PHANTOM 5
Yuhan
"Alam mo ikaw lang talaga ang nakita kong masaya kahit may mangyaring di maganda" sabi ni kaizer at naglalakad na kaming dalawa papasok ng fredstone.
tiningnan ko naman siya.
"Huh? di naman ah" sagot ko.
Napangiti nalang ako dahil di ko parin makalimutan kong ano yung nangyare kagabi kasi naman! Nalaman ko na ang pangalan ng crush ko!
"Omg! nakita niyo ba yon?"
"Oo nakakatakot talaga!"
"I think kagagawan nanaman to ng multo dito sa school"
"Nakakatakot talaga shit!"
Nagkatinginan kami ni kai ng marinig namin ang usap-usapan ng mga studiyante na nag uusap sa may hallway.
"Ano kayang meron?" tanong ko, nagkibit balikat lang si kai at patuloy lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa building niya ngunit sobrang daming studiyanteng nag kakagulo at bakit may pulis at SOCO?
"Tara tignan natin!" hinila ako ni kai papalapit sa nagkakagulo at nakisiksik kami ng bongga para makarating sa unahan at napatigil ako nang makita ko kong ano ang pinag kakaguluhan nila.
"Omg! kawawa naman siya"
"Bro tangina ang ganda sana niya"
Napanga-nga ako sa nakita ko, may babaeng naka handusay sa sahig at duguan ang ulo nito mukhang tumalon ito mula sa rooftop ng building.
"Shit! Masusuka yata ako" sambit ko kaya't kaagad akong umalis sa kinakatayuan ko at ng makalabas ako sa mga nagkukumpulan ay nakita ko siya na nakatayo sa kalayuan.
Kinilig naman ako.
"Dustin." Bulong ko.
"Yuhan!"
"Ay punyeta!" binalingan ko si kai at tinapunan nang masamang tingin.
"Pwede ba wag ka ngang mang gulat diyan" inis kong sambit at binalingan ang pwesto ni dustin ngunit wala na siya.
"Sorry naman! nawala ka kasi bigla sa tabi ko atsaka sabi pala nila cancel daw ang pasok ngayong araw" masiglang sambit niya pero di ko siya tinitignan dahil hinahanap ko si dustin.
ang weird naman nun.
"Tara na gala nalang muna tayo hahaha!" sumunod nalang ako kay kai na naglakad lakad sabagay di pa naman namin nalibot tong campus after naming maglibot-libot ay nakaabot kami sa garden ng school.
Taray! akalain mo yon?
"Dun tayo dalii!!" Sambit niya ng may makita kaming bench sa may gilid ng puno, ang weird lang kasi ang medyo may kalakihan yong puno at may malalaking sanga sabay kaming umupo.
"Akalain mo yon may ganitong lugar pala dito!" sambit niya, may kalakihan kasi yong garden at sa pinaka gitna ay may nakalagay na fountain tapos may mga rose at Sun flower pa.
"Alam mo nakakatakot talaga yong nangyare kanina." sabi niya tinutukoy niya yata yong kanina.
"Why?" tanong ko.
"Kasi diba anong reason bakit nangyare sakanya yon? Depressed ba siya or what kaya siya tumalon dun? or baka dahil sa multo na nandito sa school?" nagkatinginan kami.
"Omg!"
"Ano ba yan ang scary ah—" di na niya natapos ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya.
napataas ang kilay ko ng ngumiti siya ng makita niya kong sino ang caller.
taray! mukhang alam na.
"Ay ganun ba? sige papunta na ako heheh!" napairap nalang ako, kinuha ko sa backpack ko ang libro ko na biology dahil mukhang maiiwan ako.
"Yuhan aalis muna ako kasi—" binaba ko ang libro at tiningnan siya.
"Sige lang" at nginitian ko siya kaya natawa naman siya at excited na tumayo.
I know him at kapag may ganyan siyang kausap ibig sabihin ay may kalandian nanaman siya.
Ilang beses nang nangyare sakanya yan pero di nag wowork.
Minsan medyo naiinggit ako sa lalaking yon eh kasi siya ang bilis lang niya makahanap ng mga ganyan samantalang ako?
"EDI AKO NA ANG DI JOWABLE! HMP!" napatakip ako ng bibig dahil bigla nalang akong napasigaw.
baliw amp! napailing nalang ako buti walang tao—
"Ingay" nanlaki ang mga mata ko ng may magsalita.
mukhang may tao, tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman ah?
"Hello?" sambit ko, biglang gumalaw yong nga halaman sa harapan ko at iniluwa ang ang isang lalaki.
"Dustin!" singhal ko, tuluyan na siyang tumayo, teka anong ginagawa niya dun? mukha siyang bagong gising dahil gulo-gulo ang buhok niya.
pero gurl ang gwapo niya!!
tinignan niya ako ng masama at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko.
Nakasimangot lang siya habang nakatingin sa malayo.
"You ruin my sleep." cold niyang sambit kaya kinabahan naman ako at nilingon siya.
"Sorry! Hala hindi ko alam atsaka pwede naman akong umalis kong gusto mo" nahihiya kong sambit.
jusko lord nakakahiya ah.
"Nah tuloy mo lang yang ginagawa mo." sagot niya at sumandal siya sa sandalan nang upuan at pumikit habang naka crossarams.
Omg? is this real?! Ang riush ko natutulog sa tabi ko! At ang gwapo talaga niya! napalunok ako at kinuha ang libro ko at nagbasa kunware at sinilip ko ulit siya
Tulog parin siya
Bakit ganun? bakit parang ang gwapo naman yata ng nilalang na to? siguro madaming nagkakagusto sakanya dito,
look at him at medyo curly yong buhok niya na may highlights na brown tapos ang haba pa ng pilik mata niya tas ang ganda pa ng shape ng lips niya.
owimjiii!
"Loving the view?" bigla akong napatigil sa pagtitig sakanya panyeta! nakakahiya!
"Huh?" sagot ko at binalik ang atensyon ko sa libro, nakakahiya ka talaga yuhan!
naramdaman ko ang pag galaw niya kaya't tiningnan ko siya at parang tumigil ang mundo ko ng mapansin kong nakatingin na siya saakin at sobrang lapit pa ng mukha niya. napalunok ako ng paulit-ulit.
jusko!
"So memorize mo na ba yang binabasa mo? or yong facial features ko?" sambit niya.
"W-wow k-kapal ah!" inirapan ko siya, natawa naman siya at umayos ng upo, jusko kinabahan ako dun ah! di pa ako ready kong hahalikan niya ako duh! syempre kong hahalikan niya ako dapat maging kami muna no!
joke! assumerang bakla amp!
nakatingin lang siya sa malayo at parang ang lalim ng iniisip.
"Why biology?" at bumaling siya saakin, medyo na shock ako dun ah di ko ineexpect.
I smiled
"Yon kasi ang napili kong premed kasi gusto kong maging doctor" proud kong sagot at tumango-tango naman siya.
"Matagal pa ang tatahakin mo para maging doctor"
"Well matagal nga talaga pero yon kasi ang dream ko." sagot ko.
"Good, study harder kid" pucha! kinilig ako dun! kaso kid? tinawag akong kid amp! pero okay lang naku! lalandi na ako.
"Hmm.. ikaw ano palang course mo?" tanong ko at hoping na sasagot siya.
"Business Management" tipid niyang sagot. napatango lang din ako, ano pa? gosh! ano nang itatanong ko? di ako marunong lumandi be!
Tumitig siya saakin at bigla siyang tumayo,
"Teka san ka pupunta?" tanong ko, bumaling siya saakin.
"I'm going home and since you're here at my spot please dont leave it messy" sambit niya.
"O-okay" sagot di na siya lumingon at naglakad na.
"Wait! dustin" sambit ko, napalunok ako ng lumingon siya saakin.
"C-can i still come back here?"
Kasi gusto ko pa siyang makita ulit
"Okay" napangiti naman ako dahil sa saya.
"Okay! babalik ako dito bukas! bye dustin! ingat ka!" masaya kong banggit at nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ang saya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro