Pahina 15
PAHINA 15
***
Nagulat ako pati ang mga kasamahan ni Rextor kay Ales. Napatayo naman ako. Lahat kami ay napatulala kay Ales dahil marami itong kasamang body guard na nakasuot pa ng black suits.
"A-Ales." ang tanging na usal ko.
Sinulyapan lang ako ni Ales at muling tumitig ng masama sa katabi kong si Rextor.
"Sino ka?" tanong ni Rextor.
He smirked. "I'm her boyfriend." With confidence Ales said.
Sarkistong tumawa si Rextor at binalingan ako ng hindi makapaniwalang tingin na parang nakarinig siya ng hindi maganda. "Is it true Blue? Is he your b-boyfriend?" he asked.
"Boyfriend mo si Mr. Marquez, Blue?" exaggerated na sigaw ni Carla sakin.
Napalunok ako dahil nakatingin silang lahat sakin, hinihintay ang sagot ko.
Tumingin ako kay Ales at mas lalo akong nanliit dahil sa paraan ng pagtitig niya sakin.
Good God.
"O-Oo." sabay sabay silang napasinghap sa naging sagot ko. At kita ko ang gulat nilang lahat.
Tiningnan ko si Carla and I saw disappoinment in her face. Sorry Carla, kung alam mo lang.
I mouthed 'I'm sorry' sa kanya at tumango siya na sinasabing naiintindihan niya at binigyan niya ako ng tingin na You-Better-Explain-Tomorrow look.
"See? Now, let's go, baby. You have some girlfriend duties to do." sabi niya at hinawakan ako sa pulsuhan.
Hinila niya ako pero napatigil siya ng bigla namang hablutin ni Rextor ang kabila kong kamay at hinablot naman ako pabalik.
Uh-oh.
"Pre, kita mo naman diba, hindi pa kami tapos." anggal ni Rextor.
Napangiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Ales sakin at ganun din si Rextor sa kabila.
Diyos ko po! Andami ko na namang pasa nito. Ang sakit!
"Get.Your.Filthy.Hands.Off.Her." madiing utos ni Ales na handa nang sumugod kay Rextor. Madilim ang mukha niya na para bang sasabog na ito dahil sa galit.
Pero hindi pa rin natinag si Rextor at mas lalong ininis si Ales ng hilain niya ako.
"Rextor bitiwan mo na ako-aaaahh!" napatili ako ng biglang humandusay bigla si Rextor sa mesa.
Namilog ang mata ko at napatingin kay Ales na naka kuyom ang mga kamao habang matalim na nakatingin kay Rextor. Agad siyang sumugod at sunod sunod na sinuntok si Rextor.
"A-Ales!" sigaw ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig at patuloy na pinauulanan ng suntok si Rextor.
Hindi naman makaawat ang mga kaibigan niya dahil hawak sila ng mga body guards ni Ales.
"Ales! Ales tama na please!" sigaw ko at unti-unti ng tumulo ang luha ko.
"Ales! Tama na!" ulit ko. At tinangkang hawakan siya sa braso.
"Ales!" tawag ko.
"Fuck off!" sigaw niya at natumba ako ng tinulak niya ako ng malakas.
Para namang may tumusok sa dibdib ko dahil sa ginawa niyang pagtulak sakin ni Ales. Napangiwi ako sa sakit.
"Ales." mahina kong sambit.
Tinulungan naman ako ni Carla'ng tumayo at hinagod ang likod ko.
"Okay ka lang Blue? May masakit ba sayo?" nag aalala niyang tanong sakin.
Umiling ako sa kanya at yumakap sa kanya. Tuluyan ng akong napahagulgol sa iyak dahil sa takot. Hindi ko inaasahang magiging ganito kasama si Ales, para siyang halimaw kung magalit.
"Ssshhh.. tahan na blue." pag aalo sakin ni Carla.
"You son of a bjtch! I'm gonna kill you! No one touches my property! She's mine, you bastard! Mine! You hear me?!" sigaw niya habang patuloy na sinusuntok si Rextor.
Tumayo na siya at pinagpagan ang suot niyang business suit na may bahid na ng konting dugo na gating kay Rextor.
"If you ever... Talk, touch and look at my baby, I'm really gonna burn you in hell!" madiin niyang banta. Pinitik niya ang daliri niya at agad namang may lumapit sa kanyang lalaki.
"Trash them." utos niya na may mapanganinb na boses.
Agad namang tumango ang lalaki at nag bow kay Ales bago humarap sa mga body guards at tinanguan.
Agad namang nilayo ng mga body guards ang mga barkada ni Rextor. Pilit naman silang nagpupumiglas.
"Saan niyo sila dadalhin?" tanong ko sa mga body guards ni Ales.
Walang sumagot sakin at nagpatuloy lang sila sa paghatak sa mga lalaki. At rinig ko naman ang protesta nila.
May humatak sa'kin mula sa pagkakayakap ko kay Carla. At si Ales iyon. Tiningala ko siya at nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakatingin sakin.
"Blue." nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig ng boses niya.
"A-Ales, saan nila dadalhin?" tanong ko habang tumutulo pa din ang luha ko.
"I'll kill them."
Nanlaki ang mata ko.
"Wag! Please Ales, maawa ka! Ano bang ginawa nila sayo? Pakawalan mo na sila."
"You're taking their side?! Those bastards were gawking at you like dogs who's ready to bite you!" galit niyang sigaw.
"A-Ano? Dahil lang dun?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Yes! I told you, no one gets away from me when it comes my property they're gawking at! I told you, you're mine!" sigaw niya sakin.
Napanganga ako sa sinabi niya.
What the?
"P-Pero-aaaaah!" at bago ko pa man matapos ang sasabihin ko ay bigla niya akong binuhat na parang sako.
"A-Ales! Ano ba! Ibaba mo ko!"
Pero parang wala lang itong narinig at patuloy lang sa paglakakad patungo sa kotse niya.
Pinasok niya ako sa loob ng kotse niya at padabog na sinirado ang pinto ng kotse.
Isang oras nang nagdra-drive si Ales at hindi pa rin kami nagkikibuan. Hindi ko alam kung saan kami pupunta and it's already 7:30 PM. Mag-aalala na si Auntie.
Bumuntong hininga ako at nilingon ko si Ales. Seryoso pa rin itong nagdra-drive at hindi man lang nagtangkang lingunin ako.
"A-Ales, san ba tayo pupunta? Gabi na oh, papagalitan na ako nito ni Auntie." mahina kong sabi.
"Don't worry, I told her that you're with me." tugon niya na hindi pa rin lumilingon sakin.
What? Plinano niya ba 'tong lahat? Ba't pumayag si Auntie?
"San ba kasi tayo pupunta? Pagod na ako eh." sabi ko at sumandal na lang sa bintana.
"Don't worry, we're almost there."
Napaangat ako ng tingin ng makita ko ang isang malaking gate na may nakasulat na 'Marquez Mansion' sa gitna nito.
Wow.
Sa kanya ba 'to? O sa parents niya?
Nakita kong may papalapit na gwardya sa kotse at binaba naman ni Ales ang bintana ng kotse sa side niya.
"S-Sir, magandang gabi po." bati ng gwardya sa kanya.
"Hurry up and open the gates." madiin niyang utos.
Hmp! Bastos talaga kahit kailan, hindi man lang binati ang gwardya.
Nakita ko namang may sinenyas ang gwardya sa isa pang guard at agad namang bumukas ang malaking gate.
Namangha ako sa dinadaanan namin. Napakaluwag ng lupain nila dito. Maraming puno at bulaklak sa paligid.
Napanganga ako ng ipinarada na ni Ales ang kotse niya sa isang.. napakalaking bahay! Malamang mansyon nga eh.
Nakatunganga lang ako sa buong kabuuan ng mansyon at hindi ko nalang namalayang nakabukas na pala ang pintuan ng kotse sa side ko.
Tumingin ako kay Ales at bigla nalang ako nitong hinatak palabas ng kotse.
Nakaramdam naman ako ng matinding kaba ng makapasok na kami sa loob ng mansyon.
"A-Ales, anong gagawin natin dito." tanong ko na puno ng takot at kaba.
"I'm gonna punish you."
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro