Pahina 12
PAHINA 12
****
Pinarada ni Mr. Mar—este Ales ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. Tahimik lamg kami buong biyahe. At pasimple ko pang pinupunasan ang luha ko. Hindi ko mapigilang mapa-iyak nang maisip ang pagbabago ng tahimik kong buhay.
Nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko na ang bahay namin matapos ang ilang minuto. Napakagat ako ng labi habang tinitingnan ko ang bahay.
Kinakabahan ako dahil alam ko na papagalitan na naman ako ni Auntie. Grabe kasi kung mag-alala ito sakin. Minsan umiiyak pa siya kapag hindi niya ako ma-contact, akala niya daw kasi may masamang nangyari sakin.
Maswerte ako kay Auntie. Kaya naman gagawin ko ang lahat para kay Auntie para masuklian ko ang pagkupkop niya sakin.
Napatalon ako ng maramdaman ko ang kamay ni Ales na nakahawak sakin.
"Baby, you're sweating. Are you alright?" malambing na tanong ni Ales.
Pinunasan niya ang pawis sa noo ko. Natatakot na naman ako. Paiba-iba kasi ang ugali niya. Siguro nga may deperensya na siya sa pag-iisip.
Kinagat ko ang labi ko. "W-Wala."
Tiningnan niya ako ng seryoso at hinawakan sa pisngi nang madiin. Napaigtad ako sa konti sakit ng hawak niya.
"Tell me." madiin niyang utos.
"W-Wala 'to. Uhm... pasok na ako baka nag-aalala na sakin si Auntie. Inggat po kayo." hinawakan ko ang pinto ng kotse at lumabas na ng kotse niya.
Humakbang ako paatras at kinawayan siya. Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng bahay, nag-iingat na hindi makagawa ng tunog.
Pero napaigtad ako sa gulat ng marinig ko boses ni Auntie. "Blue! Saan ka ba nagpupupunta at ngayon ka lang nakauwi ha?" galit na tanong ni Auntie.
Napalunok ako sa tono ni Auntie. Patay, galit talaga siya. Napatingin ako kay Auntie at matamis na ngumiti kahit nagpa-panick na ako sa kaloob-looban.
"U-Uhm auntie! A-Ah .. K-kasi po.. ganito-uhm."
"Blue naman.. bakit ngayon ka lang? Alam mo bang sobra akong nag-alala sayo? San ka ba galing ha? Hindi ka man lang tumawag o nagtext! Tatawag na sana ako ng pulis..."
"Auntie kasi-" naputol ang sasabihin ko ng makarinig kami ng katok mula sa labas ng pintuan. Nagkatinginan kami ni Auntie at nagbuntong hininga ito.
"O siya, mamaya na tayo mag-usap. Magbihis ka na, titingnan ko kung sino ang kumakatok." ani Auntie.
Tumango ako at lumapit sa kanya at niyakap siya. "Sorry po talaga, Auntie." malambing kong sabi. Nagpakawala ulit siya ng buntong hininga at niyakap din ako.
"Naku, ikaw talagang bata ka ewan ko sa'yo. Kala mo makakatakas ka, ha? Mag-uusap pa tayo." pabiro nitong saad.
Napatawa ako ng mahina at hinalikan ko siya sa pisngi bago umakyat sa taas. Nilapag ko ang bag ko at humllata sa kama.
Ales.
Automatikong napahawak ako sa labi at napapikit habang inaala ang nangyari kanina. I remember his soft lips, his husky voice, his rough hands that traveled all over her body.
Unang beses kong makadama ng ganun. Unang beses din may gumawa sakin ng ganun. Hindi ko inakalang makakadama ako ng ganoong experience.Bigla kong naalala ang pakiramdam ng halik niya kanina.
Diyos ko, sobrang makasalan ko na.
Pinag nanasaan ko na ba si Mr. Marquez?
He's too old for me! Pwede ko na siyang maging Tatay. Pero bakit imbes na mandiri ay iba ang nararamdaman ko? Baka nadadala lang ako dahil gwapo siya?
"Blue! Bilisan mo na diyan! May bisita ka!" narinig kong sigaw ni Auntie.
Naputol ako sa pagiisip ng marinig ko ang malakas na sigaw niya mula baba.
Huh? Bisita sa ganitong oras? Sino naman? Baka si Carla. Ano naman kaya ang kailangan ng bruha kong bestfriend?
Mabilis akong nagbihis ng pambahay, isang maong short at itim na t-shirt. Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ko at bumaba sa baba para puntahan ang bisita.
Nang papalapit na ako sa sala nakarinig ako ng dalawang boses. Boses iyon ni Auntie at ng isang pamilyar na baritong boses. Napatigil ako ng makita ko kung sino ang nasa sala.
"A-Ales, a-anong ginagawa mo dito?" kinakabahan kong tanong.
Patay ako nito kay Auntie. Bakit nandito siya? Naku po! Napatingin ako kay Auntie at nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakataas ang isang kilay.
"Upo." madiing sabi ni Auntie. Napalunok ako at dahan-dahang lumapit sa kinauupuan ni Ales.
"Blue, bakit hindi mo sinabing may boyfriend ka na pala." seryosong sabi ni Auntie.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya napakagat ako ng labi at tumingin kay Ales na prenteng naka upo sa sofa.
Hudas! Napakawalang hiya talaga! Bakit kailangan pa niyang sabihin iyon?
Napatingin ako kay Auntie na mariin na nakatitig sa akin. Hinihintay ang sagot ang magiging sagot ko.
"Eh k-kasi p-po.." I bit my lip. Binilisan ko ang pag-iisip ng palusot.
Bago pa man ako makasagot ay nanlaki ang mata ko nang inakbayan ako bigla ni Ales at hinalikan sa ulo.
Anong ginagawa niya?! Mas mapapahamak ako! Gusto ko siyang murahin at itulak at patayin.
"At ikaw! Aren't you a little old to be her boyfriend? Seryoso ka ba sa pamangkin ko? Baka naman saktan mo lang siya." turo niya kay Ales.
"I won't hurt your niece, Ma'am. I'm serious about our relationship." kampanteng usal ni Ales.
Won't hurt me? Eh, nagawa mo nang hayop ka eh. Bakit hindi mo nalang sabihin ang totoong pakay mo?
Napataas ng kilay si Auntie kay Ales.
"Bata pa si Blue at pwede pang magbago ang isip niya. At pano ka naman nakakasiguradong seryoso ka sa pamangkin ko ha?" mataray na tanong Auntie.
Naku, Auntie kung alam mo lang. Blinock mail niya lang naman ako para mapapayag na maging girlfriend niya eh.
"I know she's young and there is a possibility that she might change her mind and I won't let that happend. I can prove you that I'm serious about her. How 'bout I'll marry her to prove it." seryoso nitong sabi na parang wala lang sa kanya ang mga binibigkas na salita
Napanganga kaming dalawa ni Auntie sa huli nitong sinabi. Marry me? Gago ba siya? Gusto niya bang makulong at mamatay?! Anong klaseng utak ang meron siya? He's desperate! Nakakahiya kay Auntie!
"A-ah... Auntie, ang ibig niya pong sabihi-" napatigil ako ng biglang tumili si Auntie at nagtatalon.
Eh?
"Eeeehh! Nakakakilig naman 'yun! Naku naman ang swerte mo naman. Blue! Eeeeeeh!" tumitiling ani Auntie.
Ha?
"Naku, naku.. ikaw na talaga hijo! Basta ang payo ko lang ha? Wag na wag mong sasaktan ang pamangkin ko kundi ipapamulto kita sa asawa ko." kalmadong ng sabi ni Auntie.
Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Ales na nakangisi ng malapad sakin. He wiggled his eyebrows and he pecked my lips. Napatulala ako at narinig kong tumili ulit si Auntie.
"Eeeeeeeehh! Ang cute cute niyong dalawa." tukso ni Auntie.
At pilit naman akong napa-ngiti kay Auntie. Kung alam mo lang Auntie kung ilang taon na siya. I bet, magwawala ka at hindi ka papayag! Ano ba 'tong pinasukan ko?
"See, baby? I got your Aunt's approval— which makes us legal." husky na bulong ni Ales.
Binigayan ko lamang siya ng masamang tingin. Kumuyom ang kamao ko— handa nang ilapat iyon sa mukha ni Ales. Pero ako lang yata ang masasaktan pag ginawa ko yun.
Ano ba talaga ang plina-plano mo? Ano talaga ang kailangan mo sakin? Ano ang tunay na pakay mo?
***
© iorikun xx
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro