CHAPTER 6
Harley Ezra Smith
"What?! Really?!" aiden shockingly shout at me. Bahagya pang nakanganga ang bunganga niya.
"OMG! I can't believe it. Ikaw na talaga maganda! Sana all!" ang natatawang niyang saad habang nainom ng milkshake niya.
Kinuwento ko kasi sa kanya yung nangyari kaninang botohan sa klase. I was reluctant at first kung ikwekwento ko ba o hindi, pero naisip ko na wala namang masama kung ishare ko 'yun sa kanya, he's my friend after all.
"Alam mo may botohan din naman kanina bakit hindi ako ninominate sa Female category?!" ang nakanguso niyang mukmok sa akin.
"Baka kasi bulag mga kaklase mo at hindi makita ang ganda mo"
"Buti ka pa, nakikita mo itong natatangi kong ganda. Alam mo? Nakaka-offend lange eh. Okay lang naman sa akin kung hindi ako manominate sa Female category pero sa male category? Aba! Matindi! Hindi ko matake! Ang unfair! Magfafile ako ng kaso!" ang hindi niya makapaniwalang saad sa akin sabay irap ng bahagya. I chuckled at him.
Nanlalaking mata siyang napatingin sa akin.
"Ano nakakatawa ley? Hindi 'yun nakakatawa ghourl! Hmp. " ang sungit nito.
"Sungit mo. May dalawa ka ba?" ang natatawa kong tanong.
"Meron bakla! Kaya wag ka diyan."
Ito pala ang totoong Aiden, the shy aiden na nakipagkilala sa akin three days ago ay wala na. Makulit siya at palabiro tsaka maligalig din. Childish minsan pero hindi naman malala.
"Hindi naman ako natatawa sa kwento mo sa mukha mo ako natatawa. Ang cute mo kasi."
"Ano ka ba! maliit na bagay. " ang sabi niya sabay ipit ng imaginary hair niya. Ito talaga kahit kailan.
"So ano plano mo sa pageant?" ang agad na tanong niya.
"Wala pa nga eh. Problema ko is 'yung mga susuotin ko." ang nakapalumbaba kong saad sabay nguso.
Marami akong damit na pwede suotin sa pageant kaso lahat 'yun mga mamahalin baka magtaka sila kung bakit may ganung kamahal na mga damit ako.
"Ay bakla! Problem solved! Ako na bahala sa mga damit mo! Ako na rin magmamake-up sayo. Kung hindi mo na kasi matatanong eh, I actually took a make-up class secretly dati." ang nagmamalaking sabi niya sa akin
"Totoo?! Thank you talaga!Hulog ka talaga ng langit." I happily said to him.
"Bakla maliit na bagay. I'm your fairy godmother kaya."
I'm so lucky to have this friend of mine. Ibang-iba siya sa mga taong nakakasalamuha ko dati. Kahit mayaman siya napaka-humble pa rin niya. Sana hindi magbago tingin niya kapag nalaman na niya ang totoong estado ko sa buhay.
"Nga pala, ano? gingulo ka ba ni Sebastian?" ang bigla niyang tanong habang nanguya ng pagkain niya.
Napatigil ako sa pagsubo dahil sa tanong niya. Hindi ko pa kasi nakwekwento 'yung mga nangyaring ingkwentro sa amin ni Sebastian. I want to tell it to him, pero baka may makarinig.
"Ahmm ... kwento ko na lang sa susunod, baka kasi may makarinig sa akin dito" I drawled to him.
He look at me with wide eyes.
"What?... You mean?... ginugulo ka niya?" he said shocked on what I said.
I slowly nodded sabay subo ng pagkain ko.
"Ano bakla? Need mo ng resbak? Sabihin mo lang." ang maangas niyang saad kaya natawa ako.
"Sige puntahan mo siya ngayon tapos sabihin mo tigilan na niya ako." ang mapanghamon kong sabi sa kanya.
"Eto naman si bakla hindi mabiro. What I mean sa resbak is, icheecheer kita ganun! Ireaready ko na pompoms tsaka banner ko!"
"Ikaw talaga! Akala ko naman ipupush mo." ang nakanguso kong ungot sa kanya.
"Baliw ka ba bakla? Ako makikipag-away 'dun? Hello? Kitang-kita mo naman sa katawan pa lang ligwak ganern na ako." ang sabi niya sabay higop ng malakas sa milkshake niya.
Oo nga naman, sa laking tao ng lalaking 'yun baka matiris lang niya itong si Aiden. Ako sigurado ako na kaya ko siyang labanan kaso hindi ko alam kung bakit kapag malapit na siya at magsasalita parang nanghihina ako. Yung tipong gusto ko na lang mapaupo sa sahig dahil sa panginginig ng tuhod ko. Kahit gaano ako katapang sa panglabas, sa loob-loob ko halo halong emosyon na 'yung nararamdaman ko.
Nagpatuloy lang kami sa pagkain at kwentuhan na rin.
Naalala ko na bukas na pala ako maghahanap ng trabaho. Saan kaya ako magsisimula? Magsearch kaya ako online? Tama magchecheck ako online. Sana may mahanap akong trabaho 'yung hindi sana masasagasaan yung class hours ko.
After namin kumain ni Aiden agad kaminh nagpaalama sa isa't-isa. May next class is yung pinakahuli kong class ngayon.
Habang naglalakad ako papunta sa room ko may sumigaw sa likod ko dahilan para mapatigil ako.
"Harley!"
Pagkatalikod ko 'dun ko nakita yung nanalo kanina sa Mr. Nutritionist Representative. Kunot-noo ko siyang tinignan.
"Ano 'yun? may kailangan ka?" ang nakangiti kong tanong sa kanya.
"May sasabihin ako sayo about sa pageant na sasalihan natin." ang hinihingal niyang saad.
Pagkaharap niya sa akin nakita ko ang bahagya niyang pamumula. Hindi naman mainit?
Baliw para sa kanaya mainit,kita mong hinihingal sa pagod at pinagpapawisa.
Oo nga naman. Pero hindi kasi talaga mainit mahangin pa nga eh.
Nakakapagtaka ka minsan ang klima dito sa Pilipinas. Mamaya mainit tapos aftet an hour lalamig tapos iinit ulit. Kulang na lang isipin ko na pati klima may mood swing eh!
"Ahmm... ano kasi... malalate na ako sa last class ko. Pwede later na lang uwian natin? Kita tayo sa waiting shed sa labas ng gate." ang sabi ko sabay kamoy sa patilya ng buhok ko.
"Ah sige kita tayo 'dun. " he said sabay talikod at lakad palayo sa akin.
Ang weird parang hindi siya mapakaling ewan.
If you're wondering kung bakit hindi kami magkasama sa last class, that's because we have our own freedom kung ano ang minor at major subject na kukuhain namin basta may connection pa rin sa course na napili namin.
Di kalayuan sa gilid ng hallway nakita ko si Sebastian na may kahalikang babae. Wow? yan ba yung sinasabi nilang himala na walang kasamang babae? Mga chismis nga naman. Hindi mapagkakatiwalaan.
Bakit parang masyado akong affected?
Siguro kasi napakalandi niya to the point na pati ako dinadamay niya!
My pa MINE MINE pa siyang nalalaman! MINE niya mukya niya!
He don't own me! No one owns me! Nobody but only me.
Patay malisaya akong naglakad sa harapan nila. Naglakad ako ng hindi sila tinitignan.
"Babe? What's wrong?" ang rinig kong nagtatakang tanong ng babae.
I just ignore it at nagpatuloy sa paglalakad. Ayaw ko malate dahil lang sa kalandian nila.
"Babe wait!" ang rinig kong sigaw ni Sebastian.
Anyare? Umalis ba yung babae?Mukha atang nawalan ng gana yung babae kasi tumigil si Sebastian kaya umalis? Oh well, I don't care. Mas importante ang klase ko.
"I said wait!" ang ulit na sigaw ni Sebastian.
Ang ingay naman ng lalaking ito. Bakit hindi na lang niya habulin 'yung babae? Pasigaw-sigaw pa. Hindi ba siya aware na may naiistorbo siyang klase?Oh I forgot anak pala siya ng Dean ng University na ito. I sarcastically chuckled.
Malapit na ako sa hagdan ng biglang may humila na naman sa sakin. Oh please! don't tell me na si Sebastian ito.
Sino ba may ganang laging manghila sayo? Diba se Sebastian lang naman?
Ugh! Nakakainis.
"I said wait! Fuck!" ang naiirita niyang sabi ng maiharap niya ako sa kanya.
"Ano na naman ba? Huh?! Lagi mo na lang akong hinihila! Tapos sisigawan mo pa ako! Please... Tama na!" ang pagod kong saad sa kanya.
Mukhang wala ata siyang balak na tigilan ako. Mariin lang siyang nakatitig sa akin.
"Hindi ako titigil Babe! Hangga't hindi mo binibigay ng buo ang sarili mo sa akin, hinding hindi ako titigil. Akin ka lang!" ang mariin niyang sabi habang seryosong nakatitig sa akin.
Napatawa ako sa sinabi niya. Nakita ko kung paano napakunot ang nuo niya at sumama ang timpla ng expresyon niya. Hindi ako nagpatinag I look at him bravely.
Ang lakas ng loob niyang sabihin na sa kanya ako pero may kahalikan naman siyang babae kanina. Ano kami? Collection niya? Pwes wala akong balak na maging isa sa collection niya.
"Wow! Ang lakas mo mang-angkin samantalang may kahalikan ka? Pwede ba?! Huwag mo kong idamay sa kabaliwan mo. Bitawan mo na ako, malalate na ako." ang mariin kong saad sa kanya habang nagpupumiglas sa hawak niya. Ugh! Bakit ba ang lakas nito.
"Hindi ko siya hinalikan Babe. Siya ang humalik,binalik ko lang. Why do you sound like you're my jealous girlfriend? Huh?" ang nakangisi nitong tang sa akin.
Napairap ako sa sinabi niya. Ako? Nagseselos? Ang lakas ng apog ng lalaking ito ah.
And what? Binalik lang niya yung halik? Ano? dapat ko na ba siyang palakpakan kasi ang bait niya dahil binalik niya yung halik?Wow!
"Excuse me? I'm not jealous! I'm just frustrated kasi dinadamay mo ako sa kalandian mo!" I answered irritatingly.
"Ok babe, If you say so." ang mapang-asar niyang sabi sa akin. Napairap na lang ako sa kahanginan ng lalaking ito.
"Don't keep rolling your eyes on me babe. It turns me on. I might lose control. " ang mapang-akit niyang saad sabay dila sa labi niya.
"Manyak! Pervert!" ang inis kong sigaw.
Malakas kong binawi ang braso ko sa kanya, at nagtagumpay naman ako. Agad akong tumakbo palayo sa kanya. Pero hindi pa man ako nakakalayo nahigit na niya ulit ako. Ugh!
"Not so fast babe. This time I won't let you escape from me." ang bulong niya sa tenga ko.
Biglang nag-init ang tenga ko. Agh! Ang bango ng hininga niya. Bakit ba ang bango niya?! Kainis!
"Ano ba?! malalate na ako sabi sa klase ko eh!" ang naiirita kong piglas sa hawak niya.
"Don't worry babe akong bahala sayo." ang suwabe niyang sagot habang hinihila ako.
Mariin lamang akong napapikit at humingang malalim.
Labag man sa loob ko, nagpatangay na lang ako sa kanya. Wala rin naman akong laban sa lakas niya. Malakas ako pero iba 'yung lakas niya eh! Kainis.
"Saan ba tayo pupunta?" ang walang gana kong tanong habang hinihila niya pa rin ako.
Bigla siyang napatigil at hinawakan ako sa magkabila kong braso. Nagtataka akong napatingin sa kanya.
"What happened babe? Bakit parang matamlay ka? Hindi ka pa ba kumain? May masakit ba sayo? Punta na ba tayo sa hospital?" ang natataranta niyang mga tanong sa akin. Kita pa sa mukha niya ang pag-aalala. Na-acting lang ba siya? Hindi ko talaga siya mabasa! Ewan ko kung totoo o peke ang mga kinikilos niya. Ang alam ko lang baliw siya.
Napamaang ako sa kinilos niya. Kanina galit, manyak tapos ngayon ang OA naman! Ano ba talaga?!
"Alam mo? Ewan ko sayo! napak-OA mo."
"Fuck! I'm just worried babe! Tell me what's wrong?" ang tanong niya ulit.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. For the first time I look at him softly, siguro dahil na rin sa pagod. Nakita ko ang bahagya niyang pagkagulat sa expresyon ko ngayon.
Dahan dahan kong inangat ang kanang kamay ko at hinaplos ang mukha niya. Maliban sa magaspang niyang balbas makinis na ang ibang parte at malambot.
Teka bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ang lakas ng epekto ng lalaking ito. Nakakhiya mang aminin pero naattract ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin 'nun magiging marupok na ako.
"Pwede kumalma ka? Pagod lang ako kasi laging ganito ang ginagawa mo." ang mahinahon kong saad sa kanya.
Nakita ko na para siyang nahipnotismo at nakatingin lang sa aking mga mata. Napakunot ang nuo ko. Ano na naman nangyare sa kanya? Bigla na lang natulala.
I snap my finger in front of his eyes para gisingin siya sa pagkatulala. Bahagya siyang nagulat at mabilis na nag bukas sarado ang mata niya.
"Ano nangyare sayo? Bakit ka natulala." ang nagtataka kong tanong sa kanya.
"You're so beautiful." ang parang wala sa sarili niyang sagot.
Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Nagulat ako kasi hindi ko inaasahan ang sagot niya. Ramdam ko ang unti-unting pag-iinit ng mukha ko. Agad kong pinilig ang mukha ko dahil ayaw kong makita niya ang pamumula ko. Nakakahiya!
"Fuck! Babe? Did you just blush?" ang namamangha at hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.
Pilit kong tinatakpan ang mukha ko pero mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pilit inaalis iyon sa mukha ko.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" ang naiinis kong saway sa kanya.
"No! not until you let this fucking arm down para makita ko ang mukha mo." ang madiin niyang utos pero alam kong nakangisi siya.
Hinila ko ang braso ko at binabasa iyon. Naiirita akong humarap sa kanya.
"Oh ayan na! Happy?" ang sarkastiko kong saad sa kanya.
"Why are you blushing huh? Babe?" he amusingly ask me.
"B-bakit ba ang init eh!" ang nauutal kong dahilan.
"Uh-uh babe you're lying. I know it's not because of that. Kinilig ka noh?" ang mapang-asar niyang akusa sa akin sabay taas baba ng kilay niya.
"Sabing hin-" pilit ko pa sanag dedepensahan ang sarili ko ng makarinig kami ng sigaw sa likod ko na nakapag-patigil sa akin.
"Harley!"
Pagkatalikod ko 'dun ko nakita si Cortez na papunta sa akin.
"Kanina pa kita hinihintay sa waiting shed kaso ang tagal mo kaya hinanap na lang kita." ang nakangiti at nahihiya niyang saad sa akin.
Oo nga pala! may usapan pala kami. Bakit parang ang bilis ng oras? Uwian na pala.
"Ah s-sorry ah kasi itong lalaking ito eh." ang naiinis kong turo kay Sebastian.
Dahan-dahan niyang sinundan ang tinuro ko. Nakita ko ang bahagyang pagkagulat niya na unti-unting napalitan ng takot.
Sinundan ko ang tingin niya. At 'dun nakita ko kung gaano kadilim ang mukha at aura ni Sebastian. Eto na naman siya sa nakakatakot niyang side. It never fails to scare me every time na magiging madilim ang ekspresyon ng mukha niya.
"So may kikitain ka palang LALAKI huh? BABE?" ang mariin niyang saad sabay diin sa salitang 'lalaki' at 'babe".
Napalunok ako ng wala sa oras at nanginig. Natakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin kay Cortez.
He's looking at me darkly and seriously! Mapapamura ka na lang talaga sa takot.
Paano kung totohanin niya yung banta niya sakin na sa Hospital ang bagsak ng mga lalaking lalapit sa akin?
I'm in trouble and danger...
A/N :
Itlogloglog I'm dedicating this chapter for you. And thank you rin for saying na maganda ang story ko. It gives me so much motivation. I appreciate it. Thanks a lot labyahh💖
Enjoy Reading Everyone!😘💖
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro