yun."
"Eh di ba matanda na yun? 33 na ba yun?"
"Tse! 30 lang no! Tsaka, age doesn't matter."
"Sabagay—iiihh! Gusto ko din siya makita in person, kakaexcite!"
"Sshh, hinaan mo ang boses mo. Baka marinig tayo ni Prez. Alam mo namang terror yan eh."
"Oo na. Pero pansin kanina, nung pagdating kay Blue ang bait-bait at ngumingiti pa. Hmp! Unfair."
"Kaya nga eh. Isipin mo, bad trip yan kanina habang nagsta-start yung meeting pero nang dumating si Blue parang nakakita ng anghel sa sobrang bait. Pustahan tayo may crush si President kay Blue."
Napailing ako sa pinag-uusap nila.
I sighed.
Tinukod ko ang siko ko sa table at and rested my chin ony palm. Kelan ba 'to mamatapo? Sino ba kasi iyang Alession na yan at masyado naman yatang importante.
Tulala akong tumingin sa harapan.
Nakakaantok naman. Ano kayang ulam sa bahay? Nagugutom naman ako ngayon habang iniisip ang luto ni Auntie.
I sighed. I wanna go home.
"Blue?" napatalon ako sa gulat nang marinig ko na biglang may tumawag sa pangalan ko. Umiling ako para gisingin ang diwa ko.
"H-huh? Sorry. Ano po yun?" Oh gosh! Nakakahiya! Bakit kasi hindi ako nakinig?
"Bingi ka ba? Wait— are you even listening?" mataray na singit ni Jasmine.
Mas lalo akong nakaramdam ng hiya sa pagpuna ni Jasmine. Jesus, gano'n ba siya kagalit sa'kin para ipahiya? I'm sure papagalitan ako ni Greene.
"Jasmine stop it!" saway ni Greene dito.
Nakita ko lang ang pag-irap ni Jasmine sa'kin. Napanguso ako at mabilis siyang binigyan ng nakakamatay na tingin. Malapit na akong mapuno sa kanya.
"Blue, tinatanong kita if you have a suggestion for the program?" baling ulit ni Greene at bahagyang ngumiti sa'kin.
Nanlaki ang mata ko gulat. "H-Huh?"
"Kita mo na. Sabi ko sayo eh. Kilig much." narinig kong bulong ng katabi ko sa katabi niya.
Isinawalang bahala ko nalang ang narinig ko at muling binalingan si Greene na hinihintay 'ata ang sagot ko.
"U-Uhm.. ano po-" Ginala ko ang paningin ko sa buong paligid at magiit na nag-isip ng isasagot.
Think, Blue. Think!
"Uhm, performances po?" patanong kong sabi. Oh.. seriously Blue?
"Ha! Nagpa-" aangal pa sana si Jasmine pero mabilis siyang pinutol ni Greene.
"That's great! We'll just inform each year level to prepare their own performance. Okay ba yun guys?" nakangiting sabi ni Greene sa buong members.
Did he actually bought that? Oh god! Gusto ko sanang bawiin ang sinuggest ko at sabihing nagbibiro lang ako–pero hindi ko na natuloy nang magsitanguan ang mga ito. Seriously? Tatanggapin nila yung suggestion ko?
Padabog na tumayo si Jasmine at pinalo ang mesa. "What?! Are you kidding me? Susundin niyo talaga ang suggestion niya?"
"Why not, Jasmine? Gano'n naman talaga di'ba? Every program needs entertainment. Hindi naman pwedeng puro speech speech lang ang magaganap. Right, guys?" cool na sabi ni Greene.
"Prez is right, Jasmine. Masyado namang boring ang program kung walang entertainment." sabat ni John.
Tumingin siya saken at kumindat. May something ba sa mata niya?
"Fine! Bahala kayo. Napaka-bias ha!" sigaw ni Jasmine at lumabas na ng venue.
Nagkibit-balikat na lang ang iba sa naging asal ni Jasmine–sanay na din naman kasi sila dito. Gano'n naman palagi si Jasmine eh, everytime na hindi masusunod ang gusto niyang mangyari, magdadabog at magwo-walk out.
Napaisip nga ako minsan kung paano siya naging vice-president ng SBO sa ganung ugali. Sabagay, marami siyang kaibigan at sikat din siya sa buong campus kaya siguro ganun.
"Okay...let's all settle. Miko, Darwin, Chelsea, John at Wency kayo ang incharge sa pagde-decorate ng stage. Ivan and Blue kayong dalawa ang bahala sa mga gagawing performance ng bawat year level at ako na ang bahalang mag organize ng program. Jasmine will just help anywhere she wants. Okay ba yun?"
Sabay-sabay kaming napatango sa kanya. Nagpatuloy ang pagpla-plano tungkol sa mga dapat na gawin para sa event. Nakakainis, dagdag stress na naman 'to. Ang hirap din minsan i-balance ang studies at duty as an school officer. Pano ba kasi ako napunta sa posisyon na 'to?
Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. Sino ba kasi 'yang Alession Marquez? Napaka-special naman masyado.
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro