Poison III
Hindi ako nawawalan ng wine sa bahay. Lahat ng gusto ko binibigay niya. Paolo is a great guy, but I just can't like him or love him the way he loves me. Tuwing nakikita ko siya naalala ko lang kung paano ako ipinakasal ng aking mga magulang sa taong hindi ko kilala.
Because of that thought, my blood boils. Nasasakal ako sa sarili kong buhay. Pero kahit sobrang trashy na ng buhay ko, kahit kailan hindi ko inisip na gusto ko nang mamatay. Maybe because I still have a lifetime to discover the things that I didn't discover because my parents forbid me.
I grabbed the wine bottle along with a notebook and a pen I saw randomly at the island counter. I returned to my wing chair near the window. Nilapag ko ang wine bottle sa lamesita.
Binuksan ko ang notebook, mukhang bago lang dahil walang nakasulat except sa front page. I smiled at my daughter's handwriting at the lower right part of the paper.
This notebook belongs to Arlene Velazquez Rivera
Maraming notebook si Arlene. Lagi ko siyang nakikitang nagsusulat. Gusto kong malaman kung ano ang sinusulat niya kaya lang nirerespeto ko rin ang privacy niya.
Irene and Arlene have a huge difference. Hindi ko sila masyadong pinapakielamanan sa buhay nila cause I'm giving them freedom. Ayokong maramdaman nila ang pinaramdam sa akin ng aking mga magulang na para akong nakatanikala.
Pero sa nakikita ko, Irene is an extrovert. Marami siyang mga kaibigan at taong labas siya. She finds the crowd comforting. While Arlene on the other hand likes her own company. On time siya laging umuwi at palagi lang nagsusulat dito sa bahay.
Hinahayaan ko lang sa lansangan si Irene basta kailangan bago mag six pm ay nasa bahay na siya kasi ayoko nang nag-aalala. Irene often invites her friends here while Arlene don't. Ah, there's a time that Arlene went home with a guy. I think the name is Gab? Gabriel.
I almost accused him as her boyfriend. Hindi naman sa pinagbabawalan ko ang mga anak ko. I just want them to avoid it for now and focus on their studies. Pero pwede naman, basta alam ko.
Hindi naman siguro siya magagalit kung gagamitin ko ang notebook niya? Bibilhan ko na lang siya ng bago. I started to write my plan on how to escape this f*cking marriage.
Tutuparin ko ang pangako ko na ito na ang huling Valentine's Day na makakatanggap ako ng mga puting rosas. Ayoko na, ayoko na talaga. I just want to be happy alone, or maybe with my kids. Gusto ko lang talaga mawala si Paolo sa buhay ko kasi ayoko na talaga. Being in this marriage is a curse. I don't wanna be tied up with someone that I don't love.
Pati ang bagay na talagang nagpapasaya sa akin ay kinalimutan ko nang dahil dito. The only similarity that Paolo and I have is that we are both into books. Nang ma-realize ko na nagkaka-mabutihan kami dati nang dahil sa mga libro ay itinigil ko na ang pagbabasa.
Ayokong magustuhan siya. Ayokong mahalin siya. I loathe him. Galit na galit ako sa kanya dahil feeling ko siya ang dahilan kung bakit hindi ko nakuha ang kalayaan na matagal ko nang tinatamasa. The freedom to live my own life.
yeojacosmos
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro